1, 2, 3 Click!-WPS - 052248

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

1, 2, 3 Click!

*Nakataas ang kurtina

ANG MAHIWAGANG SELPON NI SABRINA NI SHERILYN AYSON

(Si Sabrina ay nakatayo lamang, nakangiti at nakakaway.)

*Ibababa ang kurtina kasabay ng sound na CLICK

Scene 1: *Sa isang malayong probinsiya, may isang batang nagngangalang Sabrina.*

*Nakataas ang kurtina

(Naglilibang si Sabrina gamit ang selpon. Samantalang ang kaniyang ina ay tinatawagan siya para utusan
ng gawaing bahay ngunit hindi niya pinapansin.)

* Ibababa ang kurtina kasabay ng sound na CLICK.

Scene 2: Sampung taong gulang pa lamang siya subalit napakahilig na niyang gumamiting selpon. Hindi
na niya napapansin ang pagtawag ng kaniyang ina para utusan ng gawaing bahay at kapag kakain na
dahil sa labis na paggamit ng selpon. Tila nawawalan na siya ng panahon para sa kaniyang pamilya,
kaibigan at pag-aaral.*

*Nakataas ang kurtina

(Nag-aayos si Sabrina ng kaniyang higaan nang biglang lumabas ang magandang babae na si Selponya. )

*Ibababa ang kurtina kasabay ng sound na CLICK.

Scene 3: *Isang gabi, habang siya ay nag-aayos ng kanyang higaan, biglang may lumabas sa kanyang
selpon na isang magandang babae na nagngangalang Selponya. Ang babaeng ito ay maputi at
kumikinang ang kasuotan. *

(Lalabas si Selponya sa malaking selpon at mag-uuli) *DITO YUNG SOUND NG CELLPHONE

* Labis na nagulat si Sabrina dahil sa unang pagkakataon, mayroon siyang nakitang tao na lumabas mula
sa isang selpon.
*Nakataas ang kurtina

(Nasa loob na ng selpon si Sabrina at malungkot)

*Ibababa ang kurtina kasabay ng sound na CLICK.

SCENE 4: Nagtangkang lumabas ng kwarto si Sabrina, subalit bago pa man siya makalabas ng kwarto
biglang nagliwanag ang paligid at naging selpon siya. Nagsimulang umiyak si Sabrina at humingi ng
tulong, ngunit walang nakarinig sa kaniya.*

*Nakataas ang kurtina

(Nag-iisip ng solusyon ang nanay ni Sabrina para maibalik sa normal si Sabrina. Samantalang si Sabrina ay
nandoon pa rin sa loob ng selpon at malungkot.)

*Ibababa ang kurtina kasabay ang sound na CLICK.

Scene 5: *Labis na nalungkot ang kaniyang ina sa nangyari. Hirap na hirap ito sa pag-iisip ng solusyon
para maibalik si Sabrina sa dati nitong anyo.*

*Nakataas ang kurtina

(Magkaharapan ang nanay ni Sabrina at ang albularyo at kunwaring nag-uusap sa maaaring solusyon.
Nasa loob parin ng selpon si Sabrina.

*Ibababa ang kurtina kasabay ang sound na CLICK.

Scene 6: *Sinubukang dalhin ng kaniyang ina si Sabrina sa isang albularyo upang ipagamot siya. Subalit,
walang gamot na maibigay ang albularyo.*

*Nakataas ang kurtina

(Nagkukwentuhan ang mag-asawa)

*Ibababa ang kurtina kasabay ang sound na CLICK.

Scene 7: *Hindi na magawa ni Sabrina na makipagkwentuhan kasama ang kaniyang nanay at tatay*

*Nakataas ang kurtina


(Nag-iisip si Sabrina kunwaring napagtanto ang kaniyang pagkakamali)

*Ibababa ang kurtina kasabay ang sound na CLICK.

Scene 8: *Isang gabi, nagkaroon ng liwanag sa kanyang puso nang unti-unti niyang napagtanto na hindi
mabuting mag-aksaya ng oras sa pagseselpon.

*Nakataas ang kurtina

(Kunwaring pinagsasabihan ni Selponya si Sabrina at nasa loob parin ng Selpon si Sabrina.

*Ibababa ang kurtina kasabay ang sound na CLICK.

Scene 9: Sa gabing iyon, biglang lumabas muli ang diwatang si Selponya. Pinayuhan siya ni Selponya na
huwag na muling mag-aksaya ng maraming oras sa paggamit ng selpon dahil ito ay maaaring makasira
ng kalusugan at maagaw ang oras sa pamilya.*

*Nakataas ang kurtina

(Magkaharapan si Selponya at Sabrina at wala na si Sabrina sa loob ng selpon)

*Ibababa ang kurtina kasabay ang sound na CLICK.

Scene 9: *Muling ibinalik ni Selponya si Sabrina sa dati niyang anyo at sa wakas, natutunan niya ang
halaga ng panahon kasama ang kaniyang pamilya.*

*Nakataas ang kurtina

(Magyayakapan sina Sabrina kasama ang kaniyang nanay ar tatay.

*Ibababa ang kurtina kasabay ang sound na CLICK.

Scene 10: *Agad siyang lumapit sa kaniyang pamilya at niyakap sila. Napagtanto ni Sabrina na dapat
mahalin ang pamilya at bigyan sila ng higit na oras kaysa sa pagseselpon o sa anumang bagay.*

THE END.
note: Yung mga may open ang close parenthesis habang nakataas ang kurtina ay ang mga gagawin ng
characters para before ibaba yung kurtina ay nakapost na sila

You might also like