Aralin 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Talatang Sauluhin: “Sinabi Niya, “ sinasabi sa inyo, malibang kayo’y

magbago at maging tulad sa mga bata, kailanma’y hindi kayo makakapasok sa


kaharian Ng legit.”-Mateo 18:3
Libu-libong mga tao Ang nagshangad malamang kung paano Sila makatitiyak na
maliligtas. Sa ating talatang Sauluhin, ipinaliwanag ni Jesus na Ang pagkakahikayt
at paghahanda para sa langit, ay napakapyak na ito’y mauunawaan Ng kgit isang
maliit na Bata.
1. Anu ang ating malaking pangangailangan upang tayo’y magkaroon Ng
hangaring talikuran Ang kasalanan.

“Sinabi ni Pablo tungkol sa pagkatakot sa kasalanan, ‘Kahabag-habag na


tao Ako! Sino Ang magliligtas sa akin muka sa katawng ito Ng
kamatayan?” – Mga Taga-Roma 7:24
Kung hahanapin Ng isang tao Ang Daan patungi Kay Jesus at sa kaligtasan,
dapat Muna niyang mabatid ang kasamaan Ng kasalanan, maramdaman ang
kanyang makasalanang katayuan, at kanyang pangangailangan ng tulong. Tungkol
sa pakikipagpunyagi ni Pablo sa kasalanan, binanggit niya ang kanyang sarili na
“kahabag-habag.” Inihalintulad niya ang bigat ng kasalanan sa buhay ng isang tao
na hinihilang palibot-libot ang isang bangkay.
Kung dadalawin mo ang isang museo sa Athens, Greece, makikita mo Ang
kakaibang tanawin sa isa sa mga silid sa likuran – dalawang katawang iginapos na
magkasama ng isang mabigat na tanikala. Ang katawan at tanikala ay naninigas na
parang bato. Itatanong mo, “Ano Ang kinalaman noon sa kasalanan?”
Maraming taong ang nakaraan, nahahatulan kung minsan ng hukuman ang
isang kriminal na itanikala sa kaswan ng isang bangkay. Isipin kung gaano
kakilakilabot iyon, na sumapit sa isang mabagal at nakapanghihilakbot na
kamatayan, na nakatali sa isang bangkay.
Ang mga katawangbiyin na nanigas na parang bato sa museo ng Athens ay
magkasamang nilagyan ng tanikala - isang buhay na taong itinanikala sa isang
bangkay. Kapag siya’y namatay, magkasamang inililibing Ang dalawang katawan.
Ganoon ang kasalanan. Kung mananatili kang nakatali sa buhay ng
pagkamakasalanan, sisirain nito ang iyong hangarin na gumawa ng matuwid at sa
wakas ay magdudulot ng iyong pagkawasak.
Upang maligtas, dapat tayong kumalas mula sa kasalanan. Maliligtas
tayo ng Panginoon kung aaminin natin na kailangan natin ang tulong upang
makalaya sa ating dating maling pamamaraan.
PANANAMPALATAYA SA KAPANGYARIHAN NI JESUS NA MAGLILIGTAS
2. Ano ang pinakamahalagang tanong sa buong sanlibutan, at Ang sagot
nito?
“…Ang bantay Ng bilangguan… nanginig sa takot at nagptirapa… ay sinabi
niya ‘Mga ginoo, ano Ang kailangan Kong gawin upang maligtas?’ At kanilang
sinabi, Manampalattaya ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka.” -Mga Gawa
16:27,29-31
Narito Ang larawan ng makasalanang tagapamahala ng bilangguan na
pagdaka’y nakadama ng kanyang pangangailangan ng isang “Tagapagligtas.” Siya
ay natakot na baka mawaglit at sa paghihinagpis ay tumghoy ng, “ Ano ang
kailangan kong gawin upang maligtas?” Kailanman ay Hindi palalampasin ni
Jesus, ang ating maibigan at mahabaging Tagapagligtas, ang gayong tawag.
Mabilis na sumgot SI Pablo, “Manampalataya ka sa Panginoong Jesus at
maliligtas ka.” Si Jesus lamang Ang makapagliligtas. Ang kaligtasan ay
matatagpuan sa walng ibang Tagapagligtas. Kung Hindi Kay Jesu-Cristo. (Tingnan
Ang Mga Gawa4:10,12.)

PAGSISISI
3. Ano ang susunod na hakbang tungo sa pagkaligtas?
“Kaya nga magsisi kayo at magbalik-loob upang mapawi Ang inyong mga
kasalanan.” – Mga Gawa 3:19
Sinabi ni Pedro sa grupo ng mga tao na ang mga puso’y nananabik sa kaligtasan
na, “Magsisi.”
Itatanong mo,”Ngunit ano Ang ibig Sabihin Ng magsisi?” Ang pagsisisi ay
pagtalikod sa dating buhay ng pagkamakasalanan. Ang kasalanan ay humahantong
sa kamatayan. Alalahanin, “ang kabayaran ng kasalanan ay kamasyan” (Mga Taga-
Roma 6:23). Kung magpapasya kang tanggapin si Jesus na iyong Tagapagligtas,
ikaw ay nagkaroon ng pagbabagong-puso. Pumihit ka sa ibang direksyon patungo
sa buhay na walng hanggan. Ganyan kapayak ang pagsisisi-tumalikod mula sa
dating daan Ng kasalanan at sumunod kay Jesus.

