Talumpati WG DLP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG TUNASAN

KAGAWARAN NG FILIPINO
Centennial Ave, Tunasan, Muntinlupa City

Banghay-Aralin sa Filipino sa Baitang 10


PETSA Ika-5 ng Abril, 2023
ISKEDYUL NG KLASE
ARAW ORAS BAITANG AT SEKSYON
Explorer,Comlumbia,
Miyerkoles 6:00n.u-12:00n.t Cygnus, Discovery,
Eagle
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at
PAMANTAYANG pagpapahalaga sa mga akdang pampanitikan ng mga
PANGNILALAMAN bansang Africa
Ang mag-aaral ay nakapanghihikayat tungkol sa
PAMANTAYAN SA PAGGANAP kagandahan ng alinmang bansa batay sa binasang
akdang pampanitikan
AKADEMIKONG MARKAHAN Ikatlong Markahan

Nagagamit ang angkop na mga tuwiran at di-tuwirang


PINAKAMAHALAGANG pahayag sa pagpapabatid ng mensahe
KOMPETENSI SA PAGKATUTO (F10WG-IIIf-g-75)

Wika at Gramatika

I. LAYUNIN
Pagtatapos ng 60 minutong talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahan na:
A. Nalalaman ang halimbawa ng tuwiran at di-tuwirang pagpapahayag;
B. Napahahalagahan ang gamit ng tuwiran at di-tuwiran sa pagpapahayag;
C. Nagagamit ang angkop na tuwiran at di-tuwirang pahayag sa mensaheng
nais ipabatid.

II. PAKSANG-ARALIN

A. Paksa: Wika at Gramatika: Paggamit ng Tuwiran at Di-tuwirang Pahayag


B. Sanggunian: USLeM: FILIPINO, Ikatlong markahan: Modyul 7
Manunulat: Jayd Reignor D. Pascual
https://depedtambayan.net/wp-content/uploads/
2022/01/FIL10-Q3-MODYUL6.pdf
C. Kagamitan: Para sa Guro: Powerpoint presentation at iba pang
kagamitang Biswal.
Para sa mga Mag-aaral: Sipi ng akda, Kuwaderno.

III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasa-ayos at pagbibigay ng patakaran sa silid aralan
4. Pagtatala ng liban
5. Pagbabalik-Aral

Panuto: Babalikan ang nakaraang aralin at magtatanong ang guro batay


sa paksang tinalakay noong nakaraan.
MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG TUNASAN
KAGAWARAN NG FILIPINO
Centennial Ave, Tunasan, Muntinlupa City

6. Pagganyak
AKO ANG GUMAWA, IKAW MAGPALIWANAG!
Panuto: Bigyang interpretasyon ang pahayag na “Mga Kabataan, ang
totoo, ako ay ikaw na sasalamin sa ating bansa.”

B. Paglalahad ng Aralin
1. Pagtalakay sa tuwiran at di-tuwiran pahayag.

Tuwiran at Di-Tuwirang Pahayag

Sa paglalahad ng imporamasyon,
mainam na gumamit ng tuwiran o
di-tuwirang pahayag, batay sa
kasiguraduhan ng naghahatid ng
mensahe sa katotohanan ng Sa paghahatid ng mensahe,
mensaheng ilalahad. mabuting gumamit ng tama at
totoong impormasyon at mga
pahayag. Maaaring direkta mula
sa pinanggalingan ng
impormasyon ang mensaheng
ihahatid o narinig lamang mula sa
pahayag o ideya ng iba
TUWIRANG PAHAYAG

 Ang mga tuwirang pahayag ay naglalahad ng tunay na impormasyon


na may pinagbabatayan at may ebidensya.
 Makakatulong ang paggamit ng mga tuwirang pahagay sa pagpapatotoo
ng isang salaysay o argumento.
 Mga salita at ekspresyon ginagamit sa tuwirang pahayag: Sa katunayan,
bilang patunay, sa totoo lang, ang totoo, patunay nito, talaga, at tunay.

Halimbawa:

Si Vanessa ay nanalo ng Ulirang Kabataang Award, bilang patunay,


narito ang kaniyang sertipiko.

 Maaari ring gamitin ang mga tuwirang pahayag sa pagsipi ng mga


pahayag. Siguraduhing tiyak at totoo ang sisipiing pahayag at gumamit
ng mga panipi.

