Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

Araling Panlipunan 7
Ikalawang Markahang Pagsusulit
SY 2023-2024

Pangalan: ________________________ Iskor:_________________


Baitang & Seksyon: ________________ Guro:_________________

PANGKALAHATANG PANUTO: Basahing mabuti at unawain ang nilalaman ng bawat bilang.


Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa patlang bago ang bilang.

___1. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagbibigay kahulugan sa kabihasnan?


A. Mataas na uri ng paninirahan sa malawak na lupain
B. Paninirahan sa malalapit at maunlad na pamayanan
C. Tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan
D. Pamumuhay na nakagawian at pinauunlad nang maraming pangkat ng tao
___2. Ang mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan ay tumutukoy sa_____.
A. Pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at pagsusulat
B. Pamahalaan, relihiyon, kultura, tradisyon, populasyon, at estado
C. Sinaunang pamumuhay, relihiyon, pamahalaan, mga batas, at pagsusulat
D. Organisado at sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan, sining,
arkitektura, at pagsusulat
___3. Bakit nagsimula ang mga sinaunang kabihasnan sa mga lupain malapit sa anyong-tubig?
A. Mataba at mainam tamnan ang lupa.
B. Madaling makabuo ng tahanan sa mga lupaing ito.
C. Higit na maraming likas na yaman ang makikita rito.
D. Sumusunod sila sa paniniwala ng kanilang mga ninuno.
___4. Alin ang nagpapakita ng tamang pagkakasunud-sunod ng mga sinaunang pangyayari?
1. Panahong Paleolitiko 3. Panahong Neolitiko
2. Panahon Mesolitiko 4. Panahon ng Metal
A. 1234 B. 2134 C. 1243 D. 2431
___5. Bakit kailangang makiayon ang mga sinaunang tao sa mga pagbabagong naganap sa
kanilang kapaligiran?
A. Napaunlad ang kanilang kaalaman sa paghubog ng mas maunlad na pamayanan.
B. Ito’y magdadala sa kanila sa panibagong yugto at pagbabago ng buhay.
C. Sila ay sunud-sunuran sa agos ng panahon.
D. Ayaw nila mapag-iwanan ng panahon.
___6. Ang Harappa at Mohenjo-Daro ng kabihasnang Indus ang nagpapatunay na may planado
at organisado ang mga lungsod nila kaysa kabihasnang Sumer at Tsina. Ano ang patunay
na mahihinuha mo sa pahayag na ito?
A. Mas magaling sa Matematika ang mga Indus kaysa dalawang kabihasnan.
B. Magaling sila sa paggawa ng mga bahay kaysa dalawang kabihasnan.
C. Mataas ang antas ng kanilang lipunan kaysa dalawang kabihasnan.
D. Maingat sila sa paggawa ng kalsada kaysa dalawang kabihasnan.

