Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Wesleyan University-Philippines

Mabini Extension, Cabanatuan City


3100 Nueva Ecija

MED_FLE 205
“Ang isang salin ay kailangang maging matapat sa
orihinal, na kailangang madama ng bumabasa na
ang kanyang binabasa ay isang salin at hindi
orihinal”
- Newman
KASAYSAYAN NG PAGSASALING-WIKA SA PILIPINAS
Ang pagsasaling-wika sa Pilipinas ay masasabing nagsimulang magkaanyo noong
panahon ng pananakop ng mga Kastila, kaugnay ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo.
Kailangan ng mga panahong yaon na isalin sa Tagalog at iba pang katutubong wika sa kapuluan
ang mga katesismo, mga akdang panrelihiyon, mga dasal at iba pa, sa ikakadali ng
pagpapalaganap ng Iglesia Catolixa Romana.
Ayon din sa kasaysayan, naging bantilawan o urung-sulong ang naging sistema ng
pagpapalaganap ng wikang Kastila sa Pilipinas. Sa ibang salita, hindi konsistent ang
Pamahalaang Espana sa pagtuturo ng wikang Kastila sa mga “Indios” na kanilang sakop.
Naging dahilan batay sa kanilang karanasan sa Timog at Hilagang America, higit na
nagiging matagumpay ang pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa pamamagitan ng paggamit ng
wika ng mga katutubo. Sa ibang salita, mas madali na sila ang mag-aral ng mga wika ng mga
katutubo kaysa ang mga katutubo ang mag-aral ng wikang Kastila.
Ang panahon ng pananakop ng Kastila ang maituturing na unang yugto ng kasiglahan sa
pagsasaling-wika ng Pilipinas.
Sa nabanggit na koleksiyon ni Agoncillo ay 209 na lahat ang nakatalang “Religious
Works” na karamihan ay salin at adaptasyon mula sa mga manuskrito, pamplet, aklat at iba pa na
orihinal na nasusulat sa wikang Kastila. Inamin niya sa kanyang “Introduction” na ang
koleksyon ay isang maliit na bahagi lamang ng kabuuang dapat matipon.
Sa bahaging ito’y malalagom natin na ang naging tuon ng mga isinagawang pagsasalin
noong panahon ng Kastila ay tungkol sa mga materyales na panrelihiyon, kaugnay ng
pagpapalaganap ng Kristiyanismo. Mapapansin natin na hindi na itinala ang tungkol sa mga
naging pagsasalin sa iba’t ibang katutubong wika na mga orihinal na isinulat sa wikang Kastila.

PAGSASALING WIKA AT PAGLINANG SA KURIKULUM Jerome S. Biag


Wesleyan University-Philippines
Mabini Extension, Cabanatuan City
3100 Nueva Ecija

Sa ikalawang yugto ng kasiglahan nang pumalit ang Amerika sa Espanya bilang


mananakop ng Pilipinas, nagbago na rin ang papel na ginampanan ng pagsasaling-wika. Ang
naging isa sa pangunahing kasangkapan ng pananakop noong panahon ng Kastila ay krus at
relihiyon; noong panahon naman ng Amerikano ay aklat o edukasyon sa pamamagitan ng
wikang Ingles.
Naging masigla noon ang pagsasalin ng wikang pambansa, lalo na ng mga akdang
klasika. Ang panahong ito ang maituturing na ikalawang yugto ng kasiglahan sa pagsasaling-
wika sa Pilipinas--- nang pumalit sa Espanya ang amerika bilang mananakop.
Sa ikatlong yugto ng kasiglahan, ang paglinang at pagtupad sa patakarang bilingguwal,
dito nagsimula ang pagsasalin sa Filipino ng mga materyales na pampaaralan na nasusulat sa
Ingles, gaya ng aklat, patnubay, sanggunian, gramatika at iba pa kaugnay ng pagpapatupad sa
Patakarang Bilinggwal sa sistema ng Edukasyon. Kaugnay nito, mas marami ang kursong itinuro
sa Filipino kaysa sa Ingles.
Sa ika-apat na yugto ng kasiglahan dito ay nagsimulang isalin ang mga katutubong
panitikan na di – Tagalog. Nararapat lang na isagawa ang mga ito kung hinahangad nating
makabuo ng panitikan na matatawag na “Pambansa.”
Mahusay ang naging proyekto sa pagsasalin na magkatuwang na isinagawa ng LEDCO
(Language Education Council of the Philippines) at ng SLATE (Secondary Language Teacher
Education ng DECS at PNU noong 1987 sa tulong na pinansyal ng Ford Foundation. Ang
proyekto ay nagkaroon ng dalawang bahagi: Pagsangguni at Pagsasalin.
Sa unang bahagi ay inanyayahan sa isang kumperensya ang kinikilalang mga
pangunahing manunulat at iskolar sa pitong pangunahing wikain ng bansa: Cebuano, Ilocano,
Hiligaynon, Bicol, Samar-Leyte Pampango, Pangasinan. Pinagdala sila ng mga piling materyales
na nasusulat sa kani-kanilang vernakular upang magamit sa ikalawang bahagi ng proyekto.
Ang ikalawang bahagi ay isinagawa sa loob ng isang linggong workshop-seminar na
nilahukan ng mga piling tagapagsalin na ang karamihan ay mga edukador na kumakatawan sa
nabanggit na pitong vernakular ng bansa. Nagkaroon pa rin ng mga pagsasalin sa ilang Chinese-
Filipino Literature, Muslim at iba pang panitikan ng mga minor na wikain ng bansa.
Sa kabuuan, mahalagang mabatid natin ang pinagmulan ng pagsasalin sa Pilipinas at
Daigdig. Makatutulong ito upang higit na bigyang – pansin at halaga ang pagsasalin.
Makatutulong din ito sa mga tagapagsalin sa hinaharap upang linangin at paunlarin pa ang dapat
linangin.

