Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang aking pagbati ng tagumpay sa lahat ng mga kabataang

matiwasay na nakapagtapos sa unang antas ng programang K-12 ng


Kagawaran ng Edukasyon.

Ako ay nasisiyahan sa inyong pagtatapos. Ito ang bunga ng inyong


pagpupunyagi sa loob ng anim na taong pakikibaka sa Paaralang Sentral
ng Keytodac. Sa kabila ng mga hamon na inyong kinakaharap, kayo ay
patuloy na naniniwala na ang Edukasyon ang magiging susi ng pagkamit ng
inyong pangarap.

Habang tinatahak ang panibagong bahagi ng inyong buhay, laging


isaisip ang mataas na antas ng edukasyon, ang mga magagandang asal at
iba pang natutunan sa ating paaralan. Ang lahat ng mga karanasan na
inyong natutunan ,baunin ninyo ito bilang isang inspirasyon upang lalo
pang magpunyagi at magiging matibay sa darating pang hamon sa buhay.

Ang ating tema sa taong ito ay, Mag-aral ng K-12: Handa sa Hamon
ng Buhay. Ito ay isang paalaala sa inyong lahat na Edukasyon lamang ang
matibay na sandigan upang mapagtagumpayan ang lahat ng hamon ng
buhay.

Patuloy sa pag-abot ng inyong mga pangarap para sa inyong sarili,


pamilya at kaibigan. Laging ilagay sa inyong puso at isipan na una ang
Diyos sa lahat.

Congratulation Graduates Batch 2018-2019.

To God be the Glory!

You might also like