Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

SLA No.

3: Tekstong Deskriptibo
Subject Code/Number:
Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Teacher:

I. Introduksiyon
Hindi miminsang itinuring na magandang destinasyon ang Pilipinas sa mga dayuhan at maging
lokal na turista. Hindi rin miminsang naririnig o nabasa ang napakahusay na paraan ng pagtangkilik ng
mga Pilipino sa mga bisita. Sa kabila ng maraming di magandang balita gaya ng krimen at katiwalian na
naririnig natin sa Pilipinas, hindi maikakaila na ang likas nitong kagandahan ay patuloy pa ring
humahalina sa karamihan.
Nasaksihan mo na ba a ng mga kagandahang ito? Marahil nga napuno ng mga larawan ang
memory card mo sa pagnanais na maiuwi kahit man lamang sa larawan ang kagandahang nasilayan mo.

Mga kasanayang pampagkatuto at mga layunin


1. Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng sariling halimbawang teksto
2. Natutukoy ang paksang tinalakay sa iba’t ibang tekstong binasa

Detalyadong kasanayang Pampagkatuto


1.Nakapagbibigay-opinyon ukol sa isang kaisipan
2. Nabibigyang-kahulugan ang tekstong deskriptibo

Pangkalahatang Paalala at Paunawa


Upang maisakatuparan an gang pagkatuto sa modyul na ito, kailangan mong alalahanin at gawin
ang mga sumusunod.:
1. Maglaan ng panahon at maaliwalas na lugar upang mabigyang-tuon ang pagtugon sa modyul na ito, at
siguraduhing walang makasasagabal sa iyong pag-aaral.
2. Sikapin na magkaroon ng sapat na kagamitan, mapagkukunan ng impormasyon o sanggunian tungo sa
ikatatagumpay ng pag-aaral ng modyul.
3. Tandaang ang karunungan ay para sa lahat ng tao ngunit matatamo lang ang higit na dunong sa taong
may pagsusumikap.
4. Laging sumangguni sa inyong guro at sa iba pang makatutulong para masagot ang mga tanong para sa
modyul na ito, at
5. Manalangin sa Diyos upang lagi kang pagpalain ng karunungan, sapat na lakas at iba pang
pangangailangan tungo sa ikapagtatamo ng hinanangad mong tagumpay.

II. Pagtatalakay
Ano ang kahulugan ng Tekstong Deskriptibo?

Ang tekstong deskriptibo ay nagtataglay ng mga kaukulang detalye sa katangian ng isang tao,
lugar, bagay, o pangyayari. Ang tekstong ito ay laging sumasagot sa tanong na “Ano“. Sa Tekstong
Deskriptibo, kahit hindi ka pintor ay makakabuo ka ng isang larawan gamit ang mga salitang
magmamarka sa damdamin at isipan ng mambabasa. Upang mailarawan at mabigyang buhay sa
imahinasyon ng mambabasa ang isang tauhan, tagpuan, bagay, galaw o kilos,karaniwang gumagamit ang
may akda ng pang-uri at pang abay. Gumagamit din ng manunulat ng iba pang paglalarawan tulad ng
panggalan, pandiwa, tayutay, pagwawangis, pagsasatao at iba pa. Ang tekstong deskriptibo ay laging
kabahagi ng iba pang uri ng teksto, partikular sa tekstong naratibo.

Dalawang uri ng paglalarawan sa Tekstong Deskriptibo


 Subhetibo – Nakabatay sa mayamang imahinasyon.
 Obhetibo – Ito ay may pinagbatayang katotohanan

Cohesive Devices sa Tekstong Deskriptibo


Ito ang ginagamit ng manunulat o naglalarawan upang magkaroon ng mas maayos at mas
malinaw na daloy ng kaisipan sa isang teksto. Ang cohesive devices ay kailangan upang mas higit na
makita at maunawaan ang kahulugan o kabuluhan ng bawat bahagi ng teksto.

Limang pangunahing Cohesive Device

1. Reperensiya (Reference)

Ang cohesive device na ito ay ang paggamit ng mga salitang maaring tumukoy sa paksang pinag-
uusapan.
Dalawang uri ng reperensiya
 Anapora
Kung kailangang bumalik sa teksto upang malaman kung sino o ano ang tinutukoy.

 Katapora
Nauna ang panghalip at malalaman lamang kapag ipinagpatuloy ang pagbabasa

2. Subtitusyon
Ito ay ang paggamit ng ibang salita na ipapalit aa halip na maulit ang salita.
Halimbawa:
Sa halip na “Nawala ko ang iyong ballpen. Palitan ko nalang ang iyong ballpen.” ay gagawing “Nawala ko
ang iyong ballpen, papalitan ko nalang ng bago.”

3. Ellipsis
Ito ay ang pagbabawas ng ibang parte ng pangungusap pero hindi mababawasan ang diwa at sapagkat
makakatulong na ang naunang pahayag upang matukoy ang nais iparating o ipahiwatig.
Halimbawa:
Bumili si Gina ng limang aklat at si Rina nama’y dalwa.

4. Pang-ugnay
Ang paggamit ng pag-ugnay na “at” para pag-ugnayin ang mga pangungusap, parirala o sugnay.

5. Kohesyong Leksikal

Ito ay mabibisang salita na ginagamit sa teksto para magkaroon ito ng kohesyon.

Dalawang uri ng kohesyong leksikal

A.Reiterasyon

Kapag ang ginagawa o sinasabi ay nauulit ng ilang beses. Ang reiterasyon ay may tatlonguri:

Pag-uulit
Pag-iisa-isa
Pagbibigay-kahulugan

B.Kolokasyon

Mga salitang karaniwang nagagamit nang magkapareha o may kaugnayan aa isa’t isa kaya pag nabangit
ang ang isa ay maari din maisip ang isa.

Halimbawa
nanay- tatay, guro mag-aaral,hilaga-timog, doctor-pasyente
puti-itim, Malaki-maliit, mayaman-mahirap
Gawain 1: ____________________________________________________________________________

A.Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Tukuyin kung ang may salungguhit na cohesive devices ay
isang anapora o katapora. Isulat sa patlang ang sagot.
____________1. Kapag nagpatuloy ang pag-alis ng mga doctor at narses patungong abroad, magiging
Advantage ito sa mga maiiwang doktor at narses.
____________2. Matutuwa sila, dahil makakakuha na ng mataas na suweldo ang mga maiiwang doctor
at narses.
____________3. Sinabi ni Sec. Sto. Tomas sa kanila ito at natuwa naman ang mga maiiwan.
____________4. Kapag tumaas na ang suweldo ng mga doktor at nars hindi na nila iisipin pang mag
abroad.
____________5. Hindi sila masisisi na umalis ng bansa dahil kakarampot ang kinikita rito ng mga doctor
at narses.

B.Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat sa patlang kung ang panandang leksikal o
sintaktik ay isang referens, substitusyon, elipsis,o leksikal .
_____________ 1. Nakita mo ba ang aksidente? Oo, nakita ko.
_____________2. Kailangang ingatan ang mga balotang gagamitin sa halalan. Talagang siyang
kailangan.
_____________ 3. Mayaman si Gil samantalang si Ding ay mahirap. Kapwa sila kandidato sa Student
Council.
_____________ 4.Matulungin si Anna sa mahihirap siya ay pinagpapala ng ating Panginoon.
_____________ 5. Maraming bumoto kay Ding ngunit bakit siya natalo?

Gawain 2: ____________________________________________________________________________

Sanggunian
 Feature Image Provided by FreePik.com
 Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Manila, Philippines. REX Book Store
 Pinagmulang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang teksto tungo sa Pananaliksik, Alma M. Dayag at
Mary Grace G. del Rosario
 http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_3__PAGPAPAHAYAG_SA_IBA_T.PDF
SLA No. 4: Tekstong Deskriptibo
Subject Code/Number:
Asignatura: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Teacher: Jembel A. Montalla

I. Introduksiyon
Hindi miminsang itinuring na magandang destinasyon ang Pilipinas sa mga dayuhan at maging
local na turista. Hindi rin miminsang naririnig o nabasa ang napakahusay na paraan ng pagtangkilik ng
mga Pilipino sa mga bisita. Sa kabila ng maraming di magandang balita gaya ng krimen at katiwalian na
naririnig natin sa Pilipinas, hindi maikakaila na ang likas nitong kagandahan ay patuloy pa ring
humahalina sa karamihan.
Nasaksihan mo na ba ang mga kagandahang ito? Marahil nga napuno ng mga larawan ang
memory card mo sa pagnanais na maiuwi kahit man lamang sa larawan ang kagandahang nasilayan mo.

Mga kasanayang pampagkatuto


1. Nakakukuha ng angkop na datos upang mapaunlad ang sariling tekstong isinulat
2. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa, at
daigdig

Detalyadong kasanayang Pampagkatuto


1.Nakapagbibigay-opinyon ukol sa isang kaisipan
2.Naksusulat ng isang sanaysay batay sa binigay na sitwasyon

Pangkalahatang Paalala at Paunawa


Upang maisakatuparan an gang pagkatuto sa modyul na ito, kailangan mong alalahanin at gawin
ang mga sumusunod.:
1. Maglaan ng panahon at maaliwalas na lugar upang mabigyang-tuon ang pagtugon sa modyul na ito, at
siguraduhing walang makasasagabal sa iyong pag-aaral.
2. Sikapin na magkaroon ng sapat na kagamitan, mapagkukunan ng impormasyon o sanggunian tungo sa
ikatatagumpay ng pag-aaral ng modyul.
3. Tandaang ang karunungan ay para sa lahat ng tao ngunit matatamo lang ang higit na dunong sa taong
may pagsusumikap.
4. Laging sumangguni sa inyong guro at sa iba pang makatutulong para masagot ang mga tanong para sa
modyul na ito, at
5. Manalangin sa Diyos upang lagi kang pagpalain ng karunungan, sapat na lakas at iba pang
pangangailangan tungo sa ikapagtatamo ng hinanangad mong tagumpay.

Mga Uri ng tekstong deskriptibo


 Paglalarawan sa Tauhan
Ang paglalarawan sa tauhan ay ang paglalarawan sa pisikal na anyo at katangian ng bibigyang buhay na
tauhan, ngunit hindi sapat na mailarawan lang ang itsura at mga detalye ng tauhan, sa halip dapat
maging makatotohanan din ang paglalarawan dito. Halimbawa, hindi sapat na sabihing “Ang aking
kaibigan ay maputi, matangkad, at may matangos na ilong”. Bagamat tama ang mga detalye sa
paglalarawang ito ay hindi ito magmamarka sa isipan at damdamin ng mambabasa. Ang mga salitang
tulad ng maliit, matangkad, maganda, bata, matanda at iba pa ay ang mga halimbawa ng
pangkalahatang paglalarawan, kung saan ito ay hindi nakakapagbigay ng mas malinaw o mabisang
imahe sa imahinasyon ng mambabasa. Sa paglalarawan ng tauhan dapat mabubuo sa isipan ng
mambabasa ang anyo, gayak, amoy, kulay at iba pang mga katangian sa pamamagitan ng paggamit ng
pinaka angkop na mga pang-uri. Mahalaga ding mabigyan ng paglalarawan ang mga kilos ng tauhan para
mas lalong magmarka sa mambabasa ang mga katangiang taglay niya, halimbawa ay kung paano sya
maglakad, tumawa, makipag-usap at iba pa. Ang pinaka mahusay na paglalarawan sa tauhan ay yaong
nabubuhay hindi lang sa pahina ng akda kundi sa puso at isipan ng mambabasa. Kahit na ang tauhan ay
produkto lamang ng mayamang imahinasyon ng akda, hindi sila basta makakalimutan.

Si Jet, ang panganay na anak na babae, ay medyo naging maunlad na sana ngunit ang kanyang asawa
ay naospital. Nais sana niyang bigyan ang kanyang lolo ng bagong Bibliya na may ginituang hawakan,
samantalang ang ibang mga apo ay magbibigay rin ng mga maliliit na regalo. Hindi kinakailangan ng
planong ito ng malaking halaga na maaari nilang pagsisihan na bayaran sa bandang huli.

-Ang Aginaldo ng Lolo sa Kanyang Kaarawan


ni Herman Heijermans, Jr.

Si Dirk ang kasunod. Siya ay mas nakababata ng anim na taon sa kanyang ate. Tatlo pang mga
kapatid na lalake at babae ang humiwalay na nang ang kanilang ina ay nabubuhay pa. Ang
paniniwala ni Dirk ay dapat lamang ituloy ng kanyang lolo ang pagbabasa ng lumang Bibliya
na lagi nitong binabasa kasama ang kaniyang asawa. Bukod dito, may iba pang sariling balak
si Dirk. Kung lahat sila ay magbibigay ng regalo, dapat na ito ay pinagkasunduan ng lahat.
Mayroon kasi siyang nakita na napakagandang silya sa isang tindahan ng gamit-pambahay na
kung saan ang halaga nito ay binawasan ng dalawampung porsiyento. Ilang piling kataga ang
maaaring ialay sa pagdaan ng panahon ng pamamahinga ng Lolo dito. Bukod dito, ang silyang
ginagamit niya sa pagbabasa ng pahayagan sa may bintana ay sira na: ang mga ispring nito ay
nakausli na.

-Mula sa “Ang Aginaldo ng Lolo sa Kanyang Kaarawan “


Ni Herman Heijermans, Jr.

Si Marianito ang pinakakilabot na bata sa buong kapitbahayan. Ang pangalan niya ay


singkahulugan ng bandalismo. Wala ni isang bata ang nakaligtas sa kaniyang kapilyuhan sa
buong parihabang bloke kung saan kami ay nakatira. Lagi siyang naghahanap ng gulo. Walang
araw ang nagdaan na hindi nagreklamo ang isang galit na galit na magulang sa kaniya.

- Mula sa “Pilyo “
ni Leticia F. Fariñas
 Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon
Ito ay bahagi rin ng paglalarawan sa tauhan subalit ito ay nakatuon lamang sa damdamin o emosyong
taglay ng tauhan. Sa pamamagitan ng paglalarawang ito, madadama ng mambabasa ang mga emosyon
ng tauhan.

May kumurot sa aking laman. Pilit kong nilunok ang panunuyo ng aking bibig. Saka ako
napabuntunghininga. Nararamdaman kong may nagpupumilit bumalong sa aking mata. Ngayon ko
lamang nadamang kilala ko ang silid ng aking ama; dati-rati ko nang napapasok ang kapirasong pook
na ito.

- Mula sa “ Dayuhan”
Ni Buenaventura S. Medina

Kumikinig ang kanyang katawan sa poot. Sa naglalatang na poot. At nang Makita muling aangat ang
kanang paa ni Ogor upang sipain niyang muli, ay tila nauulol na asong sinunggaban niya iyon. Niyakap.
Kinagat. Mariin…

Bumagsak ang nawalan ng panimbang na si Ogor. Nayakap sila. Pagulong-gulong. Hindi siya bumitaw.
Nang siys’y mapaibabaw, sinunod-sunod niya- --dagok, dagok,dagok,dagok. Pahalipaw. Papaluka. Papatay.

-Mula sa Impeng Negro


Ni Rogelio R. Sikat

 Paglalarawan sa Tagpuan
Ang paglalarawan sa tagpuan ay ang paglalarawan sa tamang lugar at panahon kung saan at kailan
naganap ang akda.

Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalakit maliliit na lansangan, dumantay sa
mukha ng mga taong pagal sa paghanap ng lunas sa mga suliranin sa araw-araw. Ngunit ang gabi ay waring
manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag ng mga
gusali. ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay inihamig ng
mabangis na liwanag ng mga ilaw-dagitab.

-Mula sa "Mabangis na Lungsod"

ni Efren R. Abueg
At sa kaniyang diwa ay naguhit ang larawang binubuo ng mga pagsalaysay ng social worker. Walang dakong
may lupang tuyo na maaaring maayos na makaraan. Walang madaraanan kundi ang andamyong kahoy. Ang
tawirang bato. Walang makikita sa paligid kundi putik. Burak. Mamasa-masang lupang natatambakan ng
basura. Ang karaniwang barung-barong,tulad ng tinitirhan ni Paz Cruz ay walang iniwan sa isang malaking
kahon, na pintuan at siya ring bintana. Matigas na karton ang tabiki o kahoy mula sa mga kahon ng
mansanas at kahel. yerong butas butas na nabibili sa magbubulok. Ang sahig ay silat-silat na kahoy na halos
nakadikit sa pusali. Sa kapirasong paligid niyon ay nagaganap ang lahat ng dula ng bahay, pati ang pasaglit-
saglit na pag lasap ng kuwalhatian ng pag ibig.
-Mula sa "Canal dela reina"
ni Liwayway A. Arceo

Sa isang maliit na dampang nakatayo sa may tabi ng munting ilog na tinatakbuhan ng malinis at malinaw
na tubig nakatira sina Irene. Ang maliit na dampang yaon ay nalilibiran ng isang bakurang sa loob ay may
mga sarisaring pananim na sa isang maayos npanulukan ay may malalagong sampaguita na dahil sa
kagaanan di umano ng kamay ng nag aalaga ay kinapipistahan ng masaganang bulaklak.

Mula sa "Ang Dalaginding"

ni Inigo Ed. Regalado

 Paglalarawan sa mahahalagang bagay


Ito ay ang paglalarawan sa isang napaka-halagang bagay sa akda. Sa maraming pagkakataon, sa isang
mahalagang bagay umiikot ang mga kaganapan sa akda at ito rin ay nagbibigay ng mas malalim na
kahulugan.

Sa tuwing itatayo ko ang krismas tri kapag nalalapit ma amh kapaskuhan ay parangg lagging
may kulang, pilit kong dinadagdagan ng mga palamuti. At hindi basta-basta palamuti, yung
mamahalin. Pagkatapos ng mamahaling bola, nang sumusunod na taon ay magagandang bulaklak
naman ang binili ko. Maraming pulang poinsettia na nakapaligid sa krismas tri.” Ang ganda”. Ang may
pagkamanghang sabi ng bawat nakakikita. Malalaki at makikintab na pulang bol, malalaki at
magagandang pulang poinsettia…ah! Pero bakit ba tila may kulang pa rin?

Mula sa “ Ang Aking Krismas Tri”

ni Mary Grace Del Rosario


Ang puno ng ginto ay dinumog. Hwak ang matatalim na bakal, tinaga, tinapyas, binali-bali.
Pinagtutuklap ang puno. At sila’y nag-agawan, natutulakan, nasasakitan na, nagsisipaan,
nagkakabalian ng buto

Patuloy sa pagtaas sa pagyabong ang puno; patuloy rin ang pagkaubos ng katawan ng puno.
Bumibigat na ang yumayabong at patuloy na tumataas na puno.

Mula sa “ Isang Matandang Kuba sa Gabin ng Canao”


ni Simplicio P. Bisa

Gawain 1:_____________________________________________________________________________

Maganda pa rin ang buhay sa kabila ng mga pagsubok at hindi magagandang pangyayari sa
paligid. Piliin mong hanapin ang kaganhan ito. Bumuo ka ng tekstong deskriptibong
maglalarwan sa mabubuti o positibong katangian ng iyong sarili, pamilya, komunidad, bansa, at
daigdig.

1. Sa iyong sarili
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
2. Sa iyong pamilya
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
3. Sa iyong komunidad
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. Sa ating bansa
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
5. Sa ating daigdig
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Gawain 2______________________________________________________________________

Ikaw ay intern sa isang advertising agency. Ang ahensiya na ito ay kinokonsidera ng


Department of Tourism upang bumuo ng travel brochure na nasusu;at sa Filipino at naglalayong
umakit ng mga local na turista. Ikaw ay inatasan ng iyong agency upang bumuo ng paglalarawan
para sa tatlong magagandang tanawin; isang matatagpuan sa Luzon, isang Visayas, at isa sa
Mindanao na isusumite sa Department of Tourism. Ang husay sa pagkakasulat at nakaaakit na
paglalarawan sa mga nabanggit na lugar, paggamit ng angkop na dato ukol sa lugar, at paggamit
ng angkop na cohesive devices o kohesyong gramatikal ang magiging batayan sa pagpili kaya’t
paghusayan mo sana para mapili ang bubuuin mong tekstong deskriptibo. Sa bawat piraso ng
bondpaper ay idikit moa ng larawang mapipili mo at sa ibaba nito’y isulat moa ng paglalarawan.

Tatayain ang teksto gamit ang mga pamantayang:

Pamantayan Napakahusay Mahusay Katamtaman Pagsasanay pa


(20) (15) (10) (7)
Husay ng Pagsulat at
Paglalarawan
Paggamit ng Angkop
na Datos patungkol
sa Lugar
Paggamit ng Angkop
na Cohesive Devices
o Kohesyong
Gramatikal

Sanggunian
 Feature Image Provided by FreePik.com
 Crizel Sicat-De Laza 2016. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Manila,
Philippines. REX Book Store
 Alma M. Dayag at Mary Grace G. del Rosario .2016.Pinagmulang Pluma Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang
teksto tungo sa Pananaliksik,
 http://lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_3__PAGPAPAHAYAG_SA_IBA_T.PDF
 Amur M. Asuncion at Elenita C. Mendoza 2017.Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t ibang teksto tungo sa
Pananaliksik,

You might also like