Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

BRGY 10, San Francisco St.

Dolores E. Samar
Pebrero 27, 2023

Mahal kong Carina,

Nais kong pasalamatan ka sa lahat ng mga nagawa mo para sa'kin at sa


mga payo na palagi mong sinasabi sa'kin. Alam kong minsan ay mukha akong
naiirita o nagdadabog dahil sa iyong pagiging strict, ngunit sa bawat sandali,
lagi mong pinapaalala sa akin ang kahalagahan ng disiplina, at paguunawa.
Napakabuti mong lola dahil hindi ka lang nagtuturo sa akin ng mga tuntunin sa
buhay, tinuturoan mo rin ako kung paano ako maging independent kung
mangyari man ang di inaasahan na kunwari wala na akong kasama tumanda o
mawala ka na sa piling ko.

Alam kong mahirap ang trabaho ng isang lola, lalo na't sa katulad ko na tamad
at maingay. Hindi ko makakalimutan ang mga pagkakataon na pinakinggan mo
ako sa tuwing may mga problema ako na hindi ka manlang nagsasawa sa
bawat kwento ko. Hindi ko rin makakalimutan ang palagi mong paghahanda ng
pagkain bago pumasok sa school at pagbibigay ng pera na patago baka
pagalitan pag malaman na nagbibigay ka ng pera sa'kin. Pasensiya pala sa
pagtatakas ko noong pinapatulog mo ako noon para lang makalaro sa labas,
yan siguro ang rason bat di ako matangkad ngayon.

Maraming salamat, Lola, sa walang sawang pagmamahal, pag-aaruga, at pag-


iintindi. Walang salita ang makakapagpahayag kung gaano ako
nagpapasalamat sayo at sa mga nagawa mo para sa akin. Balang araw, pag
ako ay makapagtapos ibibigay ko ang mga bagay na hinahangad mo ngayon at
wag kang magalala dahil pagsisikapan ko pa ang aking pagaaral.

Nagmamahal,
Jacie

You might also like