Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

My respect to (Greet the VIPs, Officials, Teachers, Parents).

I would also like to give my salutation to the


stars of today’s epoch-making event, our day care children.

Children have the right to survive, to be protected, and to participate in their development. The first six
years of life, called the formative years, comprise the most crucial stage of a child’s growth and
formation. By age six, the child’s brain would have already reached 90% of its development.

The care that the child receives during this crucial period would significantly impact his or her learning
capacity, creativity, social interaction and basic personality well into adulthood. Ito ang dahilan kung
bakit mahalaga ang ginagampanang papel ng mga day care centers dito sa Pilipinas na pinalawig ng
Republic Act 6972. Ayon sa batas na ito, lahat ng mga barangay ay dapat na mayroong day care centers.
Bago mag limang taong gulang ang bata, maaari na itong ilagay sa pangangalaga ng mga day care
centers upang maihanda sila sa pormal na edukasyon.

Kaya naman, bilang isang guro sa pampublikong sector, nais kong ibigigay ang mataas na pagpupugay sa
inyong lahat na may kinalaman sa pagsulong ng mga dakilang layunin ng day care. Dahil sa inyo,
napadadali ang aming trabaho sa pormal na edukasyon. Sapagkat, bago pa man maidala sa amin ang
mga bata na nanggaling sa inyo, mayroon na silang bitbit na kabatiran at kaalaman ukol sa
pagpapahalaga sa pag-aaral at pakikipagkapwa. Palibhasay inyo silang binantayan at sinubaybayan ng
maigi. Palakpakan po natin ang mga Day Care workers.

Sa mga magulang, kayo rin po ay nararapat lamang pasalamatan sapagkat inyong ipinamamalas ang
inyong mga balakin ukol sa pagpapabuti ng kinabukasan ng inyong mga anak. Sa murang edad ay
inihahanda na ninyo sila upang pagdating sa pormal na edukasyon, sila ay may mga maliliit ng pakpak
upang makalipad sa unti-unti nilang pag-buo at pag-abot ng kanilang mga mithiin sa buhay.

Nais ko ngayong ibaling ang aking atensyon sa mga bata. (Kausapin ang mga bata)

Mga bata, masaya ba kayo? Kung masaya kayo bigyan nga ninyo ang inyong sarili ng isang angel clap?
(Turuan kung papaano ang angel clap.) Mabuhay kayong lahat sa pagkat ito na ang simula ng inyong
paglusong patungong kindergarten. Sana lumaki kayong mabubuting mamamayan ng ating bayang
Masantol sapagkat kayo ang aming mga pag-asa. Muli palakpakan natin ang inyong mga guro at
magulang dahil mahal na mahal nila kayo.

Sa aking pangwakas, nais kong banggitin ang isang quotation na palagi kong dala-dala saan man ako
magpunta lalu na kung kaharap ko ang mga bata. Ang bawat bata ay regalo ng Diyos. Sila ang mga
patunay na hindi pa huli ang lahat. We worry about what a child will become tomorrow, yet we forget
that he is someone today. Every child you encounter is a divine appointment. Nawa’y sa kanilang
paglalakbay sa buhay, ang inyong mga tinuro ay maging kalasag at sandigan nila upang maging matatag
na mga bata—Mga batang makabansa sa isang bansang maakabata!

God bless you and congratulations!

You might also like