Ap10 q1 Mod6 Kontemporaryongisyuathamongpangkapaligiran v5

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 31

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan –Modyul 6
KONTEMPORARYONG ISYU AT HAMONG
PANGKAPALIGIRAN

NOON

NGAYON

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan- Grade 10
Alternative Delivery Mode
Quarter 1, - Module 6: Kontemporaryong Isyu at Hamong Pangkapaligiran
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Mirnalyn E. Espanueva
Editor: Maria Rowena R. Lee
Ella Rosario Sencio,
Elisa B. Simon
Tagasuri: Wendell C. Catam-isan,PhD
Punong Tagapamahala: Arturo B. Bayocot, PhD, CESO III
Rehiyunal na Director
Victor G. De Gracia Jr. PhD, CESO V
Pangalawang Rehiyunaln na Director
Randolph B. Tortola, PhD, CESO IV
Tagapamanihalang Pansangay
Shambaeh A. Usman, PhD
Pangalawang Tagapamanihalang Pansangay
Mala Epra B. Magnaong, Chief, CLMD
Neil A. Improgo, EPS-LRMS
Bienvenido U. Tagolimot Jr., EPS-ADM
Mga Miyembro: Elbert R. Francisco, PhD, Chief, CID
Wendell C. Catam-isan, PhD, EPS in Araling Panlipunan
Rejynne Mary L. Ruiz, PhD, LRMS Manager
Inilimbag sa Pilipinas ng Jenny B. Timbal, PDO II
Shella O. Bolasco,
Kagawaran ng Edukasyon-Dibisyon Division Librarian II
ng Bukidnon
Office Address: Fortich St., Sumpong, Malaybalay, Bukidnon
Telephone: (088) 813-3634
E-mail Address: bukidnon@deped.gov.ph

2
Aralin
Naisasagawa ang Hakbang
6.1 ng CBDRRM Plan
A. PANGKALAHATANG IDEYA

 Alamin
Ano-anong mga bagay kaya ang kailangan mong pag-aralan? Ang sagot ay
malalaman mo sa mga sumusunod na pahina. May mga gawain din na inilaan na
makatulong sa iyo upang lubos na maunawaan ang mga ito. Saklaw sa araling ito, Ang
mga unang yugto sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan. Pagkatapos nito, inaasahang
ikaw ay maging handa sa ano mang kalamidad o sakuna.

 Layunin

Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Natutukoy ang pagkakaiba ng Pisikal at temporal na katangian ng Hazard


Assessment.
2. Naihahambing ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Pisikal at temporal na katangian
ng Hazard Assessment gamit ang Venn Diagram
3. Nakagagawa ng Hazard Assessment na magpapakita ng iba’t ibang hazard sa
inyong lugar.

 Panimulang Pagtatasa

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin at
bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian.
1. Ang pagsasagawa ng iba’t ibang assessment tulad ng Hazard Assessment ay
mahalaga upang magamit sa gawaing plano at tamang pagtugon. Sa anong yugto ito
isinasagawa?
A. Disaster Preparedness
B. Disaster Prevention and Mitigation
C. Disaster Rehabilitation and Recovery
D. Disaster Response
2. Mahalagang maunawaan ng isang komunidad ang mga pisikal at temporal na katangian
ng hazard upang malinaw ang mabubuong hazard assessment. Anong pisikal na
katangian ang tumutukoy sa dalas na pagdanas ng hazard na maaring maganap taon-
taon?
A. Lawak
B. Manageability
C. Predictability
D. Saklaw

3
3. Ang pisikal na katangian na tumutukoy sa pagtaya kung sino ang maaaring tamaan o
maapektuhan ng hazard.
A. Lawak
B. Manageability
C. Predictability
D. Saklaw
4. Ito ay temporal na katangian ng hazard assessment na tumutukoy sa pag-alam sa uri
ng hazard
A. Duration
B. Frequency
C. Force
D. Katangian.
5. Tinutukoy nito ang pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung
paano ito umusbong sa isang lugar.
A. Lawak
B. Manageability
C. Pagkakilanlan
D. Saklaw
6. Ito ay temporal na katangian ng hazard assessment na tumutukoy sa dalas ng
pagdanas ng hazard.
A. Duration
B. Frequency
C. Force
D. Forewarning
7. Ang pagtukoy sa bilis ng pagtama ng isang hazard.
A. Duration
B. Frequency
C. Force
D. Speed of Onset
8. Ito ay ang pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard
A. Intensity
B. Manageability
C. Predictability
D. Saklaw
9. Tumutukoy sa pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard.
A. Duration
B. Frequency
C. Force
D. Forewarning
10. Ito ay tumutukoy sa pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard
upang mabawasan ang malawakang pinsala
A. Lawak
B. Manageability
C. Predictability
D. Saklaw

