Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

GUAGUA NATIONAL COLLEGES, INC.

Guagua, Pampanga
COLLEGE OF ARTS AND SCIENCES AND EDUCATION
Academic Year: 2023 – 2024

MALA – MASUSING BANGHAY ARALIN


SA FILIPINO 9

Inihanda ni:

G. Carl Joshua M. Cayanan


Nagsasanay na Guro

Pinagtibay:

Patricia Anne L. Gaza, LPT


Taga-gabay na Guro
MALA – MASUSING BANGHAY ARALIN
SA FILIPINO 9

I. MGA LAYUNIN
Sa wakas ng talakayan, ang mag-aaral ay inaasahang:
a. nabibigyang kahulugan ang matatalinhagang pahayag;
b. nakikilala ang mga tauhan batay sa napakinggang pahayag; at
c. nakabubuo ng pagsusuri at naiuugnay ang mga pangyayari sa
kasalukuyan sa nilalaman ng akdang tinalakay.

II. PAKSANG ARALIN


Paksa: Isang Pagtitipon Kabanata 1 (Noli Me Tangere) ni Jose P. Rizal
Sanggunian:
a. Aklat-ani Noli Me Tangere (Espinoza, Guzman, at Laxamana)

III. KAGAMITAN
Laptop, PowerPoint presentation, and IMs

IV. PAMAMARAAN

A. PANIMULA
1. Pagbati
2. Panalangin
3. Pagatatala ng lumiban sa klase

B. PAGGANYAK
Magbibigay ng mahahalagang okasyon ang karaniwang pinaghahandaan ng
mga pamilya.

MGA MAHAHALAGANG OKASYON


C. PAGLALAHAD NG PAKSA

 Ilalahad ng guro ang paksang tatalakayin na pinamagatang “Isang


Pagtitipon Kabanata 1” ni Jose P. Rizal.

D. Paghawan ng Sagabal
Magpapakita ang guro ng hindi pamilyar na salita at may pagpipilian sa baba
kung ano ang kahulugan ng salita.

Ang mga salita:


1. Bulwagan – Hall
2. Alkalde – Mayor
3. Erehe – Taong ayaw maniwala sa mga aral ng pananampalatayang
katoliko.
4. Kubyertos – Mga kagamitan sa pagkain
5. Kura – Pari

E. PAGTATALAKAY SA PAKSA

 May ipapanood na video clip patungkol sa unang kabanata ng Noli Me


Tangere.

F. GABAY KATANUNGAN

1. Kaninong bahay naganap ang pagtitipon?


2. Bakit hindi nasiyahan si Padre Damaso sa bayan ng San Diego?
3. Sino ang mga paring dumalo sa pagtitipon?

G. TALAKAYANG ESTETIK

1. Anong katangian ang mayroon kay Kapitan Tiyago?


2. Anong pangyayari ang masasalamin parin hanggang sa kasalukuyan?

H. PAGPAPAHALAGA
Ano ang iyong opinyon sa kawikaan na “Maging mapanuri sa mga taong
nakakasalamuha.”

I. GAWAING PAGAPAPAYAMAN
Ano ang iyong saloobin sa “Sa isang banda, ang totoong may pinag
aralan ay hindi lamang puro akademiko ang dala maging ang
kabutihang asal.”

1) Paglalahat
“Lahat ng tao ay mayroong hindi kanais-nais na pag-uugali.”

2) Pagtataya

I. Panuto: Sagutan ang mga sumusunod at isulat sa patlang ang


tamang sagot.

______________ 1. Saan ginanap ang pagtitipon sa unang kabanata?


______________ 2. Para kanino ang handaang hinanda ni Kapitan
Tiyago?
______________ 3. Sino ang dalawang pareng dumalo sa handaan?
______________ 4. Sino ang pareng kinamumuhian ang mga indio?
______________ 5. Sinong tinyente ng guardia civil ang dumalo sa
handaan?

3) Takdang Aralin
Basahin ang Ikalawang Kabanata ng Noli Me Tangere. At gumawa ng
buod nito.

You might also like