Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ASBURY COLLEGE, INC.

Luna St., Anda, Pangasinan


Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro
Batsilyer ng Sekondaryang Edukasyon
Medyor sa Filipino
A.Y. 2023-2024

BANGHAY SA PAKITANG-TURO

Paaralan Asbury College Inc. Baitang at Pangkat Baitang 7


Guro Joana Marie Cervera Asignatura Filipino 7
Ikaapat na Markahan Ikalawang
Petsa at Oras April 2024 7:40-8:40 Markahan at Linggo
Lingguhan

LUNES
Tiyakin ang pagtatamo ng layunin sa bawat linggo na nakaangkla sa Gabay sa Kurikulum. Sundin ang pamamaraan upang
matamo ang layunin, maari ring nagdagdag ng iba pang Gawain sa paglinang ng Pamantayang Pangkaalaman at Kasanayan.
I. LAYUNIN Tinataya ito gamit ang mga istratihiya ng Formative Assessment. Ganap na mahuhubog ang mga mag-aaral at
mararamdaman ang kahalagahan ng bawat aralin dahil ang mga layunin sa bawat linggo ay mula sa Gabay sa Kurikulum at
huhubugin and bawat kasanayan at nilalaman.
A. Pamantayang Naipapamalas ng mga mag –aaral ang pag unawa sa Ibong Adarna bilang isang obra maestro sa
Pangnilalaman Panitikang FILIPINO
B. Pamantayan sa
Pagganap Naisasagawa ng mag aaral ang malikhaing pagtatanghal ng ilang saknong ng kuridong
naglalarawan ng mga pagpapahalagang Pilipino
C. Mga Kasanayan sa Nagmumungkahi ng mga angkop na solusyon sa mga suliraing narinig mula sa akda.
Pagkatuto F7PN-IV-d-19
Isulat ang code ng bawat
kasanayan
II. NILALAMAN Ang nilalaman ay ang mga aralin sa bawat linggo. Ito ang paksang nilalayong ituro ng guro na mula sa Gabay sa Kurikulum.
Maari ito tumagal ng isa hanggang dalawang linggo.
Ang Dalangin Ng Bunsong Anak Sa Gitna Ng Kahirapan

III. KAGAMITANG PANTURO Itala ang mga Kagamitang Panturo na gagamitin sa bawat araw. Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang higit na mapukaw
ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Pahina 7 ng Modyul 3
Gabay ng Guro
2. Mga pahina sa
Kagamitang Pang-
Mag-aaral
3. Mga pahina sa
Teksbuk
4. Karagdagang Region VII Schools Division of Negros Oriental Modyul 3
Kagamitan mula
sa Portal ng
Learning
Resource
B. Iba pang
Kagamitang Panturo
IV. PAMAMARAAN Gawin ang pamamaraang ito ng buong linggo at tiyakin na may gawain sa bawat araw. Para sa holistikong pagkahubog,
gabayan ang mga mag-aaral ang mga istratehiya ng formative assessment. Magbigay ng maraming pagkakataon sa
pagtuklas ng bagong kaalaman, mag-isip ng analitikal at kusang magtaya ng dating kaalaman na inuugnay sa kanilang pang-
araw-araw na karanasan.
GAWAING PANGGURO GAWAING PANGMAG-AARAL
A. Balik-Aral sa nakaraang
aralin at/o pagsisimula Ating balikan ang nakaraang aralin patungkol sa
ng bagong aralin “Planong Patayin si Don Juan” sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga sumusunod na katanungan:
Mga Posibleng Sagot:
1.Sino ang nagplanong patayin si Don Juan? 1.Si Don Pedro ang nagplanong patayin
si Don Juan.

2.Dahil sa hiya at inggit na kanyang


naramdaman dahil sa hindi niya
2.Bakit niya naisip ang ganoong plano? napagtagumpayang mahuli ang Adarna.

3.Hindi dahil masama ang gumawa ng di


maganda sa kapwa.
3.Kung ikaw,gagawin mo rin ba ito sa iyong kapwa?

B. Paghahabi sa layunin Tuklasin / Gawain 1


ng aralin Panuto: Unawain nang mabuti ang mga katanungan (Pagbabahagi ng mga mag-aaral ng
sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. kanilang ginawang Gawain)
May pagkakataon bang nakaranas ng pagsubok o
problema ang inyong pamilya? Paano ninyo ito
sinulusyonan?
C. Pag-uugnay ng mga Lahat tayo ay nakakaranas ng mga pagsubok sa
halimbawa sa bagong buhay. Ngunit kahit magkaganoon mayroon tayong
aralin pamilya na malalapitan at makakapitan. Ganoon din,
ang ating Panginoon ay laging nandiyan para tayo ay
gabayan. Ang tangi lamang natin gawin ay lapitan siya
sa pamamagitan ng panalangin tulad ng ginawa ni
Don Juan noong panahon na nakaranas siya ng
pagsubok.

