Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Sweet Melancholy (One Shot)

by nininininaaa

Sweet but melancholy.

=================

Sweet Melancholy

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and


incidents are either the products of the author's imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.

All rights reserve © nininininaaa 2016

=================

One Shot

Sweet Melancholy

"Hoy, Maria Jolina!"

Napabalikwas ako sa bangon nang may marinig akong sumigaw ng aking pangalan.

Napa-angat ako ng tingin sa kuya kong nakahalukipkip habang nakatingin ng mariin sa


akin.

"Bakit ba, Kuya?" reklamo ko kay kuya habang kinukusot ang aking mga mata dahil sa
antok.

Hindi pa kumpleto ang tulog ko dahil galing ako sa bridal shower ng pinsan ko't
nag-impake pa ako ng damit para sa pagpunta sa resort na pupuntahan namin ngayon,
kung saan sya ikakasal bukas..

"Hala!" napasigaw ako't tuluyan ng napabangon sa kinahihigaan ko.

Napa-atras naman si kuya na nakahalukipkip parin upang bigyan ako ng malaking


espasyo.

"Kasal ni Jasleen!" I screamed horrifically at hinarap si kuya.

He rolled his eyes. "Oo. Paalis na kami't ikaw tulog na tulog pa. Mukhang wala ka
atang balak sumama."

"Kuya naman eh! Bakit hindi mo ako ginising ng mas maaga?" naiinis kong sabi.
"Bakit kung kailang aalis na saka mo ako gigisingin?"

"Magpasalamat ka nga't ginising pa kita." he sarcastically said. "Kung maligo ka na


kaya para makaalis na tayo."

"Ito na! Sandali lang ah. Wag nyo akong iiwan!" nagmamadali kong sabi.
Hinablot ko na ang bathrobe at twalya ko saka tumakbo papunta sa may banyo dito sa
ikalawang palapag ng bahay namin.

Hindi ko alam kung papaanong ligo ang ginawa ko dahil hindi ko pa natatapos ang
isang kanta sa isipan ko ay natapos na akong maligo.

Mabilis akong bumalik sa aking kwarto para makapagbihis na't mabilis na kinuha ang
isang malaking shoulder bag kung saan ko nilagay ang mga gamit ko.

Na kay

mommy na ang dress na isusuot ko para sa kasal kaya hindi na ako nagmaleta pa dahil
kasya naman ang mga gamit ko dito.

"Wow!" untag ni kuya saka pumalakpak nang makita akong pababa ng hagdanan.

Hindi ko pinansin ang mapang-inis na pagpalakpak ni kuya saka dumiretso sa magulang


ko't humalik sa kanilang pisngi.

"Alam kong nagmamadali ka, MJ, pero naligo ka ba talaga?" natatawang pang-asar na
tanong sa akin ni kuya.

Inirapan ko lang sya't mabilis naman syang sinaway ni mommy. Tumawa lang ang
kapatid ko saka muling tumingin sa kanyang cellphone. Probably texting her
girlfriend.

"Drink your coffee then we will go." sabi ni mommy sa akin saka nilapag sa harapan
ko ang mug.

"Faster, MJ." bilin ni daddy saka hinarap si mommy. "Ilalabas ko na sa garahe yung
sasakyan."

"Sama na ako, dad." tumayos si kuya sa sofa't naglakad pasunod kay daddy habang
patuloy sa pagt-text sa kanyang cellphone.

Halos maiyak na ako sa pag-inom ng kape ko dahil sa pagkapaso ng dila't labi ko


dahil sa pagmamadali.

"Gumawa ako ng chicken sandwich at orange juice pati na rin tubig para breakfast
mo. Nandoon na sa sasakyan." sabi ni mommy.

"Why do we need to hurry up anyway, mom?" kunot-noo kong tanong habang umiinom ng
kape. "Bukas pa naman ang kasal ni Jasleen."

"It's because merong mabilisang rehearsal para sa kasal." sagot ni mommy.

"Pero nagrehearse na kami diba? Alam ko na ang gagawin ko." katwiran ko.

