DLP - Demo - Kabanata 30 - El Fili

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG TUNASAN

KAGAWARAN NG FILIPINO
Centennial Ave, Tunasan, Muntinlupa City

PETSA Ika- 30 ng Mayo, 2023


ISKEDYUL NG KLASE
ARAW ORAS PANGKAT
Martes 10:00n.u-11:00n.u Columbia
LYCEUM OF ALABANG
Kolehiyo ng Edukasyon
Banghay-Aralin sa Filipino sa Baitang 10
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
PAMANTAYANG pagpapahalaga sa nobelang El Filibusterismo bilang
PANGNILALAMAN isang obra maestrang pampanitikan.
Ang mag-aaral ay nakapagpapalabas ng
PAMANTAYAN SA PAGGANAP makabuluhang photo/video documentary na
nagmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning
panlipunan sa kasalukuyan.
AKADEMIKONG MARKAHAN Ikaapat na Markahan

Naipapaliwanag ang kabuluhan ng mga kaisipang


lutang sa akda kauugnay ng; Karanasag pansarili,
gawaing pang komunidad, isyung pambansa,
pangyayaring pandaigdig (F10PN-IVf-90)
PINAKAMAHALAGANG
KOMPETENSI SA PAGKATUTO Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring
napanood sa video clip ang pangyayari sa panahon ng
pagkakasulat ng akda.
(F10PD-IVb-c-82)
Nasusuri ang mga kaisipang lutang sa Akda (Diyos,
Bayan, kapwa-tao, Magulang) (F10PB-IVd-e-88)

TUKLASIN at LINANGIN

I. LAYUNIN
Pagkatapos ng 60 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

A. nasusuri ang piling pahayag sa kabanata 30 ng El Filibusterismo;


B. nakapagbibigay ng saloobin o damdamin sa karanasan ni Juli bilang
tauhan; at
C. naitatanghal nang mahusay ng mga mag-aaral ang gawaing iniatas ng
guro.

II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa: El Filibusterismo Kabanata 30: “Si Juli ”

B. Sanggunian: Calipayan, M.C (2021) Si Huli, Aralin 4: Kabanata 30.


Unified Supplementary Learning Materials.Google drive.com.
https://bit.ly/3pUXwss

Anonymous (n.d.). Si Huli, El Filibusterismo.Pinoycollection.com.


https://bit.ly/457pSzI

SefinaTV. (19 Marso, 2022). El Filibusterismo Kabanata 30: Si Juli [Bidyo].


Youtube. Hango sa: https://bit.ly/43cy2Fs
C. Kagamitan: Para sa Guro: Powerpoint presentation, Canva, telebisyon,
laptop, HDMI at iba pang kagamitang Biswal.
Para sa mga Mag-aaral: Sipi ng akda, at Kuwaderno

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos at pagbibigay ng patakaran sa silid-aralan
5. Pagbabalik-Aral
a. #TypeKita!

Panuto: Gamit ang “show me board” tukuyin ang salitang mabubuo sa


pamamagitan ng alpha numeric keypad. Ang unang numero ay tumutukoy
sa pangkat na kinabibilangan ng titik samantalang ang pangalawang
bilang naman ay tumutukoy kung pang-ilan ang letra sa grupo.

1. 2.

_B_ _U_ _R_ _O_ _L_ _H_ _A_ _B_ _I_ _L_ _I_ _N_
2,2 8,2 7,3 6,3 5,3 4,2 2,1 2,2 4,3 5,3 4,3 6,2

3.
4. 5.

_K_ _A_ _S_ _U_ _O_ _T_ _A_ _A_ _R_ _G_ _U_ _M_ _E_ _N_ _T_ _M_ _A_ _R_ _A_ _N_ _G_ _Y_
_N_ _O_ _A_
5,2 2,1 7,4 8,2 6,3 8,1 2,1 2,1 7,3 4,1 8,2 6,1 3,2 6,2 8,1 6,1 2,1 7,3 2,1 6,2 4,1 9,3

6. Pagganyak
Panuto: Hatiin ang klase sa dalawang grupo at ang bawat pangkat ay mag
kakaroon ng kinatawan na magbibigay ng kasagutan. Ang pangkat na
makapagbibigay ng unang kasagutan ay ang siyang magpapatuloy sa
paglalaro. Kung hindi wasto ang naging kasagutan, ang kabilang pangkat
naman ang sasagot.

Tanong: Magbigay ng mga salitang naglalarawan sa kababaihan.

6.1 Tungkol saan ang isinagawang gawain?


6.2 Kung ikaw ang tatanungin, ang mga salita ba na ito ay makikita sa
kababaihan sa kasalukuyan?

B. Paglalahad ng Aralin

1. Pagpapakilala ng Paksa: #Mars!AnongSayMo?


Panuto: Gamit ang facebook frame (Newsfeed) at mga makukulay na
papel, magbigay ng mga salita na highlights (katangian, pag-uugali) sa
kababaihan noong dekada 90’, batay sa inyong nakita at nalalaman tapos
idikit ito sa frame.

