AP7 Week 7 8 Module 1 Quarter 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

Name:

Contact #:

Prepared by: RENZ MICHAEL F. RAMIREZ


E-mail Address: renzmichaelramirez@clsu.edu.ph

Central Luzon State University


Science City of Muñoz 3120
Nueva Ecija, Philippines

Instructional Module for the Course


AP 7 - KASAYSAYAN NG ASYA

Modyul 4, Ang Yamang Likas at Ang Pamumuhay ng mga


Asyano

Overview
Ang modyul na ito ay natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang-
likas ng mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon.

I. Layunin
Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
✓ naisasalaysay ang epekto ng kapaligirang pisikal sa pag-unlad ng pamumuhay sa Asya;
✓ nasusuri ang ugnayan ng kapaligirang pisikal at pamumuhay ng mga Asyano; at
✓ natatalakay ang paraan ng paggamit ng mga Asyano sa likas na yaman sa kanilang
pamumuhay noon at ngayon.

II. Mga Gawaing Pagkatuto

Aralin 1 Ang Yamang Likas at Ang Pamumuhay ng mga


Asyano
Panimulang Gawain

Gamit ang mapa, punan mo ang mga kahon ng


limang halimbawa ng mga katangi-tanging likas
na yaman na matatagpuan at sagana sa bawat
rehiyon ng Asya. Sagutin mo rin ang mga gabay
na tanong na nakapaloob sa gawaing ito.
AP 7 (Kasaysayan ng Asya)

Sagutin mo ang mga sumusunod:

1. Ipaliwanag mo kung ano-ano ang pagkakatulad ng mga likas na yamang taglay ng bawat rehiyon sa Asya.

2. Paano nagkaiba-iba ang mga likas na yamang taglay ng bawat rehiyon sa Asya?

3. Sa kabuuan, papaano mo mailalarawan ang likas na yamang taglay ng Asya bilang pinakamalaking kontinente sa mundo?

Ang mga bagay na likas na makikita sa ating kapaligiran tulad ng kalupaan, katubigan, malalawak na kagubatan, mga hayop, mineral
at iba pang mga katulad nito ay maituturing na yamang-likas sa isang lugar. Kung hindi sa yamang taglay ng kapaligiran, ano kayang
uri ng pamumuhay mayroon tayo? Paano kaya tayo makagagawa ng mga produkto at kagamitan natin sa araw-araw? Uunlad kaya
ang paraan ng ating pamumuhay?

Ating bibigyan ng mga kasagutan ang ilan sa mga katanungang ito sa pamamagitan ng pag-aaral at pagsasagot sa mga gawaing
nakapaloob sa modyul na ito.

Ang mga bansa sa Asya ay nagpakita ng kahusayan sa iba’t ibang larangan tulad ng agrikultura, ekonomiya at kultura. Kaya naman sa
pagdaan ng panahon ay unti-unting nakikita ang pag-unlad ng kanilang pamumuhay gamit ang kanikanilang likas na yamang taglay.
Ang mga yamang-likas na ito ay nagbigay ng hilaw na materyales na maaaring iproseso upang maging panibagong produkto na
nakatulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Asyano. Kung iyong matatandaan sa nakaraang modyul, natuklasan mo na
hindi magkakamukha ang mga likas na yamang taglay ng bawat rehiyon sa Asya sapagkat ito ay nakadepende sa heograpiya o
katangiang pisikal na taglay nito.
Gamit ang mga bagay na natutuhan mo tungkol sa likas na yaman ng Asya, atin naman ngayong alamin at mas unawain ang
implikasyong nadudulot ng mga ito sa pamumuhay ng mga Asyano. Ang mga ito ay nakaaapekto sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay
ng mga Asyano kagaya ng agrikultura, ekonomiya, panahanan at kultura.

Sa bahaging ito ng modyul, ay ating susuriin sa kung papaano na nakakaapekto ang likas na yaman ng Asya sa pamumuhay ng mga
Asyano at ang implikasyon nito sa mga larangan tulad ng agrikultura, ekonomiya at panahanan.

