Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SCENE I.

TAHANAN NI LIGAYA

Setting- Tahanan ni Ligaya


Characters- Edgar (Tatay)- SING or DANCE
Mira (Nanay)
Props- Hapagkainan

[ENTRY]

[Maglalakad si Ligaya habang sinasayaw at kinakanta ang itinuro niyang sayaw


kay Hector]

[Tatakbo sa kaniya ang dalawa niyang kaklase]

Kaklase 1- “Ligaya, Ligaya nag-aaway nanaman ata sina Mang Edgar at Aling Mira.”
Kaklase 2- “Ang ingay nanaman sa bahay niyo Ligaya. Mukhang sa’yo nanaman galit si
Mang Edgar!”

Ligaya- “Oh? Baka namiss lang ako ni tatay Edgar at ni nanay. Kayo naman oh hahaha!
Sige na umuna na kayo”

Kaklase 1 at 2- “ Ha? Oh sige ikaw ang bahala.”

[Maririnig niya ang mga ingay ng mga itinatapon na gamit mula sa kanilang
bahay, at tatakbuhin niya ito]

Edgar- “Ano ba naman itong buhay na ito, Mira? Hindi ko na nga mapagkasya ang
kinikita ko sa pagkain nating dalawa, ipipilit mo na naman sa’kin ang pangtustos diyan sa
anak mo!”

Mira- “ Eh- pasensya na, Edgar, masyado kasing matumal ang benta natin sa palengke
eh, gusto ko lang naman kasing mapasaya si Ligaya sa kaarawan niya.”, NATATAKOT
AT MAHINAHONG sagot ni aling Mira kay Mang Edgar.

[ Tumatakbong pagpasok ni Ligaya sa bahay nila]

Ligaya- (PABIRONG pagbabanggit) “Inay, Itay hindi pa man lang ako pumapasok ng
bahay, rinig na rinig ko na naman mula sa labas ang mga ingay ng gamit na nagliliparan
at lakas ng hiyawan ninyo.”

[Lalapitan ni Edgar si Ligaya at PASIGAW niyang sasabihin…]

Edgar- “Anong Itay? Itayin mo ‘yang mukha mo! Para lang ipaalala ko sa’yo, ha?

[DUDURUIN ni Mang Edgar ang ulo ni Ligaya]

Hindi kita anak! Kung alam ko lang na magiging dagdag ka lang sa palamunin namin ng
nanay mo, edi sana itinakas na kita sa nanay mo noong pinipilit kang kunin ng magaling
mong ama!

[Maggiging matamlay ang expression ni Ligaya at pabulong na sasambitin ang


pangalan ng kaniyang ina na para bang humihingi ng tulong o proteksyon]

Ligaya- “Eh ano po bang ginawa ko sa inyo? Bakit ba ho nagagalit nanaman kayo
sa’kin?

“Oh anong tinitingin-tingin mo sa nanay mo? ‘wag niyo nang tangkain pang kalabanin
ako.
[Ituturo niya ang mag-ina at may boses ng pagtatangka]
“Sa oras na may marinig akong salitang galing sa inyo, marami pa naman kayong
mahihigaan, malawak ang kalsada,”

[Dahan-dahang lalapit si Edgar kay Ligaya]

“Hindi ako mag-aatubili na magbawas ng tao sa pamamahay ko!”

[Hahawakan niya sa pisnge si Ligaya]

[ BOSSY SONG at INTERPRETATIVE DANCE ]

Mira- “Anak pasensya ka na. Magpahinga ka na lang muna”

[End of the 1st Scene]


SCENE II.
ANG PAG-AMIN NI HECTOR KAY LIGAYA

Setting - Classroom
Characters - Lahat ng casts as ESTUDYANTE.
3 na kaklase
Ligaya
Hector
Props - School Chairs
School Bags

[ENTRY]
[ Interpretative Dance ng Awit ng Kabataan by Rivermaya 2. 23 minutes]

[Habang aktibo ang buong klase sa pag-aaral, si Ligaya lamang ang tila ay
matamlay]

[End of Song]

[May matitira lamang na limangng kaklase ni Ligaya na nagtatagisan sa pagsayaw


sa tiktok]

Jaime- “Hoy Gemma, Isle, Sobel, Hintayin niyo naman ako. Nag-aayos lang ako ng
gamit ko. Wait niyo ako ha?!

Sobel- “Jusko, bilisan mo na diyan Jaime. Tinatawag na ng kama ang katawan ko, gusto
ko nang umuwi!”
Gemma- “Ako din, nagangawit na ang likod ko”

Sobel- “ Nako, sinabi niyo pa. Nangangawit na nga ang kamay ko kakataas ng kamay sa
dami ng parecitation kanina e”

[Papasok sina Buluntoy at Eddie sa eksena]

Eddie- “Ha? Eh hindi ko nga nakita ang kamay mong nakataas sa kahit anong subject
natin kanina e. Papanong mangangawit ‘yan Sobel?!”

Buluntoy- “Pre, papanong magkakaroon ng lakas ng loob ‘yan si Sobel magtaas ng


kamay eh maasim kili-kili niyan eh HAHAHAHA!”

[Magtitinginan sina Sobel, Isle, at Gemma]

Sobel- “Ikaw masyado kang fake news. Kahit amuyin mo pa ‘to. Mabango ‘yan! Mas
mabango pa kesa sa pangalan mo!”

Eddie- “Ha! bakit ano namang problema sa pangalan niya,? Eh ang ganda-gand ng
pangalan niyan---- BERNALDO.”

Sobel- “ Oo nga. Maganda ang Pangalan pero umasim naman sa palayaw, BULUNTOY!
Eh parang maasim na Putot----”

[Papasok si Jaime sa usapan]

Jaime- “Sinong maasim? Anong maasim? Kayo ha, MGA GREEN HAHAHA!
Kakaganiyan niyo baka mapagkamalam ko kayong baliw. Kapag kayo
napagkamalan kong baliw, hindi ko kayo mababalatohan ng kotse at pera.”

[ Lalapit si Gemma at Sobel kay Jaime]

Gemma- “Jaime, may pera at kotse ka ba?”

Buluntoy- “Nako sabihan niyo ‘yang si Jaime. Nananaginip ka ata, Jaime e?”
Jaime- “Hindi na ngayon, pero kagabi nanaginip ako. Sumikat daw ako sa isang platform
ng media. Hindi ko lang matandaan kung saan at anong klase noon pero
sumasayaw raw ako! Tapos doon nag-umpisa ang pagsikat ko, Tumaas daw una
ng 5k views!”
Eddie- “Nako Jaime e baka naman para kang hinahapay na kawayan diyan sa napangarap
mo na ‘yan ha? HAHAHA”

Jaime-“Hindi. Umabot nga raw ng 5k views tapso mga Ganito ang banatan at tugtugan e”
[Lagabog Song]

Isle- “Ha? Jaime nanloloko ka ata. E mukhang mas matataasan pa namin ikaw ng views
nitong si Sobel e. Tabi-tabi, ganito ang ala 5k views”
[Patropiko Song]

Eddie- “ ‘Yan na ba yung magpapasikat senyo? Eh tatalunin pa kayo ng pambato ko e,


Buluntoy banatan mo nga. Dapat mga basic steps lang ‘yan e. Watch ang learn”

Buluntoy- “Shhh. Everybody istep aside please. Music.”


[Any tiktok Song]

Eddie- “Ohh ang galing mo, Buluntoy!”

Jaime- “Mas para kang ihinahapay na kawayan! HAHAHAHA

[Magtatawanan sila habang inaasar si Buluntoy.]

Buluntoy- “ Bakit kayo nagtatawanan? Gano’n ang mga steps. Basic lang pero malakas
ang dating.

[Ide-demonstrate ni Buluntoy ang mga steps na sinasabi niya]

“Side ka lang dito,”

Gemma- “Si Ligaya!”

[Makikita nila Gemma si Ligaya na dumaan at ituturo nila ito]

“Side ka sa kabila, tapos boom, boom, boom”

Isle- “Hoy Buluntoy, anong ginagawa mo? Tara nga kay Ligaya”

[ Lalapit sila kay Ligaya]

5 kaklase- “Ligaya! San ka papunta?”

Ligaya- “Oh ano pang ginagawa ninyo rito? Hindi ba’t kanina pa ang uwian natin?”

Gemma- “Pauwi na rin kami. Eh kaso, pinagang pasikatan kami ne’tong si Jaime, eh
shempre hindi kami papatalo hahahaha.”

Buluntoy- “ At kami rin! Hindi magtatalo. Ligaya, gusto mo bang makita ang mga basic
steps ko?”

[ Kaagad na sasagot ang mga babae. ]

3 Babae- “’wag na!!”

Sobel- “ Tumigil ka na nga Buluntoy! Baka mas maging matamlay itong si Ligaya dahil
sa’yo.”
Jaime- “ Eh bakit nga ba ang tamlay mo these past few days, Ligaya?
Buluntoy-

Eddie- “Tama na nga pre hahahahah. Eh ‘san ka pa ba pupunta Ligaya? Uuwi ka na rin
ba? Tara na! Sumabay ka na sa’min!”

SUBSCENE
TAHANAN NI LIGAYA

SCENE III.
DEPRESSION.
INTERPRETATIVE DANCE

SCENE IV.
PAGKALULONG
(Stigma on depression)
Alapaap song

SUBSCENE
TANAN-REJECTION

SCENE V.
PRESENT TIME.

OUTRO.
Lesson of the Story

You might also like