Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Pangalan: Ma. Joanna D. Guevarra, Gabriel Giancarlo M. Barros, Jaycee Sherella M.

Sanita
Petsa: April 30, 2024
Seksyon: 12STEM2318

PETA 2: SURING PALABAS


“Doll House”

ABSTRAK
"Dollhouse" ay talaga namang may kakaibang istorya. Kwento ito tungkol sa
pagpapatawad at pagbabago sa loob ng isang pamilya. Si Rustin, isang musikero, ay may mga
problema sa kanyang buhay. Nahihirapan siya sa kanyang mga ginawang mali at sa
pagkakaroon ng maayos na ugnayan sa kanyang anak na si Yumi. Sa pelikula, makikita ang
kwento ng buhay ni Rustin mula sa kanyang kabataan hanggang sa mga naging pagsubok na
dinaanan niya. Nasaksihan din ang kanyang pagsisikap na ayusin ang mga mali niya noong
una. Ang pinakamahalaga sa pelikula ay ang relasyon ni Rustin at ni Yumi. Matapos mamatay
ang ina ni Yumi, sina Rachel at Bok ang nag-alaga sa kanya. Pero sa huli, nalaman ni Yumi ang
totoong pagkatao ni Rustin. Ito ang naging dahilan ng malaking hidwaan sa kanilang pamilya.
Sa "Dollhouse," napakahalaga ng pagpapatawad at pagmamahalan. Sinubukan ni
Rustin na ayusin ang kanilang pamilya kahit sa hirap ng buhay. Ipinapakita ng pelikula na
mahalaga na harapin ang ating mga pagkakamali at bigyan ng pagkakataon ang ating sarili na
magbago. Sa huli, nagturo ang "Dollhouse" ng mahahalagang aral tungkol sa lakas ng
pamilya at pagpapatawad.

SINTESIS/SINOPSIS
Ipinahayag ang pelikulang “Doll House” sa pamamagitan ng pagbuo ng relasyon ng
isang lalaking nagngangalang Rustin sa kanyang anak na si Yumi na hindi niya nakasama o
naalagaan sa walong taon dahil sa dala dala niyang mga problema. Nagsimula ito kay Yumi
na malaki na at pumunta sa isang parang ospital para bisitahin ang kanyang ama na si Rustin,
ngunit sa kabila ng sakit ni Rustin ay hindi niya na nakilala at maalala ang anak niya. Kasunod
naman nito ay bumalik ang storya sa panahong bata bata pa si Rustin, at ipinakita rito ang
kanyang buhay rakista kasama ang mga kabanda niya. Dito rin ay ipinakita na naabutan nila
ang isang kabanda na pumanaw na ng kinaumagahan dahil sa paggamit ng mga illegal na
gamot at pag inom. Matapos ang insidente, umuwi ito sa tahanan nila’t nadatnan ang ama
niya na isang heneral at nakitang nadismaya at napahiya dahil sa kanya. Siya ay pinagalitan at
pinakiusapan na huwag nang gayahin ang sinapit ng kanyang kabanda ngunit nainis lamang
si Rustin at pumunta sa kanyang kuwarto. Noong nasa loob na siya ng kuwarto ay nagluksa
siya sa kanyang kaibigan at naisip niyang pumunta sa Rotterdam at puntahan ang kanyang
asawa’t anak.
Pagkarating niya sa Rotterdam ay ipinakita rin ang masamang relasyon niya sa asawa
niyang si Sheena kaya sila naghiwalay. Pagkatapos nito ay nakita niya si Bok na tiyuhin ni
Yumi, at nagpakilala bilang Clyde. Tinulungan niya si Bok sa pagbubuhat ng malalaking kahon
at nakita niya rin ang anak niyang si Yumi. Labis ang sayang naramdaman ni Rustin at
napamahal ka agad siya sa kanyang anak sa unang kita pa lamang. Ngunit kinwento ni Bok na
namatay na si Sheena at ang bago niyang asawa tatlong taon na ang nakalipas sapagkat sila’y
naaksidente at sinabi ring masama ang totoong ama ni Yumi. Sa kasunod na araw ay nag alok
si Rustin ng tulong kay Bok na alagaan si Yumi habang nasa labas si Bok, ilang sandali ay
pumayag na si Bok at iniwan si Yumi sa kanya. Doon ay nagsimula silang magsama at
ginawan ng Rocketship ni Rustin si Yumi.
Tumuloy tuloy ang mga araw nang pag aaalaga ni Rustin kay Yumi at ginawan rin siya
ng Doll House. Kabilang na rin rito ang pagtuturo niyang kumanta kay Yumi dahil sinabihan
siya nitong pangarap niyang maging singer at sumali sa isang patimpalak sa kanyang
paaralan. Ngunit, nalaman ng tumatayong ina ni Yumi ngayon na si Rachel na si Rustin ang
kasama nila Bok at Yumi kaya’t nagalit si Bok at hindi na pinayagang makita niya si Yumi ulit.
Kahit sa kabila ng pagbabawal na makita ang anak, ay nagkita pa rin sila at nagsama, at
nangakong ibabalik niya ito kila Bok at Rachel sa araw ng patimpalak. Noong patimpalak ay
nagperform na si Yumi at hindi mapigilan ni Rustin na umiyak dahil sa saya. Hindi man
nanalo si Yumi ay ipinagmamalaki pa rin ni Rustin ang kanyang anak. Dumating ang gabi ay
nagpaalam si Yumi na kukunin ang doll house niya kay Rustin ngunit nadatnan nilang
dadalhin siya sa ospital sapagkat na overdose ito, at pagkapunta nila sa loob ng bahay ay
nakita nilang gumagamit pa rin siya ng illegal na gamot at alak. Labis ang dalamhati ni Yumi
nang makita si Rustin sa ospital at hiniling na gumaling na ito. Pagkalipas ng isang buwan ay
magaling na siya ngunit hindi na siya pinayagang magkita muli ni Yumi.
Lumipas na ang ilang taon at ikinwento ni Yumi na nalaman niyang si Rustin ang
totoo niyang ama noong lumaki na siya at umuwi na rin si Rustin sa Pilipinas noong matagal
nang panahon ang nakalipas. Ikinwento naman sa kanya na umuwi ang kanyang ama upang
magparehab ngunit bumalik din ito sa dating gawi dahil pumanaw ang kanyang lolo na ama
naman ni Rustin. Sa huli, nakita niya na ang kanyang ama sa isang ospital na inaalagaan
ngunit hindi siya nito makilala o maalala. Ngunit ang tanging nagpapaalala kay Rustin tungkol
kay Yumi ay ang mga doll house na ginagawa niya hanggang ngayon. Labis naman ang
pagiyak at saya ni Yumi nang makita niya ang mga doll house na ginawa ni Rustin para sa
kanya.
BIONOTE
Baron Geisler

