Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 12

PANGALAN:_____________________________________

3
BAITANG/SEKSYON:___________________________
____

MUSIKA
Kwarter IV – Linggo 3-4
Tamang Tempo

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Musika - Baitang 3
Contextualized Learning Activity Sheets
Kwarter IV - Linggo 3-4: Tamang Tempo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya
o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda
ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets


Manunulat: Cristeta E. Gabo

Pangnilalamang Patnugot: Mary Jean T. Salazar

Editor: Mary Jean T. Salazar , Leah B. Edep

Tagawasto: Alfredo Amor A. Magbanua

Tagasuri: Nestor N. Pagayona, PhD, Alfredo Amor A. Magbanua

Tagaguhit: Cristeta E. Gabo

Tagalapat: Leah B. Edep


Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Alfredo Amor A. Magbanua, Division MAPEH Coordinator
Nestor N. Pagayona, PhD, PSDS
Maylenne M. Ramos, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong na Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Lodivics E. Taladtad,
Ellen Grace C. Manzano, Xandra May P. Encierto

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Tamang Tempo
MELC: Performs songs with appropriate tempo ( use songs from
the Locality) (MU3TP-IVa-c-7)

Mga Layunin:
1. Natutukoy ang angkop na tempo ng isang awit
2. Naaawit nang may wastong tempo ang awitin
3. Nailalapat ang angkop na tempo ng isang awit

Subukin Natin
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

1. Ang tempo ay tumutukoy sa _________.


A. taas ng nota
B. ganda ng daloy ng himig
C. bilis o dalang ng daloy ng himig
D. dami ng nota

2. Ang mga awit sa pagdiriwang at kasayahan ay:


A. mabilis at malungkot C. masigla at mabilis
B. malakas at mabagal D. mabagal at malumanay

3. Paano inaawit ang mga awiting nagpapahiwatig


ng kalungkutan,pagpapatulog ng bata at at madamdaming
awit para sa bayan?
A. katamtamang bilis C. mabilis
B. mabagal D. makislot

1
Ating Alamin at Tuklasin
May pagkakaiba ang tempo ng musika.
Naaapektuhan nito ang ating Paghawan ng
paggalaw, pagkilos, at damdamin ng Balakid
awit. Ito ang dahilan kung kaya tayo ay
napapasayaw kapag tayo ay Tempo- ito ay
nakaririnig ng tugtuging mabilis at ang bilis o
dalang ng daloy
inaantok kapag nakikinig tayo ng o galaw ng
mabagal na tugtugin. melodiya ng
isang awit o
Ang mga awit o tugtugin na may tugtugin.
mabilis na tempo ay karaniwang
ginagamit sa mga pagdiriwang,
kasayahan at sa mga awit na nagpapahiwatig ng
pagmamadali.
Ang mga awit na may tipong martsa ay ginagamitan din ng
mabilis na tempo. Ito ay inaawit nang mabilis, masigla at may
kalakasan. Ang Puerto Princesa Dep Ed Hym ay isa sa mga
halimbawa nito.

KAGAWARAN NG EDUKASYON NG PUERTO PRINCESA


(composed by: Mary Jean T. Salazar)
Koro:
Dito sa kagawaran, Edukasyon
Ng Puerto Princesa, Kami ay nagkakaisa.
Ika’y walang kapantay sa pagbabago ng buhay
Ng mga kabataan ikaw ay kaagapay
Laging handing mahbigay ng serbisyong tapat at tunay

I – Noon pa man hanggang ngayon,


Ikaw ay sandigan. Isusulong ang karuningan
Sa magandang kinabukasan.
2
Kaya’t tayo’y magkaisa, Kabataan ang pag- asa.

II – Programang pang Edukasdyon,


Kabutihan ang layon.

Mga magulang at mga guro,


Katuwang sa pagpapabago
Kaya’t tayo’y magkaisa, kabataan ang pag – asa.
( repeat koro)
Coda: Dito sa kagawaran ng Edukasyon , ng Puerto Princesa
TAGUMPAY!

Ano ang tempo ng awit?


Bakit kailangan awitin ito ng mabilis?

Mabagal na Tempo
May mga awit na nagpapahiwatig ng kalungkutan o lumbay.
May mga awit na ginagamit sa pagpapatulog ng bata.
Mayroon din namang madamdaming awit para sa bayan.
Ang mga ito ay inaawit sa mabagal na tempo. Dito
ipinamalas ang mabagal at hindi gaanong malakas na pag-
awit.

