El Filibusterismo Script

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

EL FILIBUSTERISMO FILM

Scene 1,
Place: Minanga
Intro: Tumatakbo si Ibarra kasama si Elias, hinahabol ng dalwang armadong guardiya
sibil. Nagpalit ng damit sina Ibarra at Elias upang malito ang guardiya sibil at nabaril
nila si elias na inakaalang si Ibarra ito.

kabanata 1: Sa kubyerta
Scene 2,
Place: Tinoto
Narrator: Umaga ng Disyembre ng maglayag ang Bapor Tabo, patungong Laguna,
sakay ang napakaraming pasahero, habang binabagtas ang paliku-likong Ilog Pasig.
Maituturing na ngang barko ng lahing pilipino ang Bapor tabo o mas kilala sa tawag na
daong ng pamahalaan dahil pinamunuan ang mga Reverendos at Ilustrimos. Ito’y gawa
sa bakal at animo’y hugis tabo, kung saan nakuha ang pangalan nito. Nahahati ito sa 2
bahagi, sa itaas ay ang kubyerta at dito matatagpuan ang mga manlalakbay na
nakasuot- Europeo, mga prayle at mga kawani ng pribadong tanggapan na nananabako
habang tumitingin sa tanawin. Ang tanging babae lamang dito ay si Doña Victorina na
kahalubilo ang mga Europeo.

Doña Victorina: ( inis + taray+ pasosyal) Ang bagal naman ng bapor na ito! Hmpf!
(makakakita ng small boats & indios) Hay! Ano ba naman ang mga maliliit na bangkang
iyon?! Mga sagabal sa daanan! Pati ang mga Indiyo! Dito pa sa ilog naliligo at
naglalaba! (inis~!) Mga perwisyo sa mundo! Umagang-umaga, sinisira na nila ang araw
ko! Mga Pesteng Indiyo!
>>mga tao nakatingin sa kanya, Doña Victorina deadma lang<<

Donya Victorina: Kapitan! (pupuntahan ang kapitan) Kapitan! Bakit sa bahaging iyon
pumupwesto ang mga hangal mong tauhan?

Kapitan: Dahil napakababaw roon, Señora (close eyes)

Donya Victorina: At bakit napakamahinahon ng takbo ng bapor na ito?! Hindi ba


pwedeng bilisan ang takbo ng makina?!

Kapitan: Sapagkat sasadsad tayo sa palayan, Señora (ituturo ang palayan through his
lips)

Narrator: Abala sa pagkukwentuhan ang mga pasahero sa kubyerta na sinadya nila


upang hindi makahalubilo si Donya Victorina, dahil sa kanyang kayabangan.

Ben Zayb: Hay nako !! Ang Ilog Pasig ay masyadong paliku-paliko! Dapat ituwid ito!
Dapat itong ituwid! Dahil dito, mabagal ang pag-usad ng bapor!

Padre Camorra: Tama! Dapat hanapan nila ng paraan para palalimin ang ilog Pasig!
Diba? Para naman bumilis ang usad ng bapor at mga sasakyang pandagat!
>>adlib, Ben Zayb & P. Camorra sigawan<<
>>P. Salvi intervenes, quiet na sila<<
Padre Salvi: May Alam ka ba tungkol sa pantas ng agham, ha? Alam mo ba kung sino
sila? (sabay smirk) May isang tulay sa Puente del Capricho na hindi natapos dahil sa
sinabi nilang mahina at marupok daw ito? (parang matalino ang dating) Pero tingnan
niyo buo parin ito hanggang ngayon kahit anong dumaan lindol at bagyo, hindi parin ito
nabubuwag!

Padre Camorra: Yan din ang nais kong sabihin! A- ang Puente del Capricho at ang mag
pantas ng agham, y-yan din ang aking sasabihin Padre Salvi.
>>Ben Zayb, tahimik lang & nakangiti; Padre Irene tahimik lang din, tumatango<<

Padre Salvi: (natutuwa) Ngunit hindi ibig sabihin ay wala kayo sa katwiran dahil ang
problema ay ang lawa (singit Doña Victorina)

Donya Victorina: (taray + pasosyal) Dahil walang maayos na lawa rito sa Pilipinas
>> nagkatinginan ang mga nag-uusap, enter simoun<<

Simoun: Madali lamang yan! At hindi ko mabatid kung bakit walang nakaisip nito! Dapat
ito simulan sa paghuhukay ng isang tuwid na kanal mula sa bunganga ng Ilog Pasig
hanggang sa labasan nito sa lagusan ng Maynila. Ang tuwid na kanal na ito ay
magsisilbing ilog at ang lupang nakuha dito ay itatambak sa luma. Hindi ka na
nagsayang ng lupa, napaikli pa ang oras ng paglakbay, Oh diba? Simple lang?

Ben Zayb: Ah! Isang planong yankee ang iyong naisip (tango lahat except for Don
Custodio)

Don Custodio: Ipagpaumanhin ninyo, Señor Simoun, ngunit hindi ako sumang –ayon.
Tila yata masyadong magastos at mapaminsala ang inyong panukala (mayabang ang
tono ng boses)

Simoun: Eh di, sumira kung kailangan! (Mahinahon ngunit nag iinsist ang dating)

Don Custodio: At saan naman kukunin ang salaping ibabayad sa manggawa? (inis +
yabang+ a bit powerful)

Simoun: Pagtrabahuhin ang mga bilanggao at hindi sila babayaran. (nag iinsist pa rin)

Don Custodio: Ngunit hindi sapat ang kanilang bilang, Señor simoun.

