Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Revival

Acts 2:1-21

2 Nagkakatipon silang lahat sa isang lugar nang sumapit ang araw ng Pentecostes. 2 Walang anu-
ano'y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang
bahay na kinaroroonan nila. 3 May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa
kanila, 4 at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba't ibang wika,
ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.

5
May mga debotong Judio noon sa Jerusalem na nagmula sa bawat bansa sa buong mundo. 6 Nang
marinig nila ang ugong, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila sapagkat nagsasalita ang
mga alagad sa wika ng mga nakikinig. 7 Sa pagkamangha at pagtataka ay kanilang nasabi, “Hindi ba
taga-Galilea silang lahat? 8 Bakit sila nakapagsasalita sa ating wika? 9 Tayo'y mga taga-Partia, Media,
Elam, Mesopotamia, Judea at Capadocia, Ponto at Asia [a]. 10 Mayroon pa sa ating taga-Frigia at
Pamfilia, Egipto at sa mga lupain ng Libya na malapit sa bayan ng Cirene, at mga nagmula sa Roma,
mga Judio at mga Hentil na nahikayat sa pananampalatayang Judio. 11 May mga taga-Creta at Arabia
rin. Paano sila nakapagsasalita sa ating mga wika tungkol sa mga kahanga-hangang ginawa ng
Diyos?” 12 Hindi nila lubusang maunawaan ang nangyari, kaya't nagtanungan sila, “Ano ang
kahulugan nito?”

13
Ngunit may ilang nagsabi nang pakutya, “Lasing lang ang mga iyan!”

14
Kaya't tumayo si Pedro, kasama ng labing-isang apostol, at nagsalita nang malakas, “Mga taga-
Judea, at kayong lahat na nakatira sa Jerusalem, pakinggan ninyong mabuti ang sasabihin ko. 15 Hindi
lasing ang mga taong ito, gaya ng palagay ninyo. Alas nuwebe pa lamang ng umaga ngayon. 16 Ang
nakikita ninyo'y katuparan ng ipinahayag ni Propeta Joel,