"That's a solo

rehearsal, MJ." paglilinaw ni mommy. "Ngayon may kapartner ka na. Kasama na ang mga
kamag-anak at iba pang inimbita ni Prince kaya may grand rehearsal ngayon."

Tumango-tango nalang ako't pinilit na inubos ang mainit na kape saka uminom ng
tubig bago nagpahatak kay mommy palabas ng bahay kung saan naghihintay na si kuya
at daddy.

Nang pumasok ako sa back seat ay nilingon lang ako ni kuya saka ngumisi kaya naman
inirapan ko sya't kinuha kay mommy ang sandwich at mga inumin na hinanda nya sa
akin upang makakain ako.

Matapos akong kumain ay humilig na ako sa may bintana't hinayaan ang sarili kong
makatulog hanggang sa makarating na kami sa resort.

"Wake up, sleepyhead." gising ni kuya sa akin at bahagyang tinampal ang aking noo.

Huminga ako ng malalim at matalim ko syang tinignan.

"Napaka-sweet mo talagang kapatid eh no?" sarkastiko kong sabi kay kuya.

"I know. Thanks for telling me." kinindatan nya ako saka humalakhak bago lumayas sa
harapan ko.

Kinuha ko ang bag ko't bumaba na ng sasakyan na agad naman akong sinalubong ng
mabango't malamig na hangin galing sa dagat.

"MJ!"

Patakbong lumapit sa akin si Jasleen at niyakap ako.

"Bilisan mo. Nandoon na ang kapartner mo." sabay hatak nya sa akin matapos akong
yakapin.

"Paano 'tong mga gamit ko, Jas?"

tanong ko sa kanya.

"Mamaya mo na ilagay sa cabin mo kapag tapos na ang practice. Wala namang gagalaw
niyan." aniya't patuloy pa rin sa paghatak sa akin.

Pagkatating namin sa dalampasigan ay marami nang tao doon ang nag-uusap at namataan
ko sila mommy't daddy na kausap ang kumare't kumpare nila samantalang si kuya
nama'y walang pakealam sa kapartner nya dahil panay ang text nya't nagmumukhang
kawawa ang kapartner nya.

Ladies and gentlemen, that's Justin Chua.

"Asshole." bulong ko sa sarili ko.

"Prince, patabi naman 'tong bag ni MJ sa may benches." malambing na pag-utos ni


Jasleen sa kanyang mapapangasawa.

Mabilis namang sinunod ni Prince ang gusto ng pinsan ko.

"Bakit kayo nagkikita ni Prince ngayon? Diba bawal yun?" pabulong kong tanong kay
Jasleen.

"That's too traditional, MJ." tawa ni Jas. "Anyway, ipapakilala kita sa magiging
partner mo. He is Prince's second cousin. And he's so hot."

Naningkit ang aking mga mata sa pinsan kong halatang kinikilig sa sinasabi nyang
second cousin ni Prince.

"Ikakasal ka na, Jas." sabi ko.

Nawala naman ang ngiti ng pinsan ko. "Last naman na 'to bago ako ikasal bukas saka
napogian lang ako. Ikaw naman."
Magsasalita

pa sana ako nang bumalik na si Prince at inaya na ako sa kanyang pinsan na magiging
kapartner ko.

"Jo!" tawag ni Prince.

Lumingon naman ang pinsan ni Prince sa amin at pigil na pigil ako sa paglaglag ng
aking panga nang humarap ito sa amin.

Jasleen's right. He's hot.. no. Super hot.

Pakiramdam ko'y hulog sya ng langit at napakaswerte kong babae dahil sya ang
magiging kapartner ko.

"Yung laway mo." tawa ni Jasleen sa akin.

I just rolled my eyes at my cousin saka muling ibinalik ang tingin sa pinsan ni
Prince na naglalakad na papalapit sa amin.

Inakbayan ni Prince ang kanyang pinsan saka iniharap sa akin ng maayos.

"MJ, this is my cousin, Jonathan." pakilala ni Prince. "Jonathan, this is MJ,


pinsan din ni Jas. Kayong dalawa ang magkapartner."

Ngumiti naman si Jonathan sa akin at pakiramdam ko'y kukunin na ako ng langit sa


kanyang pagngiti. Ngumiti ako pabalik sa kanya.