Simoun: kung kukulangin ay pagawain natin ang taong bayan, ang mga matatanda,
kabataan, pagtrabahuhin sila. Sa halip na sapilitang 15 araw, pagawain sila ng tatlo,
apat, limang buwan at pagdalhin sila ng sariling pagkain at gamit. Para ito sa bayan,
diba?!
[nagulat si Don Custodio, then interrupt]

Don Custodio: Subalit, S- Señor Simoun..

Simoun: Wag na kayong tumutol, Don Custodio, Sa ganyang paraan lamang


maisasakatuparan ang mahalagang proyekto nang walang kahit anong gastos. Sa
ganitong sistema rin naitayo ang mga tanyag na istruktura sa iba’t ibang bansa. Gaya
ng piramide, Lawa ng Maoris at ang coliseo sa Roma. Sa tingin ko ay isa itong
magandang ideya. At isa pa pumupunta tayo sa roma at sa ehipto, sinasamba ang mga
Faraon at ang pamilya Antonina. Huwag na tayong maglokohan, ang patay ay
nananatiling patay at tanging malalakas lamang ang kinikilala.

Kabanata 2

Scene 3,
Place: Tinoto
-Sa Ilalim ng Kubyerta-

Narrator: Dumako naman tayo sa ilalim ng kubyerta, kung saan iba’t – ibang tagpo ang
masasaksihan gawa ng nandito ang karamihan ng mga pasahero. Sila’y nakaupo sa
mga bangko at bangkitong kahoy, katabi ng mga maleta, bakol at tampipi, dalawang
hakbang mula sa mainit na makina na syang sanhi ng makabutas-bagang amoy ng
langis at umaalingasaw na amoy ng tao. Lahat sila ay abala sa iba’t-ibang bagay tulad
ng pagninilay sa tanawin, paglalaro ng baraha at pakikipag-kwentuhan gaya na lamang
nila BASILIO at ISAGANI.

[Basilio, Isagani & Kapitan Basilio, nag-uusap, the others; adlib]

Basilio: Hay.. gaya pa rin ng dati si Kapitan Tiyago, ayaw magpagamot kaninuman,
kaya’t pinuntahan ko siya sa San Diego ngunit mas nais niya pang mapag-isa upang
malaya siya makagamit ng opyo.tsk tsk.. (umiiling)

Kapitan Basilio: Tunay ngang salot ng modernong panahon ang opyo. Kahit alam ng
mga matatanda ang kasaysayn ng opyo, hindi parin nila ito inabuso at habang popular
ang klasikong pag-aaral, ang opyo ay isa lamang medisina. Alam naman natin na ang
mga intsik, na hindi marunong mag latin ang lubos na naninigarilyo na opyo. Ah! Kung
inihandog lamang ni Kapitan Tiyago kay Cicero! Tungkol naman sa Akademya ng
Wikang Kastila. Sinisiguro ko sa inyo na hindi ninyo ito maisasakatuparan.

Isagani: Maisasakatuparan po, Señor. Nangako sa amin si Padre Irene na niregaluhan


namin ng isang pares ng kastanyong kabayo. Siya ay makikipagkita sa Kapitan-
Heneral.

Kapitan Basilio: Hindi iyon mahalaga! Sasalungat pa rin kayo ni Padre Sibyla.

Isagani: Hayaan ninyo siyang sumalungat. Nandito yan ngayon sa bapor dahil
magtutungo siya sa Los Baños kung nasaan naroon ang kapitan-heneral.

Kapitan Basilio: Oo nauunawaan ko. Pero saan naman kayo kukuha ng Pondo???

Isagani: Mayroon din kami, Señor. Bawat estudyante ay mag-aambagan.

Kapitan Basilio: Subalit... paano ang mga propesor?

Basilio: Mayroon na rin po. Kalahati po sa kanila ay mga Pilipino at ang kalahati naman
po ay mga kastila.

Kapitan Basilio: at ang gusali?


Basilio: Si Macaraig, ang mayamang si Macaraig ay pahihintulutan kaming gamitin ang
isa sa kanyang mga bahay.

Kapitan Basilio: Gaya ng layo ng pagtakbo nito, hindi narin ganoon kasama ang inyong
ideya. Yaman din lamang na hindi kayo masyadong mahusay sa pagsasalita ng Latin,
ay pag-aaralan nyong mag Kastila man lang. Yan ang patunay kung bakit paurong ang
ating pag-usad. Noong panahon namin ay natuto kaming mag-Latin dahil sa mga aklat
namin ay nakalimbag sa Latin. Ngayon naman ay nakalimbag sa wikang Kastila ang
inyong mga aklat ngunit hindi naman kastila ang ginagamit nilang pangturo! Hay! Aetas
paretium pejor avis tulit nos nequiores! Ang katandaan ng ating mga ama, na mas
masama pa sa kanilang mga ama, ay nagdudulot ng mas masama sa kanila

Isagani: Tingnan mo itong mga makalumang tao, lagi nilang nakikita nag kahirapan sa
lahat ng bagay. Mas mapapansin pa nila ang kakulangan kaysa sa kabutihan nito at
nais nilang maging maayos sa lahat ng bagay.. Hay naku!!

Basilio: Mukhang palagay siya sa tiyo mo dahil sa pag-uusap nila sa makalumang


panahon. Maiba lamang, ano nga pala ang sabi ng tiyo mo tungkol kay Paulita?

(kinikilig si Isagani)
Isagani: uhmm… pinangaralan niya ako tungkol sa pag-aasawa. Sinabi ko sa kanya na
walang katulad si Paulitang kaibig-ibig, edukada at isang ulila dito sa Maynila.

