Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V – Bicol
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF TABACO CITY

MENSAHE
“Ang kinabukasan ay para sa mga naniniwala sa kagandahan ng
kanilang mga pangarap”- Eleanor Rosevelt.

Maligayang bati sa mga nagsipagtapos ng Batch 2024! Ang okasyong


ito ay patunay na kayo ay nagpursige upang makamit ang tagumpay
para sa magandang kinabukasan na inyong pinakamimithi.

Alam ko na ang araw ng inyong pagtatapos ay isang makabuluhan at


hindi makalilimutang bahagi ng inyong buhay. Ito`y araw upang
ipagdiwang ang bunga ng inyong pagsusumikap, pagtitiyaga, pagtitiis at pagkamatatag.

Ang mga taon na ginugol ninyo sa paaralan ay isang kaganapan na tatatak sa inyo habang
ginagawa ang susunod na hakbang patungo sa panibagong buhay. Ang pinaghalong pait sa mga
pagsubok at tamis sa tagumpay na nangyari at maging ang mga naranasang kapighatian sa
mga sandalling nais mo nang bumitiw ngunit nanaig ang iyong pag-ibig na magwagi ay mga
patunay kung sino kayo noon, kung sino kayo ngayon, at kung magiging sino kayo balang araw.

Sa`yong pagtatapos sa araw na ito, sigurado akong handa na kayong gawin ang susunod na
hakbang. Hayaan na ang diwa ng MATATAG: Malasakit, Talino, Tatag, Ambisyon at Galing ay
tumatak sa inyong puso at isapan.

Nawa'y dalhin ninyo ang sulo ng mga pagpapahalagang iyan na ibinigay sa inyo ng inyong
paaralan upang magbigay-liwanag sa landas na tatahakin, patungo sa hinaharap hindi lamang
para sa sarili kundi para sa lahat nang nakapalibot. Magpatuloy kayong puno ng pag-asa ang
puso. Huwag na huwag kayong titigil sa paghahangad ng magagandang layunin at pangarap.
At pakatandaan na lumingon sa mga yapak na ginawa mo at hayaang bigyan kayo nito ng
kapangyarihang makamit ang magandang buhay.

Sa puntong ito, nararapat lamang na pasalamatan natin ang ating mga magulang, mga guro, at
mga kamag-aral na umagapay sa atin upang makamit natin ang ating tagumpay.

Patuloy tayong magsumikap upang abutin ang ating pangarap. Maging matatag sa lahat ng
oras. Kasiyahan nawa tayo ng Poong Maykapal.

FATIMA D. BUEN, CESO VI


Tagapamanihala ng mga Paaralan sa Sangay

San Lorenzo, Tabaco City 052-820-6013

tabaco.city@deped.gov.ph DepEd SDO Tabaco City

You might also like