DI-TUWIRANG PAHAYAG

 Ang mga di-tuwirang pahayag ay naglalahad impormasyon batay sa


sariling opinyon o sa pag-spekula sa katotohanan.
 Ginagamit ang mga di-tuwirang pahayag kung hindi sigurado sa
katotohanan o katibayan ng impormasyong ilalahad.
MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG TUNASAN
KAGAWARAN NG FILIPINO
Centennial Ave, Tunasan, Muntinlupa City

 Mga salita at ekspresyon ginagamit sa di-tuwirang pahayag:


Marahil/siguro/baka sa aking palagay sabi ni/ng…, Maaaring totoo batay
sa/kay, ayon sa/kay…. Alinsunod sa/kay/ Daw, at Di umano.

Halimbawa:
Ayon kay, Pang. Aquino tayp daw ang kaniyang boss.

Mahalagang gumamit ng angkop na mga tuwiran at di-tuwirang


pahayag sa pagsasalaysay upang:
 malinaw na pag-unawa sa mensahe
 madaling matukoy ng katotoohanan sa opinyon
 madaling matukoy ng impormasyong may kasiguruhan at may
direktang pinagmulan sa impormasyong spekulasyon lang
 magkaroon ang manunulat ng pananagutan sa impormasyong
ihahayag
 magkaroon ng sanggunian sa impormasyong ihahayag upang muling
tingnan kung tama at totoo

TANDAAN!

Ang talumpati ni Nelson Mandela ay nagpapahayag ng mabisang paraan


sa [aglalahad ng impormasyon sa kultura ng isang bansa tulad ng Africa. Dito
inilalahad ang pagnanais ng mga taga-africa na matamo ang Kalayaan,
Karapatan at katarungan. Nakatutulong ang mga angkop na tuwiran at di-
tuwirang pagpapahayag sa paglalahad ng impormasyon sa pamamagitan ng
paghahatid ng malinaw na mensahe.

C. Paglalapat: Panlinang na Gawain


Panuto: Sa isang buong papel, sumulat ng isang maikling talumpati
tungkol sa “Sugpuin ang pandemya, Bayanihan ay mahalaga”na
ginagamitan ng mga tuwiran at di-tuwiang pahayag.

D. Pagpapahalaga

Bilang kabataan, mahalaga ba ang paggamit ng tuwiran at di-tuwirang


pahayag? Bakit at sa paanong pamamaraan mo ito magagamit?

E. Paglalahat

Stop the music!


Panuto: Magpapaikot ng bola ang guro habang kumakanta ang mag-
aaral. Kung kanino huminto ang bola, siya ang sasagot ng katanungan.

Tanong:
Bakit mahalaga ang paggamit ng tuwiran at di tuwirang pahayag sa
pagbibigay ng mensahe o impormasyon?.....
MATAAS NA PAARALANG PAMBANSA NG TUNASAN
KAGAWARAN NG FILIPINO
Centennial Ave, Tunasan, Muntinlupa City

IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag tapos ay sagutan ito sa
kuwaderno. Tukuyin kung ang bawat pahayag ay tuwiran o di-tuwirang pahayag.

1._____Ayon sa estadistika, mas marami ang bilang ng mga babae kaysa sa


mga allaking Pilipino.
2. ____Kapag nagpatuloy ang El Nino ay maaaring maging dahilan upang mas
maraming tao ang magutom.
3._____Isang katotohnan ang lumabas sa balita na naipasa na ang Freedom of
Information sa Senado.
4. _____batay sa kasabihan, walang malaking nakapupuwing kaya’t huwag
maliitin ang inaakalang maliit na kakayahan ng kapwa.
5._____Mayaman ang bansa sa kalikasan. Patunay nito ang magagandang
paligid o tanawin na dinarayo ng mga turista.

Susi sa pagwawasto:
1. Di-Tuwiran 2. Di-Tuwiran 3. Tuwiran 4. Di-Tuwiran 5. Tuwiran

V. KASUNDUAN

Panuto: Sa darating na holy week gamitin ito sa pagrerebyu ng mga aralin na


tinalakay sa ikatlong markahan. Upang maging handa ang bawat isa sa
pagsusulit.

Inihanda ni:

G. Darwin J. Serato
Gurong Mag-aaral

Sinuri ni:

G. Jose L. Pertes Jr.


Gurong Tagapagsanay

Binigyang Pansin ni:

Teresita A. Dunham Ed.D Ph.D


Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon

Nabatid ni:

G. Ador B. Querubin Ed. D


Punong-Guro IV.

You might also like