Periodical Exam Sa Pagbasa

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

SAN MARTIN NATIONAL HIGH SCHOOL

Ilang-Ilang St. Purok 6 San Martin – III Area C


San Martin III, City of San Jose Del Monte
SENIOR HIGH SCHOOL
Grade 11
IKATLONG MARKAHANG SUSULIT SA PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
(IKALAWANG SEMESTER)
SY 2023-2024
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat seleksyon, at tukuyin kung anong uri ng tayutay ang ginamit sa
bawat taludtod ng tula na nasa kahon
TAYUTAY: Para sa Bilang 1-5
A. Pagwawangis B. Pagmamalabis C. Pag-uyam D. Pagtutulad
1. Mukha ni Inday lahat napapalingon, Angking kagandahang tigyawat na lipon. Batik-batik na mga mala-marmol,
Kumikinang na mga rubing tuldok.
2. Galun-galong pighati’t lungkot, Suliraning kanya umiikot, Isang kutsarang luhang hakot, ng solusyong laging poot.
3. Mga ngiting namumutawi’t nangungusap, Sa landas na tinatahak anumang hirap, Mukhang salamin ng malagim na
trahedya, Sa kapalarang nagsusumamo ng hustisya.
4. Animo’y alapaap na kay sarap damhin
Ang pag-ibig na aking inaangkin, Singhalimuyak ng rosas sa hardin, Ang tamis ng pagmamahal na sumasalin.
5. Malagim na lihim, Mapagkalong damdamin, Kamay na bakal ang dumampi sa mukha ng katunggali.
KASANAYAN SA MAPANURING PAGBASA
Panuto: Tukuyin kung saan nabibilang ang kasanayan ng mapanuring pagbasa sa mga sitwasyon sa bilang 6-10.
A. Bago Magbasa B. Habang Nagbabasa C. Pagkatapos Magbasa D. Wala sa Nabanggit
6. Matalinong hinihinuha ng mga mag-aaral ang mga pahiwatig at tagong kahulugang matatagpuan sa wika at sa
pagitan ng teksto o linya sa tula.
7. Tinatawag ni David ang kanyang pagbabasa na pre-reading o sistematikong iskiming.
8. Ang pagkilala ni Mary Ann sa aktuwal na kahulugan ng mga salita at ang pagpapamalay sa kahulugan ang unang
konsentrasyon ng kanyang pagbabasa.
9. Si Danny ay may kailangang sagutan habang nagbabasa siya. Ito ay ang sumusunod: Tungkol saan ang aklat? Ano-
ano ang mga bahagi nito?, Anong uri ito ng babasahin?
10. Marami nang nabasang libro si Franco upang makapaghambing, makapagsuri, makapamuna at makapagpahalaga
siya, kaya naman kahit matrabaho ang pagbasa rito, marami naman siyang nakukuhang benepisyo.
MGA PARAAN NG PANGANGALAP NG DATOS
Panuto: Tukuyin kung sa anong paraan ng pangangalap ng datos ang isinasaad sa bawat bilang. 11-20
11. Tinatawag rin ito na hanguang elektroniko.
Ang web page Uniform Resource Locators (URLs) maaring pagkuhanan ng mga datos na magagamit sa isinasagawang
pananaliksik.
A. Pagsasagawa ng sarbey B. Focus group discussion C. Obserbasyon D. Internet Website
12. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, pangyayari, at mga
katangian na kaugnay ng paksa.
A. Pagsasagawa ng sarbey B. Focus group discussion C. Obserbasyon D. Internet Website
13. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagsubok ng isang bagay bago sumulat ng akda o anumang pag-aaral.
A. Pag-eeksperimento B. Panayam o Interbyu C. Pagsasagawa ng sarbey D. Focus group discussion
14. Pagpapasagot sa mga respondente ng talatanungan kung saan ang kanilang tugon ay makatutulong sa iyong pag-
aaral.
A. Pag-eeksperimento B. Panayam o Interbyu C. Pagsasagawa ng sarbey D. Focus group discussion
15. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng sadyang paglalagay sa iyong sarili sa isang karanasan o pakikisalamuha sa
isang grupo ng tao ng pagkukuhaan ng tiyak na kaalaman.
A. Imersyon B. Sinupan C. Pag-eeksperimento D. Panayam o Interbyu
