Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 41

Ang panahon ng 1902 hanggang 1906 ang era ng mga sedisyosong dula. Nilikha ang batas na Act No.

292,

ang Sedition Act na ipinasa noong Nobyembre 4, 1901 na nagbibigay-krimen sa anumang adbokasiya para

sa paglaya ng Pilipinas. Dahil sa batas na anti-subersyon na ipinatupad ng kolonyal na sistema ng

pamamahala ng mga Amerikano, hinuli at ikinulong ang mga artistang tuwirang tumutuligsa sa isang

imperyalistang estado. Bukod kay Severino Reyes, nakulong rin sina Juan Abad, Juan Matapang Cruz, at

Aurelio Tolentino. Dumaan sila sa paglilitis. Kumuha ng mga testimonya mula sa mga saksi at mga

manonood ng palabas kung ano ang naging epekto sa kanila ng dula


Unang itinanghal sa Teatro Libertadnoong Hulyo 7, 1902 ang dulang “Tanikalang Ginto” ni Juan Abad.

Iniligid din ito upang ipalabas sa malalapit na probinsiya tulad ng Laguna at Cavite. Mahalagang aspekto ng

produksyong pandulaan noong mga panahong itoang konsepto ng mobilidad ng sining.Ang sining ang

lumalapit sa mga manonood, hindi ginawang eksklusibo. Nagiging behikulo ang dulasa pagpapalaganap ng

mga sentimyentong makabayan at anti-kolonyal.Sa naging pagtatanghal nito sa Batangas noong Mayo 10,

1903, ipinasara ito ng mga awtoridad ng lalawigan atkinasuhan ng sedisyon ang manunulat.
Itinanghal naman ang dulang “Hindi Ako Patay” ni Juan Matapang Cruzsa Teatro Nueva Luna sa Malabon noong

Mayo 8, 1903. Sa isang ulat mula sa The Manila Times noong Hulyo 6, 1903, habang itinataas ang bandila ng

Katipunan sa likod ng tanghalan, isang lasing na sundalong Amerikano ang nagtapon ng bote ng serbesa, umakyat sa

entablado at lumikha ng ingay rito. Hinuli ang manager ng teatro, ipinagbawal ang dula at kinuha ang gamit-

panteatro tulad ng bandila ng Katipunan at iba pang sagisag-rebolusyonaryo. Hinuli ang mga artista matapos ang

isang buwan. Nagtago si Juan Matapang Cruz noong Hulyo 5, 1903 habang may malaking piyesta ng mga Amerikano.

Dalawang taong nakulong si Juan Matapang Cruz. Kaya’t lumalampas sa drama ng palabas ang pagtatanghal,

sapagkat ang totoong drama’y nangyari sa tunay na buhay ng mga alagad ng sining.
Si Aurelio Tolentino mismo ang gumawa ng aksyon at eksena. Dahil dito, nagalit ang mga manonood na

Amerikano at isang galit na sundalo ang lumikha ng kaguluhan. Matapos nito, inaresto si Tolentino at ang

iba pang artista sa dula. Kung tutuusin, ang mga Amerikanong nanonood ng dula ang unang nagsasagawa

ng kaguluhan habang nagtatanghal. Kinasuhan si Tolentino ng sedisyon at hinatulan ng dalawang taon na

pagkabilanggo at may multa na 2,000 dolyar. Sa pamamagitan nina Rafael Palma at dalawang pang

Amerikanong abugado, nag-apela sila sa Korte Suprema subalit noong Marso 6, 1906, hinatulan si

Tolentino na maysala.





1. Bagong Lipunan
2. Tayo’y Magtanim
AWITING FILIPINO 3. TL Ako Sa’yo
4. Anak
5. Ako’y isang Pinoy
Sining Kambayoka
DULA Tales of Manuvu
Santa Juana ng Coral
The Diary of Anne Frank
Si Matar Dahlia
RADYO Ito ang Palad Ko
Mr. Lonely
Gulong ng Palad
Flor de Luna
TELEBISYON Anna Liza
Superman
Tarzan
PANULAANG TAGALOG Pilipino: Isang Depinisyon Ni P. B. Pineda

You might also like