Basilio: Tama ka! Siya’y mayaman, maganda, matalino at walang kapintasan maliban
na lang sa Tiya niyang mapangutya. (tatawa sila ni Isagani)

Isagani: Napag-usapan na rin lang ang kaniyang Tiyahin. Alam mo ba na nakiusap


siyang hanapin ko ang kanyang asawa?

Basilio: (nabigla & nagtataka) S-si Donya Victorina? At nangako ka pa para lang
mapanatili ang inyong kasintahan?

Isagani: natural! Pero ang problema ay natatago ang kanyang asawa… sa bahay ng
aking tiyo! (tatawa ulit sila) Yan ang dahilan kung bakit hindi nagpupunta sa kubyerta
ang aking tiyo. Baka raw kasi usisahin siya ni Doña Victorina tungkol kay Don Tiburcio.
(simoun pababa then sasabat)

Simoun: Kamusta Basilio? Bakasyon na ba kayo? Ang maginoo bang ay iyong


kababayan? (titigan si Isagani mula Ulo hanggang paa, titingin ng masama si isagani)
kamusta? Naman ang buhay niyo sa lalawigan? (nakitingin kay Basilio)

Basilio: (nagtataka) bakit? Hindi ba kayo pamilyar dito?

Simoun: paano ko malalaman kung hindi pa ako nagtutungo doon? Nasabihan lamang
ako na napakahirap ng mga tao doon kaya’t hindi sila bumibili ng alahas.

Isagani: (galit & firm ang boses) Hindi kami bumibili ng alahas sapagkat hindi naming ito
kailangan!

Simoun: teka-teka… huwag kayong magalit binata. Ngunit dahil naisip ko lang na halos
lahat ng mga parokya ay hawak ng mga prayleng indiyo na ang mga prayle ay
mamamatay para sa parokya at ang mga pransiskano’y kuntento sa mahirap na
pagkukurahan kaya’y pag ibinigay iyon sa mga klerigong indiyo ay dahil makikilala ang
mukha ng hari roon… ah! Siya nga pala halikayo mga binata at uminom tayo para sa
kaunlaran ng inyong lalawigan.

Basilio: maraming salamat po Señor… ngunit hindi po kami umiinom ng alak.

Simoun: pangarap! Hmpf! Ang makina ay halos magkabanggaan. Samantala, kukunin


ko ang serbesa. (exit)

Basilio: ano ang nangyari sa iyo?

Isagani: (pailing-iling) kakaiba ang taong iyon, nakadarama ako sa kanya ng


pangingilabot, halos takot…

Basilio: Sinisiko na kita pero hindi mo pa rin ako pinapansin. hindi mo ba alam na
tinatawag nila ang isang iyon na kayumangging kardinal? Ha?

Isagani: ANO?! Kayumangging kardinal?!

Narrator: isa sa mga bangko sa likurang bahagi ng kubyerta, kanilang ang ibang mga
pasahero ay nakaupo si Padre Florentino na nakatitig sa tanawin, natatangi siya sa
katutubong Pari dahil wala siyang bisyo at mapagkumbaba sa karamihan. Naging
malungkot ang kanyang karanasan sapagkat hindi niya ginustong pumasok sa
seminaryo, sinunod lamang niya ang kahilingan ng kanyang ina. Siya nagmula sa isang
mayamang pamilya na taga-Maynila ngunit kailanman ay hindi niya naramdam ang
pagpaparing bokasyon. Ngunit dahil sa matinding pagkakainigan ng kanyang ina sa
arsobispo ay tuluyan na siyang naging pari sa gulang na 25. dahil dito ay nagpakasal sa
iba ang babaing kanyang pinakamamahal. Nagretiro siya noong sumiklab ang
kaguluhan ng 1872 at mula noon ay namuhay siya ng payapa sa baybayin ng Dagat
Pasipiko kasama ng kanyang Pamangking si Isagani.

Kapitang ng Barko: Padre Florentino, halikayo at umakyat tayo sa kubyerta dahil


naroroon ang mga prayle at kung hindi ka aakyat ay maiisip nilang ayaw niyong
makisalamuha sa kanila
(tatango si Padre Florentino then aalis ang kapitan)

Padre Florentino: Buti na lamang at nasabihan ko si Isagani na huwag umakyat ng


kubyerta…haaay!

Narrator: Habang nasa Kubyerta ay naiisip ni Isagani na iniiwas siya ng kanyang tiyo na
makausap si Doña Victorina.
(nagiisip si Isagani)
KABANATA IV

Scene 3, Bahay ni Kabesang Tales


Kabesang Tales: (malungkot) Pero itay, kukunin nila lahat ng meron tayo kapag hindi
ako nakapagbayad… at ayokong masayang lang ang pinaghirapan natin sa loob ng
ilang taon…

Tandang Selo: Ano na ang balak mong gawin?

Kabesang Tales: (galit at inis) Magrerebelde ako!… hindi ako magbabayad ng kahit
isang sentimo at isusuko ko lamang ang lupaing ito sa sinumang magdidilig ng sarili
niyang dugo rito!

Tandang Selo: (nagmamakaawa & nagaalala) ANAK! Maghunos dili ka! Iyan huwag na
huwag mong gagawin… tandaan mo na ang sinumang nanalo sa korte ay naiiwang
hubad.

Kabesang Tales: (galit) ipinanganak tayong walang saplot sa katawan, itay. At kapag
tayo’y namatay, babalik tayo sa pagiging abo.

Narrator: Hindi pa rin nagbabayad si kabesang Tales at ipinaglaban ang karapatan niya
sa lupain. Nakasalalay ang kinabukasan ng kanyang pamilya sa kasong kanyang
ipinaglalaban.

