Professional Documents
Culture Documents
Pagsusuri Sa Nobelang Lalaki Sa Dilim
Pagsusuri Sa Nobelang Lalaki Sa Dilim
Pagsusuri Sa Nobelang Lalaki Sa Dilim
I. Pagkilala sa May-akda
BENJAMIN P. PASCUAL
Ang libro ay tungkol sa isang lalaking nanggahasa ng isang babang hindi niya alam na isa
palang bulag. Ipinapakita sa kwento kung paano nakabangon ang babae matapos ang masalimuot
na pangyayari sa kanyang buhay. Ang sumusunod ay ang tema/paksa na nabanggit mismo sa
libro: "Maselang usapin ang gahasa saanmang lipunan, at ipinamalas ni Benjamin P. Pascual
kung gaano kabigat ang gayon sa buhay ng isang babaeng bulag at maralita. May buhay pa ba sa
kabila ng pagpasok nq karahasan sa katawan at kaluluwa? At ano naman kaya ang hinaharap ng
nanggahasa? Sa pambihirang bisa ng panulat ng awtor ay itinampok sa nobela ang samot-saring
pagtanaw sa gahasa: ang salapi, ang dangal, ang pighati, ang ugnayan, ang pag-asa, at ang iba
pang tunggalian o kaisahan."
V. Mga Tauhan/Karakter sa Akda
Rafael Cuevas - ang lalaki sa dilim na gumahasa kay Ligaya. Isang mayaman na mahilig sa
babae at doktor sa mata na anak ni Don Benito. Kalaunan ay nagbago upang itama ang kanyang
mga nagawang mali.
Don Benito - ang masayahing ama ni Rafael. Kalaunan ay nawala ang kasiyahan dahil sa pag-
iisip sa mga problema ng anak.
Ligaya - ang bulag na nagahasa ni Rafael. Isang menor de edad na tumigil sa pag-aaral nang
dahil sa kapansanan. May magandang prinsipyo sa buhay dahil hindi niya ipinalaglag ang bata
atnakatayo siya naranasang karahasan.
Aling Sela - ang ina ni Ligaya. Handang magsakripisyo para sa kinabukasan ng dalawang anak.
Seto - nakababatang kapatid ni Ligaya. iya ang umaalalay kay Ligaya kapag kailangang
pumunta sa kung saan.
Margarita - ang asawa ni Rafael at anak ni Mr. !arras"o. Isang opera singer na mahilig manlalaki.
Hindi niya alam ang realidad ng buhay dahil sa impluwensiyang kanluranin.
Nick Cuerpo - kaibigan ni Rafael. #abulag sa pambababae kaya hindi niya nagagawa ang
kanyang responsibilidad sa asawa$t anak.
Marina Cuerpo - asawa ni #i"k. Mapagmahal sa mga anak dahil natitiis niya ang asawa para sa
ikabubuti ng kanyang mga anak.
VI. Buod
Isang gabi ay binigyan ng kanyang mga kaibigan ng isang stag party si Rafael.
Nagkagulo sa nayt klab at dahil dun ay dumating ang mga pulis kaya tumakas si Rafael( sakay
ng taksi ay nagtungo siya sa mga bangketa. Nakarating siya sa loob ng isang bahay na
yero( nakita niya angisang babaeng natutulog at bunga ng kalasingan ay nagawa niyang gahasain
ito. Hindi niya alamna ang babae ay bulag( at bigla siyang tumakbo papalayo para hindi na
makita ng mga tao doon.
Nalaman ni Rafael na may lover ang kanyang asawa na si Margarita at ito ay si Nick ang
kanyang kaibigan. Ilang araw ay nakauwi na si Ligaya at nanganak si Rafael ang naging ninong
ng bata. Halos araw-araw siyang pumupunta kila Ligaya para makita ang kanyang anak.
Napagtanto ni Margarita na pareho lang sila ni Rafael kaya pumunta siya kay Ligaya at nahuli
ang asawa na nandoon. Nagkaroon ng lamat and kanilang pagsasama na humantong sa
paghihiwalayan. Sinabi ni Rafael ang lahat sa ama dinamdam ito ni Don Benito at kalaunan ay
namatay. Nalungkot si Rafael naramdaman niya na mag-isa nalang siya kaya nagtungo siya sa
nayt klab at nagpakalasing.