"I'm Jonathan Acordon." pakilala nya sa kanyang sarili saka naglahad ng kanyang
kamay.

Ilang segundo din siguro akong napatitig sa kanyang kamay bago ito tinanggap ng
malugod.

"Maria Jolina.. MJ for short." ngiti ko.

Pakiramdam ko'y nakabisado ko na ang bawat anggulo at sulok ng kanyang mukha dahil
sa ginagawa kong pagtitig sa kanya.

He's

brown eyes na para bang nangungusap lalo na kapag ngumingiti. Medyo manipis ang
kanyang labi't hindi ko alam kung paano naging ganon kapula iyon. Matangos din ang
kanyang ilong at maganda din ang kurba ng kanyang mukha.

Siguro'y ingat na ingat ang Panginoon sa pag gawa sa kanya dahil wala akong mahanap
na mali sa kanyang itsura. Pati katawan nya na pakiramdam ko'y iyon ang magiging
dahilan kung bakit ako makakagawa ng hindi magandang kasalanan.

Tumikhim ang pinsan ko na dahilan kung bakit kami napabitaw sa isa't-isa.

Bahagya naman syang tumawa't nagkamot sa kanyang ulo. Ang cute nyang tignan habang
ginagawa 'yon.

"Uhm.. Doon na kami ni Prince. Mag-usap lang kayo't magsisimula na ang rehearsal."
sabi ni Jasleen at hinatak na ang kanyang fiance.

Kinagat ko naman ang aking ibabang labi't muling nag-angat ng tingin kay Jonathan
na nakatingin din sa akin kaya muli syang ngumiti.

"Okay, guys! Ayos na tayo!" sigaw ng wedding coordinator ng pinsan ko.

Nilingon ko naman ito't nakita kong pumipila na ang ibang mga magkakapartner at
bago pa ako makabaling ulit kay Jonathan ay nahawakan na nya ang aking kamay at
iginaya na papunta sa mga nakapilang sponsors at abay sa kasal.

Napatingin naman ako sa kamay naming magkahawak habang patuloy sya sa paghila sa
akin.

Ramdam na ramdam ko ang kuryenteng dumadaloy sa magkahawak naming mga kamay.


Ayokong bumitaw

kahit na gaanong kalakas pa ang kuryenteng 'yon.

"Alam mo naman na siguro ang gagawin?" tanong nya sa akin nang makarating kami sa
pila, binitawan na nya ang kamay ko.

Bahagya akong ngumuso sa pagbitaw nya sa aking kamay. "Yup." sagot ko. "Nagrehearse
na kami last week. Pero ngayon, nandito ka na. May mga kapartner na."

Tumango naman sya't inimuwestra sa akin ang kanyang maskuladong braso.

"Uhmm.. anong gagawin ko dyan?" nag-aalangan kong tanong.

"Silly, Maria Jolina." ngumisi sya at muli nyang kinuha ang aking kamay upang i-
angkla ito sa kanyang braso.

Kahit ayoko't pangit na pangit ako sa Maria Jolina ay gumaganda ang pangalan ko
kapag sya ang bumabanggit. Para na akong baliw. Gusto ko ulit marinig syang
sinasambit ang buong pangalan ko.

Lumunok ako't inutusan kaming humarap ng coordinator kaya naman sinunod namin ito.

Mabilis lang ang naging rehearsal dahil ang paglalakad lang naman at paghihiwalay
ang ginawa namin. Ang mga kinailangan lang ng mapuspusang ensayo ay ang maid of
honor at ang best man.

"Where's your cabin?" tanong sa akin ni Jonathan matapos ang mabilisang rehearsal.

"Ang sabi ni Jas, room 18 daw ako." sabi ko't ipinakita ang susi'ng binigay ng
pinsan ko na may keychain na naka-engraved ang number 18.

"Oh! Room 20 ako!" gulat na sabi ni Jonathan. "Magkalapit lang

pala ang cabin nating dalawa."

Mabilis kong pinigilan ang sarili ko sa pag-iisip ng kung anu-ano tungkol sa


magkalapit na kwarto naming dalawa.

