Ikalawang Yugto NG Kolonyalismo Outline

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

CLASS NOTES - ARALING PANLIPUNAN 8

Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo (Imperyalismo)


Nagsimula ang pananakop ng mga kanluranin ng pumalaot ang mga Europeo (Unang Yugto ng
Kolonyalismo). Isa-isang nanakop ang Portugal, Spain, Netherlands, France, at Britain at nagtayo ng mga
kolonya sa Asya. Ngunit lahat ng mga imperyong ito ay bumagsak bago magsimula ang 19 na siglo.
Mga Sanhi sa Paglulunsad ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo
Ang mga kaganapan sa ikalawang Rebolusyong Industriyal ay nasabayan ng paghubog ng makabagong
imperyo pagdating ng ika-19 na dantaon at sa pagsisimula ng ika-20 na siglo. Napakinabangan ng husto sa
panahong ito ang paglago ng Rebolusyong Siyentipiko. Daglian ang paglawak ng pagkakanluranin o
westernization ng ibang lupain dahil sa mga imbensyon sa teknolohiya at agham na nagpabilis sa mga
paglalayag ng mga Europeo. Nag-udyok din sa paggalugad ang matinding pangangailangan sa mga hilaw na
materyales para sa pamilihan at sa mga itinayong mga industriya sa Europa.

Paraan at Lawak ng Pananakop


1. Manifest Destiny - ay ang ideya o paniniwala na ang United States ay itinadhana at pinagkalooban ng
Diyos, na palawakin ang pamamahala nito at maikalat ang demokrasya at kapitalismo sa buong kontinente
ng Hilagang America.
2. White Man’s Burden – tungkulin ng mga Europeo at ng kanilang mga inapo na panaigi nag kanilang
maunlad na kabihasnan sa mga katutubo ng mga kolonyang kanilang sinakop.
3. Protectorate – ay ang pagkakaloob ng proteksiyon sa kolonya laban sa paglusob ng ibang bansa.
4. Concession – ay ang pagkakaloob ng pribilehiyong makapagnegosyo ng mga kanluraning bansa.
5. Sphere of Influence – ay isang rehiyon o maliit na bahagi ng bansa na kontrolado ang pamahalaan at
politika ng makapangyariang bansa.
Dagdag pa nito ay ang malaking pangangailangan ng hilaw na mga materyales, pagsasakatuparan
ng pamamaraang kapitalismo at paniniwalang karapatan at tungkulin ng mga Kanluranin na palawakin ang
nasasakupan at palaganapin ang kanilang sibilisasyon. Ito ang dahilan kung bakit nangyari ang ikalawang
yugto ng pananakop. Dagdag pa nito ay ang malaking pangangailangan ng hilaw na mga materyales,
pagsasakatuparan ng pamamaraang kapitalismo at paniniwalang karapatan at tungkulin ng mga
Kanluranin na palawakin ang nasasakupan at palaganapin ang kanilang sibilisasyon. Ito ang dahilan kung
bakit nangyari ang ikalawang yugto ng pananakop.
Pangyayari ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo
Paggalugad at Pag-aagawan sa bansang Africa
Ang kontinente ng Africa ay may tatlong rehiyon.
 Hilagang bahagi - nakaharap sa Dagat Mediterranean
 Gitnang bahagi – tropiko o mainit na bahagi
 Timog na bahagi – malamig na bahagi

 Pahirapan ang pagpasok sa loobang bahagi ng Africa kung kaya walang masyadong alam ang mga
Europeo tungkol dito.
 Lubhang peligroso ang paglalayag sa mga ilog dahil karamihan sa daloy nito ay may pambihirang lakas.
Kakila-kilabot ang gubat dito dahil bukod sa makulimlim ay nagkalat ang iba’t ibang uri ng hayop.
 1854 - narating ng isang misyonerong Ingles na si David Livingstone ang lugar na ito.
- Natuklasan niya ang ang isang kamangha-manghang talon na pinangalanan niyang Victoria Falls.
 Mayo 1856 - Naabot niya ang bibig ng ilog Zambezi sa Karagatang Indian at naging unang Europeano na
tumawid sa lapad ng southern Africa.
 1857 - Pagbalik sa Britain noong Dec. 9, 1856, inilathala niya ang 'Missionary Travels and Researches
in South Africa' kung kaya nagkaroon ng kaalaman ang mga Europeo.
Paligsahan sa Pagkamkam sa Africa ng mga Bansa sa Europe
 ang paglaganap ng relihiyon
- Noong panahon ng katanyagan ng
 pambansang ambisyon
pananakop, ang tatlong ito ang nagbunsod
 pangkabuhayang pangangailangan upong pag-agawan ang gitnang Africa.

ARALING PANLIPUNAN | 1
- Sa loob ng tatlong dekada (30 years), ang dating hindi kilalang pook ay inangkin lahat ng mga
kanluraning bansa.
 Congo Basin - naangkin ng Belgium (1885) ang pinakamalaking bahagi sa pamamahala ni Haring
Leopoldo I.
pinakatusong mangangalakal ng Europe
 Samantala, ang ibang mga lupain ay nakuha at pinaghatian ng bansang France, Britain, Germany,
Portugal at Italy.
- Malaki ang naitulong ng Dagat Mediterranean sa pagpapabilis ng paraan ng transportasyon. Ang
magandang bunga nito ay ang paglago ng mga lungsod ng Tunis at Algiers na nagsisilbing daungan ng
mga barko na nagdadala ng mga kalakal.

- Sa simula, pagbibili lamang ng mga alipin ang inatupag ng


mga Europeo hanggang sa napagtanto nila ang potensiyal
ng mga likas na yaman na nakapaloob sa Africa.
- Inisip nila na ang oportunidad na nakikita nila ay magdulot
ng kaunlaran sa kanilang bansa. Kaya sinimulan nila na
maggalugad ng mga lugar upang makamkam ang mga likas
na yaman gaya ng brilyante, asukal, asin, ginto, iron, cobalt,
uranium, tanso, bauxite, pilak, at petrolyo, bukod nito
mayroon ding mga kahoy at mga tropikal na prutas.

Imperyalismong Ingles sa Timog Asya


 British East India Company – lubhang naging
makapangyarihan sa pamahalaan at dinala ang mga
kaisipan, kaugalian, edukasyon, at teknolohiya.
- Sa huling bahagi ng 1800, hindi nagtagal ay hawak na ng
Imperyo ng Great Britain ang pangangasiwa sa kompanya.
Binansagang “pinakamaningning na hiyas” ng imperyo ang
India.
 Treaty of Paris (1763) – Ang naging dahilan ng paghinto ng pitong taong digmaan ng France at Britain.
- Nawalan ng teritoryo sa India ang France na nagpahina ng kanilang impluwensiya sa nasabing bansa.
- Subalit may mga naiwan pa ring trading posts ang bansang France sa India nagpanatili ng ugnayan sa
aspeto ng negosyo at kalakalan.
Ang Pagsali ng United States sa mga Bansang Mananakop
 Cuba, Pilipinas, Guam at Puerto Rico – Naangkin ng United States noong nakipagdigma ito sa Spain
(1898).
 Guam - Ginawang istasyong pandagat papuntang Silangan
 Puerto Rico - ay istasyong pandagat sa Caribbean.
 Samoa - Nakuha din at ginawang pangunahing istasyong Nakuha ng USA
pandagat. pagkatapos ng World
 Pearl Harbor, Hawaii – ay ang pinakanamumukod-tanging War I (Unang digmaang
pundasyong himpilang-dagat sa Pacific ng United States pandaigdig)

- Ang pagkakaroon ng mga base militar ng United States sa mga lugar na nabanggit ay palatandaan ng
kanilang kapangyarihan at impluwensiya na sa kalaunan ay nauwi sa pananakop.
Ang Protectorate at iba pang Uri ng Kolonya
- Mahihina ang mga West Indies (Australia, New Zealand at mga bansa sa central America) at walang
pagkakaisa upang maipatanggol ang kanilang mga bansa.
- Pinangasiwaan at naging tagapagtanggol ang United States sa mga bansang napabilang sa West Indies
Layunin nitong mamalagi ang bukas at malayang kalakalan sa mga rehiyon nito, makakuha ng hilaw na
sangkap at maproteksyunan ang kanilang pang-ekonomikong interest.

ARALING PANLIPUNAN | 2
- Ang malaking samahan ng negosyante sa America ay nakakuha ng malaking bahaging ng lakas
panggabuhayan sa pag-aari ng mga minahan, balon ng langis, taniman, daang-bakal at samahan ng mga
sasakyang pandagat.
 Australia at New Zealand – pook na nakaligtas sa hidwaan ng mga bansang mananakop dahil matibay
itong hawak ng Great Britain
- dito pinadala ng Britain ang mga bilanggo pagkatapos ang himagsikan sa America.
- nag-umpisa ang lumipat ang mga British at magtayo ng mga kolonya sa mga lupaing ito nang madiskubre
ang ginto sa Australia.
- Malaking tulong ang lupaing ito sa migrasyon at bagong pananahanan lalo na sa lumulubong bilang ng
tao sa Great Britain.
Epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon
- Maraming pagbabago ang ibinunga ng kolonisasyon sa lupaing nasakop lalo na sa aspekto ng buhay.
- Ang mga gawaing pampolitika, pang-ekonomiya, pang-espiritwal, panlipunan at pangkultura ay ginamit ng
mga mananakop upang ganyakin ang mga bansang nasakop na sumunod sa kanilang mga pinapagawa
gaya ng pagtatrabaho sa taniman, paggawa ng barkoat pagsisilbi sa hukbo.
Epekto ng Kolonisasyon sa mga Lupang Sakop
Nalasap ng mga mamamayang nasakop ang malupit at marahas na pamamalakad ng mga
banyaga sa paglawak ng imperyalismo sa Africa at Asya.
 Pinagsamantalahan ng mga Kanluraning ang likas na yaman at lakas-paggawa
 Naging dahilan ito sa pagkawala at pagkasira ng mga kulturang katutubo dahil sa pangingibabaw ng
impluwensya ng mga Kanluranin.
 Hidwaan sa teritoryo na namamayani pa rin sa ngayon sa ilang bahagi ng Africa at Asya bunga ng hindi
pagtatakda ng mga hangganan

ARALING PANLIPUNAN | 3

You might also like