PAGHAHAYAG
4. Matapos tayong magsisi, ano ang ating susunod na hakbang?
“Ngayon ngay mangumpisal kayo sa Panginoong…” – Ezra 10:11
“Kung ipinahhayag natin Ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at snal na
magpapaswad sa ating mga kasalanan at tayo’y likinisin sa lahat Ng kalikuan.”.
-1 Juan1:9
Dapat nating ipagayag ang ating mga kasalanan. Nangako ang Diyos na
lubusang patatawarin ang bawat kasalanan at lilinisin to mula sa lahat ng kalikuan
(maling gawa) sa pamamagitan Ng dugo ni Jesus.
Kung hindi mo pa nagawa ito, dapat na iyuko mo Ang iyong ulo o lumuhod
ka sa pananalangin ngayon. Hilingin mo sa Diyos na patawarin ka sa iyong mga
kasalanan na nagawa. Ang paghahayag ay pagsasabi sa Diyos ng iyong mga
kasalanan at paghingi sa kanya ng kapatawaran. Ito’y mahalagang hakbang.
5. Kung nagkasala tyo sa kanino man, ano Ang ating unang
tungkulin?
“Kaya’t ipagayag ninyo sa isa’t Isa Ng inyong mga kasalanan…”-Santiago
5:16
Kung ang isang tao ay nagnakaw sa kanino man, o nagsinungaling sa kanino
man, o nakapanakit ng iba sa anumang paraan, dapat siyang lumapit sa taong iyon
at ipahayag ang kanyang kasalana, at ituwid ang lahat ng bagay hangga’t maari.
Ang pagkakamali na nagawa sa iba ay dapat ipahayag sa Diyos at sa taong
pinagkasalaan. Ang ilang kasalanan ay dapat ipagayag sa Diyos lamang.
6. Paano natin malalaman na pinatawad na Ang ating mga kasalanan?
“Sapagkat kami ay lumalakad sa pamamagitan ng pananampalataya, Hindi
sa pamamagitan ng paningin.” – 2 Mga Taga-corinto5:7
“Kaya’t yamang tayo’y inaring-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya,
mayroon tayong kapayapaan sa Diyos sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-
Cristo.”-Mga Taga-Roma5:1
Kung iyong ipinahayag ang iyong mga kasalanan,tiyak na malalaman mo sa
pamamagitan ng pananampalataya na ang mga iyon ay pinatawad ,tinakpan, at
“hindi na iyon alalahanin pa” ni Jesus.
Sa isang serbisyo ukol sa pagpapanibagong-sigla,may isang babae Ang
humahanap ng kapatawaran na paulit-ulit na nagsasabing: “Ngunit paano ko
malalaman na pinatawad na ng Diyos ang aking mga kasalanan? Hindi Ako
nakararamdam ng anumang pagkakaiba kaysa noong una.”
Nagkamali ang babaeng iyon sa pagtitiwala sa nararamdaman. Dapat
tanggapin ang kapatawaran sa pamamagitan ng pananampalataya. Manampalattaya
tayo sa mga pangako ng Diyos. Kanyang sinabi, “Magsisi, ipahayag, at Aking
patatawarin ang inyong mga kasalanan at hindi Ko na aalalahanin pa ang mga ito
magpakailanman.” Pagtiwalaan natin si Jesus sa Kanyang salita. Maagawa niyang
gawin ito at nasasabik Siya na tayo’y patawarin at iligtas.

WALANG SINUMAN ANG PINAGKAITAN NG KALIGTASAN

7. SI Jesus ba’y tumatangging iligtas Ang sinumang tunay na


nagsisisi?

“Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay lalapit sa akin; at ang lumalapit


sa akin kailanman ay hindi ko itataboy.” – Juan 6:37
“Ang Espiritu at ang babaing ikakasal ay nagsasabi ‘Halika .’ At ang
nakikinig ay magsabi,’Halika.’ At ang nauuhaw ay pumarito, ang may ibig ay
kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.” – Apocalipsis 22:17
Ito’y mga mahalagang talata. Ang sinumang lalapit kay Jesus ay
makasusumpung ng kaligtasan. Kung ikaw ay nagnanais na lumapit sa Kanya,
tatanggapin ka Niya. Ipatatawad Niya ang nakaraan at bibigyan ka ng lakas upang
mabuhay ng matuwid ngayon at sa hinaharap.

