Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Ang Ating Napakagandang Kapaligiran

Pagmasdan mo ang ating kapaligiran


Napakagandang anyong kalupaan.
Punong matayog, ibong nagsisiliparan
Bigay ng Diyos upang ating alagaan.

Ang simoy ng hangin’t mabangong bulaklak


Kung ating titigan, tayo’y magagalak.
Dagat na malawak, luntiang halaman
Matuturing na likas na kayamanan.

Isdang lumalangoy, kay gandang pagmasdan,


Hayop na tahimik na naninirahan
Sa ating napakagandang kagubatan.
Poprotektahan natin ang kalikasan.

Ito’y pinagkaloob ng Panginoon,


Walang kupas ang ganda mula pa man noon.
Dapat lang natin Siyang pasalamatan,
Dahil sa biyayang gintong kalikasan.

 Ang Bahay Kubo bilang isang bahay.


o Ang hugis at ayos nito ay ayon sa disenyo sa bawat lugar. Karaniwan ito ay simple. Ang mga haligi ay
kawayan pati ang hagdan at ang sahig. Ang bubungan at dingding ay pawid ang ginagamit. Maging ang
pako at ang panali man ay gawa sa kawayan.
o Ayon sa laki at pangangailangan ito ay may sala, kusina, kainan at isa o higit na silid o kuwarto. Ang bahay
ay angat sa lupa mataas na pang-iwas sa baha. At gayundin naman ito ay may silong para sa mga manok
at ibang hayop.
o Dahilan sa ang kawayan at pawid, buho at kugon ay mabilis at maraming tumubo sa kapaligiran, ito ang
mga ginagamit na kaya ng mga karaniwang Pilipino. Ang kung kailangang palitan bunga ng mga bagyo,
baha o maging ng sunog, ito ay madaling nagagawa dahil abot-kaya ang halaga at maraming gamit na
mabibili.
o Ang laki nito ay karaniwang nagpapasimula sa maliit na kailangan ng bagong kasal o mag-asawa. Sa
pagdami ng mga anak o ng pamilya, madaling nadaragdagan o nadudugtungan ng kuwarto o ibang parte.

You might also like