Si Baron Geisler ay isang kilalang mahusay na aktor sa Pilipinas. Siya ay isa sa mga
sikat na child actor noong taong 1994, at nagkaroon ng mahusay na pagbabalik matapos ang
mga kontrobersiya na naganap sa kanya noong siya ay binata pa. Kadalasan, napapanood
siya sa mga pelikula at telebisyon na kung saan ito ay aksyon, ngunit mahusay din siya sa
genre na romansa, drama, at komedya.
Ipinanganak si Baron Geisler noong Hunyo 5, 1982 sa Clark Air Base, Angeles City,
Pampanga at may lahi siyang Pinoy, Amerika, at German mula sa ama niyang isang
German-American. Nagsimula rin siyang mag-aral sa kursong AB Theology sa isang modular
course noong taong 2019, at inanunsyo niya ring natapos niya ito noong taong 2022.
Samantala, nagsimula siya sa kanyang pag-arte noong taong 1994 at kung saan
naging parte siya ng kiddie show sa kanyang bayan sa Pampanga, na ang pangalan ay “Ang
TV”. Noong taong 1997 naman ay naging parte siya ng Star Circle batch 5 sa ABS-CBN at
nakasama sina John Lloyd Cruz at Marc Solis bilang “Koolits” trio, kung saan nakatambalan
niya rin ang aktres na si Kristine Hermosa. Marami rin siyang nakatambal noong siya ay
kabataan at kasunod nito ay nagsimula na siyang maging parte ng teatro noong taong 2017.
Matapos ang mga kontrobersiya at ang kanyang pagrekober sa kanyang bisyo, bumalik muli
si Baron Geisler sa pag-arte at nagsimula uli siya sa telebisyong “FPJ’s Ang Probinsyano”
noong taong 2019. Samakatuwid, nakakuha naman siya ng lead role sa pelikulang “Doll
House” noong taong 2022, at nagwagi siya nito ng Asian’s Best Actor in a Lead Role sa
Thailand International Leadership Awards noong 2023.
Bukod rito, ang iba pang mga pagkilala sa pag-arte ni Geisler ay kinabibilangan rin ng
pagkapanalo bilang Best Actor sa ika-4 na Cinemalaya Independent Film Festival noong
Hulyo 20, 2008, at ang Best Single Performance of an Actor sa 19th PMPC Star Awards for
Television noong 2005 para sa Maalaala Mo Kaya.

You might also like