Ganito Sa Pabrika Venturero

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 24

Ganito

sa
Pabrika
Mga Tula ng Anak-Manggagawa

John Romeo Venturero


Guhit ni: Glenn F. Gonzales

Ikalawang Gantimpala
Don Carlos Palanca Memorial Awards, 2019
Tula para sa Bata
GANITO SA PABRIKA: MGA TULA NG ANAK-MANGGAGAWA
© 2023 Sentro ng Wikang Filipino-Unibersidad ng Pilipinas Diliman at John Romeo Venturero

Sinusuportahan ng Sentro ng Wikang Filipino–Unibersidad ng Pilipinas Diliman (SWF- ANG AKLATANG BAYAN ONLINE:
UPD) ang bukas na pag-akses (open access) para sa pag-download, pagbahagi, pagsipi,

Pagpalaot sa Bagong Anyo


at paggamit nang buo ng mga aklat at materyales ng Aklatang Bayan Online. Hinihiling
ang angkop na pagbanggit sa mga aklat at mga awtor at/o patnugot nito at sa SWF-UPD
bilang orihinal na batis at tagapaglathala, kadikit ang tagubilin na huwag babaguhin at
gagamitin para sa komersiyal na layunin ang mga na-download na teksto.

The National Library of the Philippines CIP Data


ng Paglalathala
Recommended entry:

Venturero, John Romeo.


Ganito sa pabrika : mga tula ng anak-manggagawa /
John Romeo Venturero. -- Lungsod Quezon : Sentro ng
Wikang Filipino-UP Diliman, [2023], c2023.
pages ; cm
“Nanalo ng ikalawang gantimpala sa Palanca noong
2019”--Cover. Pinagtibay at ipinatupad sa Unibersidad ng Pilipinas (UP)
ISBN 978-971-635-100-2 (pb/bp) noong 1989 ang Patakarang Pangwika na nagtatakda sa
ISBN 978-971-635-101-9 (PDF read only)
ISBN 978-971-635-102-6 (PDF downloadable) wikang Filipino bilang pangunahing midyum ng pagtuturo,
1. Filipino poetry. 2. Children’s poetry, Filipino. pananaliksik, paglalathala, gawaing ekstensiyon, at opisyal
3. Working class—Literary collections. 4. Labor—Literary
collections. 5. Casual labor—Philippines. I. Title. na komunikasyon. Bukod sa pagtalima sa mga probisyong
pangwika sa Konstitusyong 1987, ang hakbang na ito ay
899.2111 PL6058.9.V46 2023 P320230195 pagkilala sa kapasidad, kahusayan, at katotohanan na sariling
wika ang higit na mabisang kasangkapan ng edukasyon
John Romeo Venturero tungo sa pagkatuto at pagkilos ng mamamayan. Malaon nang
Awtor napatunayan sa kahit na anong bansa at bayan na ang sariling
Glenn F. Gonzales dinamikong wika na nauunawaan at ginagamit ng nakararami
Ilustrador
ay susi sa pagtataguyod ng pagkakakilanlan, pagkakaisa,
Jayson D. Petras panlipunang katarungan, at pambansang aspirasyon.
Punong Editor, Aklatang Bayan Online
Direktor, Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman
Upang mahusto ang patakarang pangwika, itinaguyod
Elfrey Vera Cruz Paterno ng Sentro ng Wikang Filipino-UP Diliman (SWF-UPD) ang
Tagapamahalang Editor, Aklatang Bayan Online
proyektong Aklatang Bayan. Layunin ng Aklatang Bayan na
Angge Santos maglathala ng mga teksbuk at iba pang libro na nakasulat
Disenyo ng Aklat sa wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina at larang. Mithiin ng
proyektong ito na magamit ng mga guro at mag-aaral ang mga
teksbuk, aklat, at iba pang lathalain para sa kanilang pagtuturo,
pagkatuto, at pananaliksik.

