Professional Documents
Culture Documents
G3-Q1-M6 - Final
G3-Q1-M6 - Final
Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Mapa ng Mahahalagang Anyong
Lupa at Anyong Tubig sa Sariling
Lalawigan at mga Karatig
Lalawigan Nito
Araling Panlipunan – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6: Mapa ng Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong
Tubig sa Sariling Lalawigan at mga Karatig Lalawigan Nito
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling
Panlipunan Baitang 3 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa araling Mapa ng Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong
Tubig sa Sariling Lalawigan at mga Karatig Lalawigan Nito
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at
sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-
aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain
ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang
kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
ii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan Baitang 3
ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Mapa ng
Mahahalagang Anyong Lupa at Anyong Tubig sa Sariling
Lalawigan at mga Karatig Lalawigan Nito
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-
aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.
iii
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng
Suriin
maikling pagtalakay sa aralin.
Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto
at mga kasanayan.
iv
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa
Gawain iyong panibagong gawain upang
pagyamanin ang iyong kaalaman o
kasanayan sa natutuhang aralin.
v
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa
modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong
guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay
o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong
mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim
sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas
ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim
na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
vi
Alamin
1
Subukin
2
B. Malalaman ang lawak ng lugar at mga karatig
lalawigan nito.
C. Malalaman ang mga anyong tubig at anyong lupa.
D. Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa kultura ng
mga tao sa isang lugar.
Mapa ng Mahahalagang
Aralin Anyong Lupa
3
Balikan
Bulkang ____________________
“Ako ay isang anyong lupa na
may pagkaka-ugnay sa
kalupaan ng Tarlac, Pampanga
at Bulacan. Dahil sa
pagkakapareho ng aming
kalupaan, nagiging pareho din
ang kabuhayan at pamumuhay
Kapatagan ng _____________
sa aming lugar”
“Ako ay isang anyong tubig na
nagmumula sa Aurora,
bumabagtas sa lalawigan ng
Nueva Ecija, Pampanga at
nagtatapos sa Bulacan”
Ilog ng ____________________
4
Tuklasin
Basahin at unawain mo ang nilalaman ng tula.
Yaman ng Rehiyon Ko
ni: Jennifer O. Janoya
Suriin
5
Ang Rehiyon III o Gitnang Luzon ay kakikitaan ng maraming
anyong lupa at anyong tubig na nagsisilbing pinagkukuhanan ng
kabuhayan ng mga tao, pasyalan ng mga turista at hangganan
ng teritoryo. Ang paggamit ng mapa ay isa sa mabisang paraan
upang matunton ang mga lugar na hindi kabisado.
Paano nga ba gumawa ng mapa? Ano ang ating
kailangan? Narito ang ating gagawin.
1. Iba-iba man ang mapa, mas mainam na gawin ang pisikal na
mapa upang maipakita ang mga anyong lupa at anyong
tubig sa mga bisita. Alam mo pa ba ang mga anyong lupa at
anyong tubig sa inyong lalawigan? Subukan mong isulat ang
mga ito sa talaan gaya ng sa ibaba. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
Pangalan ng Pangalan ng
Anyong Lupa Anyong Tubig
1. 1.
2. 2.
3. 3.
6
kapag walang makita sa nasabing direksiyon. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
1. 4. 6.
HK HS
2. 7.
3. TK 5. TS 8.
7
Ang bawat guhit sa ruler ay 1(cm) sentimetro. Kung
gagawing 1 cm ay katumbas ng 1 kilometro, ilang kilometro ang
layo ng bituin sa tatsulok?
Tama ang iyong sagot kung ang sagot mo ay 4 na kilometro.
Subukan mo namang sagutin ang nasa ibaba. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
• Ang layo ng bituin ay _______ kilometro sa bilog.
• Ang bituin ay _______ kilometro ang layo sa parisukat.
Ang distansiya ng mga anyong lupa at anyong tubig sa
iyong mapa ay maaaring batay sa iyong karanasan. Sa ngayon,
hindi pa ito ang tamang distansiya. Ngunit ito ay pagtatantiya
kung gaano kalayo ang lugar sa isa’t isa.
Sa palagay mo ba ay makakagawa ka ng pisikal na
mapa ng iyong lalawigan at rehiyon? Ano ang dapat makita sa
mapa? Ano-ano ang kailangan natin malaman upang
makagawa ng pisikal na mapa?