4
 Dating Alam
PANUTO: Punan ang graphic organizer sa mga nararapat na paghahanda sa panahon
ng kalamidad.

Anong
paghahanda ang
nararapat na
SUNOG gawin sa LANDSLIDE
pagharap ng
kalamidad

B. Paglalahad
 Tuklasin
Alam kong handa ka nang tuklasin ang mga karunungan na iyong matututuhan sa
araling ito. Ang gawaing inilaan ay makatutulong sa iyo upang maiugnay mo ang
paghahahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga suliraning
pangkapaligiran
Gawain I. TUKLAS-MAPA

Source
Source:http://chd-nminfonet.blogspot.com/2010/01/hazard-map-of-region-10.html

5
Pamprosesong Tanong:
1. Mula sa nakitang mapa, ano ba ang nakikita mong mga hazard sa ating lugar?
2. Isulat ang mga banta na posibling maranasan ng ating lugar
3. Ano ang paghahahandang nararapat mong gawin sa harap ng panganib na dulot
ng mga suliraning pangkapaligiran.

 Suriin
Kung susuriin natin ang unang yugto ng Coomunity Based Disaster Risk
Reduction Management; Sa Disaster Prevention and Mitigation makikita natin na
tumatalakay ito sa mga paghahahanda na kailangang gawin sa pagharap ng
panganib o sakuna na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.
Sa araling ito, binibigyan pansin ang Hazard Assessment na sumusuri sa
lawak, sakop, at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung ito ay mahaharap
sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon. Sa pamamagitan ng
hazard assessment, natutukoy kung ano-ano ang mga hazard na gawa ng kalikasan o
gawa ng tao na maaaring maganap sa isang lugar.
Sa pagsasagawa ng hazard assessment, dapat nating pagtuonan ng pansin
ang Pisikal at Temporal na katangian tingnan ang talahayan sa ibaba
PISIKAL NA KATANGIAN NG HAZARD

Pagkakilanlan Pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung


paano ito umusbong sa isang lugar?
Katangian Pag-alam sa uri ng hazard
Intensity Pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard
Lawak Pag-aaral tungkol sa sakop at tagal ng epekto ng hazard
Saklaw Pagtukoy kung sino ang maaaring tamaan o maapektuhan ng
hazard
Predictability Panahon kung kailan maaaring maranasan ang isang hazard
Manageability Pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard
upang mabawasan ang malawakang pinsala

6
TEMPORAL NA KATANGIAN NG HAZARD

Frequency Dalas ng pagdanas ng hazard. Maaaring ang hazard ay


nagaganap taon-taon, isang beses sa loob ng lima o sampung
taon o kaya ay biglaan lamang.
Pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard.
Duration Maaaring ito ay panandalian lamang tulad ng lindol; sa loob ng
Speed of ilang araw tulad ng baha o kaya ay buwan tulad ng digmaang sibil
Onset Bilis ng pagtama ng isang hazard. Maaaring mabilisan o walang
babala tulad ng lindol o kaya ay may pagkakataon na magbigay
ng babala tulad ng bagyo o baha.
Forewarning Tumutukoy sa panahon o oras sa pagitan ng pagtukoy ng hazard
at oras ng pagtama nito sa isang komunidad
Force Maaaring natural tulad ng hazard na dala ng hangin, tubig tulad
ng malakas na pagbuhos ng ulan, baha, pag-apaw ng ilog,
flashflood, tidal wave at storm surge, lupa tulad ng landslide at
lahar; apoy tulad ng pagkasunog ng kagubatan o kabahayan;
seismic tulad ng lindol at tsunami; gawa ng tao tulad ng conflict
gaya ng digmaang sibil, rebelyon, at pag-aaklas;
industrial/technological tulad ng polusyon, pasabog, pagtagas ng
nakalalasong kemikal at iba pang hazard tulad ng taggutom,
tagtuyot, at pagsalakay ng peste sa mga pananim.

Matapos maunawaan ang mga pisikal at temporal na katangian ng hazard na


maaaring maranasan sa isang komunidad, maaari nang isagawa ang dalawang mahalagang
proseso sa pagsasagawa ng hazard assessment ito ay ang Hazard Mapping at Historical
Profiling/Timeline of Events. Kinakailangan ang koordinasyon sa mga opisyales ng
barangay o kaya ay ng pamahalaang panlungsod o sa ibang lugar ay pambayan upang ito
ay mapunan ng tamang impormasyon.
Ang partisipasyon ng mga mamamayan ay bigyan ring pansin sapagkat mayroon
silang personal na karanasan sa mga hazard sa kanilang lugar at magkaroon ng sila sapat
na kaalaman kung sila ay kabahagi sa pagsasagawa ng hazard assessment sa kanilang
pamayanan.

