Professional Documents
Culture Documents
AP 10 Q4 Module 3
AP 10 Q4 Module 3
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 3
Mga Karapatang Pantao
ii
NegOr_Q4_AP10_Module3_v2
Araling Panlipunan – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan – Modyul 3: Mga Karapatang Pantao
Ikalawang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
i
Paunang Salita
Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa
kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila
upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng
kurikulum.
Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na
may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong
tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng
aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung
tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging
matapat ang bawat isa sa paggamit nito.
Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng
ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul.
Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay
makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito.
ii
Alamin
Magandang araw!
Ang modyul na ito ay ginawa upang matututunan ang mga paksang dapat mong pag-
aralan habang wala ka sa paaralan. Batay sa MELC AP10Q4Wk3 – Nasusuri ang
kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa karapatang pantao sa pagtugon sa
mga isyu at hamong panlipunan, ay malalaman at matutuklasan mo ang mga konsepto at
katuturan ng pagkamamamayan.
Sa puntong ito ay maliwanag na sa iyo kung saan nagmula ang konsepto ng
citizenship at ang tradisyonal na pananaw nito at kung paano lumawak ang konsepto ng
pagkamamamayan. Pansinin ang malaking pagkakaiba ng tradisyonal at ang pagiging
malawak na pakahulugan ng pagkamamamayan.
Maisasabuhay at maliliwanagan ka sa mga iba’t-ibang mga gawain tulad ng
paggawa ng isang malikhaing obra na nagpapakita ng kahalagahan ng pagsusulong at
pangangalaga sa karapatang pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan.
Bigyang-halaga ang nasabing isyu upang mas malinaw ang pag-unawa ng lahat ng
mamamayang pilipino sa mundong ating ginagalawan.
Handa ka na bang matuto? Simulan mo na!
Bago mo simulang sagutin ang modyul na ito subukan mo munang sagutin ang pagsubok sa
ibaba upang masukat ang iyong paunang nalalaman tungkol sa paksang “Karapatang
Pantao”.
A.
Panuto: Piliin ang letra ng iyong sagot na sa tingin mo ay tama. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa iyong kwaderno.
1. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito,
dahil pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at
naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang
saligang batas.
A. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
B. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
C. Magna Carta ng 1215
D. Universal Declaration of Human Rights
1 NegOr_Q4_AP10_Module3_v2
2. Ayusin ang mga dokumentong nasa loob ng kahon batay sa pagkabuo ng
mga karapatang pantao mula sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
B.
Panuto: Tama o Mali. Isulat ang letrang “T” kung sa tingin mo ay tama ang pahayag at “M”
naman kung sa tingin mo na ang pahayag ay mali. Isulat ang ng iyong sagot sa inyong
kuwaderno.
2 NegOr_Q4_AP10_Module3_v2
______3. Noong 1628 sa England, ipinasa ang Petition of Right na naglalaman ng mga
karapatan tulad nang hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng
Parliament.
______4. Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kaniyang mga tauhan ang lungsod ng
Babylon.
Balikan
Panuto: Lagyan ng angkop na impormasyon ang Venn Diagram na naghahambing sa
tradisyonal at lumalawak na pakahulugan sa pagkamamamayan. Ilagay sa dalawang bilog
ang mga natatanging katangian ng dalawang pananaw ng pagkamamamayan. Ilagay
naman sa gitnang bahagi ang mga pagkakatulad ng dalawang pananaw ng
pagkamamamayan. Gawin ito sa iyong kwaderno.
Ligal na konsepto ng
Lumawak na konsepto ng pagpakahulugan sa
pagpakahulugan sa pagkamamamayan
pagkamamamayan
______________ P ______________
______________
A
G
______________
______________ K
A
______________
______________ K ______________
A
______________ T ______________
U
______________ L ______________
______________
A
D
______________
3 NegOr_Q4_AP10_Module3_v2
Tuklasin
Ang bawat isa sa atin ay taglay ang karapatang ito na nakaayon sa prinsipyo ng
paggalang ng kahit na sino mang indibiduwal na ating makakasalamuha o maging sinuman
sa mundo. Ang bawat isa ay dapat nating tratuhin nang may dignidad at nigyang paggalang
na na aayon sa aspektong sibil, political, ekonomikal, sosyal atkultural.
Upang mas maintindihan natin ang paskang ito narito ang isang diyagram na
nagpapakita ng konstektong historikal ng pagunlad ng karapatang pantao mula sa
sinaunang tao hanggang sa pagkabuo ng “Universal Declaration of Human Rights” ng
United Nations noong 1948.
539 B.C.E. – Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kaniyang mga tauhan ang
lungsod ng Babylon. Pinalaya niya ang mga alipin at ipinahayag na maaari silang pumili
ng sariling relihiyon. Idineklara rin ang pagkakapantaypantay ng lahat ng lahi.
Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder na tanyag sa tawag na “Cyrus
Cylinder.” Tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights.”
Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa karapatang pantao ang iba pang sinaunang
kabihasnan tulad ng India, Greece, at Rome.
4 NegOr_Q4_AP10_Module3_v2
Noong 1948, itinatag ng United Nations ang Human Rights Commissionsa
pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong Pangulong Franklin Roosevelt ng
United States. Sa pamamagitan ng naturang komisyon, nilagdaan at ipinatupad ang
dokumentong tinawag naUniversal Declaration of Human Rights.