1.1 Bakit mahalaga na malaman natin ang mga pag-uugali,


katangian ng kababaihan noon?

2. Pagpapakilala ng mga tauhan

2.1 Pagpapakilala sa mga tauhan ng kabanata 30 ng El Filibusterismo


na pinamagatang “Juli”.

3. Talasalitaan
Gawain 1: #I-RevealNaYarn!

Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang pahayag na nakatala sa mga


sash at tukuyin ang salitang may salungguhit. Piliin ang kasingahulugan
ng mga ito sa mga korona at gamitin sa makabuluhang pangungusap.

1. Ang dalaga ay napahinto at nagsimulang nangatal.


2. Hindi nanaog ng bahay o nagsimba si Huli.
3. Tiniis pa rin ni Juli ang mga paratang ng kaniyang mga kamag-anak.
4. Bumalong sa kaniyang mga mata ang mga luha at walang hikbi.
5. Batid ni Hermana Bali ang pag-aatubili ni Juli.

4. Panoorin ang animation video ng kabanata 30 ng El Filibusterismo na


pinamagatang “Juli”.
Malayang Talakayan:

a. Gawain 2: Pag-unawa sa binasa


Panuto: Batay sa matatapat na kulay ng ferris wheel, sagutin ang
sumusunod na katanungan.

Pamprosesong Tanong:
1. Paano mo ilalarawan si Juli bilang isang babae?
2. Ano kaya ang dahilan bakit ayaw ni Juli sundin ang mga payo ng mga
kamag-anak at kapit bahay? Magbigay ng patunay.
3. Alin sa mga tunggalian sa kabanatang ito ang lutang na lutang na
nakadadala ng damdamin?
4. Ibinigay ni Juli ang kaniyang buhay kahit na kapahamakan ang
magiging bunga ng desisyong iyon. Kung ikaw si Juli, gagawin mo rin ba
ang ginawa niya para lamang sa pamilya, kaibigan, at kasintahan?
Ipaliwanag
5. Anong damdamin ang naghari sa iyo matapos malaman ang mga
kasawian ni Juli at ng kaniyang pamilya?

b. Panlinang na Gawain
Pangkatang Gawain:

Pangkat I: #BinibiningELPIniLI

Panuto: Pagsagot sa mga katanungan may kaugnayan sa karanasan,


kalagayan, at pamumuhay ng mga kababaihan.

Pangkat II: #GalleryWalk

Panuto: Sa isang illustration board, gumuhit ng limang larawan na


maaaring sumisimbolo sa katauhan/ pag-uugali/ katangian ng
pangunahing tauhan na si Juli.

Pangkat III: #AwitKoAlaySa’yo

Panuto: Bumuo ng isang maikling awitin na may kaugnayan sa paksa na


“Babae ako, hindi basta babae lang”.

Pangkat IV: #SineMoTo

Panuto: Gumawa ng isang maikling pagsasadula batay sa kalakasan ng


kababaihan sa kasalukuyang panahon.
PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Napakahusay Mahusay Katamtaman Magsanay pa
4 3 2 1
Wasto ang mga Wasto ang mga May bahagyang kamalian sa Maraming mali sa
impormasyong inilahad at impormasyong inilahad mga inilahad na impormasyon at
NILALAMAN angkop sa itinalagang ngunit hindi lahat akma sa impormasyon bagamat nangangailangan pa ng
gawain itinalagang gawain nakaayon sa gawaing iniatas husay sa di nakaayon sa
iniatas na gawain
Aktibo at lubos ang May aktibong pakikiisa ang May mga aktibong pakikiisa Nagpakita lamang ng
PAKIKIPAGKAIS pakikiisa ng lahat ng kasapi nakararami sa mga kasapi ang ilan sa mga kasapi. pagnanais na makiisa sa
A gawain
Walang mal isa gramatika May 1-3 mali sa gramatika at May 4-6 mali sa gramatika at Higit sa 6 ang mal isa
GRAMATIKA at iba pang kumbensyon iba pang kumbensyon sa iba pang kumbensyon sa gramatika at iba pang
sa pagtalakay pagtalakay pagtalakay kumbensyon sa pagtalakay
Lohikal na masining ang Masining ang paggamit ng Paggamit ng salita, Hindi gumamit ng mga
KASININGIN paggamit ng salita, guhit, salita, pagguhit, pagsasadula pagguhit/Larawan, at ordinaryong salita, larawan,
pagsasadula sa paggawa ng pangkatang pagsasadula na nakahahalina at pagsasadula na
gawain nakahahalina
Humanga ang lahat ng Humanga ang karamihan ng Hindi kinakitaan ng interes ng Kakaunti lamang sa mga
PANGHIHIKAYAT manonood at tagapakinig mga manonood at lahat ng manonood at nanonood at nakikinig ang
sa pagtatanghal tagapakinig sa pagtatanghal tagapakinig sa pagtatanghal kinakitaan ng interes sa
pagtatanghal
KABUOAN : 20 PUNTOS

C. Pagpapahalaga

Paano ipinakita at pinangalagaan ni Juli ang dangal at puri na mayroon


siya? At paano ito ipinapakita sa kasalukuyang panahon?