"Let me help you with that." mabilis nyang kinuha ang bag ko sa akin. "You
shouldn't carry heavy things like this."

"Kaya ko naman eh.. hindi naman sya masyadong mabigat." sabi ko't alam kong mapula
na ngayon ang aking pisngi dahil sa swabeng galaw nya.

"Kahit na." sabi nya't maagap na hinawakan ang bag ko. "Samahan na kita sa cabin
mo. I'll carry your things." pagp-prisinta nya.
"Uhm.. sige." sabi ko nalang dahil baka kapag binuka ko pa ang bibig ko para
magsalita ay puro tili lang ang lumabas dito.

Tahimik at sabay naming tinatahak ang daan papunta sa aking cabin nang muli syang
magsalita.

"Uhm.. saang side mo naging pinsan si Jasleen?" bigla nyang tanong sa akin.

"Sa mother side. Anak sya ng kapatid ni mommy." sagot ko. "Eh ikaw? Saang side mo
naging pinsan si Prince?"

"Mother side din." sagot nya. "Anak ako ng pinsan ng mommy ni Prince."

Bahagyang nagulo ang utak ko sa kanyang sinabi ngunit naintindihan ko rin namin.
Nakakalito talaga minsan ang family tree.

Tumango-tango naman ako't itinuro ang cabin ko nang makita ko ang 18 sa pintuan.

"Dito na ako." sabi ko't hinarap ko sya.

"Oh yes.. your bag." aniya't ibinigay

sa akin ang bag ko.

"Thank you." pasasalamat ko sa kanya.

"You're welcome." ngiti nya. "If you need anything, don't hesistate to knock on 20.
Okay?"

Napangiti ako't tumango-tango sa kanyang sinabi.

"Salamat ulit." kumaway ako sa kanya bago tuluyang pumasok sa cabin ko't napasandal
sa may pintuan.

Nilagay ko ang kamay ko sa aking dibdib at pinakiramdaman ang malakas na paghampas


ng puso ko. It's beating like crazy.

"Kalma, MJ.. Kalma.." paulit-ulit kong kinalma ang sarili ko.

Nang makalma na ako'y napagdesisyunan kong muling maligo dahil alam kong hindi
totoong ligo ang ginawa ko kaninang umaga. Nakakahiya naman kay Jonathan at ang
bango-bango nya. Mamaya'y bigla nalang akong mangamoy.

Pagkaligo ko'y humiga ako sa malambot at malaking kama na hindi rin nagtagal ay
nakatulog ako sa pagiging komportable at dahil na rin sa antok.

Nagising naman ako nang dahil sa walang tigil na pagtunog ng cellphone ko nang
dahil sa tawag ng walang kwenta't walang hiya kong kapatid.

"Ano?!" mariin kong sagot sa kanyang tawag.

"Nothing.. just checking if you're still alive. Guess your dead." tumawa sya at
saka pinatay ang tawag.

"Ahhh!" inis kong sigaw at kamuntikan ko ng mabalibag ang cellphone ko nang dahil
sa pang-iistorbo ni kuya.

Huminga
ako ng malalim at saka napatingin sa bintana ng cabin kong nakabukas at napansing
gabi na pala.

Bumangon ako't inayos ang aking sarili nang makaramdam ako ng gutom saka lumabas ng
cabin nang makita kong nandoon sa harapan ng cabin ko si Jonathan.

"Jonathan.." gulat kong sambit sa kanyang pangalan.

"I thought I heard you scream.. rinig sa cabin ko kaya pumunta ako dito." pag-
eexplain nya.

"Uhmm. Pasensya ka na. Naabala pa kita. Nainis kasi ako sa kuya ko. Naistorbo tulog
ko.. alam mo na." paghingi ko ng paumanhin.

Umiling naman sya't ngumiti. "No, it's okay." sabi nya. "Well.. since nandito ka na
rin. Would you like to take a stroll along the seashore?" pag-aya nya sa akin.

Kahit na gutom na ako'y walang pagdadalawang isip akong pumayag sa alok nya sa
akin.

"Bakit ngayon lang kita nakita?" tanong ko kay Jonathan habang naglalakad-lakad sa
dalampasigan. "May mga kamag-anak si Prince na nakita ko na pero.. ngayon lang kita
nakita't hindi ka nya masyadong nababanggit."

"Kakagaling ko lang ng New Zealand." sagot nya. "I've been living there for a year.
There's not much to talk about me kaya siguro hindi ako nababanggit ni Prince.
Hindi rin kami ganon ka-close, sakto lang."

Tumango-tango ako at ngumuso. "Ibig sabihin.. pagkatapos ng kasal, babalik ka na ng


New Zealand?"

"Not yet." sabi nya. "I'll stay in Manila for

a while. May kailangan kasi akong asikasuhin doon bago bumalik."

"So.. may balak ka talagang bumalik ng New Zealand. Ayaw mong magstay nalang dito
sa Pilipinas?"

Hindi ko alam kung bakit pinipilit ko syang wag ng bumalik ng New Zealand at
kumikirot ang puso ko sa kaalamang aalis sya't iiwan nya ako. Para namang may
kami..

"As much as I want to but I can't." aniya. "Nandoon ang trabaho ko sa New Zealand
but I often visit Philippines kaya parang wala lang din. Parang nasa probinsya lang
ako kapag nasa New Zealand ako."

Inisip ko tuloy kung ano bang mga klase ng trabaho ang inaalok sa New Zealand na
mataas ang offer. Maybe I can work there too.

"Ikaw?" lingon nya sa akin. "Anong trabaho mo?"

"Kaka-graduate ko lang last year. Gusto ko munang magpahinga mula sa sakit ng ulo
na dulot ng college bago ako magsimulang magtrabaho." sabi ko.

"Oh.. ano bang kinuha mo?" sunod nyang tanong.

"Banking and finance." sagot ko. "Mahilig kasi ako sa Math kaya ganon."
"Parehas pala tayo. I love Math too." ngiti nya.

Huminto sya sa paglalakad na nagpahinto rin sa akin at pinanood syang hinuhubad ang
kanyang jacket saka inilatag sa buhangin.

"Upo ka." sabi nya't inimuwestra sa akin ang jacket nyang nakalatag.

Inalalayan nya ako paupo at mabilis rin syang umupo sa tabi ko nang makaupo

na ako ng maayos.

"Kapag nag-asawa ka ba... gusto mong Kiwi or Pinay?" tanong ko sa kanya.

He laughed at my question and I knew I was at trouble when he laughed because my


heart danced to sound of his laughter.

"Mamahalin ko ang sariling atin.. kaya Pinay ang sagot ko sa katanungan mo." sagot
nya.

Gumaan naman ang aking pakiramdam nang dahil sa kanyang sagot. At least, pasado ako
sa isang qualification nya bilang asawa.

Magtatanong pa sana ako nang biglang tumunog ang nag-aalburoto kong tiyan nang
dahil sa sobrang gutom.

Muli syang tumawa saka tumayo. "Let's get you something to eat." at inilahad ang
kanyang kamay.

Nahihiyang ibinigay ko sa kanya ang kamay ko't sinikop gamit ang isa kong kamay ang
jacket nya bago tuluyang tumayo.

Naging mahaba ang gabi para sa aming dalawa ni Jonathan. Napagtanto kong sobrang
gentleman nya't sobrang sweet. Marami pa syang naikwento sa akin tungkol sa kanyang
buhay na dahilan kung bakit mas lalo ko syang nakilala. Hindi ko alam kung anong
oras kaming natapos sa pagk-kwentuhan at pag-uusap. Basta ang alam ko lang ay
inaantok nanaman ako ngayon sa sobrang antok.

"Aba! Ganda ng kapatid ko ah." natatawang pagpuri ni kuya sa akin.

"Shut up, kuya." masungit kong sabi.

"Justin, lagi mo nalang iniinis ang kapatid mo. Stop it. Ang tanda nyo ng dalawa
nag-aasaran parin kayo." suway

ni daddy.

Natahimik si kuya't binigyan ko sya ng ngiting tagumpay kaya naman inirapan nya
ako. As usual, balik tingin nanaman sya sa kanyang cellphone.

