May isang kaharian sa kontinente ng Uloresh Na ang pangalan ay Elmir.
Ang kaharian ng Elmir ay kilala sa kanilang
Kultura, kasaysayan, relihiyon, at sagana sa likas na yaman Samantala, ang kaharian ng Asyria ay matatagpuan sa timog ng Uloresh.
Sa kaharian ng Elmir matatagpuan si Sydney,
Isang Prinsesa ng Elmir at nagtataglay siya Ng isang agimat na nagbibigay ng lakas at proteksiyon sa kanilang kaharian.
Isang araw, si Prinsesang Sydney ay nagpaalam sa kaniyang ina
Na si Reyna Florentia na maligo sa talon at Binilin ng kaniyang ina na alagaan ang agimat. Bago pumunta si Prinsesang Sydney sa talon Dinaanan muna niya si Almira, ang kaibigan ni Prinsesang Sydney Upang isama ito sa talon ngunit tumanggi ito Dahil siya’y may karamdaman.
Pagkatapos ni Prinsesang Sydney maligo sa talon,
Dumating si Joseph, isang Prinsipe sa kaharian ng Asyria Na papadating na maliligo din sa talon.
Sa mga sumunod na araw at linggo,
Sina Prinsesang Sydney at Prinsipeng Joseph ay unti-unti nang Nagkakakilala ngunit hindi pa rin sila nagsasabi Ng katotohanan sa isa’t isa.
Sa mga nakalipas pang buwan ay madalas na ang kanilang
Pagkikita sila ay nakaupo at nakatingin sa mga bituin at buwan, Nang biglang may nakakita na isang guwardiya Na nagngangalang Aquil, na may lihim na pagtingin kay Prinsesang Sydney, dulot ng kaniyang pagseselos at kirot sa puso ay Nagmamadaling bumalik sa kaharian si Aquil at isinawalay kay Reyna Florentia na may kasama ang Prinsesa na pamilyar Na mukha ng lalake. Dali daling pumunta ang mga kawal at ang Reyna Kung saan ang kinaroroonan ng Prinsesa at ng Prinsipe ng Asyria Nang sila ay dumating ay paalis na sana sila Joseph at ang Prinsesa Ngunit nakita nila ang mga kawal at ang Reyna, Makikita ang gulat sa mukha ng Prinsesa At napatanong siya kung bakit sila naroroon.
Biglang nagalit at kinuha ng Reyna ang Prinsesa palayo kay Joseph
Dahilan upang masaktan si Prinsesang Sydney. “Bakit mo kasama ang Prinsipe ng ating mortal na kaaway na kaharian!”- pasigaw na sabi ng ina. “Ngunit ina’y napamahal na kami sa isa’t isa, ako’y labis na masasaktan kapag kami ay nagkalayo”- sagot ng Prinsesa. “Hindi maaari umuwi na tayo sa palasyo at ipinagbabawal ko na sayo ang pakikipagkita sa lalaking iyon!”- sagot ng Reyna.
Nagtipon ang mga kawal sa utos ni Reyna Florentia,
Siya ay nag utos sa kaniyang kampo na bukas ng umaga ay susugurin nila ang kaharian ni Prinsipeng Joseph Sapagkat hindi niya matanggap ang Prinsipe para sa kaniyang anak.
Samantalang ang Prinsesa naman ay iyak ng iyak sa kaniyang silid
Habang siya’y niyayakap ng kaniyang kaibigan na si Almira, Ngayon lang nakita ni Almira na ang lakas ng iyak ng kaibigan Kaya hindi niya tuloy masabi ang kaniyang nabalitaan tungkol sa pagsugod sa kaharian nila Prinsipe Joseph.
Sa pagod ay nakatulog na ang Prinsesa,
Kinaumagahan ay oras na para umatake ang kaharian ng Elmir Labas sa kaharian ng Asyria, Kung saan nandoon si Prinsipeng Joseph. Nang sumapit ang panahon ng pagsubok, Dumating ang hukbo ng Elmir sa kaharian ng Asyria At nagsimulang umatake.
Nabigla ang mga kawal ng Asyria at ang Prinsipe
Ganon na rin ang Hari wala siyang nagawa kundi umatake rin Upang maprotektahan ang kanilang minamahal na kaharian.