Mulang 1994 hanggang kasalukuyan, ang publikasyon


Kinikilala ng Sentro ng Wikang Filipino-Unibersidad ng Pilipinas Diliman ang Opisina ng sa Aklatang Bayan ay nilahukan ng mga guro, iskolar,
Tsanselor ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman para sa pagpopondo ng paglalathalang ito. mananaliksik, at manunulat sa iba’t ibang disiplina tulad
Inilathala ng: ng agham, matematika, humanidades, araling panlipunan,
Sentro ng Wikang Filipino-Unibersidad ng Pilipinas Diliman
3/Palapag Gusaling ISSI, E. Jacinto St., UP Campus, Diliman, Lungsod Quezon

i
Telefax: 8924-4747 | Telepono: 8981-8500 lok. 4583 | www.sentrofilipino.upd.edu.ph
agham panlipunan, isports, panitikan, malikhaing pagsulat,
panlipunang kaunlaran, heograpiya, pagpaplanong urban at
rehiyonal, musika, araling katutubo, sikolohiya, wika, at marami
pang iba. Mga Nilalaman
Humigit-kumulang 200 titulo na ang nailathala sa Aklatang
Bayan, kabilang ang dihital na plataporma nitong Aklatang
Bayan Online na sinimulan bilang proyektong E-bahagi
noong 2018. Taong 2019 nang maging pormal ang
institusyonalisasyon ng Aklatang Bayan Online at sa panahon
naman ng pandemya simula 2020, tumugon ito sa pagbibigay
ng malayang akses sa ilang luma at bagong aklat ng SWF- Pasasalamat i
UPD. Higit na ibinukas ito sa mga awtor at mambabasa sa
pamamagitan ng paglalathala ng mga aklat, pananaliksik,
Maging sa pag-aaklas ii
pag-aaral, at maging ng mga malikhaing akda na libreng Ang Sampung Pasahero 1
makukuha mula sa SWF-UPD Website.
Nasaan si Nanay 2
Sa kasalukuyan, patuloy pa ring tumutugon sa panawagan Ang Listahan 4
ang maraming guro, iskolar, mananaliksik, at manunulat na
magsumite ng kanilang mga manuskrito sa layuning maibahagi Hindi Makabili 7
ito sa pinakamalawak na mambabasa. Tulad ng mababanaag Akinse-Katapusan 9
sa sagisag ng Aklatang Bayan Online, nasa iisang bangka ang
Sa Ahensya 10
akademya at bayan: pumapalaot, sumusulong, at lumalaban sa
gitna ng iba’t ibang hamon. Sa Itaas, Sa Ibaba 13
Sa ilang taon nang pakikibaka ng mamamayan, kabilang ang Hatid-Sundo 15
mga guro, iskolar, mag-aaral, at manunulat, sa disimpormasyon Mamaya 16
at distorsiyon ng katotohanan at kasaysayan, naninindigan
Hinahon 18
ang Aklatang Bayan para sa responsable, malaya, at
mapagpalayang paglalathala. Habang Tulog 21
Lagi’t lagi para sa katotohanan. Lagi’t lagi para sa bayan. Iyong Kamay 23
Sa Paete 24
Ganyan sa Pabrika 26
Mayo Uno ng Pamilya Obrero 28
Pamana ni Tatay 30
Ang Aklat Sanyata ng Sentro ng Wikang Filipino — Tungkol sa May-akda 31
UP Diliman ay serye ng mga akda at pananaliksik sa
panitikan, malikhaing pagsulat at produksyon, wika, Tungkol sa Aklat 31
sining, komunikasyon, midya, pamamahayag, at
humanidades. Sa wikang Iloko nagmula ang salitang
“sanyata,” na nangangahulugang “liwanag” o “ganda.”

ii iii
Pasasalamat

Labis na pasasalamat sa Sentro ng Wikang Filipino ng


Unibersidad ng Pilipinas-Diliman, lalo sa mga direktor na sina
Dr. Michael Andrada at Dr. Jayson D. Petras sa pagbibigay-
tahanan sa koleksiyong ito.

Sa aking pamilyang unang nagpaunawa sa akin ng halaga ng


paggawa: Romel, aking tatay, manggagawa sa ibayong-dagat.
Sally, aking nanay, manggagawa sa aming tahanan. Atik, Dave,
at Angeline, mga kapatid at kasama kong saksi sa kanilang
pagsusumikap.

Sa mga kinabilangang organisasyon at samahang nagbigay


ng pagkakataon sa aking makilala ang sektor ng paggawa. Sa
mga kaibigan at kasama, mula noon hanggang ngayon.

Kay Glen, para sa kaniyang sining.

Kina China, Vijae, Sir Eugene, mga kasama sa Supling Sining, at


Aklat Alamid, sa tulak na patuloy na magsulat para sa mga bata.

