Mga Dahilan, Paraan, at Epekto NG Kolonyalismo at Imperyalismo Sa Timog at Kanlurang Asya

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 54

Ito nag mula sa salitang

Latin na colonus na ang


ibig sabihin ay magsasaka.

— KOLONYALISMO
Ito ay nag mula sa salitang
Latin na imperium na ang
ibig sabihin ay command.

— IMPERYALISMO
Ito ay tumutukoy sa tuwirang
pananakop ng isang bayan sa iba pa
upang mapagsamantalahan ang yaman
nito o makuha rito ang iba pang
pangangailangan ng mangongolonya.

— KOLONYALISMO
Ito ay isang patakaran o paraan ng pamamahala
kung saan ang malalaki o makapangyarihang mga
bansa ay naghahangad upang palawakin ang
kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng
pagsakop o paglulunsad ng mga paglaban o kontrol
na pangkabuhayan at pampolitika sa ibang mga
bansa.

— IMPERYALISMO
IMPERYALISMO AT
KOLONYALISMO
IMPERYALISMO KOLONYALISMO
Mula sa salitang Latin na imperium na Mula sa salitang Latin na colonus na ang
ang ibig sabihin ay command. ibig sabihin ay magsasaka.
Paraan ng pamamahala kung saan ang Tuwirang pananakop ng isang bayan sa
malalaki o makapangyarihang mga bansa iba pa upang mapagsamantalahan ang
ay naghahangad upang palawakin ang yaman nito o makuha rito ang iba pang
kanilang kapangyarihan sa pamamagitan pangangailangan ng mangongolonya.
ng pagsakop o paglulunsad ng mga
paglaban o kontrol na pangkabuhayan at
pampolitika sa ibang mga bansa.
TIMOG ASYA
Ang Timog Asya ay ang
katimugang rehiyon ng
kontinenteng Asya na
binubuo ng mga bansa sa
timog ng Himalaya. Sa
kalaunan, ang Timog
Asya ay may walong
bansa.
Mga Bansa sa Timog Asya:
India Afganistan
Bhutan Sri Lanka
Maldives Bangladesh
Nepal Pakistan
KANLURANG ASYA
Ang Kanlurang Asya ay
ang rehiyong
pinagtatagpuan ng
hangganan ng tatlong
mahahalagang
kontinente sa daigdig—
ang Africa, Asya, at
Europa.
Mga Bansa sa Kanlurang Asya:
Turkey Yemen Jordan Lebanon
Israel Oman Palestine Armenia
Iraq Qatar Georgia
Kuwait Bahrain Azerbaijan
Saudi Arabia Syria Cyprus
UNANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT
KOLONYALISMO
Nagsimula sa tatlong
pangunahing motibo:

❖ God = pagpapalawak ng
relihiyon
❖ Gold = pagpaparami ng
ginto at pilak
❖ Glory = paghahangad ng
mga makapangyarihang
kadakilaan
DAHILAN
Ano kaya ang mga dahilan ng kolonyalismo at imperyalismo sa
Timog at Kanlurang Asya?
DAHILAN NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO
SA TIMOG AT KANLURANG ASYA

1. KRUSADA

Ito ay isang kilusan o


ekspedisyong military
ng mga Kristiyano sa
Europa upang mabawi
ang banal na lugar, ang
Jerusalem sa Israel
mula sa Seljuk Turk
DAHILAN NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO
SA TIMOG AT KANLURANG ASYA
Pagpunta ng mga Europeo sa Asya, natuklasan
nila ang agham, medisina, pagkain, mga pampalasa,
at mga produktong Asyano.