Narrator: Isang araw ay nahuli si Tales ng mga tulisan at natalo siya laban sa mga ito.

(Juli & Tandang Selo naguusap)


Juli: (nangangamba) Ano na po ang gagawin natin lolo? Natatakot po ako para kay
itay?

Tandang Selo: Sa tingin ko ay kailangan nating manghingi ng tulong sa gobernador, sa


hukom, sa eskribador at sa tinyente ng guardia civil kung maari… Ibenta mo ang mga
natitira sa’yo… sadyang napakalupit ng tadhana para sa atin.

Juli: Paano kung hindi pa sapat ito upang ipang bayad sa mga tulisan? Maari ng
matapos ang palugit nila sa atin na 2 araw. Kung hindi ay pupugutan nila si Itay
(naiiyak)

Tandang Selo: Hayaan mo, iha... Huwag kang mawalan ng pag-asa (iko-comfort si Juli)

Narrator: marami ang tumulong sa mag-lolo. Kabilang dito ay si Hermana Bali.


[Hermana Bali + Juli usap w/ other kapit bahays]
Hermana Bali: Sa tingin ko Juli, isangla mo na lang ang inyong bahay sa halagang
dalawang daan limampung piso at bayaran mo na lamang ito kapag nanalo sa kaso.

Juli: Ngunit hindi ko po ito maaring gawin... ito na lamang po ang natitirang pag-aari
namin.
[pasok si Hermana Penchang]
Hermana Penchang: Nabalitaan ko ang inyong sinapit...papautangin kita sa isang
kundisyon.

Juli: Maraming salamat po...kahit ano gagawin ko para sa aking ama.


Hermana Penchang: Manilbihan ka bilang katulong sa akin.

Juli: Po?! (teary eyed) s-sige po... pumapayag na po ako.

Hermana Penchang: Magaling! Bukas ng umaga ay magsimula ka na... maliwanag


ba?!

Juli: Opo... Maraming salamat po (malungkot)

Narrator: Di nagtagal ay nalaman ito ni Tandang Selo at lubha niya itong ikinalungkot.
Maging si Juli ay nalungkot sa sinapit ng kanyang pamilya. Lalo na at bukas na ang
dating ni Basilio galing Maynila.

Juli: Hindi ko na maaring mahalin si Basilio... dahil malalaman niyang hinayaan kong
magdusa kaysa ibenta ang laket niya... Paalam mahal ko

Kabanata V (Noche Buena ng isang kutsero)

Scene 4, Bahay ni Kapitan Basilio


Narrator: walang nagawa si Basilio kundi ang maglakad na lamang patungo sa bahay
ni Kapitan Basilio

Basilio: Huh? Hindi ba’t si Sinang iyon?


[ nag uusap-usap sina Simoun, Kap. Basilio, Kura & Tinyente ng guardia civil]

Kapitan Basilio: Naiintindihan namin, Señor Simoun, pupunta kami sa Tiani upang
tingnan ang inyong mga alahas

Alperes: Ako rin, gusto kong ring pumunta. Kailangan ko ng relo, pero marami akong
gagawin at pupuntahan. Kung maari ay si Kapitan Basilio na lang ang gagawa nito para
sa akin.

Kapitan Basilio: Iyon na nag regalo sa inyo sa kapaskuhan

Alperes: hindi ko matatanggap yan, kapitan.

Kapitan Basilio: Pag-usapan na lang natin yan pagkatapos.


Kura: Nais kong magagandang hikaw na may mataas na kalidad. Saka na lang natin
pag-usapan ang halaga.

Kapitan Basilio: Huwag kayong mag-alala padre. Ako na ang bahala sa inyo
[pasok si Basilio]

Basilio: Itong taong ito ay walang pinalalampas …Magnenegosyo kahit saan. Bibili ng
mga alahas sa kalahating presyo at ibebenta bilang panregalo. Lahat ng tao’y
nakikipagnegosasyon maliban sa amin.

Kabanata 6: Si Basilio

Scene 5, Libingan
Basilio: (palingap-lingap habang bumababa sa hagdan ni kapitan tiyago) Dapat kong
siguraduhing walang sumusunod sa akin para na rin sa aking kaligtasan..
*patungo ako ngayon sa gubat ng mga Ibarra, na ngayo’y pagaari na ni kapitan tiyago.

Basilio: hay… sa wakas nakarating din ako , matapos kong bagtasin ang mga burol at
ilog muli makakapiling ko ang aking ina. (mananalangin adlib!)
Sinamantala ko na ang pagkakataon upang dalawin ka rito aking ina, dahil bukas
magtutungo ako sa tahanan nila kabesang tales.
Inay, nangungulilia na ako sa inyo ni crispin, 13 taon na ang nakakararaan magmula ng
mawala kayo. Salamat na nga lang at may mga taong tumulong sakin ng kayo’y
mawala. Katulad ng lalaking tumulong sa akin para kayo ay ilibing at si kapitan Tiyao na
kumupkop sa akin at nagpapa-aral magpasa-hanggang ngayon. Malapit na akong
magtapos ng aking pagaaral ng medisina aking ina, kahit pa abogasya ang nais ni
kapitan Tiyago para sa akin mabuti na nga lamang ay napagisip-isip niya na
mapakikinabanggan niya ang aking pinagaralan sa paggawa ng mga lason na
mailalagay sa tari ng kanyang mga manok na pangsabong. Tandang-tanda ko pa noong
ako’y bago-bago pa sa maynila at nagsimulang magaral, nilalayuan nila ako dahil sa
aking kasuotan at inakala na ako’y walang alam ngunit pinatunayan ko na ako’y
palaban kaya naman nabansagan nila ako na isang loro, napahanga ko sila inay sa
aking angking galing at pag gamit ng tungkod at sable at magtatapos ako, taglay ang
pinakamataas na karangalan sana nga lang ay narito kayo ngayon upang tunghayan
ang aking tagumpay. Kumikita na rin ako ngayon ng sarili kong pera dahil sa aking
panggagamot, kaya ko nang bumili ng mga magagarang damit at tuparin ang
pangakong kasal kay Juli.

