Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region
Schools Division of
District of
ELEMENTARY SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2023-2024

TALAHANAYAN NG ISPESIPIKASYON
Pamantayan sa Bilang Bahag- Bilang

Understanding
Remembering

Analyzing

Evaluating
Applying
ng Araw ng

Creating
dan
Pagkatuto % Aytem

1. Nakatutukoy ng
natatanging
kakayahan 3,4,
7 17.5 7 1,2 6 7
Hal. talentong ibinigay 5
ng Diyos
EsP3PKP- Ia – 13
2. Nakapagpapakita ng
mga natatanging
9,10
kakayahan nang may 7 17.5 7 8 13 12 14
11
pagtitiwala sa sarili
EsP3PKP- Ia – 14
3. Napahahalagahan ang
15,1 17, 19,
kakayahan sa paggawa 7 17.5 7 21
6 18 20
EsP3PKP- Ib 15
4. Nakatutukoy ng mga
damdamin na
22,
nagpapamalas ng 25, 27,
7 17.5 7 23,
katatagan ng 26 28
24
kalooban
EsP3PKP- Ic – 16
5. Nakagagawa ng mga
wastong kilos at
31,
gawi sa pangangalaga ng
29, 32,
sariling kalusugan at 6 15 6
30 33,
kaligtasan.
34
EsP3PKP- Ie – 18

6. Nakasusunod sa mga
pamantayan/ 35,3 37, 39,
6 15 6
tuntunin ng mag-anak 6 38 40
EsP3PKP- Ii – 22
TOTAL 40 100% 40 12 12 6 6 2 2
Prepared by: Checked and Verified by:

Teacher III Teacher III


Noted by:

School Principal I

Republic of the Philippines


Department of Education
Region
Schools Division of
District of
ELEMENTARY SCHOOL

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 3
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2023-2024
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang kakayahang ipinapakita sa larawan?

A. paglalaro ng basketball
B. pagsasayaw
C. pag-awit
D. paglangoy

2. Alin sa mga sumusunod natatanging kakayahan ang kayang gawin ng isang batang katulad
mo?
A. magdrowing C. magpalipad ng eroplano
B. magmaneho ng trak D. magtayo ng bahay

3. Alin sa mga sumusunod na natatanging kakayahan ang HINDI kayang ipamalas ng isang
batang katulad mo?
A. magaling umawit C. marunong magdrowing
B. marunong sumayaw D. magaling magmaneho

4. Mahusay gumuhit si Luis. Marami na siyang naiguhit Tuwang-tuwa siyang ipinakikita ito sa
ibang bata. Masaya din siyang natutuwa ang mga kaibigan sa ginawa niya. Ano ang kakayahang
ipinakita ni Luis?
A. mahusay kumanta C. mahusay maglaro ng chess
B. magaling magluto D. mahusay gumuhit

5. Kapag hindi ginamit o ipinakita ang kakayahan, maaaring


A. mawala ito C. mas humusay
B. mas dumami D. mas malinang

6. Ano ang iyong gagawin upang malinang ang iyong kakayahan?


A. Huwag sumali sa sayaw para sa programa ng paaralan.
B. Mahihiya akong sumali sa patimpalak kasi ako’y nerbyoso.
C. Makilahok sa mga palatuntunan upang mahasa ang talento.
D. Hahayaan ko na lang na iba ang sumali kasi natatakot ako.

7. Alin sa mga sumusunod na damdamin ang nagpapakita ng tamang pagsasakilos ng


kakayahan?
A. Hawak-hawak ni Trixie ang laylayan ng kaniyang damit habang tumutula. Hindi siya
mapakali dahil baka magkamali siya.
B. Matapos pagtawanan nang madapa, hindi na mapilit si Jerome na sumaling muli sa
karera sa pagtakbo.
C. Umiiyak si Janice habang sumasayaw. Bago pa lang niya
itong natututuhan.
D. Matikas ang tindig ni Maybel habang umaawit sa harap ng
Maraming manonood.

8. Dapat bang ipakita ang ating kakayahan sa iba?


A. Opo B. Hindi po C. Pwede poD. Huwag na lang po.
9. Magkakaroon ng paligsahan sa pag-awit. Alam mo na may kakayahan ka sa pag-awit. Ano
ang gagawin mo?
A. Huwag ipakita ang kakayahan. C. Mahiyang sumali.
B. Sumali ng buong husay. D. Huwag sumali.

