Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

TITLE: TAPAL

DIRECTOR: GERI MEAH SIBONGA


SCRIPT WRITER: DANIELA ILAGAN - MARY ANN YABUT - JUDEA TAGAL

Two-Column Documentary Script

VIDEO AUDIO

1 Introduction Intro teasers from some of the scenes.

2 Scene 1 : Montage scenes of the (Ambient noise)


place & church
Voice over:

“Isa sa mga kilalang katangian ng mga Pilipino ay ang


pagiging relihiyoso. Kadugtong nito ang mga
paniniwalang maiuugnay sa pananampalataya. Sa
kabi kabilang pag-usbong ng mga makabagong
tuklas ng siyensya, nakalatay na sa isip ng mga
Pililino ang mga bakas ng kahapon sa aspetong
pangkalusugan at tradisyunal na pagpapagaling.”

3 Scene 2 : Host introduction Host:

“Sinasabing ilang himala na ang naganap at patuloy


na nangyayari sa hayag na veranda, sa isang lugar
sa Brgy. Sinagtala Lipa City. Si Teodoro Cuenca,
limampu't walong taong gulang at mas kilala sa tawag
na Ka Teody. Nakapagpapagaling ng malubhang sakit,
nakapagpapaalis ng masamang espiritu, at minsa'y
nakabuhay pa ng isang taong idineklara nang patay.
Ilan lamang ito sa kanyang mga kakayahan na di
umano ay kagaya ng kay Hesus. Subaybayan natin
ang kwento ng panggagamot ni Ka Teody.”

4 Scene 3: Ka Teody’s patients Voice Over


“Umaga pa lamang nagsisimula na ang pagdagsa ng
mga tao na nais magpagamot kay ka teody
Mapabata,////matanda///may kaya/// o wala///. Iisa ang
nais, ang mahaplos ng mga kamay ni ka teody na tila
may kakayahang magpagaling. ”

5 Scene 4: Interview with the The production interviewed some of ka teody’s neighbors.
neighbors

6 Scene 5: The Saints Ka Teody explaining his belief about the power of saints to
heal.

7. Scene 6: Interview with a Patient Following questions were asked to the patients:
1. Ilang beses ng nakakapunta kay ka teody?
2. Paano nakilala si ka teody?
3. Ano ang dahilan ng pagpunta kay ka teody?
8 4. Bakit napagdesisyunan na kay ka teody lumapit?
5. Ano para sa iyo ang pinagkaiba ng paniniwala sa
faith healing at modernong medisina?

Voice over
“Aming nasaksihan ang isang senaryong hindi namin
inaasahan,kung saan lulan ng tricycle ang isang lalaki
na tila ay may malalang karamdaman na iniinda.”

Voice over
“Isa ang pasyenteng ito sa mga nagmula pa sa
malayong lugar. Kwento ng kaniyang mga kasama,
bigla na lamang naging lantang gulay ang katawan ng
binata matapos nitong makipaginuman. Inilapit nila
ito kay ka teody upang tuluyang tukuyin ang
karamdaman ng binata.”
Scene 7: Interview with Aling Daling
Aling Daling describes their experiences of having to take
9 numerous medications prescribed by the hospital without
seeing health improvements.

Ilan sa mga pasyente ni ka teody ay mula pa sa ilang


oras na byahe, sa pagbabakasakaling matutulungan
ng manggagagamot, isa na rito si nanay Daling.
Kasama ang kanyang mister, naglakas-loob silang
muling magpakonsulta kay Ka Teody sa pag-asang
mabibigyang-lunas ang sakit ng kanyang asawa na
tila hindi na kayang solusyunan ng sangkaterbang
gamot na nireseta sa ospital.”

Ambient noise

“Sa aming pagsasaliksik, napagalaman naming


prominente na sa kanilang lugar si Ka Teody bunsod
ng kanyang kakayahan sa pagpapagaling. Araw-araw,
10 walang palya ang pagdating ng mga pasyente daing
ang kani-kanilang mga iniinda. Ipinaliwanag rin ng
mang gagamot na hindi siya paniwala sa
siyentipikong medisina. Bagkus ay sa hilot at
sampalataya.”

Scene 8: Statistical data

11 Scene 9: Interview with the patient Patients explaining their purpose on visiting ka teody.

Voice over
“Nakita namin ang bawat pasyenteng bakas sa mga
mata ang pag-asang sa kanilang pag-uwi dala dala na
nila ang milagro ng paggaling.”

12 Scene 10: Ka Teody’s background Ka Teody explaining his skill and recounting past
happenings when he started healing people.

13 Scene 11: How ka teody heal his Voice over


patients “Bukod sa ilang sagradong mga dasal, isa rin sa
paraan ng panggagamot ni ka teody ay ang
panghihilot. Isang tradisyunal na panggagamot kung
saan pinapahiran ng langis ang iniindang parte ng
katawan sa layuning maibsan nito ang ano mang
karamdaman. Matapos nito tatapalan ng mga papel
ang ilang parte ng katawan ng may sakit kasabay ang
mga dasal na ibinubulong ng manggagamot.”

