Filipino Week Theme v3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Rationale

(Filipino Week 2024)


“Kamanlalakbay: Ang Wika Bilang Behikulo ng
Sambayanan sa Isang Inklusibong Maka-Pilipinong Paraan
ng Pakikipagtagpo sa Diyos.”

Idineklara ni Papa Francisco ang taong 2024 bilang Taon ng Panalangin bilang paghahanda sa
susunod na taon ng Iubileong may temang Peregrinantes in Spem (Pilgrims of Hope). Ito ay
magsisilbing paalala sa lahat na “ang pagnanasa para sa Diyos ay naka-ukit sa puso ng tao… at
ang Diyos ay walang sawang inilalapit ang tao sa Kanya” (Cf. CCC 27) kaya, ang ating pagtugon
sa panawagang ito ay ang ating pananampalatayang kalakip ng panalangin. Hindi maikakailang
ang bawat taong sumasampalataya ay nagdarasal sa pamamagitan ng kanilang personal na
pakikipag-ugnayan sa Diyos at ito ay nagbibigay sa kanila ng tsansa na makabuo ng banal at
matalik na buhay espiritwal. Gayunpaman, sa sulat ni San Pablo sa mga taga-Roma ay kaniyang
inilarawan ang ating disposisyon sa pananalangin. Ayon sa kanya, “hindi natin alam kung paano
tayo dapat manalangin” (Romans 8: 26) dahil kung minsan ay nararamdaman natin na ang ating
mga panalangin ay pawang mga walang saysay na salita at waring hindi pinapansin ng Diyos ang
ating mga daing. Ngunit nawa’y mapanatag tayo na ang ating mga pagsamo sa Kanya na palagi
tayong inaanyayahan na maagtanong, maghangad at kumatok sa Kanyang pintuan (Cf. Mateo
7:8). At kaya, katulad ng mga Apostoles, atin ding tawagin si Hesus upang “turuan tayong
manalangin” (Lukas 11: 1).
Para sa mga seminarista, “ang puso ng espiritwal na paghuhubog ay ang personal na
pakikipag-isa kay Kristo, kung saan ito ay pinagbubunga at pinapatibay sa pamamatigan ng
taimtim na pananalangin” (RFIS, 101) kung saan ito ay napangyayari sa tulong ng sama-samang
pagdiriwang ng liturhiya at debosyon sa mga Santo at sa Mahal na Birheng Maria, Patrona ng
seminaryo at ng Pilipinas. Tunay nga na ang malalim na pakikipagkaibigan kay Hesukristo ay
kinakailangan upang makasunod sa kalooban ng Diyos sa buhay pagpapari. Kaya ang klase ng
St. Thomas More ng Kagawaran ng Pilosopiya ng Seminaryo Major ng Immaculada Concepcion
ay pangungunahan ang selebrasyon ng Linggo ng Filipino 2024 sa darating na buwan ng Agosto
na may temang, “Kamanlalakbay: Ang Wika Bilang Behikulo ng Sambayanan sa Isang
Inklusibong Maka-Pilipinong Paraan ng Pakikipagtagpo sa Diyos.” Para sa tema ng taong ito,
nilalayon nito ang pagpapahalaga sa Lingguwaheng Filipino bilang behikulo sa pagpapalalim ng
pakikipagkaibigan ng bawat seminarista sa Diyos at sa kanyang kapwa. Ang linggo na ito ang
magsisilbing paalala sa komunidad na ang pagyakap sa sariling wika ay makatutulong sa atin na
pahalagahan ang buhay pananalangin.
Naipapamalas ng mga Kabataang Pilipino ang kanilang pagmamahal sa Diyos sa
pamamagitan ng pagmamahal sa pamilya, na nagpaparanas sa atin ng kaisahan, katatagan, at
kaligtasan; pagpapahalaga sa salu-salo, na siyang pangunahing paraan ng ating pagkilala sa isa’t
isa; gayundin naman, bilang isang bansang hinulma ng mga sakit at dusa ng masalimuot na
nakaraan, tayo ay bininyagan sa dugo at pawis ng ating mga bayani upang magkaroon tayo ng
malalim at positibong pagpapahalaga sa pagdurusang inalay ng ating Panginoong Hesukristo sa
kalbaryo. Ang pagtanaw nawa natin ng utang na loob sa mga bayani ng bansa at ng Simbahan ay
magtulak sa atin upang ialay din ang ating buhay alang-alang sa ating mga kaibigan. Kaya bilang
isang “pueblo amante de Maria,” papaghariin nawa ng Mahal na Ina ng Diyos, ang Birheng
Maria ang espiritu ng pagkakaibigan sa mga gawain at kompetisyong magaganap nang sa gayon,
ang mga oportunidad na maipamalas at linangin ang talento at kaalaman ng bawat isa ay
magdulot ng kabutihan hindi lamang sa sarili kundi para sa lahat.

You might also like