10. Si Arnel ay batang may kapansanan sa paglalakad. Napakahusay niyang gumuhit. Kung
ikaw ang nasa kalagayan niya, sasali ka ba sa paligsahan sa pagguhit?
A. Opo, dahil kailangang patunayan ko ang aking kakayahan.
B. Hindi, dahil baka di ako Manalo.
C. Hindi, dahil nahihiya ako.
D. Opo, dahil takot ako sa guro

11. Lahat ng iyong kamag-aral ay marunong sumayaw. Ang buong klase ay naatasang
magpakita ng kakayahan sa pagsayaw. Ano ang gagawin mo?
A. Magsasabi ng tunay sa guro na iba ang taglay na kakayahan.
B. Magmumukmok sa isang sulok.
C. Sasali at ipakita ang kakayahan.
D. Iiyak at tatakbo.

12. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng natatanging kakayahan nang may lakas ng
loob?
A. Kinakabahan dahil baka pagtawanan.
B. Sumayaw ng may kompyansa sa sarili.
C. Nahihiya sa harap ng maraming tao.
D. Natatakot sa pag-akyat sa entablado.

13. Ano ang iyong mararamdan pagkatapos mong maipakita ang iyong kakayahan at
pinalakpakan ng mga manonood?
A. naiinis B. nalulungkot C. natutuwa D. natatakot

14. Sino sa mga sumusunod ang pagpapakita ng kumpiyansa sa sarili upang maipakita ang
kakayahan?
A. Si Nora na nanginginig at kinakabahan sa entablado.
B. Si Karen na nahihiyang humarap sa maraming tao.
C. Si Anton na ayaw magbasa sa harap ng klase.
D. Si Nilo na kumanta ng buong puso at may damdamin sa patimpalak.

15. Ang isang batang katulad mo ay dapat bang tumulong sa mga gawaing bahay?
A. Opo. B. Hindi po. C. Minsan po. D. Di na kailangan po.

16. Alin sa mga sumusunod ang maaari mong maitulong sa bahay?


A. Maghugas ng plato.
B. Mag-araro sa bukid.
C. Magbuhat ng mabigat na refrigerator.
D. Gumawa ng silongan ng alagang hayop.

17. Ano ang gagawin mo kapag inutusan kang magsaing ng kanin sa inyong bahay?
A. Ako ay magdadabog.
B. Ako ay aalis at makikipaglaro sa kapitbahay.
C. Matutulog kunwari ay di ko narinig ang utos.
D. Gagawin ko ang iniutos sa akin para makatulong sa bahay.

18. Ang lahat ng mga matatandang kapatid mo ay may kanya-kanyang responsibidad na gawain
sa bahay, bilang bunso sa inyong magkakapatid, ano ang iyong magagawa?
A. Maglalaro lamang ako sa ‘cellphone’.
B. Susunod sa kanilang mga utos para sila’y matulungan ko.
C. Manonood lamang ako ng telebisyon.
D. Papanoorin lamang sila.

19. Bakit kailangan ng isang katulad mo ang matuto sa mga gawaing bahay?
A. Para mabigyan ng gantimpala kapag nakatapos ng gawain.
B. Para wala nang gagawin si nanay.
C. Upang di ko na kailangan ng katulong.
D. Upang ako’y matuto at kailangan ko ito sa aking paglaki.

20. Tukuyin kung sino ang batang nagpapakita ng paggamit at pagpapahalaga sa kakayahan sa
paggawa.
A. Nagmadaling bumangon si Fe at iniwang hindi inayos ang higaan.
B. Nagkusang magligpit ng mga nakakalat na laruan si Clarissa.
C. Ipinagpaliban ni Dan ang paglilinis ng banyo.
D. Hinayaang nakabukas ni Len-len ang grip pagkatapos maligo.

21. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng kakayahan sa paggawa?


A. Ipinagpapaliban ni Mak ang pagsunod sa utos at sinasabing
“sandali lang.”
B. Kailangan pang utusan si Lorie bago gawin ang isang gawain.
C. Tagapag-abot ng kailangan sa pagluluto si Noreen.
D. Lumalabas ng bahay si Mak upang maglaro kahit walang
pahintulot ng ina.

22. Ito ay katangian na nagpapakita ng kakayahang harapin ang anumang gawain o sitwasyon
nang walang takot o alinlangan.
A. tatag ng loob C. pagka-matiyaga
B. katapangan D. pagkamalakas

23. Ang pahayag na “ang kailangan mo’y tibay ng loob kung mayro’ng pagsubok man” ay
.
A. tama B. mali C. di-tiyak D. wala sa nabanggit

24. Kung may nararanasang suliranin, dapat na .


A. mawalan ng pag-asa C. magkaroon ng maraming pera
B. magkaroon ng pag-asa D. sumuko na lamang

25. Masasabing matatag ang iyong kalooban kung .


A. nakikinig ka kapag pinagsasabihan at nagsisikap magbago
B. umiiyak kapag natatalo
C. hindi ka humihingi ng tawad kapag nagkakamali
D. nagtatampo ka kung pinagsasabihan sa maling nagawa

26. Palatandaan ng katatagan ng kalooban ang .


A. hindi pagpapadala sa pakikipag-away
B. pag-amin sa nagawang pagkakamali
C. pagtanggap ng pagkatalo
D. lahat ng nabanggit

27. Sino sa kanila ang nagpapakita ng katatagan ng kalooban?


A. Naiyak habang naglalakad si Jessica dahil pinagtatawanan siyang pilay.
B. Nagsisikap pa ring mag-aral si Jack kahit mahirap lang sila.
C. Tumanggi si Val nang tanungin ng ina kung siya ang
nakabasag ng plato kahit totoo naman ito.
D. Itinigil na ni Pia ang pagsagot sa mga aralin dahil nahihirapan
at napapagod na siya.

28. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng katatagan ng kalooban, maliban kay


.
A. Carl, na tinanggap ang pagkatalo sa laro nang nakangiti
B. Glen, na nakipag-usap ng mahinahon sa sumisigaw sa kanya
C. Claire, na nagmukmok sa silid nang nahirapang magbasa
D. Kath, na humingi ng tawad kay Ruth dahil may nasabi itong masakit.

29. Alin sa mga sumusunod na larawan ang HINDI nagpapakita ng wastong pangangalaga sa
sarili?

A. C.

B. D.

30. Ang lugar na ito ay nagbibigay ng libreng serbisyo. Ano ang ipinatayo nila?
A. Paaralan B. Plaza C. Health Center D. Mall

31. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pangangalaga sa kalusugan?


A. Laging nagbabasa ng aklat.
B. Laging kumakain ng “imported chocolates”.
C. Laging nagpapatingin sa doktor.
D. Laging nagpupuyat.

32. Alin ang hindi nakapipinsala sa katawan at isip?


A. Paglalasing
B. Pagpupuyat
C. Pagkain ng prutas at gulay.
D. Pag-inom ng sobrang gamut.

33. Ano ang dapat gawin upang mapangalagaan mo ang iyong sarili?
A. pagtulog ng hatinggabi
B. paglalaro ng mobile games maghapon
C. kumain nang matatamis tulad ng kendi at tsokolate
D. pagkain ng masusustansiyang pagkain

34. Sino sa kanila ang nagpapakita ng wastong kilos at gawi sa pangangalaga ng sariling
kalusugan at kaligtasan?
A. Mahilig kumain ng tsitserya si Roy kaya siya ay pumapayat.
B. Alas-dies na ng gabi kung matulog si Arianne.
C. Si Kim ay laging nanonood at nakaupo lamang sa loob ng bahay.
D. Palagiang naghuhugas ng kamay si Rey upang sakit ay
maiwasan.

35. Ang mga kilos o gawain na dapat sundin ng lahat ng kasapi ng pamilya ay matatawag na
.
A. tuntunin B. utos C. pakiusap D. responsibilidad

36. Ang maaaring maging mabuting dulot ng pagkakaroon ng tuntunin sa tahanan ay


.
A. kaayusan B. kaguluhan C. pagkakanya-kanya D. katahimikan

37. Alin sa mga sumusunod ang iyong tuntunin bilang anak?


A. Makipaglaro lagi sa mga kaibigan
B. Maglaan ng sapat na oras para sa pag-aaral
C. Sumama sa barkada sa paglakwatsa
D. Paninigarilyo at pagsusugal

38. Ang pagsunod sa tuntunin sa tahanan ay naipakikita ni .


A. Rena, na lumalabas pa rin ng bahay upang maglaro
B. Felix, na hindi nakikipag-away sa mga kapatid
C. Emil, na ayaw paawat sa paglalaro sa cellphone
D. Anton, na laging uma-absent.

39. Ang mga sumusunod ay wastong tuntunin sa tahanan, MALIBAN sa


A. tumulong sa mga gawaing bahay
B. maging magalang sa pakikipag-usap
C. ipagpaliban ang pagsunod sa utos
D. magtipid sa paggamit ng tubig, kuryente, at iba pa

40. Bilang kasapi ng pamilya, mahalagang isipin mo na .


A. okay lang na hindi makasunod dahil bata ka pa
B. laging mauunawaan nila dahil hindi mo pa kaya
C. kaya mong sumunod dahil mabuti kang bata
D. wala sa mga nabanggit
Prepared by:
Checked and Reviewed by:

Teacher I

Noted by:

School Principal

Address:

Email Address:

FB Page:

Answer Key: ESP 3 Q1 Periodical Test

1. B 11. C 21. C 31. C


2. A 12. B 22. A 32. C
3. D 13. C 23. A 33. D
4. D 14. D 24. B 34. D
5. A 15. A 25. A 35. A
6. C 16. A 26. D 36. A
7. D 17. D 27. B 37. B
8. A 18. B 28. C 38. B
9. B 19. D 29. B 39. C
10. A 20. B 30. C 40. C

You might also like