Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BUOD NG “SI ADOLFO”

(SAKNONG 207-231)

Oedipus Rex – ito ay isang dula tungkol sa buhay ni Edipo (Oedipus),


ang The Odyssey. Si Edipo (Oedipus) ay galing sa mitolohiyang Griyego
kung saan nakatadhana siyang patayin ang kanyang ama at maging asawa
ang kanyang ina. Alam ng kanyang mga magulang ang hula sa kanya kaya
siya ay ipinatapon habang sanggol pa lamang, ngunit siya ay nakaligtas at
nabuhay ayon sa nakatadhana sa kanya. Ito ay pinalabas ni Florante
kasama ang kanyang mga kaklase (kabilang dito si Adolfo)

Sa Atenas nakilala ni Florante ang kababayang si Adolfo, anak ni Konde


Sileno, na hinahangaan ng kanyang mga guro, at ng kanyang mga kamag –
aral dahil sa katalinuhan at kagandahang – asal nitong ipinapakita. Sa loob
ng anim na taong pag – aaral ni Florante ay nahigitan niya si Adolfo
kaya’t lumabas ang tunay na pagkatao nito.
Lalo itong nahalata nang minsang nagkaroon sila ng dula sa
palatuntunan ng kanilang eskwela. Ito ay tungkol sa magkakapatid na sina
Etiocles na ginagampanan ni Florante at si Polinese naman ay si Adolfo.
Sila ay naglaban ng espadahan upang mapasiyahan kung sino sa dalawang
prinsipeng mga anak ni Reyna Yocasta na ginagampanan ni Menandro,
ang papalit sa namatay nilang ama na si Haring Edipo.
Sa kunwaring espadahan na ito, talagang matitinding taga ang binigay
kay Florante ng masamang balak na si Adolfo. Mabuti na lamang dahil sa
kaliksihan ni Menandro ay napailandang ang espada ni Adolfo at ang
kataksilan niya’y nabigo at sunod namang namagitan si Antenor. Lahat ito
ay dahil sa lubha niyang pagkagalit kay Florante dahil lahat ng kanyang
kapurihan ay napunta na kay Florante..
Dito na nakilala ang totoong pagkatao ni Adolfo na nagpanggap lamang
palang mahinhin at mabait. Sa tindi ng pagkainggit ay lumabas ang
kanyang tunay na kulay na kulay. Nalantad lahat ang kanyang ugali. Dahil
sa lahat ng iyon, ipinaalis si Adolfo kinabukasan ay lumisan sa Atenas at
umuwi sa Albanya ang napahiyang si Adolfo.

You might also like