14 Scene 12: Faith healing vs. Voice over:


Pandemic
“Nang dumating ang pandemya napilitan si ka teody
na tumigil sa panggagamot, sa utos na rin ng lokal na
pamahalaan ng Batangas. Ito ay upang maiwasan ang
pisikal na kontak sa iba na posibleng makadadagdag
sa kaso ng Covid-19.”

15 Scene 13: More testimonies about Interview scene with Ka Teody's neighborhood
ka teody’s faith healings (magtatricycle, mag kakarenderia, at mag sisiomai) mga
positive thoughts lang muna ang ilalagay.

Voice over

“Kung usapin tungkol sa kalusugan, ang paniniwala


ng mga residente sa Brgy. Sinag Tala ay taliwas sa
nakaugalian ng karamihan. Imbes na sa ospital, si ka
teody ang takbuhan ng mga residenteng may
karamdaman.”

Kagaya ng marami ,kapag problema sa kalusugan


ang pinagusapan ,madalas na takbuhan ay ang
albularyo lalo na sa mga baryo na walang
nakukuhang tulong mula sa gobyerno. Ang albularyo
ay tradisyunal na healer sa Pilipinas nakilala sa
kanilang kaalaman sa mga halamang gamot ,mga
dasal , at ritwal upang makapag pagaling ng mga may
sakit.

16 Scene 14: Statistics Faith healing vs. Modern Medicine


Voice over
"Base sa pag aaral na isinagawa ng mga mag aaral ng
mataas na paaralan ng Solsona , tinatayang aabot sa
60 porsyento ang naniniwala sa albularyo na
makapagpagaling . Samantala 30 porsyento naman
para siyentipikong pamamaraan ng panggamot .

Ayon kay Bren Lovin, Napatunayan na hindi basehan


ang katayuan sa buhay ng isang pasyenteng nais
magpagamot sa mga albularyo. Hindi rin sukatan ang
natamong diploma ng mga tumatangkilik dito
sapagkat base sa panayam at obserbasyon ng
mananaliksik marami parin ang mga taong may kaya
at nakapag tapos ng pag aaral ang naniniwala sa
tradisyunal na pang gagamot."
The following questions were asked:
1. Ano ang masasabi mo sa paraan ng faith healing?
2. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit pinipili
ng iba na sa albularyo na lang magpagamot?
3. Ano-ano ang posibleng kapahamakan na pwedeng
idulot ng mga pamamaraan ng panggagamot ng
Scene 15: Interview ng medical mga faith healers?
practitioner 4. May mga kaso na ba ng pasyenteng dumadating
sa inyo na mas lumalala ang karamdaman dahil
nauna na silang nagpagamot sa mga faith healers?

Voice over

“Mga karayom, pako, bato at iba pang mga


kagamitan. Ilan lamang ito sa mga ipinakitang
proweba ni ka teody na tunay ang kaniyang
panggamot. Sa kabila ng mga ebidensya na nakita ng
aming mga mata, nananatili pa ring kaisipan sa amin,
kung paano nangyari ang mga ito.”
17 Scene 16: Faith healing downside Voice over
"Bagaman praktikal na mga rason ang dahilan ng
karamihan sa mga pasyente, mayroong mas malalim
na dahilan si Ka Teody sa kanyang panggagamot.
Mga poon at santo. Iyan ang pinaniniwalaan niyang
kanyang katuwang sa pagbibigay-lunas sa mga tao
na nagmula pa raw mismo sa patnubay ng nasa
Itaas—ang Diyos."

18 Scene 17: Story behind the saints Story of the crying mary, burden statue of jesus, and other
religious ornaments

19 Scene 18: Science vs. Faith healing Clips about the difference in beliefs based on science and
faith healing.

20 Scene 19 Interview with one of ka teody’s regular patient.

21 Scene 20: Some of ka teody’s proof Ka teody shows objects he got from his patients
of healing Voice over
"Kaya naman, tila naging kultura at tumatak na sa
paniniwala ng mga Pilipino ang tumakbo sa kagaya ni
Ka Teody sa sitwasyong kalusugan at buhay ang
nakasalalay."

22 Scene 21: More testimonies about Patients sharing testimonies


ka teody’s faith healing

23 Ending Spiel of Host Voice over


1. “Maraming ibat-ibang kaugalian at paniniwala
na mapahanggang sa ngayon ay dala dala pa
rin sa isip at puso ng bawat Pilipino. Isa na rito
ang Faith healing. Ngunit bukod sa naiwang
sinaunang kaisipang ito, tila isa itong pahiwatig
ng mga suliranin sa lipunan na di kayang
solusyonan maging ng medikal na larangan.”