IMPLIKASYON NG LIKAS YAMAN SA PAMUMUHAY NG MGA ASYANO


Ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay ng iba’t ibang anyong lupa, anyong tubig, anyong gubat at mineral na lubos na
nakaaapekto sa takbo ng pamumuhay ng mga Asyano. Bukod sa naging panirahan ng tao, ang anyong lupa ay nakapagdulot ng
malaking impluwensya sa kultura at pamumuhay ng mga tao. Ang mga bulubundukin ay nakatutulong upang maging tanggulan o
idepensa ng isang lugar laban sa mga mananakop at harang sa malalakas na bagyo. Ang ilang mga disyerto, baybay-gilid at mga
kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng Asya ay nagtataglay ng samut-saring yamang mineral, mga metaliko, di-metaliko, at gas.
Ang bundok at gubat ay naging panirahan ng mga hayop, lalo na ng wildlife. Ito rin ay nagbibigay ng mga bungang kahoy, mga herbal
na gamot, at mga hilaw na materyales. Ang kapatagan at mga lambak naman ay binubungkal, sinasaka at nililinang ng tao para sa
mga pananim. Ang mga damuhan at mga burol ay ginagawang pastulan na nakatutulong sa pagtustos sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Ang paggamit ng tao sa iba’t ibang uri ng anyong lupa ay nakapagambag sa paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay
at ng kabihasnan.

Katulad sa sinaunang kabihasnan, ang mga anyong tubig tulad ng lawa at ilog ay pinagkukuhanan ng tubig bilang inumin at ginagamit
sa pang-araw-araw na gawain. Ito rin ang pinagmumulan ng sistema ng irigasyon sa mga sakahan at taniman, daanan ng mga
transportasyong pantubig, kalakalan at pinagkukuhanan ng mga pagkain at mga palamuti.

Agrikultura
Ang agrikultura ay isang napakahalagang sektor sa isang bansa dahil ito ang nagbibigay ng kabuhayan sa maraming mamamayan.
Ang pagkain at ilang produktong panluwas ay nagmumula sa pagsasaka. Ang mga Asyano ay may organisadong irigasyon, may
malawakang kultibasyon ng lupain, paggamit ng araro at pagkakaroon ng espesyalisadong mga manggagawa sa ilalim ng burokratikong
kontrol. Sa paglaki ng produksyon, ang ilang kompanya ay gumagamit ng makabagong makinarya upang mapabilis at maparami ang
produkto. Katuwang ito ng pamahalaan sa pagtugon ng pangangailangan ng mamamayan.

Page 2 of 7
AP 7 (Kasaysayan ng Asya)

KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA SA BANSA


1. Pinagkukuhanan ng kitang panlabas.
2. Pangunahing nagbibigay trabaho sa mamamayan.
3. Pinagkukuhanan ng hilaw na materyal upang makabuo ng bagong produkto.

Ekonomiya
Ang likas na yaman ang naging susi sa pagunlad ng ekonomiya ng mga bansa sa Asya. Ang ekonomiya ay sumasagot sa tanong na:
Paano tutugunan ng pamahalaan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao? Ang mga bansa sa Asya ay
unti-unting umunlad gamit ang kani-kanilang likas na yaman na ginawang panustos sa materyales na kailangan sa mga pagawaan.
Ang ilang salat sa likas yaman ay umaangkat at nakikipagpalitan ng hilaw na materyales sa ibang bansa upang tugunan ang kanilang
pangangailangan sa produksyon. Nakatutulong nang higit ang makabagong teknolohiya sa pagtaas ng pambansang kita na nakabubuti
sa pamumuhay ng mga mamamayan.

Panahanan
Ang patuloy na paglaki ng populasyon ay nakaaapekto nang lubos sa likas na yaman. Ang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay
walang hanggan ngunit ang pinagkukunan ng yaman ay limitado lamang. Sa katunayan, ang populasyon ng Asya ay mabilis na
lumolobo ngunit ang lupa ay mananatili sa sukat nito. Samakatuwid, lumiliit ang espasyo ng lupa para sa panahanan ng mga tao. Kung
kaya’t ang ilan ay isinagawa ang land conversion na nakapagdudulot ng pagkasira ng tirahan ng mga hayop. Ginagamit ng tao ang
espasyo ng panirahan na dapat lamang ay para sa mga hayop. Dahil sa talino ng mga tao sa kasalukuyan at bunga ng teknolohiya,
nakakayang baguhin ang kakayahan ng lupa at kanilang kapaligiran.

Ngayon ay nalaman mo na kung saan sa mga pangunahing larangan ng pamumuhay ng mga Asyano nagkakaroon ng implikasyon ang
likas na yaman. Sa puntong ito, atin namang suriin ang implikasyon ng agrikultura, ekonomiya at panahanan sa pamumuhay ng mga
Asyano. Gamit ang mga impormasyong nakatala sa sumusunod na smart art graphic organizer na magbibigay ng mas malalim na
pagunawa sa pag-angkop ng bawat rehiyon sa Asya upang matamasa ang pag-unlad sa kanilang pamumuhay. Unawaing mabuti ang
mga impormasyon upang masagutan at maisagawa mo ang mga gawain na kaugnay nito.