NABUBUHAY PARA KAY JESUS


8. Matapos talikuran ang ating mga kasalanan, ano ang inaasahan sa
ating ng Diyos?

“Mga munti kong anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo,
upang kayo’y huwag mangagkasala.”-1Juan 2:1
“Ang nagsasabing siya’y nananatlii sa kanya ay nararapat ding lumakas gaya
ng kanyang paglakad.” -1Juan 2:
“Ang nagsasabing,’Kilala ko siya,’ ngunit hindi tinutupad ang kanyang mga
utos, ay sinungaling, at ang katotohanan ay wala sa kanya.” – 1Juan 2:4
“At sa ganito’y nalalaman natin na siya’y Kilala natin, kung tinutupad natin
ang kanyang mga utos.” – 1Juan 2:3
Pansinin na kung tayo’y mananahan kay Jesus, dapat tayong lumakad na
kasama Niya. Kung sinasabi nating sumusunod tayo sa kanya ngunit
tinatanggihang sundin ang kanyang mga utos, Hindi Tayo nagsasabi Ng
katotohanan. Kung ibig nating maligtas, dapat tayong maging handa na sundin ang
kanyang mga itinuturo – ang Kanyang mga utos.

MGA TULONG SA PAMUMUHAY KRISTIYANO

9. Saan natin matututunan kung ano Ang itinuturo ni Jesus, at kung


paano Tayo mabubuhay na hindi nagkakasala?

“ Ang mga salitang sinabi ko sa inyo ay espiritu at Buhay.” – Juan 6:63

Ipinakikita sa ating ng salita ng Diyos, ang Biblia, kung paano


mabuhay para kay Jesus. Hindi kailangan sundin ang sinasabi sa ating ng tao
malibang nalalaman natin na ito’y ayon sa itinuturo ng Biblia. Iyan ang
dahilan kung bakit dapat nating basahin at pag-aralan ang salita ng Diyos. Sa
panghuling paghuhukom, tayo’y hahatulan sa pamamagitan ng pamantayan
na nahayag sa Biblia.
ANG PANALANGIN NG PANGINOON
“Magsidalangin nga kayo nang ganito:
Ama Namin na nasa langit ka,
Sambahin nawa ang pangalan mo,
Dumating nawa ang kaharian mo,
Gawin nawa Ang iyong kalooban
Kung paano sa langit, gayon din naman sa lupa.
Ibigay mo sa amin ngayon ang aming kakanin sa araw-araw.
At ipatawad mo sa amin ang aming mga utang,
Gaya Naman Namin na nagpatawad sa mga may utang sa amin.
At huwag mo kaming ihatid sa tukso, kundi iligtas mo kami sa masama.
Sapagka’t iyo ang kaharian, at ang kapangyarihan,
At ang kaluwalhatian, magpakailan man. Siya nawa.”

Mateo 6:9-13(Ang Dating Biblia)

10. Ano ang lubos na kailangan sa araw-araw na PAMUMUHAY Ng


isang buhay Kristiyano?
“Manalangin kayong walang patid.” – Mga Taga – Tesalonica 5:17
“At isinalaysay ni Jesus sa kanila ang isang talinhaga kung paanong sila’y
dapat laging manalangin at huwag manlupaypay.”- Lucas 18:1
Kung tayo ay mamumuhay ng isang dalisay na buhay bilang tagasunod ni
Jesus, dapat tayong manalangin.” Walang taong ligtas sa isang araw o isang oras na
walang panalangin.”(GC 530). Ang Panalangin ay pakikipag-usap kay Jesus. Ibig
niya tayong makipag-usap sa Kanya. Naririnig niya ang bawat taimtim na
panalangin. Dalhin ninyo sa Kanya ang inyong mga hapdi ng puso at mga
kabiguan, gayundin ang inyong mga katuwaan, at pakikinggan niya tayo at
tutulungan. Makatutulong sa inyo na matutunan ang panalangin ng Panginoon sa
Mateo 6:9-13.
Gawin ang unang hakbang papalapit kay Jesus – sundin Siya. Kung
kayo’y madapa lumapit sa Kanya sa panalangin. Tutulungan Niya kayo na muling
bumangon. Ngunit huwag kailanman susuko! Nangangako si Jesus,”Maging tapat
ka hanggang sa kamatayan, at ibibigay ko sa iyo Ang korona ng buhay”
(Apocalipsis 2:10).

KASUNOD NA ARALIN
Ating pag-aralan: Gaano na katanda ang ating sanlibutan? Bakit si Noe ay
gumagawa ng daong at dinala ang lahat Ng mga hayop sa loob nito? Bakit
napakaraming iba’t-ibang mga lengguwahe? Saan ang mga Israelita (mga Judio)
nanggaling? Bakit ipinahintulot ng Diyos sa Kanyang bayan na maipagbili bilang
mga alipin? Si Jesus o tao ba ang nagtatag Ng unang iglesya? Gaano na kahabang
panahon nabuhay si Jesus? Anong nangyari sa mga alagad?

You might also like