7
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

___7. Sumibol ang kabihasnang Sumer, Indus, at Shang sa magkaparehong katangiang pisika ng
lambak-ilog. Anong pahayag ang mabuo natin sa konseptong ito?
A. Nagagamit nila ito sa mabilisang transportasyon ng kanilang mga produkto.
B. Ito’y pinagmulan ng inuming tubig para sa mga alagang hayop.
C. Nagpataba sa mga sakahan bunga ng pag-apaw ng tubig.
D. Pinagkukunan ito ng isda at iba pang yamang-tubig.
___8. Alin sa sumusunod ang tamang paghahambing tungkol sa heographiya ng kabihasnang
Mesopotamia at Tsina?
A. Ang Kabihasnang Tsina ay umusbong sa Ilog Ganges samantalangang
Mesopotamia ay sa Tigris at Euphrates.
B. Ang Kabihasnang Mesopotamia ay umusbong sa Tigris at Euphrates samantalang
ang Tsina ay sa Ilog Huang Ho.
C. Ang Kabihasnang Tsina ay umusbong malapit sa India at ang Mesopotamia naman
sa Ilog Tigris at Euphrates.
D. Ang Kabihasnang Mesopotamia ay umusbong sa fertile crescent samantalang ang
Tsina ay sa Ilog Tigris at Ganges.
___9. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na konseptong mabuo tungkol sa kahalagahan
ng mga haring pari sa kabihasnang Sumer, Indus, at Shang?
A. Pinamumunuan nila ang ispiritwal na paniniwala ng kanilang nasasakupan.
B. Pinangangalagaan nila ang kaligtasan ng kanilang nasasakupan.
C. Pinamumunuan nila ang lungsod sa usaping ispritwal at politikal.
D. Sila ang tagapamagitan ng diyos at tao
___10. Paano nakaaangat ang kabihasnang Indus sa pagbuo ng siyudad sa ibang kabihasnan?
A. Naimbento ang calligraphy sa pagsulat.
B. Pagkakaroon ng sistemang irigasyon
C. Sa pamamagitan ng greed pattern
D. Pagbuo ng templong Ziggurat
___11. Itinuring na pinakamahiwaga na kabihasnan ang Indus kaysa Kabihasnang Sumer at
Shang? Alin sa mga pahayag ang tamang dahilan sa pagbatid nito?
A. Dahil sa kanilang dalawang lungsod na Harappa at Mohenjo-Daro
B. Hindi matukoy ang kadahilanan ng paglaho nito.
C. Naiiba ang sistema ng pagsusulat.
D. May ebidensiyang nahukay.
___12. Ano ang pagkakaiba ng tungkulin ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer mula sa
Kabihasnang Tsina?
A. Ang gawain lamang ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay nakasentro sa tungkuling
panrelihiyon.
B. May paghahati sa pamamalakad sa lipunan ang hari ng Indus at Shang.
C. Magagaling ang mga hari ng Indus at Shang sa larangan ng sining.
D. Haring pari ang namumuno sa kabihasnang Indus at Sumer.
___13. Sinasabing ang Sumer ang itinuturing na pinakauna at pinakamatandang kabihasnan sa
buong daigdig. Alin sa mga sumusunod na kadahilanan ang nagpapatunay nito?
A. Ito ang naging tagpuan ng iba’t-ibang pangkat ng tao.
B. Dito unang naitatag ang mga pamayanan at imperyo.
C. Sa Mesopotamia natatagpuan ang pinakaunang kabihasnan sa daigdig.
D. Ito ay matatagpuan sa Mesopotamia sa lambak ng Ilog Tigris at Euphrates noong
3500-300 BCE na siyang unang nahubog na pamayanan.