HILAGANG ASYA

Agrikultura
Itinuturing na sentro ng agrikultura sa rehiyong ito ang Fergana Triangle at ang lambak ng Chui River. Ito ay kilala rin sa pagkakaroon
ng masagana at mayamang lupain. Ang Syr Darya River at Amu Darya River naman ang pinagmumulan ng kuryente sa malawak ng
lupain ng rehiyon. Samantala, ang kagubatan ng Alpine naman ang sumusustento sa pangangailangan ng mga alagang hayop. Sa ilang
bansa naman sa Hilagang Asya ay pagtatanim ng palay, trigo, barley, bulak, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas at mansanas ang
kanilang ikinabubuhay.

Ekonomiya
Maliban sa produktong agrikultural, kilala ang rehiyong ito na mayaman sa mga mineral tulad ng krudo, iron ore, petrolyo, at natural
gas. Itinuturing din ang rehiyong ito na pangwalo sa pinakamalaking prodyuser ng ginto at kemikal sa buong mundo, sapagkat ito ay
sagana sa yamang-mineral. Sa rehiyong ito rin matatagpuan ang pinakamalaking minahan sa buong mundo, ang Muruntau Gold Mine
na matatagpuan sa disyerto ng Qyzylqum, Uzbekistan.

Panahanan
Ang Kazakhstan ay isa sa may malaking pagtaas sa bilang ng populasyon sa Hilagang Asya.

Ang tirahan ng mga tao sa rehiyong ito ay tinatawag na yurts na animo isang tolda na madaling itiklop sa sandaling kailangang ilipat
ng lugar upang makapanginain ang kanilang mga alagang hayop. Samantala, sa pook-urban naman nananahan ang mga tao sa mga
pabahay na gawa sa modernong arkitektura.

SILANGANG ASYA

Agrikultura
Ang mga lambak-ilog ng China, ang Huang Ho at Yangtze, ay nakatulong sa pag-unlad ng pagsasaka ng mga Tsino sapagkat ito ay
nagbibigay ng matabang lupa para sa pangunahing produkto ang trigo, palay, barley, bulak, tabako, sugar beets, sibuyas, ubas at
patatas. Sa rehiyong ito ay ipinatupad ang land reclamation shemes, sistemang irigasyon, paggamit ng iba’t ibang uri ng butil at
makabagong abono.

Ekonomiya
Sa rehiyong ito matatagpuan ang pinakamalaking tagapagtustos ng tungsten, tin, antimony, zinc at iba pang metal at maging sa
yamang hydropower. Ilan sa mga bansang kilala rito ay sagana sa iba’t ibang likas na yaman tulad ng:

Page 3 of 7
AP 7 (Kasaysayan ng Asya)

✓ China- ito ay may langis at iba pang mineral na karaniwang nagmumula sa gitna at hilagang kabundukan nito.
✓ Taiwan-nakatulong ang wind at solar energy sa pag-unlad ng mga industriyang panteknolohiya tulad ng gadget.
✓ Japan- naman ang naging kauna-unahang economic miracle sa rehiyon, bagay na nagbigay-daan sa World’s Leading Industrial
Power.
✓ South Korea- naging maunlad sa produktong tela, plastic, abono, at mga kagamitang elektroniko.
✓ North Korea naman ay nanguna sa mga produksyon ng graphite, tungsten at magnesite.
✓ Mongolia- na mayaman sa mineral na ginto at wolfam.

Panahanan
Karaniwang magkakalapit na pamayanan na gawa sa luwad at adobe ang tirahan ng mga magsasaka. Sa probinsya ng Sichuan, China,
gawa sa ladrilyo ang tirahan na karaniwang nakatayo sa gilid ng bundok. Ang mga Tsinong naghahanapbuhay sa lungsod ay naka-
condominium. Samantala, nomadic o walang permanenteng tirahan ang buhay sa hilagang bahagi ng Xinjiang at Tian Shan. Sa mga
magsasaka Koreano, sila ay karaniwang naninirahan sa Hilagang bahagi ng South Korea na nang naglaon at nagsimula ang
modernisasyon ay unti-unting lumipat sa lungsod upang mag-aral at maghanapbuhay.