Ang mga pampalasa gaya ng paminta,


cinnamon, nutmeg, luya, at doves ay itinuturing ng
mga Europeo na kayamanan. Ang mga pampalasa ay
nakuha sa India, Sri Lanka, at Mollucas, na nakilala
bilang spice island.
DAHILAN NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO
SA TIMOG AT KANLURANG ASYA
2. PAGBAGSAK NG BYZANTINE

Nasakop ng mga Ottoman Turk


ang Imperyong Byzantine. Ang
Constantipole (Istanbul) na
sentro ng Imperyong Byzantine
ang nagsilbing daanan at ruta ng
kalakalan sa pagitan ng Europe
at Asya. Dahil dito napilitang
maghanap ng bagong ruta ang
mga mangangalakal na Europeo.
DAHILAN NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO
SA TIMOG AT KANLURANG ASYA
3. PAGLALAKBAY NI
MARCO POLO

Siya ay isang manlalakbay


mula sa Venice, Italy, na
nakarating kasama ang
kanyang ama at tiyuhin sa
China
DAHILAN NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO
SA TIMOG AT KANLURANG ASYA
3. PAGLALAKBAY NI
MARCO POLO
Nang makabalik siya sa Italy,
naisulat sa aklat na The Travels
of Marco Polo ang paglalakbay
ni Marco Polo sa Silangan at
dahil dito naging inspirasyon
ang aklat na ito sa mga
manlalayag na Europeo na
magtungo sa Silangan.
DAHILAN NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO
SA TIMOG AT KANLURANG ASYA
4. MGA BAGONG TEKNOLOHIYA

Caravel at Carrack: mga barko


na ginamit sa paglalayag sa
karagatan

Compass: pagtukoy ng
direksyon

Astrolabe: pagtukoy ng latitud


PAMAMARAAN
UNA AT IKALAWANG YUGTO NG KOLONYALISMO AT
IMPERYALISMO
PAMAMARAAN NG IMPERYALISMO AT
KOLONYALISMO SA UNANG YUGTO
❖ Nagsimula sa ika-15 siglo.

Portugal
Naisakatuparan ang pagtatag ng
mga himpilang pangkalakalan at
kuta ng Portugal sa Asya sa
pamamagitan ng dalawang
viceroy.
PAMAMARAAN NG IMPERYALISMO AT
KOLONYALISMO SA UNANG YUGTO
Portugal
❖ Francisco de Almeida - namuno
mula 1505 hanggang 1509 Alfonso de
❖ Alfonso de Albuquerque - namuno Albuquerque

mula 1509 hanggang 1515.

Sinikap ng dalawang viceroy


na magkaroon ng monopoly ang
Francisco de
Portugal sa kalakalan ng mga Almeida
pampalasa.
PAMAMARAAN NG IMPERYALISMO AT
KOLONYALISMO SA UNANG YUGTO
Netherlands
Ang mga Dutch ay naging
makapangyarihan sa karagatan dahil
ito ay bansang komersyal na may sapat
na kakayahan at kaalaman upang
makipag kompetensiya sa ibang bansa
sa Europe upang makontrol ang mga
ruta ng kalakalan sa Indian Ocean at
ang kalakalan ng pampalasa sa
pamamagitan ng Dutch East India
Company.
PAMAMARAAN NG IMPERYALISMO AT
KOLONYALISMO SA UNANG YUGTO
France
Naitatag noong 1664 ang French East
Inda Company na isang joint trading
company upang maibaghagi sa
pakikipagkalakalan sa Asya.

Nagawa ng mga French na makuha


ang Pondichery sa India at ilang
himpilan.
PAMAMARAAN NG IMPERYALISMO AT
KOLONYALISMO SA UNANG YUGTO
England
Noong 1600 ay naitatag ang English
East India Company. Nakuha ng
England ang Masulipatam noong
1611 at Madras noong 1639.

Pagkaraan ng Seven Years War


(1756-1763), nangibabaw ang mga
British sa India sa pamumuno ni
Robert Clive.
Bakit kaya naitatag?

French East India Dutch East India English East India


Company Company Company

Ito ay mga trading company na naghahanap ng


produkto sa Asya gaya ng seda, bulak, at pampalasa.
Naitatag rin ito upang makipagkalakalan
PAMAMARAAN NG IMPERYALISMO AT
KOLONYALISMO SA IKALAWANG YUGTO
❖ Nagsimula noong 1763.