Kabanata 7: Si Simoun

Scene 5, Libingan
Narration: Paalis na sana si basilio ng may nakita siyang liwanag sa gitna ng mga puno,
mga sanga at kadilimang naghahari sa kagubatan at makarinig ng mga kaluskos ng
mga paa. Nakakita si Basilio ng anino sa gitna ng pook na iyon at mabilis na nagmartsa
patungo sa kanyang kinakatayuan.

Basilio: (natatakot) marami na akong nasuri na mga bangkay at nakitang mga taong
nagaagaw-buhay, hindi ako dapat matakot, pero… marami na ring bali-balita tungkol sa
lagim ng gubat na ito.
*Huminto ang anino sa kabilang gilid ng balete at nakita ito muli ni basilio mula sa
pagitan ng dalawang ugat ng punong kahoy. Mula sa suot na damit ay kinuha nito ang
isang ilawan na may malakas na lente, ipinatong ito sa lupa at nalantad ang suot na
botang pangabayo. May kinuha itong bagay sa loob ng bulsa, isang matalim na asarol
na inilipat sa dulo ng dalang tungkod.

Basilio: teka.. hindi bat siya ang… ang.. ang magaalahas na si simoun! Siya nga! Hindi
ako maaaring magkamali! Ang lalaking ito, ang lalaking ito ang siyang humukay ng
libingan ng aking ina labingtatlong taon na ang nakalilipas. Wala na ang asul na salamin
na nagpapabago sa kanyang kaanyuan, maliban sa pagputi ng kanyang buhok,
pagkakaroon ng mga bigote, at pamamayat ng kanyang mga bisig ay nanatiling
mapanglaw ang kanyang mga mata. Pero.. naguguluhan ako!?.. kasabay ng
estranghero na itim ang pagkamatay ni Ibarra ngunit papanong???? Nais kong tuklasin
ang misteryong bumabalot sa pagkatao ng taong ito subalit nangingibabaw pa rin ang
aking takot. (makalipas ang ilang sandali)

Basilio: (Nagtindig habang papalapit kay simoun) Maaari ko po ba kayong matulungan


Ginoo? Labintatlong taon na ang lumipas magmula nang gawan niyo ako ng
paglilingkod, inilibing ninyo ang labi ng aking ina kung inyo pang naaalala kaya aking
ikalulugod kung pahihintulutan niyo ako na tulungan at paglingkuran kayo.

Simoun: (bumunot ng baril, ikinasa at tinutukan si basilio) Sino ba ako sa tingin ninyo?

Basilio: sa tingin ko po ay isa kayong napaka dakilang tao. Isang tao na inakala ng
maraming tao, maliban sa akin, ay patay na at ang natanggap na kabiguan ay labis
kong pinagdadalamhati.

*(katahimikan) makalipas ay lumapit si simoun sa binata at ipinatong ang kamay nito sa


binata sa kabila ng kanyang pagdududa.

Simoun: Basilio, ikaw ngayon ay nagmamay-ari ng isang lihim na maaring magdala


sakin sa kapahamakan at ngayong nadiskubre mo na ang isa pa na kapag nalantad ay
sisira sa aking plano.
Tama, dumating ako rito labingtatlong taon na ang nakalilipas na may sakit at bigo,
upang magbigay respeto sa aking kaibigang may mabuting kaluluwa na pumanaw dahil
sa akin at sa pagging biktima ng masamang sistema na umiiral sa ating bansa noon pa
man. Naglibot ako sa buong mundo, nagtrabaho ng buong araw at gabi upang
makaipon ng malaking halaga upang maisakatuparan ang aking mga plano. Ngayon,
bumalik ako para was akin ang sistema sa pamamagitan ng pagsulong ng mga
kasamaan nito at pagbabaon nito sa hukay, kahit na bumaha pa ng dugo at luha. Kung
ito lamang ang magpapatunay sa kanyang mga kasalanan. (gumamit ng tinig na
nakapanghihilakbot)

Nagbalik ako sa isla bilang nakamaskarang negosyante, binagtas ko ang mga bayan-
bayan. Ginamit ko ang aking kayamanan upang makilala at kahit saan man ako naroon
ay iba’t-ibang katakawan ang aking nasaksihan.

Kailangan ko ng tulong ninyo,gamitin ninyo ang inyong impluwensya sa mga kabataan


para labanan ang pagnanais sa kastila, sa pamumuhay, ang pantay-pantay nba
karapatan na magbibigay daan lamang para tawagin kayong manggagaya.Kung
tumanggi silang ituro ang kanilang wika, ay palaguin ninyo ang inyo ipakilala sa marami
kaysa hangaring maging isa lamang na lalawigan ng espana ang bansa.

Basilio: Ginoo, napakalaki ng karangalan na ibinigay ninyo sa akin sa pamamagitan ng


pagsasabi sa akin ng inyong mga plano kaya’t ibig kong magtapat at sabihin sa inyo na
ang gusto niyo sa akin ay higit pa sa aking kalakasan. (adlib ipakita na hindi kumbinsido
sa mga nais ni simoun) Wala sa loob ko ang paghihiganti sapagkat hindi na ito
makapagbabalik ng kahit hibla ng buhok ng aking ina o ngiti sa labi ng aking kapatid.