Higit sa lahat, sa mga manggagawa. Nasa inyong kamay


ang bukas.

v
Maging sa Pag-aaklas

“Mamaya” at “Sa Itaas, Sa Ibaba” na naglalapit sa ating suriin ang


mga ‘di ligtas at ‘di makataong kalagayan sa paggawa ng mga
manggagawa at ang lente ng batang persona sa tula. Sa kabilang
banda, ipinakikila naman ang pagiging tao ng mga manggagawa
Tinatawid tayo ng koleksiyon ng tula sa higit na pag-unawa sa mga tulang “Hinahon,” “Habang Tulog,” “Iyong Kamay,” at “Sa
sa lugar at lagay ng bata sa gumaganit na pamumuhay sa Paete”. Sa kabila ng mekanisasyon sa pagtatrabaho ng mga
lungsod. Ayon sa pag-aaral ng IBON Foundation, paliit ang obrero, banayad na pinaalala ng mga tula na sa salimuot sa
bilang ng nalilikhang trabaho. Nangunguna ang bansa sa pamumuhay ng mga manggagawa nakararamdam din sila—
Timog-Silangang Asya sa kakulangan ng nalilikhang trabaho nagsasalubong sa mga tulang nabanggit ang galak at galit na
para sa mamamayan nito. Habang nitong 2021, tumaas pa nga karaniwang nararamdaman ng tao.
ang netong kita ng sampung (10) pinakamayayamang tao sa
Sa mga tulang “Hatid-Sundo” at “Ganyan sa Pabrika,” ibinukas
bansa, gayong bumabagsak ang tunay na halaga ng sahod.
ang katangian ng mga manggagawa sa kolektibong paggawa
Kaya naman, hindi maikakaila ang tumitinding kahirapang at sa mga tulang “Mayo Uno ng Pamilya Obrero” at “Pamana ni
dinadanas ng pamilyang Pilipino. Mababasa ito rito sa Ganito Tatay,” naidiin na bahagi sa kanilang kalakasan ang kakayahang
sa Pabrika, koleksiyon ng mga tula ng Anak-Manggagawa ni magsama-sama na humakbang na nakataas kamao. Matingkad
Romeo Venturero. Sa mga tulang “Nasaan si Nanay,” “Listahan” na tinapos ng panghuling tula sa koleksiyon ang tunguhin ng
at “Hindi Makabili,” mauunawaang hindi ligtas ang batang anak akda, higit sa pagkilala ay may pagtanaw at pagkilos.
ng manggagawa sa pag-aalumpihit dahil sa kakulangan sa
pantustos sa bahay. Naitutulak silang maghabi ng mga salita,
kilalaning ang paghihirap ay hindi bisita kundi araw-araw na kamao,
kasama nila sa hapag-kainan, at tulad sa paghinga, hindi na
maikakailang bahagi na sa pag-iral ang kakapusan. Hindi na nakataas, madalas magilas;
ito bago lalo na’t sumadsad ang kakayahang bumili ng mga abala sa paghugis
manggagawang Pilipino. Ang PHP 570 na minimum na sahod ng mundong maaliwalas.
ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR) ay PHP
482 na lamang ang tunay na halaga ngayong Enero 2023 dahil
sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ang bata sa koleksiyon, hindi tagatanghod sa turnilyo ng
Maiuugnay sa mga tulang “Sa Ahensya” at “Akinse-Katapusan“ kinakalawang na makina at hindi lang kasama sa pagkalas,
na tila kada katapusan ng anim na buwan, isang tulak sa libingan maging sa pag-aaklas.
ng kagutuman ang pamilya ng manggagawa dahil sa kawalang
kasiguraduhan sa trabaho. Maririnig ito sa pagpihit sa pangamba
ng boses ng personang bata sa mga akda. Pagtawid naman China De Vera
sa pisi ng buhay at kamatayan ang inihahapag sa mga tulang Awtor ng Kapit, Kapit, Bahay, Bahay at Palayain ang Aking Nanay

vi vii
Ang Sampung Pasahero

Sampung pasaherong pupungas-pungas,


sakay ng dyip ni Mang Tomas.
Si Pikoy, si Berto, si Kulas,
papasok ng pabrika ng kape’t gatas.
Sina Manang Lucing at Aling Petra,
bitbit ang bayong, mamimili na.
Si G. Reyes, Bb. Santos,
Inaantok ma'y gayak pang-opisina.
Si Nanay at ako, at ang bag kong de hila,
ayaw mang pumasok, diretso sa eskwela.
Pero si kuyang sa dulo,
mukhang inumaga,
humikab nang malakas.
"Haaaaaaay!
Sa wakas, pauwi na!"