16. Isang halimbawa rin ng pakikipanayam ngunit sa apat o higit pang kalahok na may magkakaparehong karanasan
na maaaring kapupulutan ng impormasyong tungkol sa iyong pananaliksik.
A. Pagsasagawa ng sarbey B. Focus group discussion C. Obserbasyon D. Internet Website
17. Ang pakikipanayam ay kadalasang ginagawa sa kapamilya, kamag-anak, o kaibigan. Maaaring sabihan ang
kapapanayamin sa araw mismo ng panayam. Kaswal ang usapan sa panayam na ito.
A. Pormal na panayam B. Panayam o Interbyu C. Pagsasagawa ng sarbey D. Di pormal na panayam
18. Pakikipag-usap sa isang eksperto tungkol sa paksang pinag-aaralan mo. Maaring pormal o di pormal na
panayam.
A. Panayam o Interbyu B. Pagsasagawa ng sarbey C. Focus group discussion D. Obserbasyon
19. Ang pakikipagpanayam ay pinaghahandaan ang mga tanong at itinatakda sa espesipikong lugar at panahon.
Mayroon itong pormal na abiso o imbitasyon.
A. Pormal na panayam B. Panayam o Interbyu C. Pagsasagawa ng sarbey D. Di pormal na panayam
20. Pagkuha sa aklat, journal, magasin, at pahayagan ng isang silid-aklatan o library o sa ibang termino ito’y
tinatawag na Archival Research.
A. Imersyon B. Sinupan C. Pag-eeksperimento D. Panayam o Interbyu
21. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng hanguang primarya.
A. Mga indibidwal o awtoridad, mga grupo o organisasyon, mga, kinagawiang kaugalian at orihinal na pampublikong
kasulatan o dokumento.
B. Datos na nagmula sa tao o organisasyong hindi tuwirang pinanggalingan ng impormasyon.
C. Maaaring pinagpasahan lamang ito ng impormasyon, ngunit hindi direktang nakasaksi o nakaranas ng pinag-
aaralang pangyayari.
D. Datos na nagmula sa tuwirang impormasyon.
22. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng hanguang sekundarya?
A. Mga indibidwal o awtoridad, mga grupo o organisasyon, mga, kinagawiang kaugalian at orihinal na pampublikong
kasulatan o dokumento
B. Datos na nagmula sa tao o organisasyong hindi tuwirang pinanggalingan ng impormasyon.
C. Maaaring pinagpasahan lamang ito ng impormasyon, ngunit hindi direktang nakasaksi o nakaranas ng pinag-
aaralang pangyayari.
D. Datos na nagmula sa tuwirang impormasyon.
23. Matapos ang SONA ni Pang.Duterte hinarap niya ang mga raliyesta at
ipinahayag niya ang kanyang saloobin para mapaniwala niya na mali ang kanilang hinala. Anong uri ng teksto ang
iyong isusulat na maglalatag ng mga ebedinsya hinggil sa paratang?
A. Tekstong Deskriptibo B. Tekstong Persuweyseb C. Tekstong Impormatibo D. Tekstong Argumentatib
24. Bakit kailangan matutunan ang tamang hakbang sa pagsulat ng iba’t
ibang uri ng teksto?
A. Para matukoy ang kaibahan ng bawat uri ng teksto.
B. Para mapadali ang pagsulat ng iba’t ibang uri ng teksto.
C. Para tama at angkop ang mailalapat na mga salita, pahayag bilang pagkalilanlan sa teksto.
D. Lahat ng nabanggit
25. Ano ito na isa sa napakahalagang kasanayang dapat malinang sa pagsulat ng tekstong impormatibo?
A. Kakayahang magtanong at magsuri.
B. Kakayahang kumalap ng mga impormasyon.
C.Kakayahang sumuri at maglahad ng mga impormasyon.
D. Kakayahang kumalap, sumuri at maglahad ng mga impormasyon.
26. Sa pagsulat ng testing argumentatibo, bakit kailangan sumulat ng draft?
A. para madaling matapos
B. para matukoy ang mga mali sa pahayag
C. para madaling maisumite agad ito dahil nakasulat na ang draft
D. para masuri kung may kailangan idagdag o ibawas na mga pahayag para maging obhetibo.
Para sa bilang 27-30
Alam mo,noong nasa restawran habang kumakain,pinagmasdan ko siyang mabuti.Lalo siyang gumaganda habang