Kabanata 8: Maligayang Pasko

Scene 6, Bahay nina Juli, Kabesang Tales at Tandang Selo


Juli: (bagong gising) Ahh… ang himala ng mahal na birhen! (nagtungo sa altar lumuhod
at nagdasal matapos ay tiningnan ang pera na kanyang hiniling sa birhen.) Wala?
Tuluyan na nga talagang nagging malupit ang kapalaran para sa akin. Ang himala ng
birhen na tangi kong pagasa upang makaligtas sa napipinto kong pagiging katulong ay
nawala na.. (iyak) Dapat ko na rin sigurong kalimutan si basilio sapagkat ang isang
taong may mataas na pinagaralan na tulad niya ay Malabo ng tuparin ang pangakong
kasal sa isang babaeng katulong lang. (halikan ang relikaryong ginto) Malapit na akong
umalis kaya dapat na akong maghanda, ipagtitimpla ko muna ng salabat ang lolo.

*nakita ni juli ang lolo na nakatingin sa kanya halatang sinusulit ang mga huling sandal
na masisilayan ang kanyang babaeng apo.

Juli: Mano po lolo, maya po ay aalis na ako.

Tandang Selo: Apo iingatan mo ang sarili mo, palagi mong tatandaan na mahal na
mahal kita.

*umalis na si juli na hindi napigilan ang emosyon dahil na rin sa paggunita sa masayang
pamilya nila na ngayon ay watak-watak na.

*(magpakita ng mga eksena na ayaw ng bata ang pasko dahil kurot lamang ang inaabot
nila. Magpakita ng mga batang nagpapakita ng talent)

Kabanata 9: Si Pilato

Scene 7, Bahay ni Hermana Penchang


Hermana penchang: isa kang kaawa-awang nilalang, dalaga ka na subalit hindi mo pa
din alam ang tamang paraan ng pagdarasal mabuti na lamang at napunta ka sa aking
puder dahil maliligtas ka na sa pagkasunog sa walang hanggang apoy.

Scene 8, Lupain ni Kabesang Tales


Kabesang tales: (papunta sa lupang kanyang sinasaka) sa wakas ay nakalaya rin ako,
ang lupa ko, mayroon ng bagong nagmamay-ari?

Padre Clemente: Hahahahahaha! Ngayon ikaw na ang bagong magmamay-ari ng


lupang ito hahaha! Nawa’y ikay magsipag at pagyamanin ang lupang ito na pagaari
namin, hahaha!

Kabesang Tales: ang mga walang hiyang iyon! Ako ang nagpakahirap upang palaguin
ang lupang iyon, matapos ang lahat ng aking paghihirap! Kinuha na nila sa akin ang
lahat lalo pa’t kailangan naming lisanin ang aking tahanan sa loob ng tatlong araw dahil
sa bias ng utos ng hukuman. Hinde, isa lamang itong panaginip! Hindi mawawala ang
mga pinaghirapan ko… Bunga ito ng aking puyat,pagod at sariling pawis. Nasan ang
katarungan? Nasaan?

Kabanata 10: Kayamanan at karalitaan

Scene 9, Bahay ni Kabesang Tales


*Si Simoun ay nasa baryo sagpang kasama ang dalawa niyang tauhan na may bitbit na
mga baul na naglalaman ng alahas, sa gitna ng karalitaan ay hindi naman nakalimutan
ni kabesang Tales ang nakasanayang tradisyon ng mga Pilipino ang pagiging malugod
na pagtanggap sa mga bisita.

Simoun: Mahal na ginoo, kung inyo po sanang pahihintulutan ay nais kong magpalipas
ng ilang araw dito sa inyong tahanan para kasi sa akin ay ito ang pinaka-komportable at
isang magandang lugar para sa aking pakikipag-kalakalan.

Kabesang Tales: Isa pong karangalan ang makasama ang tulad ninyo kahit sa
panandaliang panahon lamang dito sa aming tahanan. Maari po kayong manatili rito
hanggang sa gusto ninyo.

Simoun: Salamat mahal na ginoo. Subalit, matanong ko lang, sapat kaya ang aking
rebolber para protektahan ang aking sarili nabalitaan ko kasi na maraming tulisan ang
nagkalat ngayon dito.

Kabesang Tales: Mayroon silang mga armas na kayang pumutok nang malayuan.

Simoun: Ang rebolber na ito ay hindi pangmalapitan! Tingnan ninyo (barilin ang sanga
ng isang puno) higit dalawandaang metro ang layo noon ngayon maari niyo bang
sabihin sa akin kung sapat na ito?

Narration: Unti-unti na ngang dumating ang ilang pamilya sa bahay ni kabesang Tales
sa balitang naroon ang magaalahas. Si kapitan Basilio, hermana Tika at ang anak na si
Sinang ay handing gumastos ng hindi bababa sa 3000. Naroroon din naman si
hermana Penchang Upang bumili ng singsing na gawa sa diamante para ipangregalo
sa birhen ng Antipolo na kanyang ipinangako sa kanyang panata.

Kinabukasan: tatlong pagpatay ang napabalita Una ay si Padre Clemente na


administrador ng lupa ng simbahan, ang bagong may-ari ng lupa at nag kanyang
asawa na nalaslas ang lalamunan at pinuno ng lupa ang bibig.