At ito nga ang ating susunod na aralin sa araw na it.


Ito ay tungkol sa “Dalangin ni Don Juan”.
Opo ma’am. Handa na po kami.
Handa na ba kayo?

D. Pagtalakay ng bagong Ating basahin ang isang buod ng saknong 275-317 sa


konsepto at paglalahad pahina 7 ng ating modyul. Pagkatapos, sagutan ang
ng bagong kasanayan mga sumusunod na katanungan:
#1 Mga Posibleng Sagot:
1. Ano ang kalagayan ni Don Juan nang iwan 1. Siya ay labis na naghirap,
siya ng mga kapatid sa gitna ng malawak na hinang-hina, magang-maga ang
kaparangan? kaniyang buong katawan at
may bali ang kaniyang tadyang.

2. Sino ang kaniyang tanging pag-asa sa gitna 2. Ang kaniyang tanging pag-asa
ng kaniyang kalagayan? ay ang ating Panginoon.

3. Mapapatawad kaya ni Don Juan ang 3. Sa tingin ko mapapatawad niya


kaniyang mga kapatid? ang kaniyang mga kapatid dahil
sa akin niyang kabutihan.

E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan
#2
F. Paglinang ng Pagyamanin / Gawain 2 Mga Posibleng Sagot:
Kabihasaan Panuto: Kumuha ng mga suliraning nangyari sa Maihahalintulad sa totoong buhay ang
(Tungo sa Formative binasang akda na maihahalintulad mo sa tunay na pagkainggit ni Don Pedro kay Don
Assessment) buhay. Juan,ang suliraning ito ay kadalasang
nangyayari sa mga magkakapatid sa
totoong buhay.

G. Paglalapat ng aralin sa Panuto: Magbahagi ng mga paraan upang makaiwas Mga Posibleng Sagot:
pang-araw-araw na sa mga taong taksil at hindi mapagkakatiwalaan. Kilalaning mabuti ang mga taong
buhay makakasalamuha.

H. Paglalahat ng Aralin Isaisip


Nararapat na huwag tayong sumuko sa mga
pagsubok sa buhay. Manampalataya tayo sa
Panginoon sapagkat walang imposible sa Kaniya.
Huwag nating tularan ang mga pusong puno ng inggit
sa kapwa dahil wala itong maidudulot na mabuti. Tayo
ay tumulong nang bukal sa puso.

I. Pagtataya ng Aralin Tayahin Mga sagot:


1. Alin sa mga sumusunod ang katangiang 1. C
ipinakita ni Don Pedro sa akda? 2. D
a. Matulungin 3. C
b. Mapagpasensya 4. D
c. Mainggitin 5. D
d. Matalino

2. Bilang isang kapatid, alin sa mga sumusunod


na katangian ang dapat mong tularan?
a. Mainggitin
b. Magastos
c. Magagalitin
d. Mapagmahal

3. Paano nakaligtas si Don Juan sa bingit ng


kamatayan?
a. Niyakap siya ng kaniyang mga kapatid.
b. Nanalangin siya sa Diyos na iligtas
c. Tinulungan siya ng isang matandang
ermitanyo
d. Pinainom siya ng gamot ng kanyang ama.
4. Ano ang nagpatibay ng loob ni Don Juan sa
kabila ng kaniyang paghihirap
a. Pagmamahal sa magulang
b. Pananalig sa Diyos
c. Pagmamahal sa kaaway
d. A at B

5. Paano maiiwasan ang pagkakaroon ng inggit


sa ating mga puso?
a. Dapat na maging kontento tayo sa kung
anong mayroon tayo.
b. Gawing inspirasyon ang mga bagay na
natatamo ng ating kapwa upang mapaunlad
ang sarili.
c. Iwasan ang pagkokompara sa sarili sa iba,
d. Lahat ay tama.

J. Karagdagang Gawain Para mas maunawaan ang ating aralin sa araw na ito,
para sa takdang-aralin panoorin ang sumusunod na bidyo.
at remediation
https://youtu.be/zjsL3mfoC4U?si=fg_KxuybABnVFYxS

V. MGA TALA

Magnilay sa iyong mga istratehiyang pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa bawat linggo. Paano mo ito
VI. PAGNINILAY maisasakatuparan? Ano pang tulong ang maari mong gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maaari mong
itanong/ilahad sa iyong superbisor sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang
remedial? Bilang ng mag-
aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral
na magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na solusyon sa
tulong ng aking
punongguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko
guro?
Inihanda:

JOANA MARIE C. CERVERA


II BSEd-Filipino

Iniwasto:

JONATHAN L. CAMBA, MEd


Maestro

Napag-alaman:

ANGELES D. OTIBAR, PhD


Dekana

You might also like