Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Sa kadiliman ng mga alaala ng nakaraan,

Isang pinunong Lakan – hiwa'y nadatnan.


Tapang, sa bawat laban,
Taglay ang hiwaga ng kanyang mukha't yaman.

Maligayang Pagdating!
Ako si Brian Joy Prila, Anak ni Lakan Laking Hiwa, Langkiwa!

Ito'y pugad ng mga magigiting na organisasyong pangkabataan na handang


maglingkod, magsikap, at makibaka patungo sa isang makatarungan at maunlad na
kinabukasan.

Sa bawat kanto, makikita ang mga lingkod Barangay na hindi lamang mga tauhan,
kundi mga mabilis at progresibong alagad ng serbisyong aalalay loob at labas ng
Barangay.

Kainan at tindahan?, Marami dito samin nyan! tindahan at komersyo na


naglalarawan ng kalakaran ng buhay, sa mga daana’y nagbibigay ng kulay , Hindi
lamang ito mga establisyimento, kundi patotoo ng sipag at determinadong mga
tao. Lokal na ekonomiya? Dito sa aming barrio, mahalaga!

Langkiweno, Tayo ang tunay na turismo, Ng tahanang ito. Tayo ang mga
tagapagtaguyod ng tradisyon at kultura, haligi ng edukasyon at kaalaman, bantay
ng kapayapaan at kaayusan, at mga tagapag-ambag sa ekonomiya at kaunlaran.

Pundasyon natin ang isa't isa. Sa pagtutulungan at pagkakaisa, walang anumang


hamon ang hindi natin kinaya. Managkiwa - Mamamayang nagkakaisa ng Barangay
Langkiwa. Pinagbuklod ng pagkakaiba-iba, pinagtibay ng pagkakaisa.

Lagi't lagi kitang mamahalin ng may tuwa, Langkiwa.

Experience Biñan, Experience Langkiwa.

You might also like