Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kabanata 13: Ang Klase sa Pisika

Ang kabanatang ito ay nagsimula sa paglalarawan ng silid aralan ng klase sa pisika. Ipinakita rito
ang pagpapahalaga ng mga guro sa mga kagamitan na nasa loob ng isang aparador na may salamin at
nakasusi. Ang mga gamit na nasa loob ng aparador ay nagsisilbing tila palamuti lamang sapagkat ni hindi
ito nagagamit o nahahawakan man lamang ng mga mag aaral. Hindi lamang ang mga gamit na ito ang
halos walang gamit kundi pati ang mga guro na nagtuturo sa paaralang ito. Tulad na lamang ni Padre
Millon na isang batang Dominiko na nagtapos ng pilosopiya sa kolehiyo ng San Juan de Letran ngunit
itinalaga bilang guro ng pisika.

Ang uri ng pagtuturo ni Padre Millon ay nakabatay sa kung ano ang ipinapakita ng mga mag
aaral. Ang una niyang sinubok ay ang antuking mag aaral. Ngunit dahil hindi ito nakikinig ay hindi ito
nakasagot. Ininsulto ito ng guro at matapos ay tinawag si Pelaez matapos na marinig na ito ay tumugon
ng pabulong sa kanyang huling tanong. Sapagkat madalang pumasok sa paaralan ay halos maisagot si
Pelaez at tinatapakan ang paa ng kamag aral na si Penitente upang humingi ng sagot. Napalakas ang
boses ni Placido sa pag dikta ng sagot kaya naman siya ang binalingan ng guro. Maging si Placido ay
nalito sa kanyang tugon kaya naman inulan ito ng guro ng mura. Nasakatan si Placido sa lahat ng
masasakit na narinig mula sa guro kaya't ito ay umalis ng walang paalam. Nagulat ang lahat sa kanyang
ginawa at natapos ang klase ng ang lahat ay puno ng pagtataka. Natapos ang klase sa pamamagitan ng
isang sermon mula sa guro at umuwi ang lahat ng mag aaral ng walang anumang natutunan.

Sanggunian:

Buod ng El filibusterismo kabanata 13 ? (2019). Brainly.ph. https://brainly.ph/question/2116054

You might also like