7
HAZARD ASSESSMENT (HISTORICAL PROFILE)

SPEED
HAZARD FREQUENCY DURATION OF FOR FORCE WHEN
TYPE ONSET WARNING

Flood
(Baha)

Drought
(Tagtuyot)

Earthquake
(Lindol)

Civil war
(Digmaang
Sibil)

Pollution
(Polusyon)

Landslide
(Pagguho
ng Lupa)

Volcanic
Eruption
(Pagputok
ng Bulkan)

Sanggunian: Asian Disaster Preparedness Center (ADPC), 2001

8
 Pagyamanin

Gawain 1. Venn diagram

Panuto: Isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Temporal at Pisikal Hazard


assessment bilang batayan sa paghahandang nararapat gawin sa harap ng
panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran

TEMPORAL PISIKAL

___________________
___________________ _____________________
_____________________ ___________ _____________________
_____________________ ____________ _____________________
_____________________ ____________ _____________________
_____________________ ____________ _____________________
_____________________ ____________ _____________________
_____________________ ____________ _____________________
_____________________ ____________ _____________________
_____________________ ____________ _____________________
_____________________ ____________ _____________________
_____________________ ____________ _____________________
_____________________ _

C. PAGLALAPAT
HAZARD ASSESSMENT MAP
Panuto: Gumawa ng hazard assesement map na magpapakita ng iba’t ibang hazard sa
inyong lugar.
Upang maisagawa ito sundin ang sumusunod na hakbang:

1. Alamin kung anong uri ng hazard na iyong nararanasan


2. Humingi ng kopya ng mapa ng inyong barangay sa kinakuukulan.
3. Kung mayroon namang hazard assessment map ang inyong barangay, maaari
itong hingin. Mag-ikot sa inyong barangay upang matukoy ito o kaya ay gumawa
ng katulad na mapa na nakapokus lamang sa inyong sariling kalye, o kapit-bahay

9
RUBRICS NG PAGMAMARKA NG HAZARD ASSESSMENT MAP

Pamantayan Deskripsyon Puntos Nakuhang


Puntos

Nilalaman Wasto ang lahat ng nilalaman ng mapa. 50


Naipakita sa mapa ang lahat ng
impormasyon na kailangan maunawaan ang
kaugnayan ng mga konsepto

Organisasyon Madaling maunawaan ang pagkakayos ng 50


impormasyon sa mapa. Ang nasaisip na
mapa ay nagpapakita ng mahalagang daloy
ng pagkaugnay-ugnay ng impormasyon

Kabuuan 100

D. PAGLALAHAT/PAGBUO
Panuto: Sa bahaging ito, Punan ng iyong kasagutan ang mga sumusunod upang masukat
natin ang iyong mga natutunan sa ating aralin.
Gawain: 1-2-3 Tsart

1 Isang bagay na naunawaan:


1 ______________________________________________________

Dalawang bagay na hindi masyadong naunawaan:


2 ______________________________________________________

3 Tatlong bagay na maari kong gamitin sa araw-araw:


3 _____________________________________________________

10
E. PANAPOS NA PAGTATASA
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Pillin at bilugan
ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian.
1. Ang pagsasagawa ng ibat’ ibang assessment tulad ng Hazard Assessment ay mahalaga
upang magamit sa gawaing plano at tamang pagtugon. Sa anong yugto ito isinasagawa?
A. Disaster Prevention and Mitigation
B. Disaster Preparedness
C. Disaster Response
D. Disaster Rehabilitation and Recovery
2. Mahalagang maunawaan ng isang komunidad ang mga pisikal at temporal na katangian
ng hazard upang malinaw ang mabubuong Hazard assessment. Anong pisikal na
katangian ang tumutukoy sa dalas ng pagdanas ng hazard na maaring maganap taon-
taon?
A. Lawak
B. Manageability
C. Predictability
D. Saklaw
3. Ito ay pisikal na katangian na tumutukoy sa pagtaya kung sino ang maaaring tamaan o
maapektuhan ng hazard.
A. Lawak
B. Manageability
C. Predictability
D. Saklaw
4. Ito ay temporal na katangian ng hazard assessment na tumutukoy sa pag-alam sa uri ng
hazard
A. Duration
B. Force
C. Frequency
D. Katangian.
5. Ito ay tumutukoy sa pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa iba’t ibang hazard at kung
paano ito umusbong sa isang lugar.
A. Lawak
B. Manageability
C. Pagkakilanlan
D. Saklaw
6. Ito ay temporal na katangian ng hazard assessment tumutukoy sa dalas ng pagdanas ng
hazard.
A. Duration
B. Frequency
C. Force
D. Forewarning

11
7. Ito ay ang pagtukoy sa bilis ng pagtama ng isang hazard.
A. Duration
B. frequency
C. Force
D. Speed of Onset
8.Ito ay ang pagtukoy sa lawak ng pinsala na maaaring idulot ng hazard
A. Intensity
B. Manageability
C. Predictability
D. Saklaw
9. Ito ay tumutukoy sa pag-alam sa tagal kung kailan nararanasan ang hazard.
A. Duration
B. Frequency
C. Force
D. Forewarning
10. Ito ay tumutukoy sa pagtaya sa kakayahan ng komunidad na harapin ang hazard upang
mabawasan ang malawakang pinsala
A. Lawak
B. Manageability
C. Predictability
D. Saklaw

12
Aralin
Naisasagawa ang Hakbang
6.2 ng CBDRRM Plan

A. PANGKALAHATANG IDEYA
 Alamin

Ano-anong mga bagay kaya ang kailangan mong pag-aralan? Ang sagot ay
malalaman mo sa mga sumusunod na pahina. May mga gawain din na inilaan na
makatulong sa iyo upang lubos na maunawaan ang mga ito. Saklaw sa araling ito, Ang
mga unang yugto sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan . Pagkatapos nito, inaasahang
ikaw ay maging handa sa ano mang kalamidad o sakuna.