Ilang araw ay nalaman niya na namatay si Margarita pati narin ang “lover” nito. Ang
pumatay sa kanila ay si Marina ang asawa ni Nick dahil nalaman nito na kinuha ni Nick ang
kanilang mga anak kaya nagawa niyang patayin ito. Napagisip-isip niya na pwede na siyang
gumawa ulit ng masayang pamilya. Inamin ni Rafael ang ginawa niya kay Ligaya at pinatawad
siya nito. Sinabi ni Rafael na pakakasalan niya si Ligaya dahil napa-ibig na siya dito.
Teoryang Klasisismo
Kahit ang nobela ay nag-umpisa sa masalimuot na pangyayari, sa bandang huli ay makikita ang
pangkaraniwang wakas. Ang bawat karakter ay nagkaayos, ang mga kontrabida ay naparusahan
at ang pangunahing tauhan na nagkakaibigan at nagkatuluyan.
Teoryang Marxismo
Ang nobelang Lalaki sa Dilim ay isang halimbawa ng isang akdang modernista na kung
saan ang tanging gusto ay magkaroon ng isang malaking pagbabago upang maging maginhawa
ang pamumuhay ng bawat isa. Nilikha ni Pascual ang isang karakter na naipit sa isang sukdulang
kasalanan at tanging nais ay malinis niya ang bahid ng sariling putik. Mahahalata mula sa
pagbabasa ang paulit-ulit na pagbanggit ng may-akda sa mga naganap na tagpo. Sadyang ginawa
at pinanatili ng awtor ang ganoong estilo upang ipakita na ang kwento ay isang tuluyang nobela
na batay sa istruktura ng isang magasin.
A. Bisa sa Isip
Gaano man katagal ang panahong ating itago ang katotohanan ay kusa itong lulutang.
Ang katotohanan, kahit masakit ay kailangang aminin. Ang tumatak sa aking isip ay ang pahayag
na "Ang konsensiya ang papatay sa'yo." Ang kasalanan, gaano man katagal na panahon ang
lumipas ay muli't muling babalik sayo at uusigin ka nito. Ang pagbabago ay hindi pa huli
hangga't bukal sa loob ang iyong pagsisisi. Hinding-hindi ka makatatakas sa multo ng
konsensiya sapagkat ito ay nakatatak na sa iyong isipan at kailanman ay di matatanggal kung di
mo pa rin inaamin ang iyong kasalanan.
B. Bisa sa Damdamin
Halo-halong emosyon ang aking naramdaman sa nobelang ito. May mga sitwasyon na
nakikita ko ang aking sarili hindi sa puntong pagtataksil kundi sa sitwasyon na kailangang
aminin ni Rafael ang totoo. Noong una ay nanggagaliti ako sa galit sapagkat walang awang
pinagsamantalahan ni Rafael si Ligaya ngunit sa pagtatapos ng nobela ay namangha ako sa
katapangang ipinakita ni Rafael sapagkat inamin niya ang kaniyang kasalanan at nangakong
pakakasalan si Ligaya. Nalungkot ako sa sinapit nina Margarita at Nick sapagkat hindi sila
nabigyang ng pagkakataong magbago at itama ang mga maling nagawa nila.
C. Bisa sa Kaasalan
Katulad ng mga napapanood ko sa ilang mga teleserye at pelikula, ang nobelang ito ay
may pagkakahawig sa mga ito. Ang pangyayari sa nobelang ito ay dinaranas ng maraming babae
sa mundo at matibay na naibigay ng may-akda ang aral sa nobelang ito. Matapos mabasa ang
nobelang ito, napagtanto ko ang kahalagahan ng katapatan at pagtupad sa mga responsibilidad.
Anuman ang gawin ng magulang, ang mga anak ang higit na magsasakripisyo dito. Huwag
nating hayaang mabulag tayo ng kasamaan, bagkus ay isiping lagi ang kapakanan ng iba bago
tayo kumagat sa mansanas ng kasalanan. Ang bawat pagkakamali ay maaari nating itama basta't
huwag nating kalimutang magsisi sa mga ito at huwag kalimutang ang Diyos ay nakatingin
lamang sa atin mula sa itaas.
Filipino 9
Pagsusuri sa Nobelang
“LALAKI SA DILIM”
ni
Benjamin P. Pascual
Ipinasa ni:
Princess Rehana M. Hadjiomar