Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

SOUTHVILLE NATIONAL HIGH SCHOOL

ARAW NG PAGKILALA
I. Pagpasok ng mga Magsisipagtapos

Marvin: Ang araw na ito ay isa sa mga pinakaaabangang sandali ng ating mga mag-aaral mula sa
ika-pito hanggang ika-siyam na baitang. Gayundin ang kanilang mga magulang na masasaksihan
ang isa sa mga pinakamahahalagang pangyayaring sa kanilang mga buhay.

Ailen: At ngayon, saksihan natin ang pagpasok ng mga mag-aaral na magkakamit ng akademikong
parangal, medlaya at sertipiko kasama ng kanilang mga magulang.

Ngayon ating tunghayan ang pagpasok ng mga guro ng Southville IV National High School sa
pangunguna ng ating pungguro ng Ginang May B. Basbas.

III. Awiting Makabayan

Marvin: Para simulan ang ating palatuntunan tayo’y magbigay pugay sa pamamagitan ng pag-awit
ng Awiting Makabayan na pinamagatang: Tagumpay Nating Lahat.

III. Panalangin

Ailen: Para hingin ang awa at presensiya ng ating Poong Maykapal tunghayan ang doksolohiya sa
pangunguna ng piling Mag-aaral mula sa Baitang 8.

III. Martsa Ng CALABARZON, Himno ng Santa Rosa at SV4NHS

Marvin: Manatiling nakatayo para sa pag-awit ng martsa ng CALABARZON at Himno ng Santa


Rosa.

IV. Pambungad na Pananalita

Ailen: Maaari na po tayong umupo. Sa Pagpapatuloy ng ating programa narito ang ating Ulong Guro
II, Ginang Gina M. Requina, para sa pambungad na pananalita. Palakpakan po natin.

V. Mensahe ng Pagbati

Marvin: Maraming salamat po Ginang Gina M. Requina. At ngayon naman ay tinatawagan natin ang
ating Ulong Guro III, Ginang Marissa S. Rubio para magbigay ng Mensahe ng Pagbati. Palakpakan
po natin.

Va. Paggawad ng sertipiko at medalya- BAITANG 7

Marvin: Maraming pong salamat Ginang Marissa S. Rubio para sa inyong pagbati.

Ailen: Sa dakong ito ay ating matutunghayan ang pagbibigay ng sertipiko at medalya sa mga mag-
aaral ng ika-pitong baitang na nagkamit ng iba’t-ibang karangalan.

Marvin: Muli aming tinatawagan ang ating Ulong Guro II, Ginang Gina Requina kasama ang ating
Susing Guro ng ika-pitong baitang ,Ginang Grace Ronquillo para sa pagbibigay at paggawad ng
sertipiko at medalya.
Ailen: Marami pong salamat sa ating Ulong Guro II, Ginang Gina Requina kasama ang ating Susing
Guro ng ika-pitong baitang ,Ginang Grace Ronquillo na siyang nagbigay at naggawad ng mga
medalya at sertipiko sa ating mga mag-aaral.

Vb. Paggawad ng sertipiko at medalya- BAITANG 8

Ailen: Sa dakong ito ay ating matutunghayan ang pagbibigay ng sertipiko at medalya sa mga mag-
aaral ng ika-walong baitang na nagkamit ng iba’t-ibang karangalan.

Marvin: Muli aming tinatawagan ang ating Ulong Guro III, Ma’am Marissa S. Rubio kasama ang ating
Susing Guro ng ika-walong baitang ,Ginang. Rona P. Almonte para sa pagbibigay at paggawad ng
sertipiko at medalya.

Ailen: Marami pong salamat sa ating Ulong Guro III, Ma’am Marissa S. Rubio kasama ang ating
Susing Guro ng ika-walong baitang ,Ginang. Rona P. Almonte na siyang nagbigay at naggawad ng
mga medalya at sertipiko sa ating mga mag-aaral.

Vc. Paggawad ng sertipiko at medalya- BAITANG 9

Ailen: Sa dakong ito ay ating matutunghayan ang pagbibigay ng sertipiko at medalya sa mga
natatanging mag-aaral ng ika-siyam na baitang na nagkamit ng iba’t-ibang karangalan.

Marvin: Muli aming tinatawagan ang Pangulo ng SPTA, Ginoong Cristito S. Ariola kasama ang ating
Susing Guro ng ika-siyam na baitang ,Ginang. Flordemay G. Marinas para sa pagbibigay at
paggawad ng sertipiko at medalya.

Marvin: Marami pong salamat sa ating Pangulo ng SPTA, Ginoong Cristito S. Ariola kasama ang
ating Susing Guro ng ika-siyam na baitang ,Ginang. Flordemay G. Marinas na siyang nagbigay at
naggawad ng mga medalya at sertipiko sa ating mga mag-aaral.

VII. Pagtatapos na Pananalita

Ailen: Sa oras na ito ating pakinggan ang pagtatapos na pananalita ng Pangulo ng School Parent
Teacher Association, Ginoong Critito Ariola. Palakpakan po natin.

Marvin: Maraming salamat po Ginoong Critito Ariola .

VIII. Paglabas ng mga nagsipagtapos, mga magulang, mga guro, mga pinuno ng paaralan at
panauhin.

Ailen: Muli ang aming pagbati at pasasalamat sa mga nagkamit ng serptipiko at medlaya. Hangad
namin ang inyong tagumpay sa sususnod na taong panuruan.

Marvin: Inyong pakatandaan na narito lamang kami ang inyong mga guro sa Southville IV National
High School upang gumabay sa inyong landas na tatahakin.

Ako po si Ginoong Marvin J. Dizon.

Ailen: At ako naman po si Binibining Ailen B. Borbe ang inyong tagapagdaloy ng palatuntunan.
Pagpalain po tayo ng Poong Maykapal!

IX. EXIT
Marvin: Ngayon ay saksihan natin ang paglabas ng mga huwaran at natatanging mag-aaral, kasama
ang kanilang mga magulang.

You might also like