PAGSASALING WIKA AT PAGLINANG SA KURIKULUM Jerome S. Biag


Wesleyan University-Philippines
Mabini Extension, Cabanatuan City
3100 Nueva Ecija

KAHALAGAHAN NG PAGSASALING-WIKA
Malaki ang papel na ginampanan ng pagsasaling-wika sa paglaganap ng Kristiyanismo sa
ating bansa. Pinag-aralan ng mga Kastila ang mga wika sa Pilipinas upang maisalin nila sa
wikang nauunawaan ng mga katutubo ang mga doktrina ng Kristiyanismo, nang sa gayon ay
mapalaganap ang kanilang pananampalataya. Pagtatamo ng kalayaan ng ating bansa Ang mga
propagandista na palibhasa’y aral sa wikang Kastila ay nagsisulat sa wikang Kastila kaya’t ang
kanilang mga akda ay kinakailangang isalin sa mga katutubong-wika sa Pilipinas upang
lumagaganap ang kanilang mga prinsipyo at kaisipan. Sinalin ang mga bantog na dula sa daigdig
upang makapangaliw sa mga Pilipino noong panahon ng digmaan.
Nagamit nang panahon ng digman ang pagsasalin upang bakahin ang pangamba na
naghahari sa mamamayan. Ang pakikibaka sa larangan ng agham at teknolohiya Kung nais
nating sumulong ang ating ekonomiya ay kinakailangan ding sumulong ang ating wika, agham at
teknolohiya. Kinakailangang maging mabilis ang pagtuturo ng mga kaalaman na nauukol dito.
Matutugunan natin ito kung maisasalin sa wikang madaling nauunawaang ng mga Filipino ang
mga aklat, pamplet, papel pananaliksik, artikulo, at iba pang babasahin na nauukol sa agham at
teknolohiya.
Tunay na mahalaga ang pagsasalin ayon sa Pambansang Alagad ng Sining na
siProp.Virgilio S. Almario sinaad niya sa aklat ng pagsasalin ni Alfonso Santiago (2003)
na“Isang pambansang tungkulin sa larangang pangkultura at pang-edukasyon angpagsasalin
aniya malaki ang papelng pagsasalin sa paglilipat at pagpapalitan ngkultura, kaalaman at pamana
ng matandang sibilisasyon sa mundo.”Makikita sa pananaw na ito ni Prop. Almario na tunay na
malaki ang gampaninng pagsasalin sa buong mundo upang buwagin ang mga pader dulot
ngmagkakaibang wika at sa pagbuo ng tulay tungo sa pagbabahaginan ng kultura atkaalaman ng
alinmang lahi na magbubunga ng higit na pag-unlad sa sangkatauhan.
Ayon naman kay Santiago (2003)“Isang gawain ang pagsasalin na maymalaking
magagawa sa intelektuwalisasyon ng wikang Filipino sapagkat samalikhaing paggamit ng wika
sa proseso ng pagsasalin ay napag-iibayo ang pag-unlad ng wika.”Sa pananaw na ito ni Santiago
malinaw na isinasaad na habang nasa prosesong pagsasalin ang isang nagtatangkang magsalin ay
nagagawa rin niyang paunlarin atgawing intelektuwalisado ang wika sa paggamit nito sa
pagsasalin ng iba’t ibang kaalaman sa bawat larang gamit ang wika.

PAGSASALING WIKA AT PAGLINANG SA KURIKULUM Jerome S. Biag


Wesleyan University-Philippines
Mabini Extension, Cabanatuan City
3100 Nueva Ecija

SANGGUNIAN:
Alfonso, Santiago O.2003. Sining sa Pagsasaling-wika (Sa Filipino Mula sa Ingles) Ikatlong
Edisyon. S. 25. Kasaysayan ng Pagsasaling-Wika sa Pilipinas.pg.23-38. Rex Book Store Inc.
https://teachersidney.wordpress.com/2015/07/31/pagbabalik-tanaw-kasaysayan-ng-pagsasaling-
wika-sa-pilipinas-at-daigdig 3/#:~:text=Dito%20nagsimula%20ang%20pagsasalin%20sa
%20Filipino%20ng%20mga%20materyales%20na,sa%20Filipino%20kaysa%20sa%20Ingles.
https://pdfcoffee.com/kahalagahan-ng-pagsasaling-pdf-free.html
https://www.coursehero.com/file/91329705/Aralin-2docx/

PAGSASALING WIKA AT PAGLINANG SA KURIKULUM Jerome S. Biag

You might also like