Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Kabanata 15: Si Ginoong Pasta

Ang Kabanatang ito ay pinamagatang Ginoong Pasta siya ay isang bantog na manananggol.

Bilang pagtupad sa kanilang misyon, tinungo ni Isagani ang tanggapan ni Ginoong Pasta. Kilala si
Ginoong Pasta sa talas ng kaniyang isip at angking katalinuhan. Sa kaniya lumalapit ang mga pari upang
manghingi ng payo kung sila ay nagigipit o naghihirap.

Nakipag-usap si Isagani sa Ginoo tungkol sa kanilang balak. Nais ni Isagani na kausapin ni


Ginoong Pasta si Don Custodio at mapasang-ayon ito. Naisalaysay ni Isagani kay Ginoong Pasta ang
misyon ng kanilang kilusan. Nakinig naman ang Ginoo ngunit akala mo ay walang alam at walang
pakialam sa kilusan ng mga mag-aaral. Nakiramdam naman si Isagani kung naging mabisa ba ang mga
salita niya sa Ginoo. Ngunit nabigo siya dahil nagpasiya ang abogado na huwag ng makialam ukol dito.
Marami na siyang pag-aari kaya’t kailangan niyang kumilos nang naaayon sa batas, at mas makabubuti
raw na ang pamahalaan na lamang ang kumilos hinggil dito. Malungkot naman si Isagani sa naging pasya
ng Ginoo ngunit hinangaan nito ang abogado dahil sa katalinuhan at katayugan ng pag-iisip nito.

Sinadya ito ni Isagani upang pakiusapan na kung maari ay mamagitan ng sang-ayon sa kanila
kung sakaling sumangguni si Don Custodio.

Sanggunian:

Buod ng Kabanata 15 ng el fili. (2017). Brainly.ph. https://brainly.ph/question/520199

You might also like