7
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

___14. Ang sistema ng pagsulat ng mga Sumerians ay tinatawag na Cuneiform. Ano naman ang
sistema ng pagsulat ng Indus?
A. Hieroglyphics B. Calligraphy C. Cuneiform D. Pictograph
___15. Ang Akkadian Empire ang pinakamahabang imperyo na namuno sa kabuuang
Mesopotamia. Ano naman ang ang pinakamahabang ruling dynasty sa Tsina?
A. Tang Dynasty B. Shang Dynasty C. Zhou Dynasty D. Sultanate ng Sulu
___16. Ang India ay pinaniniwalaang isa sa pinakamatandang kabihasnan na nabuo sa mundo.
Alin sa mga sumusunod na mga relihiyon ang HINDI nagmula sa India?
A. Hinduismo B. Kristiyanismo C. Buddhismo D. Jainismo
___17. Ang Hinduismo ay isa sa mga relihiyon na nabuo sa Asya. Ano ang kontribusyon nito sa
pagkabuo ng pagkakilanlang Asyano?
A. Pagkakaroon ng paniniwala sa maraming diyos.
B. Naging batayan ang uri ng kanilang pamumuhay
C. Pagsamba sa mga diyos diyosan ay prayoridad ng mga tao.
D. Ang kanilang kabuhayan ay kaakibat sa kanilang paniniwala.
___18. Sinasabing ang pangangalaga sa tradisyunal na kultura at pagkakaiba-iba nito ay
nagsisilbing ugat na pangkultura ng isang bansa at dapat isanib ang inobasyon na
kultural sa pangangalaga ng tradisyon. Ano ang kabuuang mensahe nito?
A. Dapat proteksyonan ang mga kultura at tradisyon ng bansa.
B. Ibabagay ang kultura at tradisyon sa mga kaganapang panlipunan.
C. Isasabuhay at ibabahagi ang mga mabubuting kultura at tradisyon ng bansa.
D. Ang lumang kultura at tradisyon ay dapat pahalagahan at pagyamanin katulonga ang mga
inobasyon na aangkop sa makabagong lipunan.
___19. Gaano kahalaga ang Kor’an sa mga Muslim?
A. Ito ang gabay ng mga Muslim sa kanilang pang araw-araw na buhay.
B. Dito nakapaloob ang mga batas at aral ni Allah.
C. Dito nakasulat ang kasaysayan ng mga Muslim.
D. Ito ang banal na aklat ng mga Muslim.
___20. “Ang kultura ay mahalaga para sa pagkakilanlan sa isang bansa o pangkat ng tao. Kung
ito ay ikahiya o kalimutan nalang ay maaring mawala”. Ano ang maaari mong gawin
upang maipreserba ang ating kultura?
A. Hikayatin ko ang aking kapwa mag-aaral na isabuhay ang kulturang Pilipino kagaya
halimbawa ng pagmamano sa matatanda.
B. Manonood ako ng mga sayaw sa pagdiriwang ng Kadayawan Festival at mga palabas sa
telebisyon tungkol sa katutubo.
C. Igagalang ko ang mga katutubong bumababa sa lungsod lalong-lalo na sa tuwing
kapaskuhan.
D. Lahat ay tama.
___21. Bahagi ng paniniwalang Tsino ang tinatawag na Son of Heaven o “Anak ng Langit” ang
kanilang emperador. Ano ang iyong pagkaunawa sa kahulugan nito?
A. Namuno batay sa mga kautusan na itinakda
B. Pinakamabuti sa lahat at itinalaga siya ng Diyos
C. Pinili siya ng mga mamamayan na mamuno bilang anak ng Diyos
D. Pinili ng langit upang mamuno na may itinakdang kasaganaan at kapayapaan
___22. Gaano kahalaga ang isang pinuno sa isang Sentralisadong Pamahalaan?
A. Siya lamang ang bumubuo ng mga batas at desisyon para sa buong kaharian.
B. May karapatan siya na labanan ang mga mananakop.
C. Ang pinuno ang bumubuo sa isang kaharian.
D. Siya ay may isang salita.

