Professional Documents
Culture Documents
Yunit 3 & 4
Yunit 3 & 4
KAHULUGAN AT URI NG
TALUMPATIAHAN
(KATANGIAN NG MAHUSAY NA
MANANALUMPATI)
Paksa : Kahulugan ,Uri At Bahagi ng Talumpati
Layunin
Layunin ng pag-aaral tungkol sa talumpati upang magkaroon ng kabatiran ang mga mag-
aaral hinggil sa pagtatalumpati na sa pagwawakas ng araling ito nauunawan kung ano ang
talumpati, batid iba’t ibang bahagi ng talumpati.
Panimula
Ang talumpati ay isang araling nakapaglilinang ng ating kasanayang magkaroon ng
tiwala sa sarili mabilis na makapag-isip ng mga sasabihin, nahuhubog nito an gating katauhan
kung paano tayo dapat titindig sa harap ng maraming tao inaalis nito ang pagiging mahiyain ng
isa tao.
Nilalaman
Ang talumpati ay maaaring maghatid ng tuwa o sigla, nagdaragdag ng kaalaman o
impormasyon, magpahayag ng katuwiran, magbigay paliwanag o mang-akit o mang-hikayat sa
isang kilusan o paniniwala. Maaari din namang magbigay papuri ang isang talumpati. Maaaring
pagpasyahan ang layunin ng anumang uri ng talumpati ayon sa pagkakataon, aksiyon ng
pagdiriwang o okasyon.
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa
pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong
humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang
paniniwala. Isang uri ito ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na
binibigkas sa harap ng mga tagapakinig. Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol
sa isang paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig.
Ang Mananalumpati
Ang Talumpati
- kailangang isaalang-alang ang nilalaman ng talumpati upang matukoy
ang wasto at pinakamabuting paraan ng pagbigkas nito at higit sa lahat dapat
matukoy ang layunin at kaisipang nais iparating ng talumpati upang maiabot ito
nang malinaw sa mga tagapakinig.
Ang Tagapanood/Tagapakinig
2. Maluwag / Imprumpto
3. May Paghahanda
*Pagbibigay ng depinisyon
*Paglalarawan
*Pagpapaliwanag
*Pagsasalaysay o pagsusuri
*Manghikayat o mang-impluwensya sa kaisipan ng tagapakinig
*Pagbibigay inspirasyon
*Magbigay aliw sa mga tagapakinig
1. Kahandaan
- Malalaman agad ng mga taga pakinig kung pinaghandaang mabuti ang pagtatalumpati
sa panimula o introduksyong binibigkas ng tagapagsalita. Kung maganda ang panimula,
makukuha agad ang atensyon ng mga tagapakinig.
May dalawang mahalagang salik para sa panimula ng pananalita:
(a) Kilalanin ang tagapakinig at
(b) isaalang-alang ang okasyon kung pormal o di pormal.
Layunin ng dalawang ito na makapukaw ng atensyon ng tagapakinig. Kung alam ng
mananakumpati kung sino-sino ang kanyang tagapakinig, mailulugar niya ang pagpapatawa,
pagtatanong at iba pang teknik o istratehiya para makuha ang atensyon nila.
2. Kaalaman sa Paksa
- Ang sapat na kaalaman sa paksa ng tagapagsalita ay masasalamin sa paraan ng
pagbigkas o – pagtalakay na ginawa niya. Makikita ang kanyang kahusayan sa paksang
tinatalakay sa paraan ng pagpapaliwanag, pagbibigay ng interpretasyon, paglalapat,
paghahahambing, pag-uulit ng padron at ang pagbibigay ng problema at solusyon. Madaling
matuklasan kung kulang sa kaalaman ang tagapagsalita dahil mararamdaman ito sa kanyang tinig
at kilos.
3. Kahusayan sa Pagsasalita
- Madaling maganyak na makinig ang publiko kung matatas at mahusay magsalita ang
mananalumpati/tagapagsalita. Ibinibigay ng tagapagsalita sa kanyang tinig sa nilalaman ng
kanyang talumpati. Dito rin makikita ang kasanayan sa wika ng tagapagsalita gaya ng paggamit
ng angkop na salita, wastong gramatika at wastong pagbigkas ng mga salita. Mahalaga na
maunawaan ng tagapakinig ang kanyang mensahe kaya nararapat na ibigay ang lenggwaheng
gagamitin sa uri ng tagapakinig.
Ayon kay Dr. Rufino Alejandro, ang isang mabisang mananalumpati ay kailangang
magtaglay ng tatlong katangian:
1. Kaalaman – ang isang talumpati upang maging kawiliwili at makabuluhan ay dapat
nagtataglay ng kaalaman. Ang mga kaalaman ay maaaring maangkin sa pamamagitan ng
pagmamasid, pagbabasa at pag-aaral ng iba’t ibang paksa.
2. Tiwala sa Sarili – ang nagtatalumpating may tiwala sa sarili ay tuwid at maginhawa ang
tindig. Maluwag ang kanyang kilos at galaw ng kanyang mga bisig. Matatag at matuwid
kung siya’y tumingin sa mga nakikinig. Ang anyo niya ay kapapansinan ng kataimtiman
at lakas. Maliksi ang kanyang pag-iisip kung kayat hindi nasisira ang pagkakaugnay-
ugnay ng kanyang sinasabi.
3. Kasanayan – ang isang taong sanay na sa sining ng pagtatalumpati ay malaki ang tiwala
sa sarili.
Uri ng Pagbigkas
1. Malumay - may diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan. Maaring magtapos sa patinig o
katinig. Banayad at walang antala ang pagbigkas sa huling pantig, walang kudlit.
2. Malumi - may diin sa ikalawang pantig mula sa hulihan. May impit mula sa huling pantig.
Nagtatapos sa patinig lamang. () Paiwa ang tuldok na ginagamit.
3. Mabilis - binibigkas ng tuloy-tuloy. Walang diin at antala hanggang sa huling pantig. Maaring
magtapos sa patinig o katinig.
4. Maragsa - Binigkas ng tuloy-tuloy, may impit sa huling pantig. Nagtatapos sa huling pantig
lamang. Nilalagyan ng tuldok na pakopya.
Dapat Iwasan sa Pagtatalumpati
Ang mananalumpati ay hindi dapat mayabang, sa halip ay maging simple upang maging
Huminto kung tapos na. Huwag nang dagdagan nang dagdagan pa upang hindi lumabo at
maging paligoy-ligoy.
Kung maganap ang puwang o sandaling mga pagtigil, huwag matakot at mangamba.
Iwasang maging stiff at huwag mahiyang ikumpas at igalaw ang mga bahagi ng katawan.
Iwasang mautal para malinaw na maintindihan ng mga tagapakinig ang ninanais mong
ipabatid sa kanila