TIMOG – SILANGANG ASYA

Agrikultura
Ang klimang monsoon ang nagbibigay ng higit na masaganang produksyon ng bigas at iba pang produkto sa mga bansa ng rehiyong
ito. Halimbawa ang bansa ng Indonesia na katatagpuan ng masaganang sakahan na ikinabubuhay ng mga tao roon. Sa Malaysia,
Thailand at Cambodia naman matatagpuan ang malawak na plantasyon ng goma.

Ekonomiya
Kinilala bilang Rising Tiger Economy o may maunlad na ekonomiya sa mundo ang rehiyong ito. Naging mahalagang produkto ng mga
bansa rito ang mga pampalasa tulad ng paminta, luya, bawang at nutmeg. Samantala, 70% naman ng ekonomiya ng Cambodia ay
nakatuon sa paggawa ng mga kahoy na pangkonstruksiyon. Mahalaga naman sa Malaysia ang industriya ng timber samantalang,
binigyang pansin ng Laos ang industriyang handricraft. Ang Vietnam naman ay kilala sa paggawa ng tela, electronics at sasakyan.
Samantala, nalinang ng Singapore ang kalakalang extended entrepot na may kinalaman sa pagbili ng hilaw na materyales mula sa
ibang bansa. Ang bansang ito ay kilala sa kasalukuyan bilang pinaka-industriyalisadong bansa sa Timog-Silangang Asya.

Panahanan
Ilan sa mga bansa rito ay karaniwang gumagamit ng prefabricated o pinagkabit-kabit na materyales sa pagbuo ng panahanan. Ang
tirahan ng mga mangingisda na malapit sa tabing-dagat ay sinusuportahan ng mga poste.
Sa bansang Indonesia, ipinatupad ang transmigration policy. Ito ay pagtugon ng kanilang pamahalaan sa mga taong walang tahananna
naninirahan sa mga lugar na punung-puno ng tao. Sila ay tutulungan ng pamahalaan na lumipat at magkaroon ng bahay sa isang lugar
na kakaunti ang mga tao.

TIMOG ASYA

Agrikultura
Ang 80% ng populasyon ng Timog Asya ay umaasa sa pagsasaka. Ang mga bansa na sakop nito ay umaani ng palay, trigo, jute, tubo,
mais, patatas, kamote.
Katulad sa Bangladesh, pinakamahalaga sa kanila ang sektor ng agrikultura. Gayon din sa Bhutan at Nepal na pagsasaka at
paghahayupan ang pangunahing ikinabubuhay. Sa India naman na tinaguriang Pusong Lupain ng India at kinilalang pinagmulan ng
sinaunang kabihasnan matatagpuan ang malawak na lambak ng Indus, Ganges at Brahmaputra nakabilang sa pinakamatabang
kapatagang sakahan sa daigdig.

Ekonomiya
Ang mga bansa sa rehiyong ito ay mayaman sa kagubatan. Dito matatagpuan ang mga tanyag na teak wood at sandal wood na gamit
sa konstruksyon. Sa kabilang banda, pumapang-apat sa buong daigdig ang India na nagtataglay ng reserbang karbon. Ang Bangladesh
naman ay mayaman sa natural gas at karbon. Samantalang, ang Pakistan ay nagtataglay ng natural gas, petrolyo, iron ore, tanso at
limestone. Sa Nepal naman matatagpuan ang maraming uri ng calcium carbonate, hydropower, at gypsum. Ang hydroelectric power
ay lubos na nakatutulong sa mga bansa tulad ng India, Pakistan, Bangladesh.

Panahanan
Ang panahanan at kultura ng mga bansa sa Timog Asya ay naiuugnay sa uri ng klima at topograpiya sa rehiyon. Ang mga panahanan
ay karaniwang parihaba na gawa sa luwad, kawayan, o pulang ladrilyo. Ang mga panahanang ito ay kailangang mas mataas sa lupa o
kalsada upang makaiwas sa baha. Sa mga pulo ng Maldives at Sri Lanka, ang mga panahanang loob ay nakapagbibigay ng mas

Page 4 of 7
AP 7 (Kasaysayan ng Asya)

malamig na pakiramdam. Sa Bhutan naman ay kinakailangan ng tirahan na makatatagal sa mahaba at napakalamig na klima.
Samantala, ang Bangladesh ay nanatili sa rural na uri ng buhay.