 Layunin

Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nalalaman at natutukoy ang Vulnerability/Capacity/Risk Assessment


2. Nakagagawa ng Vulnerability/Capacity/Risk Assessment Chart
3. Napapahalagahan ang pagiging handa sa panahon ng kalamidad

 Panimulang Pagtatasa

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Pillin at
bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian.

1. Ang Capacity Assessment ay sumusuri sa kapasidad ng komunidad na harapin ang


anumang uri ng hazard. Sa anong kategorya nabibilang ang pagsuri sa kakayahan ng
mga mamamayan na isaayos ang istruktura, tulad ng bahay, paaralan, at iba pang nasira
na kalamidad?

A. Pag-uugali ng mamamayan
B. Panlipunan
C. Pampulitika
D. Pisikal o material

13
.
2. Ayon kina Ondiz at Redito, Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng Risk Management?
A. Ito ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability at
pisikal na katangian ng komunidad
B. Pinasisigla nito ang information campaign at pinapayabong ang mga
gawaing pangkabuhayan sa mga nasalantang lugar.
C. Nagiging sestimatikong pagkalap ng mga datos sa pagtukoy, pagsusuri at
pagtala sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.
D. Ito ang nagsisilbing batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga
pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad.
3. Ang Non-structural Mitigation ay tumutukoy sa mga ginagawang plano at
paghahanda ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng
pagtama ng Hazard. Alin sa sumusunod ang napabilang sa non-structural mitigation?
A. Paggawa ng ordinansa at batas
B. Paglalagay ng Sandbags
C. Pagsisiguro ng fire exit sa mga gusali
D. Pagpapatayo ng floodgates
4. Ang structural mitigation ay tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na
kaanyuan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng pagtama
ng hazard. Alin sa sumusunod ang napabilang sa non-structural mitigation?
A. Pagbuo ng disaster management plan
B. Pagkontrol sa kakapalan ng populasyon,
C. Paglalagay ng mga sandbags
D. Paggawa ng mga ordinansa at batas
5. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring
masalanta ng hazard. Ano ang tawag sa assessment na nito?
A. Damage assessment
B. Hazard maping
C. Hazard assessment
D. Risk assessment
6. Bakit kailangan nating alamin ang vulnerability at capacity assessment?
A. Para masusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa
pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring maranasan sa isang lugar.
B. Para suriin ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard
C. Para malaman natin ang kakulangan sa mga nabanggit na kategorya
D. Para malaman natin ang kapasidad ng isang komunidad na harapin o kaya
ay bumangon mula sa dinanas na sakuna

7. Alin sa mga sumusunod ang bahagi ng unang yugto ng Community Based Disaster
Risk Reduction and Management Plan?
I. Capability Assessment II. Hazard Assessment
III. Loss Assessment IV. Vulnerability Assessment
A. I, II, III
B. II, III, IV
C. I, II, V
D. I, III,IV

14
8. Ito ay sumusuri sa kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard.
A. Capacity assessment
B. Damage assessment
C. Hazard assessment
D. Risk assessment.
9. Tumutukoy ito sa tao, lugar, imprastaktura na may mataas na posibilidad na
maapektuhan ng hazard
A. Capacity assessment
B. Hazard assessment
C. Risk assessment
D. Vulnerability Assessment
10. Ito ay sumusuri sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna,
kalamidad at hazard na may layuning mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at
kalikasan.
A. Capacity assessment
B. Hazard assessment
C. Risk assessment
D. Vulnerability Assessment

15
 Dating alam
Bago mo umpisahan ang pagtukoy Vulnerability/Capacity/Risk Assessment, magbalik
tanaw ka muna sa nakaraang aralin.
Mahalaga ba ang pag-alam sa hazard ng inyong pamayanan? Bakit?

B. PAGLALAHAD
 Tuklasin
Alam kong handa ka nang tuklasin ang mga karunungan na iyong dapat na
matututuhan sa araling ito. Ang gawaing inilaan ay makatutulong sa iyo upang maiugnay
mo ang paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mgaa
suliraning pangkapaligiran
Gawain 1: Larawan suri

Pamprosesong Tanong:
1. Mula sa nakitang lawaran, ano ang mas vulnerable sa panahon ng lindol?
2. Sa panahon ng bagyo at tag-ulan, alin ang mas vulnerable?
3. Ano ang paghahandang nararapat mong gawin sa harap ng panganib na dulot ng
mga suliraning pangkapaligiran