"Good morning, beautiful."

Napalingon ako sa bumati sa akin at nakita kong naka-simpleng suit and tie si
Jonathan.

Kumpara kahapon ay alam kong mas komportable na kami ngayon ni Jonathan.


Nagbibiruan na kaming dalawa at pati na rin ang pagbibiro sa iba'y napagkakasunduan
na namin. Marami na rin kaming napag-uusapan. Kaya mas lalo kaming naging malapit
sa isa't-isa.
"Pansin kong lagi kayong magkasama ng kapartner mo." pagpuna ni kuya habang
kumakain kami dito sa reception sa isang function hall dito sa resort.

Nilingon ko ang kapatid kong minamataan si Jonathan na nakikipagtawanan sa kanyang


mga kaibigan at kamag-anak habang kumakain.

"Why suddenly so protective, kuya?"

"You're still my little sister, MJ." sabi ni kuya. "Kahit iniinis kita't lagi
tayong magkaaway, I still care about you."

Sa lahat ng lumabas ng bibig ni kuya ay ito na ata ang pinakagusto ko sa lahat.

"Aww.. I love you, kuya." at niyakap ko si kuya.

"Eww, MJ. Get away from me." nandidiri nyang sabi't iniwas ang kanyang sarili

sa akin.

Bahagya akong natawa sa kuya ko. One second he's being a sweet and protective
brother then he'll be a cocky and an arrogant brother.

Matapos ang kainan ay nagbigay ng mensahe ang mga magulang nila Prince at Jasleen
pati na rin ang mga kapatid nila. Pana'y ang iyakan ng mag-asawa nang dahil sa
message ng parents nila kaya ni-video ko si Jasleen. Minsan ko lang makitang umiyak
ang babaeng 'yan.

"Girls, gather up!" sigaw ni Jasleen at inihahanda na ang bouquet na kanyang


ihahagis.

Matagal ko ng pangarap ang makasalo ng bouquet na galing sa bride pero nung kasal
ng nakakatanda ko pang pinsan dati ay hindi ako pinayagan ni mommy'ng sumali dahil
bata pa daw ako. I was third year college that time.

"Ready?" matinis na pagsigaw ni Jasleen saka tumalikod sa amin at nagsimulang


magbilang. "One.. two.. three!"

Hinagis nya ang bouquet at sinundan ko ito ng tingin habang nakalahad ang aking
kamay. Parang slow mo ang pagbagsak ng bouquet sa aking kamay at nanlaki ang aking
mga mata nang mapagtantong ako ang nakasalo nito.

Nagpalakpakan ang lahat nang masalo ko ito't pinatabi ako ng emcee at saka ko
nilingon ang pinsan kong naka-thumbs up sa akin ngayon habang yakap-yakap ng
kanyang asawa.

Tinawag naman ng emcee ang mga kalalakihan upang sa pagsalo ng garter at kita ko
ang paghila ng dalawang pamilyar na lalaki kay Jonathan na nakangisi't natatawa sa
paghihila sa kanya upang makiagaw.

Kinagat

ko ang aking ibabang labi't itinuon ang pansin kay Prince na naghahanda ng ihagis
ang garter.

Nasa pinakalikod si Jonathan na para bang wala syang balak na makigulo sa pagkuha
dito.

Hindi na nag-abalang magbilang pa si Prince at mabilis nya ng hinagis ang bulaklak.


Napapikit ako't narinig ko ang pagtili ng mga tao't sumunod na ang palakpakan,
hudyat na mayroon nang nakakuha ng garter.

Unti-unti kong binuksan ang aking mga mata't nagulat ako ng makita si Jonathan na
natatawang papalapit sa akin. Napadako ang aking mata sa kamay nyang hawak-hawak
ang garter. Nagkaroon ng ningning sa aking mga mata nang makita ko 'yon.

Pinaglapit kami ng emcee't hindi ako mapakali.

"Anong ang pangalan mo?" tanong ng emcee kay Jonathan sabay tapat ng mic dito.

"Jonathan." simpleng sagot ni Jonathan na natatawa pa rin sa pagka-kantiyaw ng


ibang kalalakihang kakilala nya.

