Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 41

Republic of the Philippines

City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

(TITLE)

Ang Pananaliksik ay ipiniprisinta kay:

Mrs. Novalinda B. Jurada

Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang

Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t – Ibang Disiplina

Ipiniprisinta nila:

(Members Name alphabetical una surname)

Petsa

Abril 2024

Margin Right : 1

Margin left : 1.5

Margin top : 1.5

Margin Bottom : 1
Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

DAHON NG PAGPAPATIBAY
Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

DAHON NG PASASALAMAT
Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

TALAAN NG NILALAMAN
Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

TALAAN NG TALAHAYAN
Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

IKALAWANG BLANKONG PAPEL


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

Kabanata I

Panimula o Introduksyon

Sa modernong panahon, Malaki na ang epekto ng teknolohiya sa atin. Lalong-lalo na

sa mga estudyante, ginagamit na ito upang mas mapabilis at mapagaan ang mga

gawaing inaatas ng kanilang mga guro. Ginagamit na rin ang teknolohiya sa pagbabasa,

tulad na lang ng telepono, nag sisilbi na itong libro sa panahon ngayon dahil pwede ka

na dito magbasa ng mga kwento at iba pang mga akdang kakapulutan ng kaalaman.

Ayon sa Radyo Inquirer (2019), Pinaka Mahina ang reading comprehension ng

mga Filipino kumpara sa 78 bansa o lahi ayon sa literacy assessment na isinagawa ng

Organisation for Economic Cooperation and Development (OECD).

Ayon kay Emralino (2021), Komprehensyon ang pinakalayunin ng pagbabasa.

Sinasabing sa pagbabasa ay makakarating ang tao sa iba’t-ibang lugar. Kumbaga ang

pinaparating ng awtor dito ay ang pagbabasa ay isang makapangyarihang talento na

dapat taglayin ng isang indibidwal. Samahan pa ito ng Komprehensyon at tiyak na

madadagdagan ang ating kaalaman. Sa tulong ng teknolohiya, mas mapapadali na ang

paghahanap ng mga bagong kaalaman. Sa pamamagitan lang ng ating mga daliri ay


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


makakatuklas na tayo ng mga bagay na makakapukaw ng ating atensyon. Kahit na nasa

bahay ka lang, maaari ka pa ring makasagap ng mga bagong impormasyon.

Malaking salik talaga ang pagbabasa, Haluan pa ito ng teknolohiya at siguradong

maraming bagay ang pwedeng saliksikin dito. Lalo na at patuloy na umuusbong ang mga

panibagong teknolohiya sa panahong ito. Mas dadami ang mga bagay na pwedeng

makatulong sa mga mag-aaral sa mga susunod na panahon sa mga tuntunin ng

akademikong pag-aaral.

Bakgrawnd ng Pag-aaral

Ang paggamit ng teknolohiya sa edukasyon ay patuloy na lumalawak at nagbibigay ng

mga bagong oportunidad para sa pagpapaunlad ng mga kasanayan ng mga mag-aaral,

lalo na sa larangan ng pagbasa. Sa kasalukuyang panahon, karamihan sa mga estudyante

ay labis na nahahalina sa paggamit ng iba't ibang uri ng teknolohiya tulad ng mga

kompyuter, tablet, at mga smartphone. Dahil dito, mahalaga na suriin ang epekto ng

paggamit ng teknolohiya sa kanilang pag-unlad sa pagbasa.

Sa ikalimang antas ng elementarya, ang kasanayan sa pagbasa ay isang pundasyong

kaalaman na kailangan para sa pang-araw-araw na buhay at para sa patuloy na pag-

aaral. Ang maayos na pag-unlad ng kasanayan sa pagbasa ay nagbibigay daan sa mas

malalim na pang-unawa sa iba't ibang asignatura, pagpapalawak ng bokabularyo, at


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


pagpapabuti sa kakayahan sa komunikasyon. Subalit, sa panahon ngayon, ang

tradisyonal na paraan ng pagtuturo ng pagbasa ay napapalitan na ng mga teknolohikal

na pamamaraan.

Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, nais suriin ang epekto ng paggamit ng teknolohiya

sa pagpapa-unlad ng kasanayan sa pagbasa ng mga estudyante sa ikalimang antas ng

elementarya. Layunin ng pag-aaral na malaman kung ano ang mga potensyal na

benepisyo at epekto ng paggamit ng teknolohiya sa kanilang pag-aaral ng pagbasa.

Makatutulong ang pagsasagawa ng ganitong pag-aaral upang makabuo ng mga

rekomendasyon sa mga guro at magulang sa pagpapalawak ng kaalaman at kasanayan

sa pagbasa ng mga estudyante gamit ang mga teknolohikal na sangkap.

Sa pagtugon sa mga hamon at oportunidad na dala ng teknolohiya sa edukasyon,

mahalaga ang pag-unawa sa mga epekto nito sa pag-unlad ng mga kasanayan ng mga

mag-aaral, partikular na sa pagbasa. Sa ganitong paraan, maaaring magkaroon ng mas

malalim na kaalaman ang mga guro at magulang sa kung paano nila magagamit ng

wasto ang teknolohiya upang mapalawak at mapabuti ang kakayahan sa pagbasa ng

kanilang mga estudyante.


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

Teoretikal Framework

Sa kasalukuyang sistema ng edukasyon, ang teknolohiya ay may sa pagpapaunlad ng

kasanayan sa pagbasa, ito ay nag-aalok ng maraming kasangkapan na mapagkukunan

upang suportahan ang pagsisikap na mag-aaral. Tulad na lamang ng mga mag-aaral sa

ika-limang baitang ng elementarya na nasa bahagi kung saan kritikal cognitive

development, ay aktibong nakakakuha ng mga pundamental na kasanayan sa

pagbabasa, kabilang ang pag-aaral sa pagbabasa (Piaget, et al., 1952). Dahil dito, Ang

Multimodal Learning Theory ay itinuturing na partikular na kaugnay sa pag-aaral na

nagsisiyasat sa mga epekto ng teknolohiya sa pagpapalawak ng kaalaman sa mga

tuntunin ng pag-unawa sa pagbasa ng mga mag-aaral sa elementarya.

Ang balangkas ng Multimodal Learning Theory ay umaayon sa mga layunin ng pag-aaral

dahil ito ay humuhubog at nang hinihikayat ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng iba't

ibang sensory modalities upang mapaunlad ang mas malalim na pag-unawa at pagbuo

ng kaalaman sa tulong ng teknolohiya (Fleming, 1987). Ayon sa pananaw ni Piaget mas

natututo ang mga bata sa pamamagitan ng aktibong eksplorasyon at pakikipag-ugnayan

sa kanilang kapaligiran (Piaget, 1952). Itinatampok ng konsepto ni Vygotsky ang Zone of

Proximal Development (ZPD) ang kahalagahan ng pagbibigay ng naaangkop na antas ng


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


suporta at hamon sa mga mag-aaral, na iginigiit na ang pag-aaral ay pinakamabisa kapag

nangyari ito sa loob ng 'zone' kung saan hinahamon ang mga mag-aaral na lampas

lamang sa kanilang kasalukuyang kakayahan, na may angkop na suporta mula sa mga

guro o kapwa kamag-aral (Vygotsky, 1978). Binibigyang-diin ng constructionist approach

ni Papert ang halaga ng hands-on, experiential learning activities sa pagpapaunlad ng

pagkamalikhain at mga kasanayan sa paglutas ng problema ng mga estudyante (Papert,

1980). Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga pananaw na ito, tinutugunan ng

balangkas ang mga mahahalagang aspeto ng pag-aaral at pag-unlad ng pag-iisip na

kaugnay sa mga mag-aaral sa elementarya.

Samakatuwid, ang teknolohiya, ay lumilitaw bilang isang makapangyarihang

kasangkapan para sa pundasyon ng mga kasanayan sa pag-unawa sa pagbabasa ng mga

mag-aaral, na nagbibigay ng mga personal na suporta at mapagkukunan na naaayon sa

kanilang mga indibidwal na pangangailangan at kakayahan. Ang mga tool sa teknolohiya

tulad ng mga interactive na ebook at mga edukasyonal na laro ay paraan para mas

bigyang pansin at mas makabuluhan na matuto ang mga bata.

Sa kabuuan, ang balangkas ng Multimodal Learning Theory ay nagbibigay ng isang

matatag na teoretikal na batayan para sa pag-aaral, na gumagabay sa paggalugad kung

paano epektibong magagamit ang teknolohiya upang mapahusay ang mga kasanayan sa

pag-unawa sa pagbasa sa mga mag-aaral sa magkakaibang at makabuluhang paraan.


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

Konseptwal Framework
Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay may paksang “EPEKTO NG PAGGAMIT NG TEKNOLOHIYA SA

PAGPAPAUNLAD NG KASANAYAN SA PAGBASA NG MGA ESTUDYANTE SA IKA-LIMANG

ANTAS NG ELEMENTARYA SA PAARALANG UPPER BICUTAN ELEMENTARY SCHOOL” na

naglalayong sagutin ang mga sumusunod na suliranin:

1. Ano-ano ang mga mahalagang demograpikong propayl ng mga mag-aaral sa ika-

limang antas ng elementarya sa paaralang Upper Bicutan Elementary School?

1.1 Pangalan (opsyunal)

1.2 Kasarian

1.3 Edad

1.4 Uri ng teknolohiyang ginagamit

1.5 Antas ng Kasanayan sa Pagbasa

2. Ano-ano ang mga epekto ng paggamit ng teknolohiya sa pagpapaunlad ng

kasanayan sa pagbasa ng mga estudyante sa ika-limang antas ng elementarya sa

paaralang Upper Bicutan Elementary School?

2.1 Akademikal
Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


2.2 Sosyal

2.3 Emosyonal

2.4 Pisikal

3. Ano-ano ang kaugnayan ng paggamit ng teknolohiya sa pagpapaunlad ng

kasanayan sa pagbasa ng mga estudyante sa ika-limang antas ng elementarya sa

paaralang Upper Bicutan Elementary School?

3.1 Sarili

3.2 Pamilya

3.3 Paaralan

3.4 Lipunan

Hypothesis:

Ho: Walang epekto ang teknolohiya sa pagpapaunlad ng kasanayan ng pagbasa ng mga

estudyante sa ikalimang antas ng elementarya.

H1: May epekto ang ang teknolohiya sa pagpapaunlad ng kasanayan ng pagbasa ng mga

estudyante sa ikalimang antas ng elementarya.


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

Iskop at Delimitasyon ng Pag-aaral

Ang isinagawang pag aaral na ito ay nakatuon lamang sa epekto ng paggamit ng

teknolohiya sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa ng mga studyante sa ikalimang

antas ng elementarya sa pagpili ng mga magiging respondante, gumamit ang mga

mananaliksik ng purposive sampling na teknik kung saan Ang napiling mga magsisilbing

respondente ay ang mga mag aaral sa ikalimang antas ng elementarya sa paaralang

Upper Bicutan Elementary School.

Ang mga tagapagsaliksik ay naglaan Ng mga makabuluhang katanungang sasagutin

gamit Ang sarbey questionnaire na ipapamahagi sa (50) limampung bilang Ng mga mag

aaral lamang Mula sa nasabing antas.

Isinagawa ito ng mga mananaliksik Upang mapagtagumpayang magkaroon ng sapat na

kaalaman o ideya sa bahaging ginagampanan Ng teknolohiya patungkol sa

pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa.


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang resulta ng pag-aaral na ito ay upang suriin ang epekto ng paggamit ng teknolohiya

sa pagpapa-unlad ng kasanayan sa pagbasa ng mga estudyante sa ikalimang antas ng

elementarya. Layunin ng pag-aaral na malaman kung ano ang mga potensyal na

benepisyo at epekto ng paggamit ng teknolohiya sa kanilang pag-aaral ng pagbasa. Ang

mga sumusunod ay tunay na makikinabang sa gagawing pananaliksik:

Mga Magulang

Ang pananaliksik na ito ay natutukoy ang mga paraan kung paano maaaring maging

aktibong kasangkapan ang mga magulang sa paggamit ng teknolohiya upang mapalakas

ang kakayahang magbasa ng kanilang mga anak. Ang mga magulang ang pangunahing

taga pag-ambag sa paghubog ng edukasyon ng kanilang mga anak, kaya't mahalaga ang

kanilang pag-unawa at pakikilahok sa mga gawaing pang-edukasyon.

Mga Guro

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong magbigay ng mga datos at impormasyon na

magtutukoy kung paano nakakaapekto ang teknolohiya sa pag-unlad ng kasanayan sa

pagbasa ng mga estudyante. Ang mga guro ay nagsisilbing gabay at tagapamuno sa


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


pagpapalawak ng kaalaman ng kanilang mga estudyante, kaya't mahalaga na sila ay

maunawaan ang tamang paggamit at integrasyon ng teknolohiya sa kanilang mga aralin.

Sa pamamagitan ng pag-aaral, maaaring masuri ang epekto ng mga iba't ibang

pamamaraan at estratehiya sa pagtuturo upang mapalakas ang kakayahan sa pagbasa

ng mga mag-aaral.

Mga mag-aaral

Magkakaroon ng kamalayan ang bawat mga mag-aaral sa pag-aaral na ito sapagkat ito

nagbibigay ng oportunidad upang makilala at maunawaan ang kanilang mga sarili bilang

mga aktibong bahagi ng proseso ng pag-aaral. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa kung

paano nakakaapekto ang teknolohiya sa kanilang pagbasa, nagkakaroon sila ng

kakayahang mag-isip nang kritikal at magamit ang mga digital na kasanayan sa kanilang

araw-araw na buhay. Ang mga mag-aaral ang sentro ng edukasyon, kaya't mahalaga na

sila ay maging bahagi ng paglikha at pagpapaunlad ng mga programang pang-edukasyon

na nakabatay sa mga natuklasan ng pag-aaral.

Sa Lipunan

Ang lipunan bilang pangkalahatan ay nakikinabang mula sa pag-aaral sa pamamagitan

ng pagkakaroon ng kamalayan sa mga hamon at oportunidad na dala ng paggamit ng

teknolohiya sa edukasyon. Ang pag-aaral ay nagbubukas ng pinto sa mga diskusyon at

patakarang pang-ekonomiya, pang-edukasyon, at pang-teknolohiya na may layuning


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


mapalakas ang kasanayan sa pagbasa ng mga estudyante. Ang malawakang implikasyon

ng pag-aaral ay naglalayong magtayo ng mas malalim na kaalaman at pang-unawa sa

mga paraan kung paano maaaring gamitin ang teknolohiya upang mapabuti ang kalidad

ng edukasyon at makabuluhan ang kontribusyon ng mga estudyante sa lipunan.

Depinisyon ng mga Salitang Ginamit

Balangkas - ay isang sistema ng pag-organisa ng mga ideya at impormasyon na

nagbibigay-daan sa pagkakaroon ng malinaw at maayos na pagkakasunod-sunod ng mga

ito sa isang sulatin. Ito ay isang nakasulat na plano ng mahahalagang bahagi ng isang

sulatin na nakaayos ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga ito.

(https://gabay.ph/balangkas/ )

Bokabularyo - ay naglalaman ng mga salita sa isang wika o ang mga salita na ginagamit

ng isang tao o grupo. Ito ay ginagamit ng mga reader bilang pangunahing referensya sa

mga kahulugan ng mga salita o mga pangungusap.

(https://brainly.ph/question/18322870)

Komprehensyon - ay ang kakayahan ng isang tao na umintindi o umunawa ng isang

kalahok, impormasyon o situwasyon. Ang komprehensyon ay isang proseso ng pag-

uugnay ng kaalaman sa isang paksa, at ang pagkakabuo ng mahalagang mga salik sa pag-

unawa.
Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


(https://www.scribd.com/document/435386012/Komprehensyon )

Larangan - ay tumutukoy sa isang tiyak na lugar o saklaw kung saan nagaganap ang

partikular na gawain, interes, o kaalaman na pinagtutuunan ng pansin. Ito rin ay

maaaring isang trabaho o gawaing napili na angkop sa kaalaman at kakayahan ng isang

tao. ( ( (https://www.tagalog.com/monolingual-dictionary/larangan )

Pagsisiyasat - ay isang pormal at sistematikong pagtatanong, pagsasaliksik, o pag-aaral

upang matuklasan at maeksamen ang mga impormasyon, pang-yayari, at iba pa tungo

sa paglilinaw ng katotohanan.

(https://www.tagaloglang.com/pagsisiyasat/ )

Prominenteng Papel - ay isang kahulugan na maaaring magkaugnay sa isang

mahalagang o napakalaking papel na ginaganap ng isang tao, organisasyon o bagay sa

isang sitwasyon o kalagayan.

(https://www.pressreader.com/philippines/sunstar-pampanga/20231214/28161242518

9554 )

Salik - ay tumutukoy sa mga bagay na maaaring naging dahilan ng isang pangyayari. Ito

ay mayroong direktang epekto sa isang paksa at maaaring maging mahahalagang

sangkap o nilalaman ng isang bagay o pangyayari.


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


(https://brainly.ph/question/22499389 )

Teknolohiya - Ang teknolohiya ay isang kalahok sa pagpapalawig ng kaalaman,

kasanayan, at mga proseso upang matukoy, magamit, at mapabuti ang mga bagay, mga

tao, at impormasyong nakalaan sa mundo. Ito ay maaaring maging mga kagamitan,

makina, kasangkapan, mga proseso, at mga paraan na ginagamit upang matukoy,

magamit, at mapabuti ang mga bagay, mga tao, at impormasyong nakalaan sa mundo.

(https://www.slideshare.net/GesaMayMargaretteTuz/teknolohiya-36792470 )

Tradisyonal - ay tumutukoy sa mga paniniwala, kaugalian, o pamamaraan na ipinapasa

mula sa mga naunang henerasyon hanggang sa kasalukuyang panahon. Ito ay may

kaugnayan sa mga bagay na karaniwan nang ginagawa o sinusunod dahil ito ay bahagi

ng nakagawiang kaugalian o tradisyon ng isang grupo ng tao.

(https://brainly.ph/question/1771441 )

World Wide Web (WWW) - ay isang impormasyong sistema na nagbibigay-daan sa

paggamit ng internet upang makapag-access sa lahat ng mga pampublikong website o

pahina sa buong mundo. Ito ay isang sistema ng paggamit ng impormasyon na

nagbibigay-daan sa pagpapalawig ng impormasyong nakalaan sa internet sa

pamamagitan ng mga paraan na napakahalaga upang maaaring makapag-access ng mga


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


hindi na kailangan kumalap ng mga eksperto at mga hobbyist.

(https://brainly.ph/question/17061335 )

Kabanata II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga nakalap na mga kaugnayan na literatura at

pag-aaral na may kaugnayan sa paksa ng aming pananaliksik na “Epekto ng paggamit ng

teknolohiya sa pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa ng mga estudyante sa ika-limang

antas ng elementarya sa paaralang Upper Bicutan Elementary School”. Iro ay nagmula

sa mga iba’t ibang uri ng sanggunian tulad ng mga modyul, aklat, journals, tesis at

ibat’ibang disertasyon at maging sa internet.

MGA KAUGNAY NA LITERATURA

Literatura sa Labas ng Bansa

Ayon kay Ahmadi D M R (2018), Ang paggamit ng teknolohiya ay naging isang

mahalagang bahagi ng pag-aaral proseso sa loob at sa labas ng klase. Ang bawat klase ng

wika ay karaniwang gumagamit ng ilang uri ng teknolohiya. Teknolohiya ay ginagamit


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


upang parehong tulungan at mapabuti ang pag-aaral ng wika. Dahil sa Teknolohiya, mas

napapabilis at napapadali ang pagkatuto ng mga tao tungkol sa pagbasa at wika.

(https://ijreeonline.com/article-1-120-en.html&sw=Mohammad+Reza+Ahmadi )

Isinaad ni Marshall (2002) na ang teknolohiya ay nagdadala ng mga bagong mga

pagkakataon upang makakuha ng akses sa impormasyon, upang lumikha ng matatag na

kaalaman sa tulong ng teknolohiya mga kapaligiran kung saan ang mga mag-aaral

karanasan ng mga bagong at mahirap na mga bagay, at upang makipag-ugnayan ang

mga estudyante sa mga bago at iba't ibang mga tao, lugar, at mga bagay. Teknolohiya ay

maaaring magdadala sa amin sa mga lugar na hindi namin kailanman na, o ay malamang

na mangyari. Teknolohiya ay maaaring makipag-ugnayan sa amin sa mga tao sa buong

mundo na nag-aalok ng iba't-ibang mga perspektibo at mga karanasan. Ang mga

pagkakataon na ito ay magresulta sa maraming mga uri ng pag-aaral.

(https://d1wqtxts1xzle7.cloudfront.net/31793282/TECHNOLOGY-libre.pdf?

1391472101=&response-content-disposition=inline%3B+filename

%3DA_white_paper_prepared_for_Cable_in_the.pdf&Expires=1713152729&Signature=

S0VurJAGVlo75XQlG9w~6kve-ClbtnGax~CkZ5Hzs0tvcgyzajvzbC0-

Mc2N~vx1jCAa8FJP4maa9t7hKghcbnLthTcL39qkHTqstoduQi9xwbdwkJICIWcMGx74rNw

0NbdHskdkgLvsIW5SDqyZsEXFwhmKTVLjBxnZNXDRejkfO1nt9et9i7B93wxx2HSavYmHAK

3AtjSFza0XZKPsAhng6PHd09s~6sLfG9Igy9ArBYouA5-Iy-2w2BDYzlWRulo7xch9jOfGg5~-
Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


VHU5FAh4OIhfbg4WM8Gy-WrE~RJ-TwWul9pJ9jeoQ72YQqRBDx2vP1bpj-

UktwdIf3iqSQ__&Key-Pair-Id=APKAJLOHF5GGSLRBV4ZA )

Sinabi ni Duffey at McDonald (2011) na ang Teknolohiya ay may malaking epekto

sa lipunan. Ito ay tumutulong sa atin mapa personal, akademiko, at propesyonal na

buhay. Bilang resulta, ang kakayahan upang gamitin ang teknolohiya ay naging isang

mahalagang kakayahan na ngayon. Mula sa pangangalap ng impormasyon sa Internet,

pagbabayad ng bayarin, at sa pakikipag-ugnayan sa mga mahal sa buhay, teknolohiya ay

naging isang mahalagang bahagi ng modernong panahon. Dahil sa teknolohiya ay

napipilitan ang iba sa atin na pag aralan itong gamitin. Sa pamamagitan nito ay

nahahasa ang pagbasa ng mga tao upang mas maunawaan nila kung paano ito gamitin.

(https://www.inderscienceonline.com/doi/abs/10.1504/IJETP.2004.004590 )

Ayon kay Bippert (2019), Sa Estados Unidos, ang mga paaralan ay kadalasang

gumagamit ng mga programang pang-komersyal na interbensyon sa pagbabasa upang

magbigay ng suporta para sa mga estudyanteng kinilala bilang nahihirapang

mambabasa. Bukod dito, nagkaroon ng trend patungo sa mga programang interbensyon

sa pagbasa na nakabatay sa teknolohiya sa mga paaralan sa Estados Unidos. Habang ang

mga programang ito ay ibinebenta bilang lubos na nakaka enganyo at lubos na

motibasyon.

(https://www.tandfonline.com/doi/full/10.1080/19404476.2019.1565600 )
Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

Sinabi ni Shen (2006) na ang teknolohiya ng computer ay isinama sa halos lahat

ng aspeto ng pag-aaral sa mas mataas na edukasyon: dumating ang mga aklat-aralin na

may mga CD-ROM; ang takdang-aralin ay hinahatid at na markahan sa World Wide Web

(WWW); at ang mga takdang-aralin ay idinisenyo upang makumpleto nang

magkakasama sa pamamagitan ng electronic mail. Sa katunayan, ang Internet ay

nagiging mahalagang bahagi ng buhay ng mga estudyante sa kolehiyo, hindi lamang para

sa kanilang pag-aaral at pang-araw-araw na gawain, ngunit bilang isang kagamitan para

makilala ang ibang tao at ang iba pang bahagi ng mundo. Sa pamamagitan nito ay

nalilinang ang pagbabasa ng mga estudyante sa pagbabasa ng mga email mula sa

kanilang mga telepono o mga kompyuter.

(https://citeseerx.ist.psu.edu/document?

repid=rep1&type=pdf&doi=d6b4d290aa4317086374dee2b72eb9d0e6e0113e )

Literatura sa Loob ng Bansa

Ayon kay Bertilo (2011) sa kasasaysayan ng edukasyon, malaki ang naging ambag ng

teknolohiya. Ito ang isa sa pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral ay nagiging

madali at mabisa kung kaya naman marami sa mga mag-aaral ngayon ang sumasangguni

sa teknolohiya sa kanilang pag aaral. Sa katunayan, ang makabagong teknolohiya ay isa


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


sa pangunahing paraan kung bakit ang pag-aaral sa kasalukuyang panahon ay higit na

madali, mabilis, at mabisa.

Ayon kay Descy(1997), ang internet ay maihahalintulad lamang sa mga libro ngunit ang

internet ay mas maraming impormasyon na maibibigay at napapanahon. Ang mga libro

o silid- aklatan naman ay mayroong sistematikong pamamaraan para makuha ang mga

impormasyon na kakailanganin at makakatulong sa kanila. Ang mga impormasyon

naman na ito ay nakaayos at nakategorya sa ilalim ng Dewey Decimal System at

kinikilala ng mga iskolar sa buong mundo.

Ayon kina Fitz at Pirillo (2006) maraming impormasyon ang makukuha sa web at lahat

ng tao ay pwede magbahagi ng kanilang nalalaman. Maaari kang makahanapng patunay

dito sa kung ano man ang gusto mong malaman o maisipan. Kung gumagamit ka ng

isang website bilang isang mapagkukunan ng iyong papel o proyekto, kailangan mo rin

mag-isip nang kritikal tungkol sa kung saan nanggaling ang impormasyon na nakalap mo

at kung may katuturan ba ito. Hindi mo naman gusto na ibase ang iyong papel sa isang

bias na opinyon o magbanggit ng isang website na simpleng maskara para sa

advertising. Sa halip, nais mong makahanap ng kapani-paniwala, napapanahon na mga

impormasyon na isinulat ng isang awtoridad sa paksa, na ang mga pag-angkin ay batay

sa katotohanan at suportado ng ebidensya. Upang malaman kung paano paghiwalayin

ang mabuting impormasyon mula sa hindi magandang impormasyon na maaari mong

makita sa online.
Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


Mula kay OSA Webmaster Nine (2017), Mas gusto ng mga tao na magbasa gamit ang

teknolohiya kaysa sa pagkakaroon ng isang napakalaking libro sa kanilang mga kamay.

Ang isang kadahilanan na nagpapadali sa katanyagan ng teknolohiya ay ang

pagkakaroon nito. Magagamit ang pasilidad ng teknolohiya halos sa bawat sulok ng

mundo. Kahit na maglalakbay sa malalayong nayon, makakakuha padin ng pasilidad sa

teknolohiya. Ang pagkakaroon ng pasilidad na ito pinadali lamang. Ngayon ang mga tao,

na may interes sa mga libro, ay hindi kailangang maglakbay nang malayo upang maabot

ang aklatan, dahil ang mundo ng mga libro ay naroroon sa kanilang mga kompyuter o

gadgets.

Para kay Jean Piaget sa kanyang teoryang constructivism learning theory (Kneller,1998),

hindi siya sumasangayon sa tradisyonal na paraan, Naniniwala siya na mas magiging

madali at mas matututo ang mga mag-aaral kung gagamitang mga gurong mga

makabagong teknolohiya. Halimbawa na dito ay ang app na tinatawag na Youtube, dito

maraming mga palabas silang mapapanuod na nag-lalayong maturuan silang makapag-

basa ng maayos bukod pa dito ay matututunan din nila ang tamang pagbigkas ng mga

bawat salita dahil kanila itong maririnig. Makakatulong ito lalong-lalo na sa mga pre-

school at elementarya.

https://www.collegesidekick.com/study-docs/5322562

PAGPAPAUNLADNG KAKAYAHAN SA PAGBASA NG WIKANG FILIPINO GAMIT

ANG MGA MAKABAGONG TEKNOLOHIYA


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

https://www.coursehero.com/file/69909462/PANANALIKSIK-1docx/

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL

Pag-aaral sa Labas ng Bansa

Sa isinagawang pag-aaral ni Mc Lester Acurin, patungkol sa epekto ng paggamit ng

makabagong teknolohiya sa pag-aaral sa ikatlong taon, para sa mga mag-aaral,

nakatutulong ito ng malaki sa kanilang buhay sa eskwelahan, maging larangan ng

akademiko o sa larangan ng libangan.

Lumalabas na ito ay nakatutulong sa paggawa at pagpapadali ng mga takdang aralin

ng mga mag-aaral, nakatutulong ito sa malaki sa kanilang mga proyekto. Ang resultang

ito ay nagpapaliwanag lamang na ang makabagong teknolohiya ay nakakabuti at

nakatutulong kung gagamitin sa tamang disiplina.

Ang mag-aaral ay sabik at handa sa pagpasok, sinadi din ng mga mag-aaral na ang

paggamit ng Powerpoint at Microsoft Word ay nakakatulong sa kanilang pagbuob ng

pag-aaral, dagdag pa nito ay dahil sa makabagong teknolohiya ay tumataas ang kanilang

marka.
Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


Sa isang meta analysis na isinagawa nila Kulik at Kulik (1986), sa 101 na kabuuang

pag-aaral sa disiplina ay natagpuan ng isang makabuluhang pangkalahatang positibong

epekto ng pag-aaral na nauugnay sa paggamit ng kompyuter. Sa kabilang banda, Norris

(1987) ay naiulat na ang mga pag-aaral sa iba’t-ibang disiplina sa anim na unibersidad

ay nabigo upang makapagtatag ng ugnayan sa pagitan ng pag-aaral at paggamit ng

makabagong teknolohiya.

Sa isang malawak na pag-aaral sa Dartmouth na isinagawa sa 24 pambungad na

kurso ay natagpuang walang pagkakaiba sa mga grado sa pagitan ng may- ari ng

computer at mga di may-ari sa 21 hanggang 24 na kurso. Napagmasdan nina Mcdowall

at Jackling (2006) ang perception ng mga mag-aaral sa pagiging kapani-pakinabang nga

mga marunong sa kompyuter sa pag-aaral ng mga konsepto sa mg tuntunin ng

impluwensiya sa akademikong pagganap.

Inimbestigahan ni Mohd et al. (2007) na ang mga mag-aaral na may iba’t ibang mga

background at attitudes patungkol sa kompyuter ay nakakaimpluwensiya sa kanilang

mga antas sa kasanayan sa kompyuter.

Kapansin pansin na ang mga pag-aaral sa ginawa ng mga nabanggit sa itaas ay nakatuon

sa kontribusyon at gamit ng kompyuter. Ang pananaliksik na ito ay pag-aaral patungkol

sa mga kaalaman ng mga istudyante, epekto at gamit ng teknolohiya sa kanilang pag-

aaral.
Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

Pag-aaral sa Loob ng Bansa

Ayon sa pag-aaral ni Gepila et al. (2021). Lumalabas na ang mga estudyante ay

karaniwang gumagamit ng mga teknolohiyang tulad ng cellphone, at ang Wattpad

naman ay isa sa mga pinakasikat na platform para sa digital na pagbabasa. Sa kanilang

pag-aaral, hindi nakita ang anumang negatibong epekto ng digital na pagbabasa sa

kaisipan ng mga mag-aaral. Sa kabila nito, mahalaga pa rin ang tamang paggamit ng

teknolohiya, at ang kooperasyon ng mga magulang at guro ay mahalaga upang

mahikayat ang pagpapahalaga sa pagbabasa.

(https://european-science.com/eojnss/article/view/6277)

Batay sa pagsusuri ni Pilorin (2016), ang kakulangan sa paggamit ng modernong

teknolohiya, tulad ng kompyuter at iba pang mga gadget, ay maaaring magkaroon ng

negatibong epekto sa kalusugan at kahusayan sa pagbasa ng mga estudyante sa

kanilang sariling wika. Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, lumalabas na ang mga mag-

aaral ay maaaring maapektuhan sa kanilang pag-aaral sa paraang hindi kanais-nais dahil

sa kawalan ng kaalaman at pagiging bihasa sa mga modernong kagamitang teknolohikal.

Ang kakulangan sa kaalaman sa mga teknolohiyang ito ay maaaring magdulot ng


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


panganib sa kanilang kalusugan, lalo na't ang ilan sa mga ito ay nagiging sanhi ng labis na

paggamit at pagkakaroon ng hindi maayos na posisyon sa katawan. Bukod dito, ang

kakulangan sa kaalaman sa paggamit ng teknolohiya ay maaaring makasama sa kanilang

pag-unlad sa larangan ng pagbasa sa sariling wika, na mahalaga sa kanilang pag-unawa

at pakikipagtalastasan sa kanilang kultura at lipunan.

(https://www.academia.edu/22206984/

EPEKTO_NG_PAGGAMIT_NG_KOMPYUTER_SA_KASANAYAN_SA_PAGBASA_NG_MGA_

MAG_AARAL_NG_SSEISK_1_ANTAS_SEKONDARYA_TAONG_PANARUAN_2015_2016)

Batay sa pagsusuri nina Lazarte at Aquino (2013), natuklasan na bagaman ang mga

estudyante ay may kaalaman sa mga negatibong epekto ng kompyuter sa kanilang

kalusugan, tulad ng pagiging sanhi ng mga problema sa likod at mata dulot ng labis na

paggamit nito, patuloy pa rin nila itong ginagamit dahil sa patuloy na pagkakamit ng

magandang mga marka at walang epekto sa kanilang pag-aaral. Sa kabila ng mga ito, ang

teknolohiya tulad ng kompyuter ay nagbibigay ng mabilisang access sa impormasyon at

nagtatampok ng mga kasangkapang tulad ng MS Word at Powerpoint Presentation na

nagpapabilis sa kanilang mga gawain sa paaralan. Sa pangkalahatan, naniniwala ang mga

estudyante na may positibong epekto ang kompyuter sa kanilang akademikong buhay

dahil sa mga benepisyo nito sa kanilang pag-aaral at pang-araw-araw na buhay sa

paaralan.
Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


(Epekto ng kompyuter sa mga estudyante | PDF SlideSharehttps://www.slideshare.net)

Batay sa pagsusuri ni Cogo (2014), malaking bahagi ng mga estudyante ay aktibo sa

paggamit ng mga teknolohikal na kasangkapan tulad ng cellphone, kompyuter, at iba pa.

Sa kabila ng kanilang patuloy na paggamit ng mga ito, hindi ito nakakaapekto sa kalidad

ng kanilang pag-aaral. Sa madaling salita, ang paggamit ng mga estudyante isang kapaki-

pakinabang na suporta na nagpapadali sa kanilang mga gawain sa paaralan. Ang mga

teknolohikal na kasangkapan ay nagbibigay ng mga oportunidad para sa mas mabisang

pag-aaral at pagpapaunlad ng kanilang mga kakayahan sa edukasyon. Sa ganitong

paraan, ang paggamit ng teknolohiya ay nagiging bahagi ng kanilang pag-unlad at

tagumpay sa akademiko.

(Epekto ng Teknolohiya sa Pag-aaral ng Mag-aaral | Francis Dave Respicio-

Academia.edu. (DOC) Epekto Ng Teknolohiya Sa Pag-Aaral Ng Mag-Aaral | Francis Dave

Respicio-Academia. Edu; www.academia.edu.

https://www.academia.edu/16314885/Epekto_ng_Teknolohiya_sa_Pag_aaral ng Ma

gaaral)

Batay sa pagsusuri ni Bacilio, et al. (2019). Nagpapatunay na ang teknolohiya ay isang

epektibong paraan sa pagtuturo ng pagbasa sa mga mag-aaral ng ika-11 baitang. Ang

modernong paraan ng pagtuturo sa 21st Century ng mga guro ay nagreresulta sa mas


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


malawak at mas mabilis na pagkatuto ng pagbasa. Sa kabilang banda, mahalaga rin ang

suporta at gabay ng mga magulang sa paggamit ng teknolohiya ng kanilang mga anak.

(https://ojs.aaresearchindex.com/index.php/aasgbcpjmra/article/view/1138)

Sintesis

Matapos suriin ang kaugnay na literatura, naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga

gawaing ito ay lubos na kaugnay sa isa't isa. Ipinapakita rito ang mga bagay na maaaring

makatulong sa pananaliksik.

Sa unang bahagi ng talata, tinalakay dito ang kahalagahan ng teknolohiya sa pag-aaral

na partikular sa pagpapahusay ng kasanayan sa pagbasa ng mga estudyante. Ayon kila

Ahmadi at Marshall ang teknolohiya ay nagbibigay ng mga bagong oportunidad para

matamasa ang impormasyon at pagpapalawak ng kaalaman. Isa sa kagandahang resulta

ng teknolohiya ay ang mas mabisang pagkatuto ng mga estudyante sa pagbasa at wika.

Ayon din kay Bertilo mula sa literatura sa loob ng bansa, malaki ang ambag ng

technology sa edukasyon dahil mas nakakatulong ito upang madali at mabisa ang pag-

aaral. Sa modernong teknolohiya tulad ng internet mad malawak ang daan tungo sa

impormasyon kumpara sa tradisyunal na sanggunian tulad ng mga aklat. Bukod dito,

mahalaga rin ang internet sa buhay ng mga estudyante sa kolehiyo ika ni Shen.

Gayunpaman, may ilang pag-aaral rin na nagpapakita ng hindi kasing positibong resulta,

tulad ng naiulat ni Norris (1987) na walang ugnayan sa pagitan ng pag-aaral at


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


paggamit ng makabagong teknolohiya.

Bilang karagdagan sa modernong teknolohiya, ang digital na pagbabasa ay popular sa

mga estudyante dahil sa sa visual na mga larawan, ngunit ibinanggit ni Gepilla na

“mahalaga pa rin ang tamang paggamit ng teknolohiya upang mapanatili ang halaga ng

pagbabasa”. Kaugnay sa paniniwala ni Bacilio na mahalaga ang suporta ng mga

magulang sa paggamit ng teknolohiya ng kanilang mga anak

Sa konklusyon, ang mga pag-aaral at literatura na ito ay nagpapakita na ang teknolohiya

ay mahalaga sa pagbuo ng mga kasanayan sa pagbasa ng mga mag-aaral. Gayunpaman,

upang mapanatili ang halaga at epektibong paggamit ng teknolohiya sa edukasyon, ang

mga guro at magulang ay dapat pa ring suportahan at gumamit ng teknolohiya nang

tama.

Disenyo ng Paglalahad

Sa kasalukuyang panahon, ang paggamit ng teknolohiya ay nagiging bahagi na ng araw-

araw na buhay ng mga tao, kabilang na ang mga estudyante sa ika-limang antas ng

elementarya sa paaralang Upper Bicutan Elementary School. Ang pag-aaral na ito ay

naglalayong suriin at maunawaan ang epekto ng paggamit ng teknolohiya sa

pagpapaunlad ng kasanayan sa pagbasa ng mga estudyante.

Sa pamamagitan ng deskriptibo at serbey na metodolohiya, ang pag-aaral na ito ay

magbibigay ng oportunidad na masuri ang mga karanasan, pananaw, at epekto ng

teknolohiya sa pagbasa ng mga estudyante. Ang paggamit ng serbey ay isang epektibong


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


paraan upang makalap ng datos at impormasyon mula sa mga direktang kalahok sa pag-

aaral.

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong magbigay ng linaw sa kung paano nakaaapekto

ang paggamit ng teknolohiya sa pag-unlad ng kasanayan sa pagbasa ng mga estudyante.

Sa pamamagitan ng mga resulta ng pag-aaral, maaaring magkaroon ng mas malalim


na pag-unawa at mabigyan ng kaukulang pansin ang mga paraan kung paano mapalakas

at mapabuti ang kasanayan sa pagbasa ng mga estudyante.

Sa huli, ang pag-aaral na ito ay naglalayong maging gabay sa mga guro at paaralan sa

pagpaplano ng kanilang mga gawain at estratehiya sa pagtuturo. Ang mga natuklasan

mula sa pag-aaral ay maaaring magsilbing batayan sa pagpapaunlad ng mga programang

pang-edukasyon na naglalayong mapalakas ang kasanayan sa pagbasa ng mga

estudyante sa paaralang Upper Bicutan Elementary School.

Populasyon at Respondente

Pinili ng mga mananaliksik ang mga mag-aaral mula sa Upper Bicutan Elementary School

na nasa ika-limang antas ng elementarya na ang mga edad ay mula sa 9 hanggang 11

taong gulang. Na mayroong target na limampung respondente (50). Ang layunin ng

pagpili ng ganitong bilang ng mga respondente ay magbigay ng sapat na sukat ng sample

para sa pananaliksik, na nagbibigay ng representasyon ng data mula sa target na

populasyon na kanilang sinusubukan na pag-aralan.


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

Instrumento ng Pananaliksik

Para masuri ang kabisaan at balidado ng aming gagawing pananaliksik, kaming

mga mananaliksik ay naghanda ng talatanungan para sa mga piling mag-aaral ng Upper

Bicutan Elementary School sa lungsod ng Taguig. Ang aming ginawang sarbey ay

tumutukoy sa kanilang kinakaharap na akademikal na pagpapaunlad upang matukoy ang

kanilang kasalukuyang antas ng kasanayan sa pagbasa at ang posibleng epekto ng

teknolohiya sa kanilang pag-unlad sa naturang larangan. Ang aming pananaliksik ay

naglalayon na maunawaan ang impluwensya ng modernong teknolohiya sa

pagpapaunlad ng kakayahan sa pagbasa ng mga mag-aaral sa ika-limang baitang ng

Upper Bicutan Elementary School. Ito na binubuo ng sampung (10) katanungan na

kanilang sasagutan sa pamamagitan ng paglalagay ng makang tsek (✔) sa bawat iskala.

Sa bawat iskala ay mayroong katumbas na berbal na interpretasyon o susukat sa

kanilang pangsang-ayon: Sa ikalimang pagpili (5) ay Oo, Sa ikaapat na pagpili (4) ay

Medyo, Sa ikatlong pagpili (3) ay Minsan, Sa ikalawang pagpili (2) ay Hindi, At sa bilang

isa (1) ay Hindi Kailanman.


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

Epekto ng Paggamit ng Teknolohiya sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa ng mga

Estudyante sa Ika-limang Antas ng Elementarya sa Paaralang Upper Bicutan

Elementary School.

Magandang araw! Kami ang mananaliksik mula sa Bachelor of Science in

Informarion Systems sa unang antas ng kolehiyo. Ang aming pananaliksik ay patungkol

sa “Epekto ng Paggamit ng Teknolohiya sa Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa ng

mga Estudyante sa Ika-limang Antas ng Elementarya sa Paaralang Upper Bicutan

Elementary School”. Aming hinihingi ang inyong kooperasyon upang maglaan ng oras

para sagutan ang aming inihandang sarbey. Ang inyon pagsagot sa aming sarbey ay

makatutulong sa isininasagawa naming pananaliksik. Maraming salamat!

I. Personal na impormasyon ng Mag-aaral (Demograpikong Propayl)

Panuto: Basahin at unawain ang mga aytem at lagyan ng tsek ( a ) ng kolum ang

iyong kasagutan o isulat ang hinihingi sa bawat bilang/aytem.


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


Pangalan (opsyunal):___________________________________

Edad: 8 9 10 11 12 13 14

Kasarian: Babae Lalaki

Anong uri ng teknolohiyang karaniwang ginagamit mo sa iyong araw-araw na

pamumuhay?

Computer/Laptop Cellphone Tablet Telebisyon

Iba pa (maaari pang tukuyin): __________________

Ano ang kasalukuyang antas ng iyong pamumuhay ayon sa mga sumusunod na

kategorya:

Mahirap Katamtaman Mayaman

Kadalasang Paggamit ng Teknolohiya sa Pag-aaral:

Araw-araw Tatlong beses kada lingo Isang beses kada linggo

Hindi gaanong madalas

Uri ng mga Teknolohiyang Pang-edukasyon na Madalas Gamitin:

E-books Educational apps Online tutorials


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


Interactive learning platforms Wala

Iba pa (tukuyin): __________

II. Talatanungan

Mga Katanungan Oo Medyo Minsan Hindi Hindi


(5) (4) (3) (4) Kailanman
(1)
1. Sa tingin mo ba ang paggamit ng
teknolohiya ay nakakatulong sa
pagpapaunlad ng iyong
kakayahan sa pagbasa?

2. Madalas mo bang ginagamit ang


teknolohiya (tulad ng mga
tablet, computer, o
smartphone) para sa mga
gawain sa pagbasa?

3. Nakakatulong ba ang mga


online na mapagkukunan tulad
ng mga educational websites o
e-books sa pagpapaunlad ng
iyong kasanayan sa pagbasa?

4. Madalas mo ginagamit ang


teknolohiya para sa pagsasanay
ng iyong mga kasanayan sa
pagbasa?
Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY


5. Kapag gumagamit ka ng
teknolohiya para sa pagbasa,
mas madali mo bang
natatandaan ang mga binabasa
mo?

6. Nakakaepekto ng paggamit ng
teknolohiya sa iyong mga
kaugnayang panlipunan, tulad
ng pagkakaroon ng bagong
kaibigan o pagkakaroon ng mas
malawak na komunidad ng mga
kapwa mag-aaral?

7. Nararamdaman mo ba na ang
paaralan ay nagbibigay ng sapat
na suporta sa paggamit mo ng
teknolohiya sa pag-unlad ng
iyong kasanayan sa pagbasa?

8. Mas nag-eenjoy ka ba sa
pagbasa kapag gumagamit ka ng
teknolohiya?

9. Sa iyong palagay, dapat ba mas


laging isama ang teknolohiya sa
mga gawain sa pagbasa sa
paaralan?

10. Bilang mag-aaral, natutulungan


ba ng paggamit ng teknolohiya
ang mga estudyante sa
paghahanap at pag-aaral ng
mga impormasyon para sa
kanilang pag-aaral sa pagbasa?
Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

Prosidyur sa Pangangalap ng Datos

Kapag nabigyang-bisa na ng aming guro ang aming liham sa pagsasagawa ng sarbey,

agad na naming sisimulan ang pangangalap ng datos. Pupunta na kami sa paaralang

Upper Bicutan Elementary School upang magsimula na ng pangangalap ng datos.

Maghahanap na kami ng mga respondente na nauukol sa aming pangangailangan.

Kapag nakahanap na kami ng respondente, ito ay aming kakausapin at tatanungin na

kung meron ba silang sapat na oras upang sagutan ang aming talatanungan. Kapag,

pumayag ang aming napiling respondente, Sila ay aabutan namin ng talatanungan at

bolpen upang masimulan na ang pagsasagot sa aming sarbey. Kapag tapos na ang

respondente na magsagot, ito ay aming pasasalamatan sa kanilang kooperasyon.


Republic of the Philippines
City of Taguig
Gen. Santos Avenue, Central Bicutan, Taguig City

TAGUIG CITY UNIVERSITY

Istaikal Instrumento ng Datos

You might also like