REBOLUSYONG INDUSTRIYAL

Nagsimula noong dekada 1760 at


naimbento ang steamship at telegrap
at malaki ang naitulong ng mga
imbensiyong ito sa pamamahala at
pagsakop ng mga teritoryo.
PAMAMARAAN NG IMPERYALISMO AT
KOLONYALISMO SA IKALAWANG YUGTO

Produktong Pinahahalagahan
Mga materyales gaya ng bulak, wool, jute, dye,vegetable
oil at mga pagkain gaya na lamang ng mga karne, trigo, tsaa,
kape, cocoa, at mantikilya ang pinapahalagahan sa yugtong ito.

Iba’t Ibang Uri ng Teritoryo


Pagpasok ng ika-19 siglo, naghangad ang mga Europeo na
higit pang palakasin ang kanilang mga bansa at palawakin ang
teritoryo kaya nagkaroon ng iba’t ibang uri ng teritoryo ang tulad
ng concession, protectorate, sphere of influence at kolonya.
MGA BANSANG
NASAKOP
SA TIMOG ASYA
BRITAIN
Britain ang nangibabaw sa pagkakaroon ng maraming
teritoryo sa Timog Asya. Britain rin ang may pinakamalaking
imperyo sa mundo sa panahon ng Imperyalismo.

Kabilang sa mga teritoryo nito


sa Timog at Kanlurang Asya ay ang
Oman, Yemen, UAE, Kuwait, Jordan,
Palestine, Ceylon (Sri Lanka), at
Maldives.
PAANO SINAKOP NG BRITAIN ANG INDIA?
❖ Nasakop ng Britain ang malaking
bahagi ng India pagkaraan ng
Labanan sa Plassey noong 1757.
❖ Tumutol ang Pangkat-etnikong
Maratha sa pagpasok ng mga
Bristish subalit nagapi pa rin ng
mga British ito noong 1803.
❖ Nagpatuloy ang pakikipaglaban
ng mga Indian sa mga dayuhang
mananakop hanggang sa tuluyang
masakop ng Britain ang India
noong Ika-19 siglo.
PAANO SINAKOP ANG CEYLON (SRI LANKA)?
❖ Nanguna ang mga Portuges sa
pangunguna ni Fracisco de Almeida na
nagtungo sa Sri Lanka. Nagtatag sila ng
kuta sa Colombo at pinalawak rin nila
ito.
❖ Pinalitan sila ng mga Dutch at kinontrol
nila ang buong Isla.
❖ Sa bisa ng Treaty of Amiens, naibigay sa
Britain ang teritoryo ng mga Dutch sa
Sri Lanka.
❖ Pinalawak ng mga British ang kanilang
impluwensya sa Ceylon o Sri Lanka
hanggang sa buong isla ay kanilang
naging nasakop.
MGA BANSANG
NASAKOP
SA KANLURANG ASYA
Noong ika-15 siglo ay naging makapangyarihan ang
mga Ottoman Turk at nagawa nilang pamunuan ang Kanlurang
Asya. Ngunit unti-unti itong humina at tinawag pa itong “sick
man of Europe” noong ika-19 siglo. Hanggang sa tuluyang
nagwakas ang Ottoman Empire nang matalo ito noong World
War 1.
Pagkatapos ng digmaan, hinati ng
mga Allied Powers ang mga teritoryo ng
mga natalo tulad ng Ottoman Empire. Sa
pamamagitan ng League of Nations,
nagbigay ito ng mandate sa ilalim ng mga
kondisyon.
Ano ang MANDATE?
Ang mandate ay mga teritoryo, kolonya o bansa na
iniutos ng League of Nations sa mga kasaping bansa na
gabayan sa pagtatag ng isang mabuting pamahalaan.

Naging mandate ng Britain ang Iraq at


Palestine. Samantala, naging mandate
naman ng France ang Syria at Lebanon.
IRAN AT AFGHANISTAN
Nahati po sa sphere of influence ang Iran kung saan
pinamahalaan ng Rusya ang hilaga at ang Britain naman
ang namahala sa Timog.