1
Nasaan si Nanay

Nang tinanong ng landlady,


“Nagpunta pong palengke.
Nagsimba po sa Antipolo.
Namasyal po sa parke.”

Nang hanapin ng NAWASA,


“Umuwi pong probinsya.
Sumama po sa hangin.
Kinain ng balyena.”

Nang hanapin ng MERALCO,


“Sa loob ‘ata ng kaldero.
Kinuha po ng nuno.
Hinabol ng multo.”

Kung saan-saan, sabi ko,


Maliban sa totoo.
Naroon ka’t nakaantabay,
Pigil-hiningang nagtatago
sa likod ng pinto.

2 3
Ang Listahan

Sinubukan kong hanapin


ang dulo ng listahan
ng utang ni tatay
sa suki niyang tindahan.

Dumaan ako sa bahay,


napadpad sa eskinita;
wala pa ang dulo,
ibang barangay na.
Nadaanan ko’y sardinas,
ilang kilong bigas.
May sachet ng shampoo,
at lata ng gatas.
Pahingal-hingal,
pagbalik ko sa tindahan,
anang may-ari,
“Limang ikot pa ‘yan.” Nang hingan ng bayad,
bigla kong naalala;
Sa pagod, wala pa raw sahod,
napabili ng sopdrinks. tiis na lang muna.
Glug, glug, glug! Kamot-ulo kong sabi
Aaaaaaaaaah! Kay aling tindera,
Lagot! “Pasensya po, pakilista.”

4 5
Hindi Makabili

Sa department store, nakahimpil,


postura si manang manekin.
Sa kawalan, nakapako ang tingin;
maborloloy ang damit, iba ang tindig.
Mapupula niyang labi,
humahalik sa hangin.
Mataas niyang takong,
inaakyat ang langit.

Marahil iniisip
sa tumitingin-tingin,
sino kaya ang bibili
ng minomodelong palda
at blusang marikit.
At sinong gaya namin,
dumadaan, pabalik-balik,
panaka-nakang nakisisilip,
sa kaniyang kawalan
nakitititig.

6 7
Akinse-Katapusan

Tuwi-tuwing akinse-katapusan,
walang ‘singhaba,
walang paglagyan
ang ngiti sa aking labi.

Lagi-lagi
ako’y nakaabang,
handa ang tsinelas,
ang prinaktis na masahe,
at inipong lambing kay tatay.

Panay-panay
aking hinihintay
ang fried chicken meal;
akin ang balat,
laman kay tatay!
Kalakip ang iniipong laruan.

Paulit-ulit,
binibilang ko sa isip
kung ilang akinse-katapusan
ng ngiting walang paglagyan
ang aming makokolekta
sa kontrata ni tatay
na anim na buwan.
Kuwento ni tatay,

8 9
Sa Ahensya

sa inaaplyan,
lahat nakaabang.
May dating karpintero,
may dating sastre,
may dating panadero,
may dating saleslady,
may dating sekyu,
may dating kaminero,
may dating empleyado,
may dating may negosyo,
may dating titser,
may dati daw nars,
may dating engineer,
may dating artista
may dating persytam,
may dating-dati na.

Parang si tatay, lahat sila


sa hanap-buhay nakapila,
sa ahensya umaasa,
sa abroad ang punta.

10 11
Sa Itaas, Sa Ibaba

Nakatingala si Pepe,
manghang-mangha.
“May nakasabit na mama!”
Nakalambitin sa building,
nagpupunas ng bintana!
Palipat-lipat, puno ng gilas.
Ano kayang powers
ang kanyang hawak?

Siguro, sabi niya,


sa gagamba’y pinaglihi.
O baka ang kapit,
may sa-butiki.
O di kaya naman,
may itinatagong agimat.
Sa dibdib ng mama,
may tumutingalang bata.

12 13
Hatid-Sundo

Ayun si nanay,
kumaway!
Saka naglaho
sa pilang sa malayo.
Mga langgam na gumagapang,
pare-parehong kulay,
papasok sa lunggang
ang tawag, pagawaan.