7
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

___23. Bilang lider ng mga mag-aaral, naatasan ka ng iyong guro ng isang proyekto tungkol sa
kahalagahan ng kontribusyon ng mga sinaunang kabihasnan. Paano mo maipakita ang
lahat ng mga kontribusyon nito?
A. Sumali sa Quiz Bee
B. Gumawa ng Talumpati
C. Bumuo ng Collage
D. Magkaroon ng Open House Exhibit tungkol sa pagpapahalaga sa pagkakilalanlang Asyano
___24. Paano mo isabuhay ang kasabihang ito na nagmula sa mga turo ni Confucius? “Huwag
mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin ng iba sa iyo”.
A. Gumawa nang tama at kabutihan upang malayo sa kapahamakan
B. Ang paggawa ng kabutihan ay isang marangal na gawain.
C. Ipakita ang tama at babalik sa iyo ng isang daang beses.
D. Maging mabuti sa iyong kapwa
___25. Paano mo pahahalagahan ang mga kaisipang Asyano na nagbigay-daan sa paghubog ng
sinaunang kabihasnan?
A. Linangin ang kaalaman tungkol sa pamahalaan, relihiyon, kabuhayan, teknolohiya,
lipunan, at kultura.
B. Maging isang mabuting mamamayan
C. Maging mabuti sa iyong kapwa.
D. Mag-aral nang mabuti
___26. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutkoy sa kalagayang panlipunan ng mga
kababaihan noong sinaunang kabihasnan sa Asya MALIBAN sa:
A. Pagsuot ng sapatos na bakal para sa mga babaeng Tsino upang di makalayo sa tahanan
B. Pagyukod sa kausap bilang pagpapakita ng paggalang lalo na sa nakakatanda
C. Pagsunog ng babae sa asawang lalaki kapag kulang ang dote o bigay
D. Pagbebelo ng mga kababaihang mananampalataya ng Islam
___27. Ano ang tawag ng paniniwalang Hindu na kung saan ang babae ay tumalon sa apoy nang
sinusunog ang asawang lalaki?
A. Purdah B. Jauhar C. Sati D. Brahmans
___28. Alin sa probisyon batas ni Haring Hammurabi ang nagpapakita ng mababang pagtingin
sa kababaihan?
A. Isang kalapastangan ang pakikipagtalik ng asawang babae sa ibang kalalakihan.
B. Hindi dapat tumutol ang ama na ipagkasundo ang anak na babae.
C. Sila ay parang mga produktong ibinebenta at binibili sa kalalakihan.
D. Ipanagkaloob ang dote ng pamilya sa kababaihan.
___29. Ayon sa Kodigo ni Hammurabi, pinapayagan na ibenta ng lalaki ang kanyang asawa at
mga anak. Paano nito naapektuhan ang sistema ng pamilya?
A. Nabibigyan ng pagkakataon ang bawat miyembro ng pamilya ng bagong buhay.
B. Nabibigyan sila ng pagkakataon na magkaroon ng buong pamilya.
C. Napapapigting ang karapatan ng bawat miyembro ng pamilya
D. Nagresulta ito sa pagkawatak watak ng pamilya.
___30. Sa China ang footbinding ay ginagawa sa mga batang babae. Tinatanggalan sila ng kuko,
binabalian ng buto sa daliri at binabalutan ng bondage at metal ang mga paa. Ano ang
implikasyon nito sa kanilang kultura?
A. Naging batas na ng lipunan ang ganitong gawain.
B. Tataas ang kalidad ng pamumuhay kung gagawin ito.
C. Nakabubuti sa tingin ng kalalakihan ang ganitong tradisyon.
D. Naging pamantayan ng kagandahan sa lipunan ang ganitong kultura.

7
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

___31. Ano-ano ang mga ipinagkait na mga karapatan noon sa kababaihan na siyang dahilan ng
kanilang pakikibaka tungo sa pantay-pantay na karapatan?
A. Makipagkwentuhan sa mga kaibigan.
B. Makapag-asawa, makapasyal, at makakain ng masarap.
C. Makaboto, makapag-asawa, at makapaglibang sa kaibigan.
D. Makaboto, makapag-aral, at makibahagi sa kalagayang lipunan at pang-ekonomiko
___32. Nakita ng mga kababaihan sa Asya ang kahalagahan ng pag-oorganisa ng samahan upang
maisulong ang kanilang interes at marinig ang kanilang boses. Sang-ayon ka ba sa
adhikaing ito?
A. Oo, dahil naniniwala sila na ang pag-oorganisa ng samahan ang makapabago ng
katayuan ng kanilang pamumuhay.
B. Oo, sapagkat nakita nila na sa pag-oorganisa lamang ng mga samahan ang
makapaggbibigay sa kanila ng mga karapatan.
C. Hindi, dahil ang pag-oorganisa ng mga samahan ang magbibigay sa kanila ng mas higit
na karapatan kaysa sa mga kalalakihan.
D. Hindi, sapagkat, naaayon lamang sa mga kababaihan ang magbigay serbisyo sa kanilang
pamilya at sa lipunang kanilang ginagalawan.
___33. Naniniwala ka ba na isa sa mga kilusang kababaihan noon na tinatawag na Kilusang
Suffragist ay nakatulong sa pagsulong ng grupo ng mga kababaihan?
A. Oo, dahil isinusulong nito na marinig ang boses ng kababaihan at lumaya.
B. Oo, dahil ipinaglaban nito ang karapatang pumili ng mapapangasawa na naaayo
sa kagustuhan.
C. Oo, dahil kinilala nito ang karapatang bumoto sa eleksiyon o reperendum at mahalal
sa pamahalaan.
D. Lahat ng nabanggit ay tama.
___34. Isa sa mga nilalaman ng Kodigo ni Manu ay nagsasabi na “Ang agwat ng edad ng lalaki
ay tatlong beses sa edad ng kanyang asawa”. Sang-ayon ka ba sa implikasyon nito sa mga
kababaihan?
A. Oo sapagkat ipinapakita ang kahalagahan ng karapatan sa pagpili sa mapapangasawa
B. Oo, sapagkat nagpapakita ito ng seguridad sa mga kababaihan.
C. Hindi, sapagkat nagpapakita ng mababang antas ng mga kababaihan.
D. Hindi, sapagkat mananatiling sunud-sunuran lamang ang mga kababaihan
___35. Naniniwala ka bang ginagampanan ng mga kababaihang pinuno ng maayos ang kanilang
tungkulin bilang lider ng kanilang bansa sa Asya tulad ng nasa larawan sa ibaba?