Sa bawat hakbang na ginagawa ng Prinsipe, unti unting tumulo
Ang kaniyang mga luha sapagkat hindi niya inaasahan na mangyayari ito, At siya’y napamahal na rin sa Prinsesa ngunit kailangan niyang Pumili kung si Prinsesang Sydney ba na kaniyang minamahal O ang kaharian ng Asyria na kaniyang tungkulin, Kahit nasa gitna ng digmaan ang Prinsesa pa rin ang nasa isip ng Prinsipe.
Ngunit sa kalagitnaan ng digmaan, siya’y naharap sa isang
malaking hamon, Ang kalaban ay mayroong isang malakas at mabangis na halimaw Na tumitira sa kanilang kaharian Ang halimaw ay dinikitan at walang kapantay sa lakas at katalinuhan.
Huli na nang makita niyang natamaan ang Hari na kaniyang ama,
Nilapitan niya ito at niyakap yakap, pinrotektahan siya ng kanilang mga kawal Umiyak ang Prinsipe at walng magawa kung hindi lumaban Labas sa kaharian ng pagmamahal.
Dala ng emosyon, ang Prinsipe ay nagalit sa kaharian ng Elmir
Dahil namatay ang kaniyang ama, Ginamit ng Prinsipe ang kaniyang katalinuhan at lakas Upang labanan ang halimaw gamit ang kaniyang agimat.
Ngunit nung malapit na niyang mapuksa ang halimaw
Ay bigla siyang tinusok ng sandata ni Reyna Florentia Napaluhod ang binata at tumulo ang kaniyang luha Halos patay na ang mga kawal ng kahariang Asyria, Nung nakita ng mga natirang kawal na natalo ang kanilang Prinsipe ay sila’y sumuko.
Huli na nag lahat nung nalaman at dumating si Prinsesang Sydney
Nakita niya ang kaniyang minamahal na nakahiga at duguan, Nilapitan niya ito nang mabilis at niyakap habang tumutulo ang luha, Nang makita ng Prinsipe ang Prinsesa ay siyang ngumiti at tuluyang nawalan ng buhay, Hinawakan ng Prinsesa ang pisngi ng Prinsipe at ito ay umiyak at sumigaw.
Sa ng epiko, sa harap ng madla,
Humiwalay ang Prinsesa mula sa mga nagluluksa Ang kaniyang mga luha’y umaagos, at ang kaniyang puso’y nagluluksa sa pagkawala ng minamahal na Prinsipe Sa kaniyang pagdadalamhati, nanumpa siya na patuloy na mamahalin ang Prinsipe sa kaniyang puso’t isipan. Ngunit sa kaniyang kabiguan, Hindi niya kinaya ang bigat ng hinagpis at sakit Sa katapusan ng kaniyang pagluluksa, naglakas loob siya upang ipagpatuloy ang ipinaglalaban ng kaniyang minamahal Itinayo niya ang isang palasyo na tatayo bilang simbolo ng kanilang pag-ibig na nagwakas ng maaga.
Ang palasyo ay may mga pintuang-daan na walang kahulugan,
Mga silid na puno ng alaala, at mga halamanang laging sariwa at nagbibigay liwanag sa dilim Ang mga kuwentong pinagdaanan ng Prinsipe at Prinsesa ay nakatatak sa bawat sulok ng palasyo, Nagbibigay-buhay sa kanilang mga alaala at nagsisilbing gabay sa mga susunod na henerasyon.
Sa bawat pagsapit ng gabi, ang mga bituin ay sumisilay sa palasyo,
Nagbibiagay liwanag sa gabi ng pagdadalamhati Ang mga kanta ng pag-ibig at hinagpis ay naglalaro sa hangin, Nagpapaalala sa Prinsesa ng kanilang mga sandaling masaya at malungkot, ngunit laging puno ng pagmamahal. At hanggang sa ngayon, Ang palasyo ng Prinsipe at Prinsesa ay nanatiling isang tahanan ng pag-ibig Ipinapasa ng mga salaysay at awit ang kanilang kuwento, Patuloy na nagbibigay inspirasiyon sa mga pusong nagmamahal at sumusubok na harapin ang mga pagsubok sa buhay.
Sa paglipas ng panahon, ang Prinsipeng namatay at ang
Prinsesang labis ang hinagpis ay nagkakaisa sa pamamahal na hindi nagwakas Ang kanilang kuwento ay sumisilay sa mga puso’t isipan Ng mga taong naniniwala sa walang hanggang kahulugan ng pag- ibig at higit sa lahat, ang buhay mismo.