16
 SURIIN
Kung susuriin natin ang unang yugto ng Disaster Management na Disaster Prevention
and Mitigation makikita natin na tumatalakay ito sa mga paghahahanda na kailangang
gawin sa pagharap ng panganib o sakuna na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran
gamit ang vunerability, capacity at risk assessment.
Sa pamamagitan ng Vulnerability at Capacity Assessment, masusukat ang kahinaan
at kapasidad ng isang Komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring
maranasan sa kanilang lugar.
Sa Vulnerability Assessment, tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan
o Komunidad na harapin o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard. Samantala, sa
Capacity Assessment naman ay tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang
iba’t ibang uri ng hazard. Ayon kina Anderson at Woodrow (1990) mayroong tatlong
kategorya ang vulnerability: ito ay ang pisikal o material, manlipunan, at pag-uugali
tungkol sa hazard.
Ang pagiging Vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroong itong
kakulangan sa mga nabanggit na kategorya. Bunga nito, nagiging mas malawak ang
pinsala na dulot ng hazard. Halimbawa, kung ang isang komunidad ay walang pakialam
sa mga programang pangkaligtasan ng kanilang pamahalaan, hindi nila alam ang
kanilang gagawin sa panahon ng sakuna o kalamidad. Ang mga mamamayang ito ay
matatawag na vulnerable dahil sila ang mga posibleng maging biktima ng sakuna o
kalamidad. Samantala, ang mga mamamayan naman na may maliit na kita ay maituturing
rin na vulnerable dahil maaaring hindi sapat ang kanilang sweldo upang tustusan ang
dagdag na gatusin sa panahon ng sakuna tulad ng bagyo o baha.
Capacity Assessment
Sa Capacity Assessment, sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang
anumang hazard. Mayroon itong tatlong kategorya: ang piskal o material, paglipunan,
paguugali ng mamamayan tungkol sa hazard.
Sa piskal o material na aspekto, sinusuri kung ang mga mamamayan ay may
kakayahan na muling isaayos ang mga istruktura tulad ng bahay, paaralan, gusaling
pampamahalaan, kalsada at iba pa na nasira ng kalamidad. Sa aspektong panlipunan
naman, masasabing may kapasidad ang isang Komunidad na harapin ang hazard kung
ang mga mamamayan ay may nagtutulungan upang ibangon ang kanilang komunidad
mula sa pinsala ng mga sakuna at kung ang pamahalaan ay may epektibong disaster
management plan. Samantala, ang mga mamamayan na bukas ang loob na ibahagi ang
kanilang oras, lakas, at pagmamay-ari ay nagpapakita na may kapasidad ang
komunidad na harapin o kaya ay bumangon mula sa dinanas na sakuna o panganib.
Risk Assessment ay sinusuri ang mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama
ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning mapigilan ang malawakang pinsala sa

17
tao at kalikasan. Sa pagsasagawa ng risk assessment kailangang suriin ang dalawang
uri ng mitigation; structural at non-structural mitigation.

Dalawang uri ng
Migitation

Structural Migitation Non-structural Migitation

Tumutukoy sa mga paghahandang Tumutukoy sa gingawang plano


ginagawa sa pisikal na kaayuan ng at paghahanda ng pamahalaan
isang komunidad upang ito ay upang maging ligtas ang
maging matatag sa panahon ng komunidad sa panahon ng
pagtama ng hazard. pagtama ng hazard
Hal. Hal.
 pagpapagawa ng dike upang
 pagbuo ng disaster
mapigilan ang baha,
management plan,
 paglalagay ng mga
 pagkontrol sa kakapalan
sandbags,
ng populasyon,
 pagpapatayo ng mga flood
 paggawa ng mga
gates, pagpapatayo ng
ordinansa at batas,
earthquakeproof buildings, at
information dissemination,
 pagsisiguro na may fire exit
at hazard assessment.
ang mga ipinapatayong
gusali

18
 Pagyamanin

Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag, kung ang paghahanda na ginawa ay


Structural Mitigation o Non- Structural Mitigation. Isulat ang SM kung structural at NSM
kung non-structural sa sagutang papel.
_____1. Nagpagawa ang Punong-barangay na si Dela Cruz ng dike upang
mapigilan ang baha sa kanilang barangay.
_____2. Nagkakaroon ng information dissemination, at hazard assessment ang
mga kinatawan ng MDRRM.
_____3. Isinasagawa ang pagbibigay ng contraceptives upang kontrolin ang
kakapalan ng populasyon.
_____4. Nagpapatayo ng earthquakeproof buildings ang kasapi ng NGO’s.
_____5. Gumawa ng disaster management plan ang kinatawan ng mga paaralan.
_____6. Gumawa ng mga ordinansa at batas ang konseho ng munispyo para sa
paghahanda ng anumang sakuna.
_____7. Nagpatayo ng mga floodgates ang mga residente na malapit sa ilog.
_____8. Nilagyan ng fire exit ang mga ipinapatayong gusali.
_____9. Naglunsad nang Operation Linis sa mga kanal ang mga Sangguniang
Kabataan.
____10. Nagpatayo ng Quarantine Facilities ang DOH para sa COVID-19 Probable
at Suspect.
C. PAGLALAPAT
Panuto: Bumuo ng sariling Vulnerability Chart sa inyong pamayanan.