KANLURANG ASYA

Agrikultura
Sa rehiyong ito matatagpuan ang bansang Iran na kilalang pinanggagalingan ng cereal, tubo, iba’t ibang prutas, wheat at barley. Sa
Armenia naman, 16% ng lupain ay pawang sakahan at 10% ang lakas-manggagawang magsasaka. Ang Azerbaijan ay 30% ang
tinuturing na lakas paggawa. Sa Turkey at Cyprus naman ay nakapagtatanim at nakapag-aani ng mais, barley at bigas. Samantalang
ang Yemen ay may produktong millet, sorghum at sesame ngunit bulak ang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat.

Ekonomiya
Nakapagpoprodyus ng mga produktong dairy at eksplorasyon ng mineral sa bansa at kilala sa pagluluwas ng langis at natural gas. Dito
kilala ang Saudi Arabia na pag-aari ang ikalimang bahagi ng reserbang langis sa buong mundo. Binigyang-pansin din ng Dubai sa
United Arab Emirates ang turismo, financing, manufacturing, at sektor ng serbisyo. Samantalang ang Qatar naman ang nanguna sa
paglinang ng knowledge economy na tumutukoy sa pagkilala at paggamit ng teknolohiya sa paglilinang, pagbabahagi, at paggamit ng
kaalaman.

Panahanan
Ang panahanan ng mga kawani ay gawa sa luwad at semento. Sa mabubundok naman na bansa ng Lebanon, ilang bahagi ng Syria,
Turkey, Iran at Iraq ay may mga panirahang gawa sa malaking tipak na bato at semento.

III. Pagtataya
Gawain I
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. 5 puntos sa bawat tamang sagot.

1. Sa iyong palagay, anong rehiyon sa Asya ang may mas maunlad na sistema ng agrikultura? Ipaliwanag.

2. Sa paanong paraan napaunlad ng mga Asyano ang kanilang sistema ng agrikultura?

3. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang larangan ng agrikultura upang mapaunlad ng mga Asyanong bansa ang
kanilang ekonomiya? Ipaliwanag.

4. Sa paanong paraan nakatutulong ang agrikultura sa paglago ng ekonomiya ng isang bansa?

Page 5 of 7
AP 7 (Kasaysayan ng Asya)

Gawain II
Pumili ng isang likas yaman sa bawat rehiyon na kabilang sa Ekonomiya. Ilagay ang napiling likas na yaman sa ikatlong row sa
ikatapat na row ay magbigay ng maikling paliwanag kung paano ito nakatulong sa upang umunlad ang nasabing ekonomiya ng
rehiyon. 5 putnos sa bawat kahon.
Halimbawa: Timog Silangang Asya
Ekonomiya
Palay
Dahil maraming palayan ang mga bansa sa rehiyon kung
kaya ay marami ang kinikita ng mga bansa na nagiimport
ng bigas.

Dahil pagsasaka ang kinabubuhay ng maraming tao kung


kaya maraming trabaho ang nalilikha ng palay para sa
mga bansa ng timog silangang asya.

Timog Silangang Asya Silangang Asya

Ekonomiya Ekonomiya

Hilagang Asya Kanlurang Asya

Ekonomiya Ekonomiya

Timog Asya
Ekonomiya

Page 6 of 7
AP 7 (Kasaysayan ng Asya)

Gawain III Performance Task

Iguhit estilo ng bahay ng panirahan ng mga Asyano sa bawat rehiyon ng Asya gayundin ang ilan sa kanilang mga kultura batay sa
kanilang rehiyon.

1. Hilagang Asya
2. Silangang Asya
3. Timog-Silangang Asya
4. Timog Asya
5. Kanlurang Asya

Para sa mga nasa Printed, gumamit ng ibang bond paper at isama ang inyong drawing sa module gamit ang stapler.
Para sa mga nasa Online, guamit ng ibang bond paper para sa inyong drawing, maaari niyong kunan ng larawan ang inyong drawing
o i-scan ang drawing, pagkatapso nito ay “insert” ang inyong drawing sa module na ito.

Rubric para sa Drawing

Pagkamalikhain – 5 puntos
Nasunod ang konsepto ng estilo ng bahay – 5 puntos.

Sa bawat rehiyon ay mayroong 10 puntos.

IV. Sanggunian
• Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City,
Philippines: Department of Education Bureau of Learning Resources.
• "K To 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10". Department of Education, 2016.
https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01 /AP-CG.pdf.
• "Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management and Development System, 2020.
https://lrmds.deped.gov.ph/pdf- view/18275. "Project EASE: Araling Panlipunan II - Heograpiya Ng Asya". Learning
Resource Management and Development System, 2014. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6012.

Page 7 of 7

You might also like