Sanggunian: United for Human Rights. (2014). A Brief History of Human Rights. Retrieved August 21, 2014, from United for
Human Rights: http://www.humanrights.com/what-are-humanrights/brief-history/cyrus-cylinder.html;
http://www.universalrights.net/main/histof.htm
5 NegOr_Q4_AP10_Module3_v2
Suriin
(Frontiere 2014)
6 NegOr_Q4_AP10_Module3_v2
Umabot nang halos dalawang taon bago nakumpleto ang mga artikulong
nakapaloob sa UDHR. Sa Preamble at Artikulo 1 ng UDHR, inilahad ang likas na karapatan
ng lahat ng tao tulad ng pagkakapantay-pantay at pagiging malaya. Binubuo naman ng mga
karapatang sibil at pulitikal ang Artikulo 3 hanggang 21. Nakadetalye sa Artikulo 22
hanggang 27 ang mga karapatang ekonomiko, sosyal, at kultural. Tumutukoy naman ang
tatlong huling artikulo (Artikulo 28 hanggang 30) sa tungkulin ng tao na itaguyod ang mga
karapatan ng ibang tao.
Makikita sa kasunod na diyagram ang buod ng mga piling karapatang pantao na
nakasaad sa UDHR.
Pagyamanin
Panuto: Batay sa nabasang teksto bigayang kahulugan ang mga salita na nasa kahon.
Isulat ito sa inyong kuwaderno.
1. Cyrus’ Cylinder
2. Magna Carta
3. Petition of Right
4. Bill of Rights
7 NegOr_Q4_AP10_Module3_v2
Isaisip
Ang karapatang pantao ay isang paksang marami ang interesado at ang iba ay
naguguluhan. Ito ay dahil sa pagkakaroon ng iba’t ibang karanasan na humuhubog
sa ating kaalaman batay sa ating relihiyon, uri ng kultura at lipunang ating
kinabibilangan. Ang bawat isa sa atin ay taglay ang karapatang ito na nakaayon sa
prinsipyo ng paggalang ng kahit na sino mang indibiduwal na ating makakasalamuha
o maging sinuman sa mundo. Ang bawat isa ay dapat nating tratuhin nang may
dignidad at bigyang paggalang na naaayon sa aspektong sibil, political, ekonomikal,
sosyal atvkultural. Bilang isang mag-aaral, dapat mong mangalagaan ang kapakanan
ng ating mga mamamayan na batay sa mga karapatang pantao na iyong natutunan
sa araling ito.
Isagawa
8 NegOr_Q4_AP10_Module3_v2
PAGBUO NG Angkop ang ipinakitang awtput tungkol sa 10
MALIKHAING paksang KARAPATANG PANTAO; akma ang
AWTPUT kagamitang pantulong at kasuotang ginamit sa
pagtatanghal
PAGKAMALIKHAIN Masining ang pagkagawa ng awtput 10
KABUUAN 30
Tayahin
A. Panuto: Piliin ang letra ng iyong sagot na sa tingin mo ay tama. Bilugan laman ang
titik ng iyong sagot.
1. Itinuring na “International Magna Carta for All Mankind” ang dokumentong ito, dahil
pinagsama-sama ang lahat ng karapatang pantao ng indibiduwal at naging batayan
ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas. \
A. Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas
B. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
C. Magna Carta ng 1215
D. Universal Declaration of Human Rights
9 NegOr_Q4_AP10_Module3_v2
4. Ayusin ang mga dokumentong nasa ibaba batay sa pagkabuo ng mga karapatang
pantao mula sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
1. Magna Carta 2. First Geneva Convention
3. Cyrus’ Cylinder 4. Universal Declaration of Human Rights
A. 1324 B. 3124 C. 3214 D. 1234
B. Panuto: Tama o Mali. Isulat ang letrang “T” kung sa tingin nyu ay tama ang pahayag
at “M” naman kung sa tingin nInyo ang pahayag ay mali. Isulat ang inyong tamang
sagot sa patlang bago ang bawat numero.
10 NegOr_Q4_AP10_Module3_v2
Karagdagang Gawain
11 NegOr_Q4_AP10_Module3_v2
NegOr_Q4_AP10_Module3_v2 12
Subukin
A
1.D
2.C
3.C
4.B
5.D
B
1.T
2.T
3.T
4.T
5.T
Tayahin
Pagyamanin
A.
Answers may vary”
1.D
Isagawa
2.B
1.A
3.D
2.B
4.C
3.C
5.C
4.E
B.
5.F
1.T
6.D
2.T
7.G
3.T
8.H
4.T
9.I
5.T
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Department of Education. 2017. Araling Panlipunan 10. Dumaguete City: DepEd NegOr.
-. 2020. Most Essential Learning Competencies With Corresponding CGs Code. Dumaguete:
DedEd NegOr.
Frontiere. 2014. Human rights declaration. March 25. Accessed February 17, 2022.
https://frontierenews.it/2014/03/human-rights-for-dummies-linfografica/universal-
declaration-of-human-rights_53305bf3af41b_w1500/.
13 NegOr_Q4_AP10_Module3_v2
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: