Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region XI
Davao Occidental Division
San Agustin Elementary School
San Agustin, Sta. Maria, Davao Occidental

ARALING PANLIPUNAN 6
SECOND QUARTER
SUMMATIVE TEST 2

Pangalan: Iskor:
Baitang at Pangkat:

A. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang Misyong OSROX ay pinadala sa Estados Unidos sa kagustuhan ng mga Pilipino na
makapagsarili. Kilala ito sa ating kasaysayan bilang?
A. Batas Hare-Hawes-Cutting C. Misyong Pangkalayaan
B. Pamahalaang Militar D. Batas Tydings-McDuffie
2. Ang pagbuo ng Asamblea Filipina ay isa sa paghahanda ng mga Pilipino sa kalayaan. Alin sa
mga sumusunod na pangungusap ang nagpakita ng kakayahan ng mga Pilipino sa
pamumuno?
A. paglinang ng likhang –kultural laban sa Amerikano
B. pagpapaunlad ng impluwensyang Amerikano sa pamahalaan
C. pagsunod ng mga Pilipino sa patakarang pang-edukasyon ng mgaAmerikano
D. pinagbuti ng mga Pilipino ang pamamalakad sa pamahalaan
3. Sino – sino sa mga sumusunod ang unang dalawang komisyonadong ipinadala sa estados
Unidos?
A. Pablo Ocampo at Benito C. Gregorio Araneta at Cayetano
Arellano
B. Sergio Osmeña, Sr. at Manuel L. Quezon D. Isauro Gabaldon at Teodoro Sandico
4. Alin sa nga sumusunod ang hindi kasali sa mga batas na pinagsasalungatan ng mga
mambabatas na mga Pilipino at Amerikano dahil sa pagnanais na mapawalang bisa ito?
A. Batas Gabaldon B. Batas Sedisyon C. Batas Panunulisan D. Batas Bandila
5. Kailan naganap ang halalan ng mga kagawad ng Asamblea ng Pilipinas?
A. Oktubre 16, 1907 B. Hulyo 30, 1907 C. Hunyo 18, 1908 D. Agosto 29, 1916
6. Sa bagong lehislatura o batasan sa ilalim ng Batas Jones na pinasinayaan noong Oktubre
16,1916, sino ang nahalal bilang Pangulo ng Senado?
A. Sergio Osmeña, Sr. B. Manuel Quezon C. Manuel Roxas D. Macario Sakay

B. Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang WASTO kung ito ay
nagsasaad ng wastong kaisipan at DI-WASTO naman kung hindi.
1. Si Jose Barlin, Obispo ng Naga ang namuno sa dasal nang pinasinayaan ang
Asamblea ng Pilipinas sa Manila Grand Opera House noong Oktubre 16, 1907.

“DavOcc LEADS: AS WE TURN VISIONS INTO REALITIES”


San Agustin, Sta Maria, Davao Occidental 8011
+639099428275
sanagustines129124@gmail.com/129124@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region XI
Davao Occidental Division
San Agustin Elementary School
San Agustin, Sta. Maria, Davao Occidental

2. Ayon sa Batas Pilipinas 1902, dapat kilalanin ng Estados Unidos ang kalayaan
ng Pilipinas kapag mayroon na itong matatag na pamahalaan.
3. Sinasabing ang Batas Tydings-McDuffie ay halos kopya lamang ng Batas Hare-
Hawes-Cutting.
4. Lahat ng misyong pinadala ng Pilipinas sa Estados Unidos ay nabigo.
5. Ang Misyong OSROX ay pinamunuan nina Sergio Osmeña, Sr. at Manuel Roxas.
6. Ang Batas Jones ng 1916 ay nagtadhana ng kalayaan para sa Pilipinas, subalit
hindi nito tiniyak ang takdang taon ng pagbibigay kalayaan kaya, nagpadala
ang
Pilipinas sa Estados Unidos ng mga misyong pangkalayaan upang makatiyak na

ito ay matutupad.

C. Panuto: Basahin at kilalaning mabuti kung anong batas ang tinutukoy sa bawat
pangungusap. Piliin ang tamang sagot mula sa kahon sa ibaba at isulat ito sa inyong
sagutang papel.

BATAS COOPER BATAS SEDISYON BATAS SA BANDILA


BATAS GABALDON BATAS PANUNULISAN BATAS JONES
BATAS HARE – HAWES – CUTTING BATAS TYDINGS – MCDUFFIE
1. Nagbabawal sa paggamit ng anumang sagisag o bandila, lalo na ang mga sagisag ng
himagsikan.
2. Nakapaloob sa batas na ito na kikilalanin ang kasarinlan ng Pilipinas sa Hulyo 4 kasunod
ng huling taon ng Pamahalaang Komonwelt.
3. Batas na nagtakda ng probisyong sa pagtatatag ng Asamblea ng Pilipinas.
4. Nagpaparusa sa sinumang may pahayag at sumulat ng anuman laban sa pamahalaan ng
Estados Unidos.
5. Ayon sa batas na ito ay ipagkakaloob sa Pilipinas ang kalayaan matapos ang 10 taon.
6. Ang batas na ito naglaan ng 1 milyong piso sa pagpapatayo ng mga paaralang pampubliko
sa buong kapuluan mula 1908 hanggang 1915.
7. Nagpaparusa ng pagkabilanggo sa mga Pilipino na magtayo o bumuo ng mga samahan at
kilusang makabayan.
8. Ang batas na nagbigay ng pag-asa sa mga Pilipino na makamit ang kalayaan kung
mapapatunayan nilang may kakayahan na sila sa pagsasarili.

“DavOcc LEADS: AS WE TURN VISIONS INTO REALITIES”


San Agustin, Sta Maria, Davao Occidental 8011
+639099428275
sanagustines129124@gmail.com/129124@deped.gov.ph

You might also like