Indira Gandhi of India Sarah Duterte of the Philippines Pres. Tsai Ing –Wen of Taiwan

A. Oo, dahil itinataguyod nila ang Asyanong pagpapahalaga tulad ng maayos at matapat na
pamumuno.
B. Oo, dahil binigyan ng pagkakataon ang mga kababaihang may kakayahang manungkulan sa
bansa.
C. Hindi, dahil madaling matakot ang mga kababaihan lalo na sa panahon ng kahirapan at
usaping pangkapayaan.
D. Hindi, dahil mahina sa pagbibigay ng desisyon ang mga kababaihan.

7
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO CITY

___36. Ang dental equipments ay naimbento ng kabihasnang Indus. Anong konklusyon ang iyong
mabubuo sa pahayag na ito?
A. Pagtutulungan ang ipinapakita ng kabihasnang Indus.
B. Sila ay organisado sa kanilang gawaing pangkabuhayan.
C. Tagapagtaguyod ang Indus ng kabihasnan sa buong Asya.
D. Nagpapahalaga sa kalusugan ng tao ang kabihasnang Indus.
___37. Ano ang kuwento sa likod ng pagtatayo ng isang katangi-tangi na istraktura ng India na
tinatawag na Taj Mahal?
A. Ipinatayo upang maging palasyo ng hari.
B. Itinayo upang bigyang parangal ang mga sundalong Indian.
C. Layon nito na magkaroon ang mga Hindu ng pinakamalaking gusali.
D. Dahil sa matinding pagmamahal sa kanyang iniibig kaya naipatayo ito.
___38. Ang ziggurat ay ipinatayo ng mga Sumerian. Ano ang layunin nito?
A. Dagdag imbensyon upang makilala sa buong mundo
B. Pinatayo ito upang pananggalang mula sa mananakop
C.Pinatayo ito upang pananggalang mula sa malaking baha
D.Upang kanilang sambahan o templo na matayog upang mas malapit ito sa kalangitan
___39. Bilang isang Asyano, paano mo mapahahalagan ang kontribusyon ng mga sinaunang
lipunan?
A. Ipagpapatuloy ang pagbabasa at pagsasaliksik sa mga kontribusyon
B. Kalimutan ang mga kontribusyon na naibigay ng sinaunang lipunan
C. Magpapasalamat sa Maykapal sa mga kontribusyon na naibigay
D. Maipagmamalaki at gagamitin ang mga natatanging kontribusyon
___40. Ang gun powder, chopsticks at paggamit ng tanso ay ilan lamang sa imbensyon ng mga
Tsino. Paano natin mapahahalagahan ang mga pamana at kontribusyong ito?
A. Naging bahagi na ito ng kulturang Asyano at dapat gamitin at alagaan.
B. Magandang gawing mga ornamento at libangan ang mga ito.
C. Nakakatulong ang mga bagay na ito sa ating hanapbuhay.
D. Maari natin itong ipagmalaki sa ating mga kaibigan.

You might also like