Narito ang ilan sa mga anyong lupa at anyong tubig na
makikita sa Rehiyon III. Maaari mong maging gabay ang mga ito
sa paggawa ng payak na mapang pisikal ng iyong lalawigan at
mga karatig lalawigan nito.
8
Anyong Lupa Lokasyon
Bundok Anacuao Aurora
Bundok Natib Bataan
Bundok Samat Bataan
Bundok Mariveles Bataan
Bundok ng Kemalugong Nueva Ecija
Bundok ng Arayat Pampanga
Bundok Telakawa Tarlac
Bundok Damas Tarlac
Isla ng Capones Zambales
Bundok ng Pinatubo Zambales
Bulubundukin ng Sierra bumabagtas sa Aurora,
Madre Bulacan at Nueva Ecija
9
Ang Ilog Pampanga ang ikalawang pinakamalaking ilog sa
pulo ng Luzon at itinuturing na isa sa pinakamalaking dinadaluyan
ng tubig sa Pilipinas. Matatagpuan ito sa Gitnang Luzon at
dumadaloy sa lalawigan ng Pampanga at Bulacan hanggang sa
Look ng Maynila.
Ang Pantabangan Dam sa lalawigan ng Nueva Ecija ay isa
sa malalaking imbakan ng tubig sa Rehiyon III. Ito ay nagsusuplay
ng tubig bilang irigasyon sa mga sakahan sa kapatagan ng
Nueva Ecija at mga karatig lalawigan. Nakapagsusuplay din ito
ng kuryente sa pamamagitan ng mga turbina ng hydroelectric
power.
Ang Basin ng Ilog Agno ay dumadaloy din sa lalawigan ng
Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija at Zambales na bahagi ng
Gitnang Luzon. Isa ito sa pinakamalaking dinadaluyan ng tubig sa
ating bansa.
Pagyamanin
10
1. ______________ 2. ______________
3. ______________ 4. _____________
5. ______________ 6. ______________
7. ______________
11
B. Panuto: Suriin ang mga letra na nasa loob ng kahon na batay
sa mga inilalarawan ng bawat pahayag sa ibaba. Isulat ang
nabuong salita na umaayon sa bawat bilang sa sagutang
papel.
B K S T O W B L
L O K A S Y O N
M E R Y F S M L
A Z E X D N A U
P A N B E T K Z
A U R O R A T O
U B O D V E P N
12
C. Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat
ang salitang Tama kung wasto ang isinasaad ng bawat bilang
at Mali kung hindi wasto. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
_______1. Ang paggamit ng mapa ay nakatutulong upang
matunton ang mga lugar na hindi kilala.
_______ 2. Maaaring maging palatandaan ang mga anyong lupa
at anyong tubig kung saang lalawigan ito makikita.
_______ 3. Ang Rehiyon III ay binubuo ng anim na lalawigan.
_______ 4. Sa paggawa ng isang payak na mapa mahalagang
alamin ang hugis ng mga lalawigan at mga karatig
lallawigan nito.
_______ 5. Ang kabundukan ng Sierra Madre ay bumabagtas sa
lahat ng lalawigan sa Rehiyon III.
Magaling! Ipagpatuloy mo ang pagsagot sa iba pang
Gawain sa Modyul na ito.
13
E. Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na sitwasiyon.
Magkakaroon ng panauhin ang iyong ina na galing sa ibang
bansa. Ang darating na panauhin ay matagal ng kaibigan ng
iyong ina at nais niyang makita ang mga magagandang tanawin
na malapit sa inyong lalawigan o sa mga karatig lalawigan ng
Gitnang Luzon. Masayang ipinahanda ng iyong ina ang mga
lugar na kanilang papasyalan upang maipagmalaki niya ang
mga natatanging lugar sa ating Rehiyon.
Panuto: Subukan mong tukuyin ang bawat lalawigan na kanilang
magiging destinasyon ayon sa inilalarawan ng mga salita na nasa
bawat kahon.
14
Destinasyon 5: Lalawigan: ____________________
3. Bulacan
4. Nueva Ecija
5. Pampanga
6. Tarlac
7. Zambales
15
Panuto: Iguhit mo ang mapa ng iyong lalawigan sa kalahating
bahagi ng puting kartolina. Sa paggawa ng iyong mapa,
isaalang-alang ang mga pangunahing direksiyon sa
paglalapat ng mga hinihinging impormasyon. Markahan ang
mapang ginawa ng mga anyong lupa at anyong tubig na
matatagpuan sa iyong lalawigan.