LUGAR: Uri ng Hazard:

Elements of Risk Dahilan

People at Risk

Location of people at risk

19
Panuto: Gumawa ng capacity assessment sa inyong pamayanan. Sundin ang
sumusunod na template.

Lugar

A. Kagamitan

B. Human Resource

c.Transportasyon at
Komunikasyon

D. PAGLALAHAT/PAGBUO
Panuto: Ipaliwanag ang iyong sagot.
1. Paano maiiwasan o paghandaan ang mga kalamidad sa inyong pamayanan
dulot ng:
Bagyo _________________________________________________
Baha _________________________________________________

Lindol _________________________________________________
Landslide_______________________________________________
Pagputok ng Bulkan ______________________________________

Storm Surge ____________________________________________


2. Nakaiiwas ba ang mga tao sa kalamidad? Paano?
________________________________________________________

________________________________________________________
3. May mga lugar pa ba sa ating bansa na malayong maapektuhan ng
kalamidad? Ano –Anong lugar ang mga ito at bakit?

________________________________________________________
________________________________________________________

20
E. PANAPOS NA PAGTATASA
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Pillin at
bilugan ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian.

1. Ang Capacity Assessment ay sumusuri sa kapasidad ng komunidad na harapin ang


anumang uri ng hazard. Sa anong kategorya nabibilang ang pagsuri sa kakayahan ng
mga mamamayan na isaayos ang istruktura, tulad ng bahay, paaralan, at iba pang
nasira na kalamidad?
A. Pag-uugali ng mamamayan
B. Panlipunan
C. Pampulitika
D. Pisikal o material
.
2. Ayon kina Ondiz at Redito, Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng Risk Management?
A. Ito ay nagbibigay ng kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability at pisikal
na katangian ng komunidad
B. Pinasisigla nito ang information campaign at pinapayabong ang mga gawaing
pangkabuhayan sa mga nasalantang lugar.
C. Nagiging sestimatikong pagkalap ng mga datos sa pagtukoy, pagsusuri at
pagtala sa mga hazard na dapat unang bigyang pansin.
D. Ito ang nagsisilbing batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga
pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad.
3. Ang Non-structural Mitigation ay tumutukoy sa mga ginagawang plano at paghahanda
ng pamahalaan upang maging ligtas ang komunidad sa panahon ng pagtama ng
Hazard. Alin sa sumusunod ang napabilang sa non-structural mitigation?
A. Paggawa ng ordinansa at batas
B. Paglalagay ng Sandbags
C. Pagsisiguro ng fire exit sa mga gusali
D. Pagpapatayo ng floodgates
4. Ang structural mitigation ay tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na
kaanyuan ng isang komunidad upang ito ay maging matatag sa panahon ng
pagtama ng hazard. Alin sa sumusunod ang napabilang sa non-structural
mitigation?
A. Pagbuo ng disaster management plan
B. Pagkontrol sa kakapalan ng populasyon,
C. Paglalagay ng mga sandbags
D. Paggawa ng mga ordinansa at batas.

21
5. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring
masalanta ng hazard. Ano ang tawag sa assessment na nito?
A. Damage assessment
B. Hazard maping
C. Hazard assessment
D. Risk assessment
6. Bakit kailangan nating alamin ang vulnerability at capacity assessment?
A. Para masusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa pagharap sa
iba’t ibang hazard na maaaring maranasan sa isang lugar.
B. Para suriin ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard
C. Para malaman natin ang kakulangan sa mga nabanggit na kategorya
D. Para malaman natin ang kapasidad ng isang komunidad na harapin o kaya ay
bumangon mula sa dinanas na sakuna.

7. Alin sa mga sumusunod ang bahagi ng unang yugto ng Community Based Disaster Risk
Reduction and Management Plan?
I. Capability Assessment II. Hazard Assessment
III. Loss Assessment IV. Vulnerability Assessment
A. I, II, III
B. II, III, IV
C. I, II, IV
D. I, III, IV
8. Ito ay sumusuri sa kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard.
A. Capacity assessment
B. Damage assessment
C. Hazard assessment
D. Risk assessment.
9. Tumutukoy ito sa tao, lugar, imprastaktura na may mataas na posibilidad na maapektuhan
ng hazard
A. Capacity assessment
B. Hazard assessment
C. Risk assessment
D. Vulnerability Assessment
10. Ito ay sumusuri sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna,
kalamidad at hazard na may layuning mapigilan ang malawakang pinsala sa tao at
kalikasan.
A. Capacity assessment
B. Hazard assessment
C. Risk assessment
D. Vulnerability Assessment

22
Aralin
Naisasagawa ang Hakbang ng
6.3 CBDRRM Plan

A. PANGKALAHATANG IDEYA

 Alamin
Ano-anong mga bagay kaya ang kailangan mong pag-aralan? Ang sagot ay
malalaman mo sa mga sumusunod na pahina. May mga gawain din na inilaan na
makatulong sa iyo upang lubos na maunawaan ang mga ito. Saklaw sa araling ito ,
Ang mga ikalawang yugto sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan . Pagkatapos nito,
inaasahang ikaw ay maging handa sa ano mang kalamidad o sakuna.

