Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

National Capital Region

Division of City Schools


Caloocan City
AROMAR DISTRICT
KAUNLARAN ELEMENTARY SCHOOL

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT


MTB-MLE 3
Pangalan: ___________________________________________Guro: ____________________________
Baitang / Pangkat: __________________________________ Iskor: ________________________

Pangkalahatang Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra
ng tamang sagot.

Para sa bilang 1-8: Alamin kung aling bahagi ng pahayagan ang inilalarawan.
1. “Super Bagyong Ulyses, Nanalasa!” Saan matatagpuan ang buong detalye ng balitang ito?
A. Editoryal C. Palakasan
B. Lathalain D. Pangunahing Balita
2. Gustong malaman ni Kuya Brent ang balita tungkol sa paborito niyang larong basketball.
Ano ang bahagi ng pahayagan na dapat niyang basahin?
A. Editoryal C. Palakasan
B. Negosyo D. Pangunahing Balita
3. Katatapos lang ni Bianca ng pag-aaral. Gusto niyang alamin kung paano siya makakahanap
ng trabaho. Anong bahagi ng pahayagan ang kaniyang babasahin?
A. Negosyo C. Obituwaryo
B. Anunsyo Klasipikado D. Pangunahing Balita
4. Gustong maibahagi ni Mark ang kaniyang opinyon tungkol sa kasalukuyang pangyayari sa
bansa. Aling bahagi ng pahayagan ang kaniyang babasahin?
A. Libangan C. Editoryal
B. Palakasan D. Pangunahing Balita
5. Magtatayo ng negosyo ang magulang ni Beatriz, anong bahagi ng pahayan ang kailangan
niyang basahin?.
A. Negosyo C. Libangan
B. Lathalain D. Anunsyo Klasipikado
6. Umalis ang kapatid ni Mike. Naiinip na siya sa paghihintay. Naisip niyang magbasa ng
komiks sa pahayagan. Saang bahagi ng pahayagan niya ito matatagpuan?
A. Obituwaryo C. Lathalain
B. Libangan D. Editoryal
7. Namayapa na ang lolo ni Miguel. Nais nilang mailathala ang mga impormasyon tungkol sa
araw at lugar ng libing nito. Saang bahagi ng pahayagan nila ito maaaring mailathala?
A. Obituwaryo C. Lathalain
B. Libangan D. Editoryal
8. Naatasan si Erika at ang kaniyang grupo na magtala ng mahahalagang balita. Saang bahagi
ng pahayagan ito makikita?
A. Lathalain C. Libangan
B. Pangunahing Balita D. Anunsyo Klasipikado
Para sa bilang 9-16: Piliin ang angkop na pandiwang dapat gamitin sa pangungusap batay sa
simuno.
9. Si Michelle ay ___________ ng mahahalagang impormasyong naririnig niya sa online class.
A. naririnig B. nagsusulat C. nagsasalita D. nagbabasa
1 | MTB-MLE 3
10. Ang mag-anak ay ___________ sa Puerto Princesa Underground River sa susunod na
buwan.
A. mamimili B. maninisid C. maglalakad D. mamamasyal
11. Palaging _____________ ang mga Pilipino sa isa’t isa tuwing may kalamidad.
A. tumatawa B. tumitingin C. tumutulong D. tumatawag
12. __________ si Gng. Reyes sa kaniyang mga mag-aaral na manatili sa loob ng kanilang
bahay dahil sa bagong strands ng Covid 19.
A. Nanatili B. Nagpayo C. Nagtanong D.Namahagi
13. Si Charmela ay ___________ noong kaarawan ng aking kapatid.
A. kumanta B. kumuha C. kumaway D. kumain
14. _____________ ng entablado ang mga guro tuwing may programa sa paaralan.
A. Nagkakalat B. Nag-aayos C. Nagsasayaw D. Nag-uusap
15. _____________ nang malakas ang mga bata nang makakita sila ng payasong nagpapatawa.
A. nagsasalita B. naghahabulan C. nagtatawanan D. nagkakainan
16. Si Joshua ay ___________ ng basketball kasama ang pinsan niya.
A. namimili B. naglalaro C. nangunguha D. namimigay

Para sa bilang 17-23: Suriing mabuti ang pictograph at sagutin ang mga tanong.

17. Ilang mag-aaral ang pumili ng gawain sa pagsayaw?


A. 8 B. 12 C. 16 D. 18
18. Ilan ang sobrang bilang ng mga mag- aaral na pumili sa gawaing pagsayaw kaysa sa pag-awit?
A. 2 B. 4 C. 6 D. 8

19. Anong gawaing pagganap ang may pinakakaunting tala ng mag- aaral?
A. Awit B. Rap C. Tula D. Sayaw

2 | MTB-MLE 3
20. Tungkol saan ang pictograph sa itaas?
A. tao na lumahok sa pagtatanim.
B. mga pinutol na puno kada araw
C. mga puno na itinanim sa bawat araw.
D. tao na tumulong sa biktima ng kalamidad.
21. Ilang tao ang lumahok sa pagtatanim noong Huwebes?
A. 10 B. 20 C. 30 D. 40
22. Ilang tao ang lumahok sa pagtatanim sa araw ng Sabado at Linggo?
A. 100 B. 110 C. 120 D. 130
23. Sa iyong palagay, bakit araw ng Sabado ang may pinakamaraming naitanim na puno?
A. Ang araw ng Sabado ay araw ng paglahok.
B. Ang araw ng Sabado ay araw ng pagtatanim.
C. Ang mga kalahok ay walang pasok sa paaralan at opisina.
D. Ang mga kalahok ay makatatanggap ng malaking sahod kung Sabado.

Panuto: Suriin ang ipinahahayag ng ilustrasyon.


Para sa bilang 24-25

24. Ano ang ibig sabihin ng markang ito?


A. Tawiran C. Bawal tumawid
B. Bawal tumakbo D. Bilisan ang pagtawid

25. Saan ito madalas makita?


A. kalsada B. ospital C. paaralan D. simbahan
3 | MTB-MLE 3
Para sa bilang 26-27

26. Ano ang ibig sabihin ng tatak na ito?


A. gamot B. juice C. lason D. lotion

27. Bakit mahalagang malaman ang kahulugan ng tatak o markang ito?


A. Para maitabi C. Para mapaglaruan
B. Para magamit D. Para maiwasan ang sakuna

Para sa bilang 28 – 30

28. Ano ang ibig sabihin ng tatak o marka sa letrang C?


A.Bawal uminom ng juice.
B. Bawal gumamit ng baso.
C. Bawal uminom ng softdrinks.
D. Bawal magdala ng inuming nakalalasing.
29. Ano ang ipinagbabawal sa marka sa letrang A?
A. Bawal sumisid
B. Bawal maligo
C. Bawal humiga
D. Bawal mag- dive
30. Ano ang kahalagahan ng mga tatak o marka na nabanggit?
A. Maiiwasan na maligaw.
B. Maiiwasan ang pagtaba.
C. Maiiwasan ang sakuna o disgrasya.
D. Makakakuha ng discount sa entrance fee.

4 | MTB-MLE 3
5 | MTB-MLE 3

You might also like