16
Magaling! Ipagpatuloy mo ang pagsagot sa iba pang
Gawain sa Modyul na ito.
17
Isaisip
Isagawa
18
lola sa bayan ng Victoria, lalawigan ng Tarlac. Subalit hindi nila
alam ang patungo roon. Dahil abala rin ang kanilang mga
magulang sa paghahanap-buhay ay hindi sila masasamahan
sa pagtungo roon.
Tanging isang nakatatandang kapatid lamang ni Kris ang
maaaring sumama sa kanila. Sila ay kasalukuyang nakatira sa
Science City of Muñoz, Nueva Ecija at nag-aaral sa Muñoz
Central School.
Sinabihan sila ng kanilang magulang na magdala ng
mapa upang hindi sila mawala at maligaw.
19
B. Gumawa ng mapa ng rehiyon upang matulungan sina Jeremy,
Kris, at JR sa pagpunta sa kanilang mga lolo at lola.
1. Kulayan ng dilaw ang lalawigang madaraanan nila at
pula sa mga lalawigang hindi nila madaraanan.
2. Lagyan ng mga simbolo ng mga anyong lupa at
anyong tubig ang mga lalawigan.
Magaling! Ipagpatuloy mo ang pagsagot sa iba pang
gawain sa modyul na ito.
Tayahin
20
_______ 3. Ang mga sumusunod na anyong lupa ay matatagpuan
sa lalawigan ng Bataan MALIBAN sa ______.
a. Mt. Natib c. Mt. Mariveles
b. Mt. Samat d. Mt. Arayat
Karagdagang Gawain
21
Rubriks Para sa Pagbibigay ng Puntos sa Paggawa ng
Mapang Pisikal
Kategorya 5 3 1
Nilalaman Kinapapalooban Kinapapalooban Malayo ang
ng magagandang ng konsepto ngunit impormasyon
konsepto tungkol hindi gaanong na inilagay sa
sa mapa at detalyado ang mapa
detalye ng mga mga impormasyon
lalawigan sa mapa
Pagka- Kinakikitaan ng Kinakikitaan ng Walang kulay
malikhain kulay at kakaibang kulay ngunit payak at payak ang
konsepto sa ang konsepto sa konsepto ng
pagguhit ng mapa pagguhit ng mapa mapa
Kalinisan Malinis ang gawa Malinis ang gawa Marumi ang
at walang bura ng ngunit may pagkakaga-
lapis at lampas ng kaunting bura ng wa.
pangkulay lapis at lampas ng
pangkulay
22
23
SUBUKIN B. 1.Mapa F. magkakaiba ang sagot
1. C 2.Luzon G. magkakaiba ang sagot
2. A 3.Aurora H. magkakaiba ang sagot
3. B 4.Ubod
4. C 5.Lokasyon ISAISIP
5. D 1. D. pitong (7)
C. 1.Tama 2. E. anyong lupa
2.Tama 3. C. anyong tubig
BALIKAN 3.Mali 4. A. mapa
1.Bulkang Pinatubo 4.Tama 5. B. gabay
2.Kapatagan ng Nueva Ecija 5.Mali
3.Ilog Pampanga
ISAGAWA
D. 1.F A. 1. A
TUKLASIN 2.B 2. D
Magkakaiba ang sagot. 3.D
4.E B. Magkakaiba ang sagot
SURIIN 5.G
Magkakaiba ang sagot
TAYAHIN
E. 1.Bulacan 1. B
PAGYAMANIN 2.Pampanga 2. A
A. 1.Bataan 3.Tarlac 3. D
2.Aurora 4.Zambales 4. C
3.Nueva Ecija 5.Bataan 5. B
4.Bulacan
5.Zambales
6.Tarlac
7.Pampanga
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Austria, Ma. Rosalie, Jeaneth Doyog, Mary Abigail Bautista,
Diosdado Mateo, Jose Galang, Teodora Mendoza,
Angelique Romero, Mary Jane De Vera, Grace Almera, and
Alma LIngat. 2019. Araling Panlipunan: Kagamitan Ng Mag-
Aaral Rehiyon III Central Luzon. 1st ed. San Fernando,
Pampanga: Department of Education-Bureau of Learning
Resources.
24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: