Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

LINGGO NG PALASPAS

SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON
Ngayon ipinagdiriwang ng Simbahan ang Pagpasok ni Kristo sa Jerusalem upang ganapin ang
misteryo ng Pasko ng Pagpapakasakit at Pagkabuhay na Muli.

“Ang Paggunita sa Pagpasok ng Panginoon sa Jerusalem ay gaganapin sa loob ng simbahan, ang


banal na gusali.” (CDW Dekreto, ika-25 ng Marso, 2020)

Iminumungkahi na gamitin ang “Ikalawang Paraan” ng Pagbabasbas ng Palaspas. Maaaring


ganapin ang Pagbabasbas ng mga Palaspas sa dambana, sa pintuan ng simbahan o sa patyo ng
simbahan. Ang mga tao ay mananatili sa kanilang mga upuan. Ang pari kasama ang ilang mga
tagapaglingkod ang kakatawan sa sambayanan para sa prusisyon.

Kapag ang mga nagsisimba ay sumusubaybay sa pamamagitan ng “online streaming,”


iginagawad ng pagbasa ng Banal na Kasulatan at Panalangin ng Pagbabasbas ang pagpapala sa
mga palaspas o ng kahit anong tangkay ng mga dahon. Hindi na kinakailangan ng
pagwiwisik ng banal na tubig sa pagbabasbas ng mga palaspas.

Sa Pagpapahayag ng Pagpapakasakit ng Panginoon, susundin natin ang nakaugalian na paraan


kung saan maaaring magtalaga ng mga lektor para sa iba’t ibang bahagi ng pagpapahayag ngunit
mananatili pa rin sa paring tagapagdiwang ang mga bahagi ng kay Hesus.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 4

ANG PAGGUNITA
SA PAGPASOK NG PANGINOON SA JERUSALEM

MARINGAL NA PAGPASOK
Kung hindi makapagpuprusisyon sa labas ng simbahan, ang paggunita sa pagpasok ng
Panginoon ay maaaring ganapin sa pasimula ng pangunahing Misa na may maringal na
pagpasok na idaraos sa loob ng simbahan.

Ang mga nagsisimba ay magdadala ng palaspas at magtitipon sa harap ng simbahan sa gawi


ng pintuan o kaya’y sa loob ng pasukan. Ang pari at ang mga tagapaglingkod kasama ng mga
kinatawan ng mga tao ay paroroon sa isang nababagay ng pook ng simbahan sa labas ng dako
ng dambana at lantad para mamalas ng lahat ang gagawing pagdiriwang.

Bilang pambungad, ang mga sumusunod na taludtod o anumang nababagay na awit ay aawitin.

Matapos ang awiting pambungad, habang nakatayo ang lahat, ang pari at ang mga tao ay
magkukrus. Ipahahayag ng paring nakaharap sa mga tao:

S a ngalan ng Ama
at ng Anak at ng Espiritu Santo.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
Babatiin ng pari ang mga nagsisimba ayon sa nakagawiang paraan:

Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo,


ang pag-ibig ng Diyos Ama,
at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo
nawa’y sumainyong lahat.

Sasagot ang mga tao:

At sumaiyo rin.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 5

PAMBUNGAD NA PALIWANAG
Makapagbibigay siya ng maikling pambungad na paliwanag bilang paanyaya sa lahat upang
ganap na makiisa sa pagdiriwang. Maaari niyang gamitin ang mga sumusunod o anumang
katumbas na pangungusap.

M ga minamahal na kapatid,
limang linggo na tayong naghahanda ng sariIi
para sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagpapakasakit
at Pagkabuhay ng Panginoon.
Sinikap nating unawain at tuparin
ang ating pananagutan sa Diyos at sa kapwa tao
alinsunod sa araI at halimbawa ni Hesukristo.
Kaisa ng buong Simbahan,
sinisimulan natin ngayon ang mga Mahal na Araw.
Si Kristo ay matagumpay na pumasok sa kanyang lungsod
upang tuparin ang kanyang gawain bilang Mesiyas:
ang magpakasakit, mamatay, at muling mabuhay
para sa ating kaligtasan.
Taimtim nating sariwain sa alaala
ang kanyang pag-aalay ng sarili para sa kapwa
at sundan natin siya
nang may buhay na pananampalataya.
Kaisa niya sa pagdurusa sa krus,
tayo nawa ay makahati niya
sa kanyang pananaig sa kamatayan
at sa kanyang bagong buhay.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 6

PANALANGIN NG PAGBABASBAS NG MGA PALASPAS


Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at ipahahayag niya ang isa sa mga sumusunod na
panalangin.

Manalangin tayo.
Tahimik na mananalangin nang saglit.

A ma naming makapangyarihan,
ang mga palaspas na ito
ay iyong pagpalain  at pabanalin
upang sa masaya naming pagbubunyi
sa Mesiyas na aming Hari
siya’y aming masundan
at sa pamamagitan niya’y aming sapitin
ang hindi magmamaliw na lungsod ng Jerusalem
na kanyang pinaghaharian
kasama mo at ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
o kaya:

A ma naming makapangyarihan,
pag-alabin mo ang pananampalataya
ng mga nananalig sa iyo
at ang mga kahilingan namin ay paunlakan mo
upang kaming may mga sanga ng palaspas
bilang parangal sa inaning tagumpay ni Kristo
ay mamunga para sa iyo
sa pakikiisa namin sa kanyang mabubuting gawain
kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Sasagot ang mga tao:

Amen.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 7

Iwiwisik ng pari ang banal na tubig sa mga palaspas nang walang anumang sinasabi.

Pagkatapos ng pagwiwisik, ipahahayag ang salaysay tungkol sa pagpasok ng Pangioon sa


Jerusalem ayon sa nasasaad sa isa sa apat na isinulat na Mabuting Balita. Ang gaganap ay ang
diyakono, o kung siya’y wala ay ang pari.

MABUTING BALITA
Taon
K Lucas 19:28-
40
Pagpalain ang dumarating sa ngalan ng Panginoon!

P. Sumainyo ang Panginoon.


B. At sumaiyo rin.

P.  Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos


B. Papuri sa iyo, Panginoon.

N agpauna si Hesus patungong Jerusalem.


Nang malapit na siya sa Betfage at Betania,
sa bundok na kung tawagi’y Bundok ng mga Olibo,
pinauna niya ang dalawang alagad.
Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon.
Sa pagpasok doo’y matatagpuan ninyo
ang isang bisirong asnong nakatali;
hindi pa ito nasasakyan ninuman.
Kalagin ninyo at dalhin dito.
Kapag may nagtanong kung bakit ninyo kinakalag,
sabihin ninyong kailangan ng Panginoon.”
Kaya’t lumakad ang mga inutusan
at natagpuan nga nila ang asno,
ayon sa sinabi sa kanila ni Hesus.
Samantalang kinakalag nila ito,
tinanong sila ng mga may-ari,
“Bakit ninyo kinakalag iyan?”
“Kailangan ito ng Panginoon,” tugon nila.
LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 8

Dinala nila kay Hesus ang asno,


at matapos isapin sa likod nito ang kanilang mga balabal,
siya’y pinasakay nila.
Nagpatuloy si Hesus sa kanyang paglalakbay,
at sa kanyang daraanan nama’y inilalatag ng mga tao
ang kanilang mga balabal.
Nang malapit na siya
– palusong na sa libis ng Bundok ng mga Olibo –
nagsigawan sa galak ang buong pangkat ng mga alagad
at malakas na nagpuri sa Diyos
dahil sa mga kababalaghang nasaksihan nila.
Ang wika nila,
“Purihin ang hari na dumarating sa ngalan ng Panginoon!
Kapayapaan sa langit! Purihin ang Diyos!”
Sinabi sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng karamihan,
“Guro, sawayin mo nga ang iyong mga alagad.”
Sumagot siya,
“Sinasabi ko sa inyo: kapag tumahimik sila,
ang mga bato na ang sisigaw.”
Sa katapusan, ihahayag niya:

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Magbubunyi ang lahat:

Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.


LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON 9

Kasunod ng Mabuting Balita, maaaring magbigay ng maikling homiliya o paliwanag.


Bago magsimula ang prusisyon, ang pari o sinumang tagapaglingkod ay
makapagpapahayag ng paanyaya sa ganito o katumbas ng pangungusap:

M ga minamahal na kapatid,
tularan natin ang mga tao na nagbunyi kay Hesus.
Halinang magprusisyon sa kanyang
karangalan taglay ang kapayapaan.
Ang mga tagapaglinkod at ang mga kinatawan ng mga nagsisimba ay maringal na
pangungunahan ng pari sa pagpuprusisyon sa loob ng simbahan patungo sa dako ng
dambana, samantalang inaawit ang taludtod na “Kay Kristo, Hari’t Mesiyas,” o
anumang naaangkop na awitin.

Pagdating ng pari sa dambana, ito ay hahalikan at siya’y paroroon sa kanyang


upuan, at magsisimula agad sa panalanging pambungad ng Misa na itutuloy ayon sa
nakagawiang paraan.

You might also like