Remembering The Days of Your Life Ecclesiastes 12 1-8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Remembering the Days of Your Life

Richard Ulanday
Text: Ecclesiastes 12:1-8

INTRODUCTION: Background / Context: Ang authorng Text natin this morning ay isa sa
pinakamatalinong tao na nilikha ng Lord: King Solomon Age: Middle or Coming up to old age Nung
sinulat niya ito, nasa peak siya ng success nia, Ecclesiastes 12:1-8 Pinapakita nia ang word na REMEMBER
sa atin.

Kamustahin natin ang mga nakaraang mga taon ng buhay natin. (Remember the past years) Going back
from the day you were born til the year 2024. Mula bata ka, maiisip mo parang ambilis lang ng panahon.
Parang kelan lang nung elementary ako, nung college, nung bagong kasal ako, nung mejo banat na banat
pa ang skin ko. Time flies. Ngayon 2024 na.

Time flies talaga di mo mamamalayan ang oras lalo kapag busy ka. Today, looking back sa mga nangyari
noong mga nakaraang panahon sa buhay mo, saang mga bagay mo ginugol ang oras at lakas mo?Ilang
percent doon ay para sa sarili mo? Sa trabaho mo? Sa pamilyamo? studies?

But the greatest question is ilang percent na ng buhay mo ang nilaan mo para sa Diyos o sa pagsisilbi sa
Diyos ?

Life is short. Malakas ka ngayon, bukas mahina na. May pera ka pa ngayon, mamaya wala na. May oras
ka pa ngayon, baka bukas wala na.

Original purpose ng Diyos: To live eternally walang kamatayan, but because of sin pumasok ang
kamatayan. Kaya naman ito ang magpapaalala na ang oras natin dito sa mundo ay limitado lang. Average
Lifespan:70-80 years old (depending on countries) Oldest men died: 146 years old (others: verified 116
years old)

Santiago (James) 4:14 MBBTAG Ni hindi nga ninyo alam kung ano ang mangyayari sa inyo sa araw ng
bukas! Ang buhay ninyo'y parang usok lamang, sandaling lumilitaw at agad nawawala.

Job 7:6-7 MBBTAG Mga araw ko'y lumilipas nang walang pag-asa, kay bilis umikot parang sa makina.
“Alalahanin ninyong ang buhay ko'y isang hininga lamang, hindi na ako muling makakakita nang
kabutihan.

Hindi namimili ang kamatayan. May bata matanda

OUR TOPIC WILL HELP US REALIZE KUNG PAPAANO MO MAPAPAHALAGAHAN ANG ORAS MO DITO SA
MUNDO. NA IAPPRECIATE MO BAWAT ORAS NA NABUBUHAY KA. KANINO MO BA DAPAT ITO ILAAN?

Sa MUNDO, YOLO!!! You only live once!!! Happy go lucky! gawin mo na lahat ng gusto mo gawin. Hindi
na napapahalagahan ang ibang bagay.

3 things we need to ponder about Ecclesiastes 12: 1.There will be choosing days.

Sino dito naniniwala na napakaimportante ang pamimili ng tama?


Illustration: pag mamamalengke ka. Bibili ka ba ng bulok? Or yung sariwa? Namimili ka ng the best para
sa iluluto mo. Pag mag-aasawa ka, pinipili mo yung mapapangasawa mo. We choose what we think is the
best for us.

In this chapter 12 of Ecclesiastes, pinaparealize sa atin na ito na ang panahon na alalahanin mo ang
Panginoon. Piliin mo, na si Lord ang alalahanin mo higit sa lahat ng bagay.

Darating ang araw na kailangan mo nang mamili. Susunod ka ba sa sariling kagustuhan mo, or
kagustuhan ng may likha sa iyo? Ganito na ba ako hanggang sa tumanda ako? Ganito ba ang purpose ng
Diyos sa buhay ko? Dalawa lang yan, choose your way, or God’s way.