"Ikaw naman." sabay harap sa akin ng emcee. "Anong pangalan mo?" tanong nya sa
akin.

"MJ." nahihiyang pagsagot ko't hindi pa rin matanggal ang excitement at kaba sa
aking dibdib.

Ni-explain ng emcee ang kailangang gawin ni Jonathan at tumango-tango lang si


Jonathan habang patuloy sa pagsasalita ang emcee.

Nang matapos ang pag-eexplain ng emcee ay mas lalo akong kinabahan. Pinaupo nila
ako sa isang upuan at kahit fully airconditioned

ang function hall at wala akong ginagawa ay pinagpapawisan ako.

Pinanood kong lumuhod sa harapan ko si Jonathan at unti-unting inangat ang aking


paa kung saan nya isusuot ang garter.

"Don't worry.. I'll be careful." bulong nya sa akin bago tuluyang isinuot ang
garter at bumalot ang tilian sa hall.

Pakiramdam ko'y pinagtagpo talaga kaming dalawa ni Jonathan. Biruin mo sa lahat ng


pwedeng maging kapartner kong lalaki ay sya pa talaga ang napunta sa akin. Mabilis
rin kaming naging komportable sa isa't-isa. Ngayon naman ay itong sa bouquet at
garter. Alam kong gusto ko talagang makuha 'to pero sa mga lalaki'y sya pa talaga
ang nakakuha kahit na wala syang balak na makiagaw. I can feel it. It's destiny.

Nang makaabot na sya sa ibabaw ng aking tuhod ay tumigil na sya't tumayo saka
inalalayan din ako patayo.

Sumayaw kaming dalawa at natatawa syang nagk-kwento sa akin tungkol sa pang-aasar


ng mga pinsan at kaibigan nya nang dahil sa kanina.

"Want to go out?" tanong nya sa akin.

"Ha? Saan?" nag-aalangan kong tanong sa kanya.

"Sa seashore ulit tayo. Kwentuhan tayo." sabi nya. "This might be the last time I'm
going to see you. Susulitin ko na."

Bumagsak ang aking balikat nang dahil sa kanyang sinabi.

Ito na nga ba ang huling beses kaming magkikita? Kapag nasa Manila ba'y hindi sya
magpapakita sa akin bago sya bumalik sa New

Zealand.
"Let's go." hinawakan nya ulit ang aking kamay at tinangay nya palabas ng function
hall.

Bago pa kami makababa ng tuluyan mula sa function hall ay bumalot ang isang
malambing na tono ng babae na tumawag sa pangalan ni Jonathan.

"Jonathan.." ulit ng babae't sabay kaming napalingon ni Jonathan sa babaeng tumawas


sa kanya.

One word to describe her.. gorgeous. She's so gorgeous.

Nakasuot sya ng simpleng plain white dress na may halong touch ng pastel yellow at
wedge na alam kong kahit wala ay matangkad parin sya. Ang kulot na dulo ng kanyang
buhok ay bumagay sa kanya na mas lalong nagpaganda sa kanya.

Mabilis na binitawan ang kamay ko't tumakbo papunta sa babae't walang pag-
aalinlangang binigyan ito ng isang matamis ng halik.

Rinig na rinig ko ang pagkadurog ng aking puso nang dahil sa aking nasasaksihan
ngayon.

Halos matawa ako sa sarili ko sa sobrang sakit nang dahil sa sobrang pag-aassume.

Silly of me, to think that he could fall in love with someone like me.

"Maria Jolina." he called me again.

Instead of feeling happy like what I felt when called me yesterday, it felt so
sweet but melancholy.

"Hmm?" I tried my best to smile with the sight of them.

Kitang-kita ko ang mahigpit na paghawak ni Jonathan sa bewang ng babae na ngayo'y


inosenteng nakatingin sa akin.

Kung alam lang siguro nya ang naiisip ko tungkol kay Jonathan ay paniguradong hindi
ngiti ang isasalubong nya sa akin. For a second, it felt like I'm dreaming to be a
mistress.

"Meet Joanna Mae.." at nilingon nya ito ng nakangiti. "..my girlfriend."

------------------------------

The End.

You might also like