tinititigan.Pino ang kanyang kilos,kitang-kita sa kanya.Nag-iba ang ekspresyon ng kanyang mukha.Parang nahihirapan
ngunit pilit pa rin siyang ngumingiti na parang may itinatagong kung ano at pasulyap-sulyap sa kanyang
inumin.Nahalata ko na lamang na Nahigian siyang lumunok dahil nabulunan.Nilapitan ko siya at binatukan,sabay
abot sa softdrinks at
winakaan kong “MAGPAKATOTOO KA, SISTER”
27. Anong uri ng teksto ang ginamit sa pahayag.?
A. Argumentatibo B. Ekspositori C. Deskriptibo D. Naratib
28. Anong emosyon ng pangunahing tauhan sa pagsisimula ng seleksyon?
A. Pag-ibig B. Pagkainis C. Pagkabighani D. Pagpapakatotoo
29. Sa pagtatapos ng seleksyon,ano ang napagtanto ng pangunahing tauhan tungkol sa babaeng kanyang
pinapanood?
A. Mayaman ang babae B. Totoo sa sarili ang babae C. Mahinhin ang babae D. Matakaw ang babae
30. Ano ang kahulugan ng URL
A. United Resource Locator C. Universal Resource Locator
B. Uniform Resource Locator D. Unified Resource Locator
31. Alin sa mga sumusunodang nagbibigay ng pinakamalapit na pagpapakahulugan sa Tekstong Deskriptibo?
A. Pangatwirang hahantong sa isang lohikal na konklusyon.
B. Maaaring obhetibo o subhetibo at maaari ring gamitan ng iba’t ibang tono at paraan.
C. Nagbabaahagi ng kaalaman
D. Wala sa nabanggit
32. Sino ang nagbigay ng sumusunod na pagpapakahulugan sa pagbasa: Huwag kang magbasa na parang bata na ang
layunin lamang ay libangin ang sarili?
A. Wixson et al. B. Gustave Flaubert C. Anderson et al. D. Matilda
33. Alin sa mga sumusunod ang hindi maaaring maging uri ng tekstong impormatibo?
A. Paglahad ng totoong pangyayari B. Pag-uulat C. Paglalarawan D. Pagpapaliwanag
34. May isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha sa mga mambabasa. Anong teksto ang may
layuning ito?
A. Persweysib B. Impormatibo C. Deskiptibo D. Naratibo
35. Anong teksto ang kailangang may kredibilidad upang maging kapani-paniwala sa nais hikayatin?
A. Deskriptibo B. Persweysib C. Impormatibo D. Naratibo
36. Ito ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon at iba pa.
A. Deskriptibo B. Persweysib C. Impormatibo D. Naratibo
37. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa proseso ng pagbasa ayon kina Wixson et al.?
A. Interaksyon ng imbak na kahulugan B. Pagsuri ng panandang diskurso
C. Impormasyong ibinigay ng tekstong binasa D. Konteksto ng kalagayan sa pagbabasa
38. Gusto kong makuha lamang ang buod ng teksto, ano ang tawag sa kakayahang nais kong makamit?
A. Intensibo B. Skimming C. Ekstensibo D. Scanning
PAGSUSURI NG TEKSTO:
Panuto: Suriin kung ang mga salitang sumusunod ay nabibilang o maiuugnay sa tekstong:
A. Impormatibo B. Deskriptibo C. Persweysib D. Prosidyural
39. Para sa iyong kaalaman 40. Ano ang nangyari? 41. Paano kita mahihikayat?
42. Masining na pahayag 43. Paano ito maisasagawa? 44. Makulay na paglarawan 45. Ang marikit na dilag
ANTAS NG PAGBASA:
A. Primarya B. Mapagsiyasat C. Analitikal D. Sintopikal
46.Pagtukoy ng tiyak na datos at ispesipikasyon (petsa, lugar, o mga tauhan)
46.Paghahanda sa mas malaliman na pang pag-unawa at pananaliksik.
47.Nauunawaan ang kabuuang teksto at nakapagbibigay ng hinuha dito
48.Ginagamit ang mapanuri o kritikal na pag-iisip upang malalimang maunawaan ang teksto
48.Ang pinagmulan nitong salita ay nangangahulugang “koleksyon ng mga paksa”
49.Nauunawaan lamang ang hiwa-hiwalay na impormasyon sa literal na antas at hindi ang kabuuang interpretasyon
nito
50.Paghahambing ng mga teksto at akda na kadalasang magkakaugnay.

Inihanda ni: Gng. Princess Marie V. Del Monte

KAYA MO IYAN! GALINGAN MO=)

You might also like