Lion King : Story of Simba Simba: lion prince siya. Sinet up ang tatay nia para patayin ng Uncle nia. Sinisisi
niya yung sarili nia kung bakit namatay yung tatay nia (yung Hari) Naglayas siya sa kaharian ng tatay nia
na supposed to be siya ang papalit na hari. Though bata pa siya noon. Napunta sa ibang lugar, nakakilala
ng mga bagong kaibigan, natuto kumain ng uod, halaman, etc. Until such time yung kababata niya dati
nagdecide na hanapin siya para palitan nia sa trono yung masama niang Uncle dahil naghihirap na sila
lahat. Sa madaling salita ayaw nia. “Ang akala naman nila patay na ako e” Isang gabi kinausap siya nung
nagbasbas na priest/monkey sa kanya noon at sinabi, “Simba, look at the sky” Nakita nia ang tatay nia
doon at narinig na sabi: “Remember, Simba. Remember, Simba. Remember who you are.” Kailangan na
niyang mamili, paninindigan ba niya ang pagiging hari niya o tatalikuran niya?

Sa ating mga Kristyano sabi ng Bible: Rememberr: Alalahanin mo kung sino ka. Ano ang purpose mo sa
mundo? Bakit ka nandito? Bakit ka nasa church ngayon?

This time the Lord wants us to remember WHO WE ARE. Tinawag ka ng Diyos!! We are to choose now.
Mamili kana. Tumuloy ka sa paglilingkod sa kanya o talikuran mo ang responsibilidad mo.

CHOOSE TO LIVE THE REST OF YOUR LIFE IN VAIN, OR LIVE YOUR LIFE FOR JESUS.? We have the power
to choose: to REMEMBER GOD or FORGET ABOUT HIM. (alalahanin or kalimutan Siya) Problema:
Tinatakasan natin ang plano ng Diyos sa buhay natin

Eh marami pa akong tinatapos na modules,projects,trabaho pass muna ako, di muna ako magsisimba.
Pag tinawag ni pastor mag special number: pastor busy kami may lakad. Pag nagset naman ng bible study
sa bahay, pastor bawal po, pastor may trabaho.

Tinatawag sa ministry ng church or sa activity ng church, wala.

Ecclesiastes 12:1-2 MBBTAG Alalahanin mo ang iyong Manlilikha sa panahon ng iyong kabataan bago
dumating ang mga araw at taon na puno ng kaguluhan, panahong hindi mo na madama ang tamis ng
mabuhay.Alalahanin mo ang Diyos bago makubli ang sikat ng araw, bago magdilim ang buwan at mga
bituin, bago ka matabunan ng makapal at madilim na ulap. Alalahanin mo ang Diyos sa bawat araw ng
iyong buhay. Alalahanin mo ang Panginoon hanggat hindi pa huli ang lahat!
Tayo kasi minsan madalas nakakalimot sa Panginoon. Limot magdevotion, limot magsimba, limot
manalangin. SOLOMON WROTE THIS NUNG KASAGSAGAN NG SUCCESS NIA, YAMAN NANJAN. Tayo, di
dapat natin naalala lang ang Lord kapag nangangailangan tayo.

Habang bata kapa at may lakas ka. Alalahanin mo ang Panginoon. Maaalala mo na lang siya kapag
sinusubok ka na. Kapag huli na ang lahat. Better late than never? Yes. Pero pwde nating maiwasan ang
magsisi. Kung maiiwasan mo, iwasan mo na lang.

YOUTH means hindi lang sa edad. Kundi habang malakas ka pa.Edad lang tumatanda!
Pinakamagandang pagpili ng magandang buhay ay sa edad ninyo(kabataan) Marami pang pagdadaanan
and you can still learn from the mistake of the elders. The greatest choice any young person can make is
to give their heart to the Lord. Amen.

Let us pray:

You might also like