Sa pamamagitan naman ng Anglo-


Afghan Treaty, naitatag ang
Afghanistan at ipinahayag ang
kasarinlan ng bansa noong 1919.
EPEKTO AT
PAGBABAGO
SA KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO
SA TIMOG AT KANLURANG ASYA
MGA EPEKTO AT PAGBABAGO SA PANAHON
NG IMPERYALISMO AT KOLONYALISMO?
1. Pinalaganap nito ang kaalaman at kultura
ng mga Europeo sa mga kolonya
2. Nagbigay daan ito sa pagkakatuklas at
paglinang ng mga bagong lupain.
3. Napaunlad ang kaalaman sa
heograpiya
4. Pagkuha ng mga dayuhan sa
malaking bahagi ng likas na yaman
ng Asya.
MGA EPEKTO AT PAGBABAGO SA PANAHON
NG IMPERYALISMO AT KOLONYALISMO?
5. Nagsimula ang kolonisasyon ng mga
teritoryo. Dahil dito napasailalim ang
mga Asyano sa ilalim ng pamamahala
ng mga dayuhang Kanluranin.
6. Nagdulot ito ng hidwaan sa
pagitan ng mga bansa na
nagresulta naman sa mga
madugong digmaan o labanan.
MGA EPEKTO AT PAGBABAGO SA PANAHON
NG IMPERYALISMO AT KOLONYALISMO?
7. Nakapagpatayo ang mga
imperyalistang bansa ng mga paaralan,
kolehiyo, at nakapagpagawa ng mga
kalsada, riles ng tren, kanal at tulay.
8. Nakapagpatupad ng batas at
kaayusan sa lipunan, pinagbuti ang
kalusugan at sanitasyon, at
pinaunlad rin nila ang kalakalan at
komersyo.
MGA EPEKTO AT PAGBABAGO SA PANAHON
NG IMPERYALISMO AT KOLONYALISMO?
9. Pagkatuklas ng langis. unang
natuklasan na ang Persia ay nagtataglay
ng langis at sumunod ang at Middle East
na may malaking reserba ng crude oil.
Ang pagkatuklas ng langis ang
naghatid sa pagkakaroon ng interes
ng USA sa rehiyon.
MGA EPEKTO AT PAGBABAGO SA PANAHON
NG IMPERYALISMO AT KOLONYALISMO?
10. Hinati ng mga Europeo
ang Asya sa mga politikal na
hangganan na di angkop sa
kultura ng mga katutubo na
nagbunga sa pagkakaroon ng
politikal at panlipunang
suliranin.
SA PAGBUBUOD, ANG:
MGA DAHILAN, PARAAN, AT EPEKTO NG
IMPERYALISMO AT KOLONYALISMO SA TIMOG
AT KANLURANG ASYA

IMPERYALISMO KOLONYALISMO
Paraan ng pamamahala na tumutukoy sa
pagpapalawak ng teritoryo at politikal na Tuwirang pananakop ng
kapangyarihan sa pamamagitan ng makapangyarihang bansa sa iba pa
pagsakop o paglulunsad ng mga paglaban upang mapagsamantalahan ang likas
o kontrol sa pangkabuhayan at na yaman nito at ipakalat ang
pampolitika sa ibang mga bansa. kanilang kultura at tradisyon.
SA PAGBUBUOD, ANG:
MGA DAHILAN, PARAAN, AT EPEKTO NG
IMPERYALISMO AT KOLONYALISMO SA TIMOG
AT KANLURANG ASYA

IMPERYALISMO KOLONYALISMO
Naglalayong mapalaki ang kanilang Ang mga mananakop ay may layuning
territoryo sa mga malalapit na mga manakop sa iba’t-ibang mga rehiyon.
rehiyon. Makikita ang isang malaking
Naglalayon lamang na ipakita ang pagsasalin ng mga tao sa bagong
kanilang kapangyarihan sa mga territoryo at naninirahan ng
nasakop na bansa. permanente.
SA PAGBUBUOD, ANG MGA DAHILAN:

MGA DAHILAN

GOD PAGLA-
PAGBAGSAK LAKBAY MGA MAKA-
GOLD NG NI BAGONG
GLORY IMPERYONG
BYZANTINE
MARCO TEKNO-
LOHIYA
POLO
(3GS)
SA PAGBUBUOD, ANG:

Sa bansang Portugal ay Naging makapangyarihan ang


naisakatuparan ang Netherlands sa karagatan dahil ito
ay bansang komersyal na may sapat
pagtatag ng mga himpilang na kakayahan at kaalaman upang
pangkalakalan at kuta ng makipag kompetensiya sa ibang
Portugal sa Asya PAMAMARAAN bansa sa Europe.

(UNANG
Naitatag ang mga trading YUGTO) Ang England ay nagtatag ng
company na naghahanap ng English East India Company
produkto sa Asya gaya ng seda, noong 1600. Itinatag na
bulak, at pampalasa. Ang mga isang joint stock company ng
ito ay naitatag upang France noong 1664 ang
pakikipagkalakalan sa Asya. French East Inda Company.
SA PAGBUBUOD, ANG:
REBOLUSYONG INDUSTRIYAL PRODUKTONG PINAPAHALAGAHAN
Nagsimula ang Rebolusyong Pinapahalagahan ang materyales
Indsutriyal noong dekada 1760 na
gaya ng bulak, wool, jute,
nagpasimula ng industralisasyon at
naimbento ang steamship at telegrap dye,vegetable oil at mga pagkain gaya
na nagbunga ng malaki tulong sa na lamang ng mga karne, trigo, tsaa,
pamamahala at pagsakop ng mga kape, cocoa, at mantikilya.
teritoryo.
PAMAMARAAN
(IKALAWANG
IBA’T IBANG URI NG YUGTO) MANDATE
TERITORYO Ang mandate ay mga teritoryo,
Nagkaroon ng iba’t ibang uri ng kolonya o bansa na iniutos ng
teritoryo ang Kanluranin tulad League of Nations sa mga kasaping
ng concession, protectorate, bansa na gabayan sa pagtatag ng
isang mabuting pamahalaan.
sphere of influence at kolonya.
SA PAGBUBUOD, ANG:
INDIA SRI LANKA (CEYLON)
Nasakop ng Britain Ang Sri Lanka naman ay
ang malaking ang mga Portuges ang
unang Europeo na
bahagi ng India nagtungo sa Sri Lanka.
MGA BANSANG
pagkaraan ng SINAKOP SA Pinalitan sila ng mga
Labanan sa Plassey TIMOG ASYA Dutch at kinontrol nila
noong 1757. ang buong isla. Sa bisa
ng Treaty of Amiens,
Tuluyang masakop
naibigay po sa Britain
ng Britain ang India ang teritoryo ng mga
noong Ika-19 siglo. Dutch sa Sri Lanka.
SA PAGBUBUOD, ANG:

Sa pagkatalo ng mga Ang Iran ay nahati sa


Axis Powers noong sphere of influence kung
World War 1 ay hinati saan pinamahalaan ng
ng League of Nations Rusya ang hilaga at ang
MGA BANSANG Britain naman ang
sa Allied Powers ang SINAKOP SA namahala sa Timog. sa
mga teritoryo ng mga KANLURANG pamamagitan rin ng
natalong bansa kung ASYA Anglo-Afghan Treaty,
kaya’t ang iba ay naitatag ang Afghanistan
naging Mandate ng at ipinahayag ang
mga bansa sa Allied kasarinlan ng bansa
Powers. noong 1919.
SA PAGBUBUOD, ITO ANG ILANG MGA EPEKTO:
Pinalaganap nila ang Napasailalim rin ang mga Asyano
kaalaman at kultura ng mga sa ilalim ng pamamahala ng mga
Europeo sa mga kolonya at dayuhang Kanluranin.
nagbigay daan rin ito sa Pagkuha ng mga dayuhan sa
pagkakatuklas at paglinang malaking bahagi ng likas na
ng mga bagong lupain.
MGA yaman ng Asya.

Nagdulot rin ito ng


hidwaan sa pagitan ng EPEKTO Paghati ng mga Europeo sa
Asya sa mga politikal na
hangganan na di angkop sa
mga bansa na nagresulta
kultura ng mga katutubo na
naman sa mga nagbunga sa pagkakaroon ng
madugong digmaan o politikal at panlipunang
labanan suliranin.
Empty Outlines: Reflection
Sumulat sa ½ na sulating papel ng repleksyon:
Pumili ng isa sa mga naging epekto ng Imperyalismo at
Kolonyalismo. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili niyo at
magbigay ng sariling pananaw hinggil sa epekto at
pagbabagong naganap sa ilalim ng kolonyalismo at
imperyalismo.
Ipaliwanag kung paano nito mas
pinalawak ang kaalaman niyo tungkol sa
mga Mga Dahilan, Paraan, at Epekto ng
Kolonyalismo at Imperyalismo sa Timog at
Kanlurang Asya.
Mga Gabay na Tanong
1. Ano ang napili mong epekto o pagbabago sa ilalim ng
Imperyalismo at Kolonyalismo?
2. Bakit ito ang napili mong epekto? Magbigay ng
sariling pananaw hinggil sa epekto at pagbabagong
naganap sa ilalim ng kolonyalismo at imperyalismo.
3. Paano nito mas pinalawak ang inyong
kaalaman tungkol sa mga Mga Dahilan,
Paraan, at Epekto ng Kolonyalismo at
Imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya?
KRAYTIRYA
HALIMBAWA
Ang napili kong epekto ng Imperyalismo at Kolonyalismo ay ang
papaunlad ng heograpiya sa mundo. Sa pamamagitan ng pagsakop at
pangangalakal ng mga kolonyalista, naganap ang malawakang pagsasanib
ng kultura at teknolohiya. Ito ay nagresulta sa pag-usbong ng mga bagong
ruta ng kalakalan, pagpapalawak ng kaalaman sa iba't ibang rehiyon, at
pagbabago sa mga ekonomiya at demograpiya.
Ang pagpili ko sa aspeto ng heograpiya ay dahil dito naganap ang
masusing pagsusuri sa mga teritoryo ng mga kolonyal na kapangyarihan.
Ito ay nagbukas ng mga pinto sa mas malalim na pang-unawa sa kondisyon
ng kalupaan, kalikasan, at kultura ng mga lugar na naapektohan ng
imperyalismo. Sa pag-unlad ng kaalaman ukol dito, mas naipahayag ang
kahalagahan ng heograpiya sa pag-unawa sa mga epekto ng kolonyalismo
at imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.
TAKDANG ARALIN
Para sa inyong takdang aralin, magbasa o magsaliksik tungkol
sa susunod na aralin: “Ang Nasyonalismo at Paglaya ng mga
Bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Gawing gabay ang inyong
pagsasaliksik para sa susunod na talakayan.

Maaari niyo ring gawing gabay ang mga tanongg na ito:


1. Ano ang pakahulugan ng nasyonalismo?
2. Magbigay ng mga nasyonalismong umusbong sa Timog at
Kanlurang Asya.

Maaari niyong isulat ito sa inyong kuwaderno.


RESOURCES:
❖ EASE II Module 6
❖ Asya: Noon, Ngayon at sa Hinaharap II. 2000. Pp.136-141
❖ Kasaysayan ng Daigdig III. 2012. Pp.240-248
❖ Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan II. 2008. Pp.270-287

❖ https://www.youtube.com/watch?v=7_0AAEjEDRc&ab_chann
el=TeacherRR
❖ https://www.youtube.com/watch?v=ZwqB3kd009k&ab_chann
el=MissAlice
❖ https://youtu.be/rlQod4ZAlps?si=gy-40QgNQW6ppfPh
❖ https://philnews.ph/2021/01/13/pagkakaiba-ng-
kolonyalismo-at-imperyalismo-halimbawa-at-kahulugan/

You might also like