Simoun: Ahh..(naghihikab. bagong gising) Bakit kaya naririto ang aking rebolber? Bakit
walang laman! (makikita ang liham)

Patawari niyo ako ginoo, kung nagawa ko man kayong pagnakawan. Subalit ang aking
mahigpit na pangangailangan ang nagtulak sa akin na gawin ang bagay na iyon at
bilang kapalit ng inyong rebolber, iniwan ko ang laket na inyong ninanais ninyo.
Kinailangan ko ng armas upang umanib sa mga tulisan.

Pinapayuhan ko kayong wag ng magpatuloy sapagkat kapag kayo’y bumagsak sa


aming mga kamay ay hindi naming kayo ituturing na panauhin at hihingan namin kayo
ng nalaking tubos.
Dinakip si kabesang tales ng guardiya sibil
KABANATA 11
Scene 10, Bahay ng Kapitan Heneral
scene: Nasa bahay sila ng Kapitan Heneral, Naglalaro ng baraha si Padre Sibyla,
Cammora, Irene at ang Kapitan.
Kap. Hen.: Simoun, halika’t sumali ka saamin.
Simoun: Mga ginoo, gawin nating mas mainam ang larong ito. Kapalit ng aking mga
Hiyas,ang mga pangako niyo sa pagkakawanggawa, pananalangin, at kabaitan. Ikaw
Padre Sibyla ay limang araw kakalimutan ang pagkakawang gawa, karalitaan, at
pagkamasurin, ikaw naman Padre Irene ay liliutin ang kalinisan ng ugali, ang
pagkamaunawain, at ipa ba. At ang sainyo naman ho Kapitan ay ang paguutos ng
pagbabaril sa isang bihag habang pinaghahatid-hatiran.
P. IRENE: Ngunit G. Simoun, ano ang mapapala ninyo sa mga panalo ng kabaitan sa
bunganga, at mga buhay ng tao, ang pagpapatapon at ang mga pagpatay?
Simoun: A! Marami! Ako’y sawa na sa karirinig ng mga kabutihan at hangad ko’y
maipon lahat ng nakakalat sa daigdig, mailagay sa isang sako upang itapon sa dagat
kahit nag awing pabigat ay ang akong mga brilyante. Lipulin ang masama at linisin ang
bayan!

Kabanata 19
Scene 11, Kastilyero
Placido: G. Simoun, maari mo ba akong matulungang makarating sa Hongkong?
Simoun: halika’t samahan mo muna ako sa kaly iris.
(tas pupunta sila sa kastilyero)
Simoun: ang mga pulbura?
Kastilyero: nasa mga sako.
Simoun: ang mga bomba?
Kastilyero: nakahanda na ang lahat.
Simoun: mabuti, lumalakd kayo ngayon ding gabi at makipag usap sa tinyente sabihin
ninyo ang kabesa at sasagot siya ng tales.
Kastilyero: bakit po? Mayroon po bang bagong mangyayari?
Simoun: OO, mangyayari sa loob ng linggong papasok.
Kastilyero: subalit hindi pa handa ang distrito.. akala ko’y hihintayin hanggang
kwaresma.
Simoun: hindi na natin sila kakailanganin, kapag ipinag paliban pa ay marahil patay na
si Maria Clara.

Kabanata 23: Isang Bangkay


Scene 12, Bahay ni Simoun
Simoun: Basilio makiisa ka sa himagsikan laban sa pamahalaang kastila, itakas mo si
Maria Clara sa kumbento habang nagkakagulo ang buong lungsod
Basilio: Huli na ang lahat Ginoong Simoun,nalaman kong wala na si Maria Clara.
Pagbalik ko kanina, nakita ko ang liham na padala ni Padre Salvi kay Padre Irene na
siyang nagpabasa kay Kapitan Tiyago na nag iiiyak ng mabatid na patay na si Maria
Clara.
Simoun: Hindi yan totoo, buhay si Maria Clara (gulat at gustong umiyak)
Nang huminahon na ay umalis agad siya ng silid. Naririnig ni Basilio ang mga sigaw ng
hinagpis ni Simoun habang paalis ito.

Kabanata 28: Pagkatakot


Scene 13, Bahay ni Quiroga
Simoun: itago mo ang mga baril, pulbura at bala ng mabuti dahil ito ang magsasalba sa
atin sa pag dating ng himagsikan.
Quiroga: Delikado ang nais mo Simoun, mapapahamak ako dito.
Simoun: Palihim mong ilagay ang mga baril sa mga bahay-bahay at ingatan mong
mabuti ang mga ito.
[Tiinago ni Quiroga ang mga baril na may kaba na makikita sa kanyang mukha]

Kabanata 29: Ang Huling Pati-ukol kay Kapitan Tiyago


Scene 14, libing ni Kapitan Tiyago
Libing ni Kapitan Tiyago
Ngunit sa bandng huli ay si Padre Irene pa rin ang nasunod kaya isang lumang damit
ng Kapitan ang ipinasuot nito.

Kabanata 30: Si Juli


Scene 15, Paghalay kay Juli sa kumbento
Balita sa buong San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiyago at pagkakadakip kay
Basilio. Dinamdam ito ng buong bayan lalo na si Juli. Nang hapong iyon ay nagawa ni
Padre Camorra ang panghahalay kay Juli. Kinagabihan, usap-usapan si Juli at ang
pagtalon niya sa bintana ng kumbento na kanyang ikinamatay. Ang lolo ni Juli na si
Tandang Selo ay nagsisigaw at nagwala sa harap ng kumbento. Hindi niya kinaya ang
nangyari sa apo. Bigo rin siya sa paghahanap ng hustisiya kaya naisipan na lang ng
matanda na sumama sa mga tulisan.