2. “Ang kakulangan sa mga imprastraktura at


hindi handang mga kagamitan sa panggagamot
ay isa lamang sa maraming dahilan na
nag-uudyok sa mga Pilipino na kumapit sa faith
healing. Sa patong-patong na suliranin ng
bansa, tila naiwan na sa laylayan ang pabibigay
pansin sa sektor ng kalusugan. Saan nga ba
magpapagamot kung walang ospital na
mapupuntahan? Paano magpapagaling kung
wala ni isang kusing? Sino ang kakapitan kung
sarado ang pintuan ng mga dapat lapitan?”

3. “Ako si Daniela Ilagan, at ito ang kwentong


magpapatunay na ang tradisyunal na
panggagamot ay mananatiling buhay at patuloy
na hihilom sa mga sugat kaakibat ang
paniniwala at pananampalataya.”
(97 speed/duration sa premiere)

HOST (VO): Sa hindi mabilang na pag-unlad sa iba't ibang sektor panlipunan at sa patuloy na paglikha
ng makabagong mga sistema upang masabayan ang walang tigil na daloy ng mundo, ay tila may
naiwang bakas ng kahapon sa aspetong pangkalusugan at pagpapagaling.

---

HOST: Sinasabing ilang himala na ang naganap at patuloy na nangyayari sa hayag na veranda, sa
isang lugar sa Brgy. Sinagtala Lipa City. Si Teodoro Cuenca, limampu't walong taong gulang at mas
kilala sa tawag na ka teody. Nakapagpapagaling ng malubhang sakit, nakapagpapaalis ng masamang
espirito, at minsa'y nakabuhay pa ng isang taong idineklara nang patay. Ilan lang ito sa kanyang mga
kakayahan na di umano kagaya ng kay hesus. Subaybayan natin ang kwento ng panggagamot ni ka
teody.

V.O : Bahagi na ng pamumuhay ng isang tao ang pagkakaroon ng sakit. Kadalasang mga sanhi ay dala
ng pagod, karamdaman na dulot ng hayop,maduming paligid, ngunit mas marami parin ang naniniwala
lalo't higit ang mga sinaunang tao na ang pagkakasakit ay kadalasang bunsod ng parusa ng diyos sa
mga maling gawain, sakit na minana pa sa ninuno, sakit na mula sa mga mambabarang ,demonyo, at
mga masasamang Espiritu na sumasanib sa katawan ng tao .
---

HOST (VO): kaugnay nito bukod sa kapangyarihan ng medisina, iba't ibang paraan ang sinusubukan ng
mga tao.Isa ang (panghihilot?) sa tradisyunal at kinagisanang uri ng panggamot ng mga Pilipino noong
unang panahon ,para mapagaling ang mga may iniinda sa kanilang pangangatawan. Ilan sa mga
paraan ng pagsasagawa nito ay ang pagpapahid ng langis mula sa iba't ibang klase ng halamang gamot
o 'di kaya nama'y pagtatapal ng papel sa parte ng katawan ng pasyente.

---

scene ni tatay na nanggagamot

V.O Ayon kay ka teody ang abilidad niyang makapag alis ng karamdaman ay sa pamamgitan ng
koneksyon sa may Mataas na kapangyarihan. .

---

(pahapyaw) usapan ni pasyente at ni tatay tungkol sa mga dahilan kung bakit sila nagpapagamot doon,
paano dumating sa puntong sa tradisyunal na panggagamot sila nagtiwala.
V.O : kagaya ng marami ,kapag problema sa kalusugan ang pinagusapan ,madalas na takbuhan ay
ang albularyo lalo na sa mga baryo na walang nakukuhang tulong mula sa gobyerno. Ang albularyo ay
tradisyunal na healer sa Pilipinas nakilala sa kanilang kaalaman sa mga halamang gamot ,mga dasal ,
at ritwal upang makapag pagaling ng mga may sakit.

---

kaunting usapan naman ni host at tatay tungkol sa panggagamot niya, yung pinagmulan ng kakayahan
niya. at paano ring dumating siya sa punto ng panggagamot.

---

iisa-isahin yung mga gamit (papel/tape na sinusulatan, langis, etc.) at kung paano niya ito ginagamit sa
pagpapagaling.

---
V.O Minabuti namin na hingin ang opinyon ng isang propesyunal sa larangan ng medisina ukol rito.

interview sa med practitioner

---

interview sa pasyente na maraming beses nang nakapagpagamot kay tatay

---

OUTRO

HOST: Maraming ibat-ibang kaugalian at paniniwala na mapahanggang sa ngayon ay dala dala pa rin
sa isip at puso ng bawat Pilipino. Isa na rito ang Faith healing. Ngunit bukod sa naiwang sinaunang
kaisipan kadugtong nito ang mga suliranin sa lipunan na tila di kayang solusyonan sa medikal na
larangan.

You might also like