Maraming-maraming-marami!
Lahat sila, kasali.
Karera sa pagpasok,
inuunahan pagputok
ng bukang liwayway.

Sa hapon
kapag sumusundo,
sa malayo,
ang punso ay bundok.
Sa gilid tumatakas,
‘di langgam; liwanag! Pulang-pulang-pula!
Sumasabog, matingkad, Kasama ng iba,
pauwi sa langit ayun si nanay,
na ang tawag ay tahanan. kumakaway!

14 15
Mamaya

Pagdating ni tatay,
maglalaro kami ng taguan.

“Pung!”
Siya agad ang taya.

Magtatago ako
sa loob ng kaniyang bulsa.
O sisiksik, di kaya,
sa bag niyang dala.
O sisingit
sa mabigat na talukap
ng kaniyang mga mata.

Kung susuko,
sa kahahanap, mahapo,
ay gugulatin kong bigla:
“Bulaga!”

Sabay yakap
mamaya
pagdating ni tatay,
kung sa trabaho,
hindi maplakda.

16 17
Hinahon
Tuwing nag-aaway
sina inay at itay,
inisiip kong ako ay alon:
banayad ang daluyong,
may buntong-hininga
sa tuwing hinahaplos
ang dalampasigan.

Katulad kanina,
sila ay mga isla.
Patampong lulutang-lutang,
dagat ang pagitan,
sa magkabilang panig
ng maliit naming papag.

Masisisi ba sila
kung may bulkang sasabog?
Sumisingaw ang init,
nakapapaso ang inip,
Akong alon,
yumayanig ang tiyan,
marahan ang dampi.
hindi makalabas,
Tatapik
walang pagbuntunan.
saka kikiliti
sa pagod na likod ni itay.
Saka ako hihihip
ng pasimpleng lambing.
Hirit kay inay,
“Bati na kayo.
Tayo-tayo lang dito.”

18 19
Habang Tulog

Inay, ‘wag magalit


kung sa puting buhok sa anit,
kami ay maglambitin,
salitan ng hagikgik.
Pati sa mga guhit
ng noo at gilid
ng mata mong pikit,
kami’y maghabulan
ng biro, magbatuhan.
Saka mag-unahan
sa tuktok ng ‘yong ilong;
doon magpapagulong
papalapit sa labing
paulit-ulit hahagkan
habang ika’y tulog,
plakda sa pagod,
walang-sawang nagbantay
sa aming malilikot.

20 21
Iyong Kamay

Mga kamay ni papa,


talagang kakaiba!
Sa aking tainga,
nakapipitas ng barya.

Mahiwaga ang palad,


makalyo ang balat,
ngunit ang haplos,
sa pakiramdam, banayad.

Tuwing aalis,
saranggolang lilipad.
Tuwing kami’y inip,
Kapag pagod,
ito’y isda sa dagat.
pawis, parang ilog.
Tuwing manggigigil,
sipit na pamisil.

Kapag nagagalit,
bato siyang matigas;
mamong matamis
sa lambing at himas.

Punong mataas
kapag ako’y buhat.
Araw na pasikat
tuwing ako ay yakap.

22 23
Sa Paete

Tanong ko, Ang sa iyo’y kabayo,


“Maganda ba?” mukhang totoo,
pangsampung tangka akmang tatakbo.
sa aso kong likha. Gawa kong tuta,
Ngumiti ka’t sinabing, maiksi ang nguso,
“Puwede na.” mata’y ‘di na pantay,
lagas ang balahibo.
Aba! Natatawa mong payo,
Pinaghirapan ko, “Kabayo kong pambato
‘di basta-basta. sa karera nananalo.
Nakapagtataka, Sa libong pagsubok,
‘di sing husay, hindi sumuko,
‘di sing ganda, mali-mali man ang lilok.”
ng ukit mong gawa.

24 25
Ganyan sa Pabrika

Turo ni inay
mula sa pagawaan,
kaming magkakapatid,
ipatupad sa tahanan:

Sa pabrika,
walang mabubuo
ang iisa.
Sa paggawa,
kani-kaniyang toka.

May tagagupit,
may nagdidikit,
may tagakahon,
may tagatipon.

Sa bahay,
walang magagawa
ang dadal’wang kamay.
Sa mga gawain,
kani-kaniyang agapay.
May tagawalis,
may nagliligpit,
may tagaluto,
may tagasalubong
kay nanay.

26 27
Mayo Uno ng
Pamilya Obrero
Piyestang Obrero Sina ate at diko,
tuwing Mayo Uno. kanta’y pinapraktis,
Pabrika’y nakasara, kasama ang koro,
Wala ring eskwela. iba-ibang boses.
Sa bag ilagay,
Araw-manggagawa, bandera ng unyon.
sa ‘min, pampamilya. Ang toka ni tatay,
Tulong-tulong at handa; ‘wag malimutan ‘yon.
lahat, sama-sama.
At siyempre ako,
Si nanay, abala Bunso ng Obrero,
sa nilulutong adobo. tagasigaw, malakas,
Sinaing niya, “Sahod, itaas!”
dosenang kaldero.

Pati rin si kuya,


hindi makausap;
tutok sa pagpinta,
malalaking plakard.

28 29
Pamana ni Tatay

Hindi lupa,
ni bahay.
Hindi damit,
ni lumang gamit.
Hindi tikas,
ni ganda.
Hindi talino,
ni husay.
Kundi mga kamay
na tulad sa kaniya:
pasmado,
kinakalyo;
ang palad, bukas;
kamao, nakataas,
madalas magilas;
abala sa paghugis
ng mundong maaliwalas.

30 31
Tungkol sa May Akda

May-akda

Manunulat at guro si John Romeo Venturero. Bilib siya sa


mga manggagawa, lalo sa kanilang disiplina, sama-samang
pagkilos, at pagiging mapanlikha. Kasalukuyan, siya ay kasapi
ng Aklat Alamid at ng Supling Sining Inc.

Ilustrador

Si Glenn F. Gonzales ay dalawampu’t isang taong gulang.


Kasalukuyan siyang kumukuha ng kursong Batsilyer sa
Sining Biswal major sa pagpipinta sa Unibersidad ng Pilipinas
Diliman. Isa rin siyang mural artist. Tubong Nueva Ejica,
nakatanggap siya ng mga parangal at lumahok sa mga
timpalak sa sining biswal sa kanilang lalawigan.
Hindi karaniwang paksa ng mga tulang pambata ang handog ng kalipunang
ito. Masisipat ng mga bata ang buhay ng mga manggagawa bilang
magulang, kapitbahay, o estranghero. Inilarawan mang hikahos, nag-
uumapaw sa pag-ibig at pananalig sa magandang bukas ang kanilang mga
buhay. Hindi ikinubli ang pakikipagsapalaran ng nasabing sektor na inilahad
sa mulat at nakasisimpatyang persona ng bata. Nagiging mahiwaga ang
danas ng pagninilay sa manekin at tagalinis ng salamin sa mataas na gusali,
pagtatago sa naniningil, alitang mag-asawa, kooperasyon ng mag-anak,
pag-aabang sa araw ng sahod, pagbibigay-pugay sa kamay ng amang
nasisikap magtaguyod ng pamilya, pagdiriwang sa mga manggagawa, at
“paghugis sa mundong maaliwalas.” Sa aklat na ito, naihahain ang bagong
depinisyon at potensiyal ang tulang pambata sa Pilipinas.

- Eugene Y. Evasco

May dalawang mahalagang handog ang Ganito sa Pabrika ni John


Romeo Venturero. Una, karagdagang tinig ito sa panulaan na nakasentro
sa karanasan ng mga bata. Ang pagtutuon niya sa mga anak ng mga
manggagawa ay mahalaga sa patuloy na pagkilala’t pag-unawa sa
bata maging sa mga pahina ng panitikan. Ikalawa, ang matapat nitong
pagpapakita sa mundong kinahaharap ng lahat, bata man o matanda, na
nagpapayaman sa pagdama sa ating kalagayan gaya ng mga nakasalikop
na damdamin sa sumusunod na saknong:

(mula sa “Nasaan si Nanay”)


Kung saan-saan, sabi ko,
Maliban sa totoo.
Naroon ka’t naka-antabay,
Pigil-hiningang nagtatago,
sa likod ng pinto.

(mula sa “Pamana ni Tatay”)


Hindi talino,
ni husay,
kundi mga kamay
na tulad sa kaniya—
[…]
abala sa paghugis
ng mundong maaliwalas.

- Vijae Alquisola

You might also like