D. Paglalapat
#BayanKo,AlamKo

“Bilang isang kabataang Muntinlupeño, anong mga programa ang


imumungkahi mo na magsusulong sa pangangalaga, at pamamahala sa
karapatan ng mga kababaihan dito sa Muntinlupa?

E. Paglalahat

#KantaKo,DugtunganMo

Panuto: Dugtungan ang kantang MLP batay sa natutuhan na aral sa


paksa.

Ako’y tahimik lang sa umpisa, ngunit napagtanto


kong….____________________________
Natutuhan kong….___________________________
IV. PAGTATAYA

Panuto: Basahin at suriin ang kaisipang nakapaloob sa pahayag. Piliin ang


tamang sagot sa kahon.

A. Kahit delikado ay gagawin pa rin D. Nasa tao ang pagdedesisyon ng


ang lahat. kaniyang kapalaran.
B. Kailangan maging maingat sa E. Hindi kailanman naging solusyon
desisyon. ang pagkitil sa buhay.
C. Pagmamahal ng tunay at wagas F. Laging isipin ang kapakanan ng
iba.

1. “Handang ibuwis ang buhay para lamang sa kalayaan ng minamahal.”

2. “Ang patuloy na urong-sulong ay may pag-aalinlangan.”

3. “Walang taong maaalipin kung walang nagpapaalipin.”

4. “Ang paghahanap ng daang madali ay magwawakas sa buhay na


nagmamadali.”

5. “Ang nagigipit kahit sa patalim ay nakahandang mangunyapit.”

Wastong Kasagutan: 1. C 2. B 3.D 4.E 5. A

V. KASUNDUAN

1. Sa isang bond paper, gumawa ng isang poster o islogan na nagsusulong sa


karapatan ng mga kababaihan.

Goal Makagawa ng isang malikhain at masining na poster o islogan na


nagsusulong ng karapatan ng mga kababaihan.
Roles Ikaw ay magsisilbing tagapagpahayag para sa kampanya/ adbokasiya
tungkol sa karapatan ng mga kababaihan.

Audience Mga guro at mag-aaral


Sitwasyon Ang bawat mag-aaral ay inaatasan na gumawa ng isang poster o
(Situation) islogan na nagsusulong ng kampanya sa “Karapatan ng mga
kababaihan” sa mga guro at mag-aaral.
Product or Poster o islogan tungkol sa kampanya sa “Karapatan ng mga
Performance kababaihan”.
Standard or Susuriin ang nabuong poster o islogan ayon sa sumusunod na
Criteria for pamantayan sa pagmamarka bilang pagtataya at pagsunod sa
Success pamantayan sa paggawa ng poster o slogan.

Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Magsanay
pa
20 15 10 5
Wasto ang temang Wasto ang May bahagyang Malayo ang
inilahad at malinaw tema ng malayo ang tema at di
ang konsepto ng inilahad ngunit temang inilahad nakaayon ang
NILALAMAN
gawain. malayo ang na imbagamat konsepto ng
konsepto ng may konsepto gawain.
gawain ng gawain

Walang mali sa May 1-3 mali May 4-6 mali sa Higit sa 6 ang
gramatika at iba sa gramatika at gramatika at iba mali sa
GRAMATIKA pang kumbensyon iba pang pang gramatika at
sa paliwanag ng kumbensyon kumbensyon sa iba pang
gawain. sa paliwanag paliwanag ng kumbensyon
ng gawain. gawain sa paliwanag
ng gawain
Napakaganda at Maganda ang Maganda ang Kailangan pa
napakalinaw ng pagkakaguhit pagkakaguhit ng husay sa
PAGKAMALIKHAI pagkakaguhit sa sa larawan at ngunit di pagguhit at
N
larawan at titik. pagsulat ng ga gaanong malabo ang
titik. malinaw ang pagkakasulat
pagkakasulat ng ng mga titik.
titik
Lohikal at masining Masining ang Paggamit ng Hindi
ang paggamit ng paggamit ng ilang mga salita gumagamit ng
KASININGAN mga salita at mga salita at na siyang salit at hindi
larawan guhit. larawang guhit magulong pinaisipan ang
sa gawain. pagguhit na gawain.
nakahahalina.
Lubos na Nakahihikayat Hindi kinakitaan Kailangan pa
nakapanghihikayat ang larawan ng interes ang ng husay
PANGHIHIKAYAT ang larawang guhit guhit at larawang upang
at paggamit ng mga paggamit ng iginuhit at humikayat ng
salita. mag salita salitang ginamit. tao.

Kabuuan puntos: 50

Inihanda ni:

G. Darwin J. Serato
Gurong Mag-aaral

Sinuri at binigyang-pansin ni:

G. Jose L. Pertes Jr.


Gurong Tagapagsanay
at Tagapag-ugnay

Nabatid nina:

Dr. Teresita A. Dunham


Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon

Dr. Hilda Arrofo


Dalubguro I

Pinagtibay ni:

Dr. Ador B. Querubin


Punong-Guro IV

You might also like