 Layunin:

Pagkatapos ng aralin na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagiging handa sa Disaster o sakuna na


maaring mararanasan ng tao.
2. Nakapagbibigay ng mga paalala o babala sa mga disaster o sakuna na maaring
mararanasan ng tao
3. Nakakagawa ng Poster Ad tungkol sa paghahanda na kailangang gawin sa
panahon ng sakuna o kalamidad.
 Panimulang Pagtatasa
Panuto: Suriin ang bawat pahayag. Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M
kung ito ay mali.
________ 1. Ang pananatili sa bubong o sa mataas na lugar ay ang pinakamabuting
gawain sa panahon ng kalamidad.

________ 2. Ang pagpapatibay ng mga estraktura ay isang paraan ng paghahanda


________ 3. Mabuting mag-imbak ng maraming pagkain sa tahanan bilang
paghahanda sa kalamidad.

________ 4. Nakakatulong ang pagkakaroon ng mga emergency drill sa paghahanda


para sa kalamidad.
________ 5. Dapat itago sa matataas na lalagyan ang mga mabibigat na bagay sa
bahay.

23
________ 6. Ang pagkabalisa o pag-panic ay dapat iwasan sa gitna ng kalamidad.
________ 7. Ang nakatatanda ang dapat pinakahuling lilikas sa panahon ng
kalamidad.
________ 8. Pagkatapos ng kalamidad, dapat tasahin ang ginawang pagtugon at
pagtulong sa mga biktima.

________ 9. Ang paunang lunas para sa mga nasaktan ay dapat ipaubaya lamang sa
mga nars at doctor.
________ 10. Ang pagsasanay para sa paghahanda sa kalamidad ay kailangan
lamang ng mga rescue worker.

 Dating Alam
Panuto: Mula sa mga aalaman sa nakaraang aralin, Sagutin ang mga sumusunod
na tanong.
Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang kahalagahan ng Disaster Risk Assesment?


2. Bakit kailangang mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng
Prevention at Mitigation

B. PAGLALAHAD
 Tuklasin

4 pics in 2 words

24
D S E R R E S

Hulaan mo kung anong partikular na salita ang nais ipahiwatig ng mga larawan.

Pamprosesong Tanong:
1. Mula sa nabuo na salita sa gawain, ano ba ang ibig sabihin nito?

“KAHANDAAN ANG KAILANGAN PARA SA KALIGTASAN.”

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinahihiwatig ng islogan?
2. Paano mapangalagaan ang kaligtasan ng bawat isa sa panahon ng kalamidad?

3. Ano ang mga bagay na dapat ihanda bago sumapit ang kalamidad?

 Suriin
Ang ikalawang yugto ay tinatawag na Disaster Preparedness. Ito ay tumutukoy
sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o
hazard. Mahalagang malaman ng mga miyembro ng pamilya, ng mga mamamayan sa
komunidad, at maging ng mga kawani ng pamahalaan ang mga dapat gawin sa panahon
ng sakuna o kalamidad. Dapat ring maliwanag sa bawat sektor ng lipunan ang kanilang
gagawin upang magkaroon ng koordinasyon at maiwasan ang pagkalito at pagkaantala
na maaari pang magdulot ng dagdag na pinsala o pagkawala ng buhay.

Layunin ng mga gawaing nakapaloob sa yugtong ito na mapababa ang bilang ng


mga maapektuhan, maiwasan ang malawakan at malubhang pagkasira ng mga pisikal na
istruktura at maging sa kalikasan, at mapadali ang pag-ahon ng mga mamamayan mula
sa dinanas na kalamidad.

25
Bago tumama at maging sa panahon ng kalamidad, napakahalaga ang pagbibigay ng
paalala at babala sa mga mamamayan. Ito ay may tatlong pangunahing layunin:

Magbigay kaalaman tungkol


TO INFORM sa mga hazard, risk,
capability, at pisikal na
katangian ng komunidad

Magbigay ng impormasyon
tungkol sa mga gawain para
TO ADVICE sa proteksiyon, paghahanda,
at pag-iwas sa mga sakuna,
kalamidad, at hazard.

Magbigay ng mga hakbang na


dapat gawin, mga ligtas na
TO INSTRUCT lugar na dapat puntahan, mga
opisyales na dapat hingan ng
tullong sa oras ng sakuna,
kalamidad, at hazard

May iba’t ibang paraan ang bawat komunidad sa pagbibigay ng paalala o babala. Ito ay
pinadadan sa pamamagitan ng barangay assembly, pamamahagi ng flyers, pagdidikit ng
poster o billboard, mga patalastas sa telebisyon, radyo, at pahayagan. Lahat ng ito ay
ginagawa upang maging mulat at edukado ang mga mamamayan sa uri ng hazard at
dapat nilang gawin sa panahon ng pagtama nito.
Bukod sa pagbibigay ng paalala o babala, mayroon pang iba’t ibang gawain na dapat
malaman ng mamamayan bago at sa panahon ng pagtama ng sakuna, kalamidad, at
hazard upang sila ay maging ligtas at maiwasan ang malawakang pinsala. Sa yugto ng
Disaster Preparedness ay binibigyan ng sapat na impormasyon at pag-unawa ang mga
mamamayan sa dapat nilang gawin bago, habang, at pagkatapos ng hazard at kalamidad
upang maihanda sila sa mga posibleng epekto nito.