Isang halimbawa ng madamdaming awit para sa bayan ay


ang Pilipinas Kong Mahal.

3
Pilipinas Kong Mahal

(Pinagkunan: Valdecantos, Emelita C.,Umawit at


Gumuhit,Batayang aklat para sa Musika at Sining 3, Department
of Education, Pasig City:Saint Mary’s Publishing Corporation,1997.)

Anong tempo ang iminumungkahi para sa awit na Pilipinas


Kong Mahal?

Bakit kailangang awitin ito ng mabagal?

Katamtamang Tempo
Ang awit na may katamtamang tempo ay inaawit nang hindi
gaanong mabilis at hindi gaanong mabagal.
Dito nabibilang ang mga awit na hindi nagpapahiwatig ng
pagmamadali o ng kalungkutan o katahimikan man.

4
Daragang Taga Cuyo

Ano ano ang mga nota ang ginamit sa awit?

Ano ang tempo ng awit?

5
Tayo’y Magsanay
Panuto: Iugnay ang tamang tempo sa Hanay A sa katuturan o
kahulugan nito sa Hanay B sa pamamagitan ng linya.

Hanay A Hanay B

1. mabagal na tempo A. Ang awit ay inaawit nang


hindi gaanong mabilis at
hindi gaanong mabagal.
Dito nabibilang ang mga
awit na hindi nagpapahi-
watig ng pagmamadali o
ng kalungkutan o
katahimikan man.

2. katamtamang tempo B. Ang mga awit o tugtugin ay


karaniwang ginagamit sa
mga pagdiriwang, kasayahan
at sa mga awit na
nagpapahiwatig ng
pagmamadali.

3. mabilis na tempo C. Ang mga awit ay


nagpapahiwatig ng kalung-
kutan o lumbay. Mga awit na
ginagamit sa pagpapatulog
ng bata at mga
madamdaming awit para sa
bayan.

6
Ating Pagyamanin
Panuto: Isulat ang T kung ang isinasaad ng pangungusap ay tama at
M kung ito ay mali.

1. Ang Puerto Princesa Mabuhay ay awiting may


mabilis na tempo.

2. Ang awiting “ Sa Ugoy ng Duyan” ay awiting


pampatulog at ito ay may mabagal na tempo.

3. Ang katamtamang tempo sa


musika ay inaawit ng mabilis at masigla.

Ang Aking Natutuhan

Panuto: Punan ang patlang upang mabuo ang


pangungusap sa pamamagitan ng pagpili sa mga salita sa
ibaba.

1. Ang mga awit o tugtog na may na


tempo ay karaniwang ginagamit sa mga pagdiriwang,
kasayahan at sa mga awit na nagpapahiwatig ng
pagmamadali.
.
2. May mga awit na ginagamit sa pagpapatulog ng bata.
Mayroon din namang madamdaming awit para sa bayan.

Ang mga ito ay inaawit sa na tempo.


7
3. Ang awit na may tempo ay
inaawit nang hindi gaanong mabilis at hindi gaanong
mabagal.

mabagal mabilis katamtaman

Ating Tayahin
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.

1. Paano inaawit ang mga awiting


nagpapahiwatig ng kalungkutan,pagpapatulog
ng bata at at madamdaming awit para sa
bayan?
A. katamtamang bilis C. mabilis
B. mabagal D.makislot

2. Ang tempo ay tumutukoy sa _________.


A. taas ng nota
B. ganda ng daloy ng himig
C. bilis o dalang ng daloy ng himig
D. dami ng nota

3. Ang mga awit sa pagdiriwang at kasayahan ay:


A. mabilis at malungkot
B. malakas at mabagal
C. masigla at mabilis
D. mabagal at malumanay
8
Susi sa Pagwawasto

Subukin Natin

1. C 2. C 3. B

Tayo’y Magsanay

1. C 2. A 3. B

Ating Pagyamanin

1. T 2. T 3. M

Ang Aking Natutuhan

1. Mabilis 2. Mabagal 3. Katamtaman

Ating Tayahin

1. B 2. C 3. C

Sanggunian
Aklat

Valdecantos, Emelita C. Umawit at Gumuhit, Batayang Aklat


para sa Musika at Sining 3. Pasig City: Department of
Education, Saint Mary’s Publishing Corporation,1997.

9
A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito ang


iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong kapamilya para


sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung Opo,


ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at


pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit.)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

10

You might also like