Kabanata 33: Ang Huling Matuwid


Scene 16, Bahay ni Simoun
Maaga pa ay inayos na ni Simoun ang kanyang mga hiyas at armas at dumating si
Basilio.
Basilio: naging masama akong anak dahil hindi ko ipinaghiganti ang kasawian ng aking
ina at kapatid. (umiiyak at nagsisi) Handa na akong sumanib sa iyong plano.
Simoun: Panig mo ang katwiran Basilio
Basilio: Matutuloy ang himagsikan dahil hindi ako nag aalinlangan
Kabanata 34: Ang Kasal ni Paulita
Scene 17, Kasal ni Paulita at pighati ni Isagani
Kasal nina Paulita at Juanito at ika-walo kinagabihan ay idaraos ang piging.
Dumating si Simoun dala ang kanyang handog na lampara/Bomba

Kabanata 35: Ang Piging


Ikapito ng gabi nang simulang dumating ang mga bisita sa bahay ni Kapitan Tiyago
kung saan naroon ang piging para sa ikinasal.
Nakita ni Basilio si Simoun na dala ang lampara.
Nagsaya ang lahat, nagkaroon ng inuman at salo-salo
Mabilis na lumayo si Basilio ngunit may nakita siyang lalaki na nakatanaw sa bahay.

Basilio: Isagani lumayo na tayo rito, may sasabog na bomba na magiging hudyat ng
himagsikan.
Isagani: Hindi maari Basilio, kailangan kong iligtas si Paulita (nag aalalang tumakbo
papunta kay Paulita)

Sa loob ng bahay ay may nakita ang mga nagpipiging na isang kaputol na papel na
ganito ang nakasulat.
MANE THACEL PHARES
JUAN CRISOSTOMO IBARRA

Don Custodio: Isang malaking biro, matagal ng patay si Crisostomo Ibarra!


Padre Salvi: (Namumutla) Lagda ito ni Ibarra
Don Custodio: sa wari koy ang kahulugan ng sulat na ito ay papatayin tayong lahat
(nangangamba)
Biglang may mabilis na pumasok at kinuha ang lampara at itinapon ito sa ilog

Kabanata 36
Don Custodio: Dakpin ninyo si Simoun at iharap sa akin, kailangan siyang patayin

Kabanata 39: Katapusang Kabanata


Place: Kumbento
Sugatang dumating sa bayan nina Padre Florentino si Simoun may dalawang araw na
ang nakararaan. ‘Di na siya inusisa ng pari. Walang alam ang pari tungkol sa mga
kaganapan noong gabi ng piging sa Maynila.

Padre Florentino: Bakit ka sugatan?


Simoun: Nagkasugat ako dahil sa kawalan ng pag iingat.

(Malubha ang sugat na natamo ni Simoun.)

Pumasok ang pari sa silid ni Simoun at tila wala na ang mapangutyang anyo sa mukha
nito. Uminom pala ng lason si Simoun at wari’y tinitiis ang sakit na dulot nito.

Tinangka pa ng pari na ihanap ng lunas si Simoun ngunit tumanggi na ito. Nagdasal


ang pari at pagkatapos ay buong kabanalang kanyang inilapit ang isang silyon sa
maysakit, at tumalagang makinig.
Simoun: Ipagtatapat ko ang aking katauhan, Ako si Crisostomo Ibarra, bumalik ako
upang mag higante ngunit nabigo ako. Nawala ang lahat sa akin lalo na si Maria Clara.
Padre bakit hindi ako tinulungan ng diyos sa aking layunin?
Padre Florentino: Dahil masama ang iyong pamamaraan Ibarra
Simoun: Dahil ba sa pagkakamaling iyon ay ipagkakait ng diyos ang Kalayaan ng isang
bayan at iligtas ang napakaraming taong naapi?
Padre Florentino: Ang nararapat na gawin ay magtiis at gumawa ng mabuti, ang diyos
ang gumawa sa atin at nararapat lamang na siya ang humatol sa ating mga
pagsasalang nagawa.
Simoun: Anong klaseng diyos ang nagbibigay pasakit?
Padre Florentino: Ang isang Diyos ay makatarungan at nagpaparusa sa kakulangan ng
tao ng pananalig at sa mga gawang masama.

Pinisil ni Simoun ang kamay ng pari. Naghari ang katahimikan. Dalawang pisil pa.
Nagbuntong hininga si Simoun at higit na mahabang katahimikan ang namayani.

Napabulong na lamang ang pari ng,

“Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga


pangarap at kasiglahan alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan? Saan naroon ang
handang magpakamatay upang hugasan ng dugo ang napakaraming pagkakasala?
Upang karapatdapat ang pagpapakasakit ito’y kailangang malinis at busilak. Nasaan
ang kabataang may lakas na tumanan na sa aming mga ugat, ng kalinisan ng diwa na
narumihan na sa amin, ng apoy ng sigla na patay na sa aming puso? O kabataan,
kayo’y aming hinihintay!”
Naluha ang pari at binitawan ang kamay ni Simoun. May kumatok na utusang
nagtanong kung magsisindi na ng ilawan. Hinipo niya si Simoun at dahil sa liwanag ng
lampara ay nabatid na ito ay patay na. Lumuhod at nanalangin si Padre Florentino.
Pagkaraan ay tinawag ng pari ang mga utusan, pinaluhod ang mga ito at pinagdasal.
Umalis ang pari sa silid at kinuha ang takbang bakal ni Simoun. Dinala niya ito sa
talampas na laging inuupuan ni Isagani upang sisirin ng tingin ang kalaliman ng dagat.
Maya-maya’y inihagis ni Padre Florentino ang mga takba ng brilyante at alahas ni
Simoun sa dagat.

END

You might also like