26
 Pagyamanin

Panuto: Ano ang iyong gagawin sa sumusunod na mga sitwasyon?

1. Ikaw ay nakasakay sa dyip ng biglang yumanig ang lupa.


_____________________________________________________________
2. Nasa ikatlong palapag ka ng isang mall nang marinig mo ang fire alarm.
_____________________________________________________________
3. Napanood mo sa balita na may darating na malakas na bagyo sa susunod na
dalawang araw.
_____________________________________________________________
4. Maraming nagtatapon ng basura sa isang creek sa inyong barangay.
_____________________________________________________________

5. May nakita kang mga crack o lamat sa dingding ng inyong tahanan.


_____________________________________________________________

C. PAGLALAPAT
Panuto: Pumili ng isang uri ng hazard o kalamidad. Gumawa ng poster ad na
nagpapakita ng sumusunod:

1. Impormasyon tungkol sa katangian at kahulugan ng disaster


2. Mga sanhi at epekto nito
3. Mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng disaster
4. Mga gamit na dapat ihanda upang maging ligtas kapag naranasan ang disaster.
5. Mga opisyales, kawani ng pamahalaan o NGO na maaaring hingan ng tulong.

27
Rubrik sa pagmamarka ng poster ad

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Nilalaman Wasto at makatotohanan ang mga


impormasyon. Tumutulong upang
maging handa ang mga mamamayan sa
panahon ng kalamidad. 10
Kaangkupan Madaling maunawaan ang ginamit na
salita, mga larawan, at simbolo sa
ginawang poster ad. Madali ring
maunawaan ang ginamit na lenggwahe. 7
Pagkamalikhain Nakapupukaw ng atensyon ang ginawang
poster ad dahil sa ginamit na mga
larawan at salita na nakahikayat sa
mamamayan upang ito ay bigyan ng 3
pansin.
Kabuuan 20

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano ang dapat gawin sa panahon ng kalamidad?
2. Bakit mahalaga na malaman ng mga mamamayan ang mga impormasyon tungkol sa
kalamidad at mga dapat gawin kung mararanasan ang mga ito?
3. Paano makatutulong ang mga mamamayan sa pamamahagi ng kaalaman tungkol sa
disaster preparedness

D. PAGLALAHAT/PAGBUO
Panuto: Tapusin ang bawat pahayag sa ibaba.

1. Mga konsepto na gusto kong tandaan______________________ .

2. Mga bagay na dapat kong gawin sa panahon ng


kalamidad___________________
3. Makatulong ako sa pamamahagi ng kaalaman tungkol sa Disaster
Preparedness sa pamamagitan ng__________________ .?

28
E. PANAPOS NA PAGTATASA
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Isulat ang T
kung ito ay Tama at M kung ito ay Mali.

_________1. Ang pananatili sa bubong o sa mataas na lugar ay ang pinakamabuting gawain


sa panahon ng kalamidad.
_________2. Ang pagpapatibay ng mga estraktura ay isang paraan ng paghahanda para sa
kalamidad.

_________3. Mabuting mag-imbak ng maraming pagkain sa tahanan bilang paghahanda sa


kalamidad.
_________4. Nakakatulong ang pagkakaroon ng mga emergency drill sa paghahanda para
sa kalamidad.
_________5. Dapat itago sa matataas ma lalagyan ang mga mabibigat na bagay sa bahay.
_________6. Ang pagkabalisa o pag-panic ay dapat iwasan sa gitna ng kalamidad.

_________7. Ang nakatatanda ang dapat pinakahuling lilikas sa panahon ng kalamidad.


_________8. Pagkatapos ng kalamidad, dapat tasahin ang ginawang pagtugon at pagtulong
sa mga biktima.

_________9. Ang paunang lunas para sa mga nasaktan ay dapat ipaubaya lamang sa mga
nars at doctor.
_________10. Ang pagsasanay para sa paghahanda sa kalamidad ay kailangan lamang ng
mga rescue worker.

29
Susi sa Pagwawasto

30
Sanggunian
--Eleanor D. Antonio et al 2017. Kayamanan Manila Philippines:Rex Bookstore
Published & distributed
--learners Mandual Kontemporaryong Isyu sa Araling Panlipunan Grade 10
http://sesantedenis.blogspot.com/2017/09/kahandaan-sa-panahon-ng-
sakunatrahedya.html
https://www.hiclipart.com/free-transparent-background-png-clipart-ibzhh
https://www.paanohow.com/panahon/kalamidad/paano-maging-handa-sa-sakuna-o-
kalamidad/
https://brainly.ph/question/1535887
https://www.scribd.com/doc/61347090/Rubric-Sa-Pagsusulat

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

31

You might also like