Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

1.) Sa bawat hakbang na gagawin may kaakibat itong plano at magandang layunin.

Hindi sa
lahat ng pagkakataon ang tama ay tama at ang mali ay mali halimbawa na lamang ng usaping pagtatanggal ng asignaturang
Filipino sa kurikulum na ipatutupad sa kolehiyo.Maaaring ito’y pinag-isipan ngunit hindi konkreto at hasa sapagkat ang nais
magtanggal ng asignaturang ito ay ang mga taong walang kalinangan at hindi alam ang kahalagahan ng asignaturang
Filipino.Kung ating iisipin normal na ang mga bagay na ito sa ating bansa na kung sino yung mga walang alam ay tila sila pa
ang mga dalubhasa at makikipagpatayan masabi lamang na sila ay tama. Hindi inaalam kung ano ang ibubunga ng mga
padalos-dalos na desisyon sa kaalaman at karapatan ng bawat mag-aaral , kalinangan sa pinagmulan at nakaraan maging ang
pagdadamot na malaman ang pinagmulan ng sugat na iniwan ng kahapon na hindi dapat makalimutan kailanman.Kung
sakaling naipatupad at natuloy ang plano ng CHED na ilunsad ang kurikulum na ito, bilang isang mamamayang Pilipino
isang pagalipusta ito na maituturing sa karangal at karapatan ng bawat isa.Maraming dugo, pawis, luha, at buhay ang inialay
para sa kalayaan ng ating bansa ngunit dumating sa punto nais tanggalin ang wika na siyang naging sandanta at instrumento
sa pagkakaisa ng mga Pilipino na siyang nagudyok upang kunin at kamtin ang karapatan na para sa atin ay tila isang
masamang panaginip. Bangungot kung tatawagin sapagkat ano ang basihan upang ito’y alisin? Upang makipagsabayan sa
larangan ng eduksayon sa Asya? O di kaya naman ay tanggalin at ipasok ang mga banyagang wika at siyang aralin? Para sa
akin hindi masamang maghangad ng pag-unlad lalo na’tang sakop nito’y pagyabong ng kaaalaman subalit hindi pagbabawas
ang kasagutan dahil kung nakukulangan ka sa kaalaman na mayroon ka huwag mong tanggalin bagkus dapat magdagdag.
Dahil kapag alam mo ang mga bagay na tintukoy sa isang partikular na pag-uusap lalo na’t usaping wika, may maibabato ka
maipagtatanggol mo ang karapatan maging ang iyong sarili dahil iba ang may alam. Nakakalungkot isipin na tila ang ating
sariling wika na nagtaguyod at nagpaunlad sa ating bansa ay nais kalimutan at isang tabi.Isa pa rin sa mga salik na
ikinalulungkot ko ay ang mga kaugnay na personalidad na nagtaguyod sa ating wika ay tila nakakalimutan na ng mga
makabagong henerasyon dahil sa kasalatang laman ng mga makabagong libro at ang mga impormasyon dito ay hindi matibay
at konkreto.Bilang isang nagnanais makapagturo makalipas ng apat na taon gusto kong maging isang instrumento na
makapagbibigay ng inspirasyon na mas pahalagahan ang sariling wika sapagkat hindi mo maipaparating ang nais mong
ibahagi sa iyong kapwa kung hindi ka muna o hindi mo muna ilalagay ang iyong sarili sa sitwasyon na nararanasan ng
nakararami.Kaakibat ng pangarap na ito may isang tao na nagsabi sa akin na Hindi talulot ng rosas ang tatapakan mong daan.
Muli paalala at payo ng isang nagmamahal sayo na sa pagkakataon na matinik na landas o tagpo, ang pagsuko ay hindi
solusyon lalo na kung para sa Edukasyon.Kung kayat ating panghawakan na hindi pagbabawas o pagtatanggal ng wikang
Filipino sa kurikulum sa kulehiyo bagkus dapat dagdagan ang sangay na siyang mag papayabong at makakapagbigay ng
kalaamang tuwid at may laman para sa ikauunlad ng bayan maging kaalaman ng mga kabataan.

2.) Sa ating tahanan kapag ang isang pundasyon ay nagiba o unti-unting inaanay ano ang
nararamdaman natin? Panghihinayang at unti-unti mong sinisisi ang iyong sarili dahil sa iyong kapabayaan dahil bagkus na
unang kita mo palamang na may anay na lumalakad at nagnanais sumira at hinayaan mo lamang at hindi binigyang pansin at
paglipas ng panahon ang anay na iisa lamang noon ay hindi mo kayang pigilan sapagkat wala ka ng kakayahan at kaalaman
kung paano ito tanggalin at maibabalik ang matibay na pundasyon na sinira ng anay. Hindi pagtatanggal at pagpapalit ng
pundasyon ang solusyon bagkus dapat pagkaingatan ang mga bagay na unang itinayo, nagbigay linaw at nagbigay ng
kalayaan sa ating bayan.Kung sa tingin moy mahina ang iyong pundasyon alamin mo ang mga bagay na dapat mong
pagtuunan ng pansin lalo na kapag ang pinaguusapan ay kalayaan natin.Dahil kung darating muli sa punto na pahinain ang
pundasyon ng ating nationalism, identidad, kultur, pagkabansa, at demokrasya ay wala itong pinagkaiba sa Martial Law.
Panahon na kung saan kontrolado ang lahat maging ang mga Karapatan ay hindi naibibigay sapagkat isang maling galaw
kaagad ikaw ay papanaw.Maging ang iyong sarili’y hindi mo kilala sapagkat halos lahat ay may nakabinbin na tanikala na
tila nag tatali sa kanilang mga dila upang hindi makapagsalita ng nararapat at tama. Kulturang nakagisnan muntikan ng
makalimutan sapagkat isinentro ang layunin ang pagkikim ng kaban ng bayan.Isang bansang takot sa pagsasalita at pagsasabi
ng tama ang ipinamulat dahil ito daw ang tamang daan upang umaunlad ang ating bayan.Mga bagay na hindi sinangayunan
ng mga taong may alam sa kinagisnan at Karapatan kung kaya’t nagkaroon ng himagsikan.Pagkakaisa’y ipinakita na kapag
sama-sama na lumaban para sa Karapatan, kalayaan at pantay hustisya ng mga mamamayan na bumuhay sa demokratikong
pamamahala na nagdulot ng isang pag-unlad at pantay-pantay na pagtingin sa bawat isa.

You might also like