17
‘Ito ang gagawin ko sa mga huling araw,’ sabi ng Diyos,
‘Ibubuhos ko ang aking Espiritu sa lahat ng tao;
ipahahayag ng inyong mga anak na lalaki at babae ang aking mensahe.
Ang inyong mga kabataang lalaki ay makakakita ng mga pangitain,
at ang inyong matatandang lalaki ay magkakaroon ng mga panaginip.
18
Sa panahong iyon, ibubuhos ko rin ang aking Espiritu,
sa aking mga alipin, maging lalaki at maging babae,
at ipahahayag nila ang aking mensahe.
19
Magpapakita ako ng mga kababalaghan sa langit
at mga himala sa lupa;
dugo, apoy at makapal na usok.
20
Ang araw ay magdidilim,
ang buwan ay pupulang parang dugo,
bago dumating ang dakila at maluwalhating araw ng Panginoon.
21
At sinumang tumawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.’
Intro:
Matapos na umakyat sa langit ni Jesus, gayun na lamang ang kanilang pag nanasa na ibalita ang salita
ng Dios sa mga tao. Ang mga alagad na dati nangatatakot nagtatago sa mga silid ay nabuhayan ng
loob at handing mamatay para kay Cristo.
Subalit kanyang ibinilin na antayin ang pagbaba sa kanila ng banal na Espiritu. Bagama’t ang mga
alagad ay handa ng humayo at at ipangaral ang mabuting balita ay patuloy na nanatili sa isang lugar
at doon sila’y nagsasama sa habang inaantay ang pagbaba ng banal na Espiritu.
At habang sila’y nag sasama sama sa panalangin sa panahon ng Pentecostes, silay binabaan ng banal
na Espiritu sa pamamagitan ng malakas na hangin at mga dilang apoy habang nag sasalita ng ibat
ibang wika.
Background:
Ang Pentecostes ay isa sa pinakamahalagang selebrasyon ng mga Judio. Ito’y ginaganap 50 days after
the Passover. sa panahon ng OT ito’y tinatawag na Harvest Festival na inaalala ng mga debotong
Judio taon taon.Sa panahong ito ang mga Judio ay galing sa iba’t ibang karatig na bansa upang
saksihan ang pagdaraos ng okasyong ito.
Samakatuwid ang Pentecostes o Pentecost ay nangangahulugang pagbaba ng Banal na Espiritu sa
mga alagad at sa mga kasama nilang mananamplataya. Nang umakyat sa langit si Jesus ang pumalit
sa kanya ay ang Espiritu. Kaya tayo sa makabagong panahon ay pinangungunahan ng kapang yarihan
ng banal na Espiritu.
Ang Pentecost o spirit ay madalas nating napagkakamalang relihiyon dahil sa makabagong panahon
madalas nating marinig ang mga katagang Pentecostal Church. Subalit ito’y minamagnify ng ilang
denomination na ito na sila ay pinangugunahan ng banal na espiritu o spirit lead church at ang
katibayan na sila mga miembro ay nag sasalita ng ibat ibang wika na tanda na sila’y binabaan ng
banal na Espiritu.
Subalit ang totoo lahat ng tumanggap kay Jesus bilang Panginoon at sariling tagapag ligtas ay
binabaan ng banal na espirtu. Ang Espiritu ang tatak o Mark of a Christian. Lahat tayo ay
pinapatnubayan ng banal na espiritu.
Ano nga ba ang nangyari matapos na bumaba ang banal na Espiritu sa mga alagad? Ano ang mga
kamangha manghang nangyari sa mga alagad at sa mga unang mananampalataya.
Sinasabi na ang pag baba ng banal na espiritu sa mga alagad ang unang Revival na nangyari sa
unang Iglesia!
Isinilang ang Iglesia ng babaan sila ng kapangyarihan ng banal na Espiritu!
Nagkakatipon ang mga mananampalataya sa bahay bahay at silay nanalangin, nagkakatipon at
nagpuputol putol ng tinapay!
At simula noon araw araw ay idinadagdag sa kanila ang maraming kaluluwa.
_____________________________________________________________________________________
Ano nga ba ang Revival?
Revival is to restore the presence of God! Or bring us back into relationship with god
Or, muling papagaalabin! Muling bigyang buhay! At muling ibalik sa Panginoon.
Ang Revival ay madalas nating marinig pag mag daraos ng anniversary ang isang Church! Isa sa
naiisip na Gawain ay mag karoon ng 3 araw na Revival gabi gabi.
Ang Revival ay para mga matagal ng miembro na nag nanais ng muling mag alab sa pananampalatya
o muling maibalik ang init sa panglilingkod na nanlalamig at muling gumising sa pagkakatulog.
Ang Evangelism naman ay para sa mga di pa nakakakilala sa panginoon. Ang Evangelism ay upang
makarinig ng salita ng Dios ang di pa nakakakilala upang sila ay tumanggap at makakilala!
Revial is for church people while evangelism is for non Christian!
Ang Revival ay hindi pinaplano kundi ito ay kusang dumarating tulad ng nangyari sa mga lagad sa
panaho ng Pentecostes.
Ang Revival ay kusang dumarating sa buhay tao at sa loob ng Iglesias a panahong di natin inaasahan!
Ngayong umaga pag aralan nating kung paano bumaba ang banal na Espiritu at nag karoon ng
Reviaval sa unang Iglesis!

1. When They Were Together!


Nagkakatipon silang lahat sa isang lugar nang sumapit ang araw ng Pentecostes.
Nangyayari ang revival kung tayo ay nagkakatipon tipon. Mahalaga ang pagsama sama ng kapatiran,
tulad ng sinasabi sa Biblia na wag kakaligtaan ang pagtitipon o Fellowship!
Bagamat noon kasama pa nila si Jesus ay magkakasama sila subalit malayo ang damdamin nila sa isat
isa.
Sila yung mga alagad na nag papataasan, full of pride, walang gustong magpakumbaba at conceited
o mapagpahalaga sa sarili.
Matapos na mapatunayang nilang muling nabuhay si Jesus, ang mga alagad ay nagsasama sama o
naranasan nila ang intimate fellowship sa isat isa.
Ang fellowship ay nakapagpapalakas sa isat isa, ang isang nanlalamig at muling nagiinit kung sya ay
nasasama sa mga maaalab! Tulad ng Gatong……
Pag nanlalamig ka, wag kang sasama sa nanlalamig, sa negang tao at sa mga walang pagkilala sa
Dios. Malakas ang inpluensya ng mga nakakasama.
Ang pagsamasama o fellowship ay nakakapg lapit ng damdamin sa isat isa, dahil nakikilala natin sila
ng lubusan. Kilala ba nating lubusan ang ating katabi?
Nangyayari ang revival pag tayo ay nag sasama sama dahil sa Panginoon!
Tanong:
Kilala ba natin ang ating mga kapatid?
Nag kakaisa ba tayo ng pusot damdamin!
Baka magkalapit nga tayo pero magkalayo ng damdamin?
Mag kalapit nga tayo pero baka may tampo, hinanakit at galit ka sa akin.
Ito ang panahon na mas makilalanatin ang isat isa sa pamamagitang ng pagsasma sama o Fellowship!

2. When They are United!


Nag karoon ng revival ng sila’y nagkaisa!
Bumaba ang banal na Espiritu ng nagkaisa sila ng puso, isip at damdamin para sa paglilingkod sa Panginoon!

Pag nagkaisa ang Iglesia walang hindi magagawa! Lahat ng nais nilang gawin ay magtatagumpay dahil silay
nagkakaisa!

Pag may isang project o gustong mangyari ng isang Iglesia, itoy tiyak na mangyayari dahi sa pagkakaisa! Ex.
Church building, pag papakabit ng aircon, Church Service/ Van, musical instrument, double the church
member in 3 yrs etc. walang imposible sa isang church na nagkakaisa!

Illustration: 1
May isang church na mag hapong nag meeting. Hindi sila magkasundo dahil marami silang idea at mga
gustong mangyari. Ayaw patalo ng bawat isa. Nasisigawan at walang tigil sa pagpapaliwanag ang bawat isa
kung ano mas tama at mas maganda.

Alam nyo ba, ano ang kanilang pinagtatalunan?

Ang Pinag tatalunan nila ay kung saan ilalagay ang bagong Piano kung sa baba o sa itaas ng altar!
Minsan sa dipagkakaisa isang maliit na bagay ay napakatagal pag desisyunan dahil sa di pagkakaisa!

Illustration; 2
Sa isang mental hospital, may isang taong bumisita doon ang labis na nababahala. Dahil nakikita nya na ang
mga baliw na pasyente ay pagala gala lang sa bakuran ng hospital. Kaya minabuti nyang tanungin ang guard ng
hospital at kanyang sinabi sir hindi ba kayo natatakot sa mga baliw na pasyente na baka sila ay mag kaisa na
tumakas o kaya ay saktan o patayin kayo.

Sumagot ang guard ng hospital, ay hindi po ako natatakot! Dahil ang mga baliw kailan ma’y hindi maaaring
magkaisa!

Mga kapatid, hindi tayo mga baliw para hindi magkaisa! Amen!

3. When They Pray!


Nag karoon ng revival dahil nagkaisa silang manalangin sa isa’t isa. Kung ating babasahin nagkakatipon sila,
nagkakaisa at nanalangin ng bumaba ang banal na Espiritu!

Nang nabubuhay si Jesus madalas nyang kasama sa ang mga lagad upang manalangin, subalit lagi sialng
nahuhuling natutulog dahil wala silang tiyagang manalangin.

Ang pananalangin ang nag bibigay ng power sa isang tao.

Ang panalangin ang paraan upang mlaman natin ang kalooban ng Dois.
No prayer, no power!
Maging si Jesus ay humihiwalay sa karamihan upang manangin sa Ama!
Ang ating sarili ang unang binabago ng panalangin!
Challenge:
Kailan ka huling nanalangin ng totoo sa Panginoon!
Kailan ka huling umattend ng prayer meeting!
Kailan ka gumising ng maaga para manalangin!
Kailan ka nanalangin sa kapakanan ng ibang tao! Hindi puro sa sarili mo lamang!

Ang pananalangin dito tayo kinakausap ng Dios!


Dito nya sinasabi ang kanyang kalooban!
At dito tayo nakakaranas ng kapahingahan!
Ang pag dulog sa Dios ay isang kapahingahan!
Ang sabi Come to me, and I will give you rest!
Gusto mong magpahinga. Lumapit tayo at makipag usap sa Dios!

Conclusion:
Matapos na babaan ng banal na Espiritu ang mga Alagad at mga kasamang mananampalataya, the church is
born
*Nang bumaba ang banal na Espiritu, nag karoon ng Revival sa mga Alagad!
*ng mga lagad na dati ay magkakalayo y nagkaisa ng isip, puso at damdamin!
*ng dating mga takot at nanghihinang mga alagad ay napalitan ng mga lagad na maaalab at handang mamatay
para kay Jesus!
*Ang mga mananampalatyang dati ay nagtatago ay buong tapang nalumabas upang mangaral!

At dahil sa kapangyarihan ng banal na Espiritu, tumanggap ang 3000 katao ng managaral si Pedro!
Nagpalayas sila ng masamang espiritu at mga demonyo!
Bawat araw ay idinadagdag sa kanila ang mga naliligtas! They Grew Exponentially!

Nais nyo bang maranasan ang Revival!

Magsama sama!
Magkaisa!
At Manalangin!

By: Pastor Henry L. Vicente

You might also like