Pagsulat NG Larawang Sanaysay

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Larawang Sanaysay

“Pagpili ng kurso sa kolehiyo”

Tayo ay mga nilalang na puspos ng pangarap at


ambisyon, at ang ating mga mithiin ay
nagsisilbing gabay sa ating paglalakbay sa
buhay. Isang halimbawa ay ang maging
matagumpay na negosyante at CEO ng sariling
sariling kompanya. Upang makamit ito maaari
kang magtapos ng kursong Computer Science
upang maiangkop ang kaalaman sa larangan ng
teknolohiya sa hinahangad na negosyo.

Isang halimbawa ng interes ay programming


at kahusayan sa paggamit ng kompyuter. Ito
ay magiging malaking tulong sa mga
nangangarap ng magkaroon ng tungkulin sa
larangan ng teknolohiya. Ang mundo ng
teknolohiya ay patuloy na umunlad, at ang
pagkakaroon ng kaalaman sa larangan na ito
ay magiging isang mahalagang aspeto sa
pagpapatakbo ng isang negosyo. Bukod dito,
ang kakayahan na maging madiskarte at mahusay sa pagbabadyet ay makakatulong
din upang manatiling mahusay sa pagnenegosyo.

Ang iyong pamilya, mga kaibigan, at mga guro ay


malaking papel sa pagbibigay-inspirasyon at pag
gabay tungo sa iyong mga pangarap. Ang kanilang
mga payo at suporta ay nagbibigay lakas ng loob at
determinasyon na ipagpatuloy ang adhikain. Sila ay
nagsisilbing sandigan at magbibigay ng positibong
impluwensya sa buhay.
Sa pagpili ko ng kurso, para tayong
naglalakbay sa paghahanap ng paboritong
destinasyon. Una, nag-umpisa ako sa
paglilibot sa internet, tulad ng paglalakad sa
mga bangketa ng isang lugar. Naghanap ako
ng mga artikulo at impormasyon tungkol sa
aking napiling kurso at sinusubukan kong
maunawaan kung ano ang inaalok ng kurso
at kung paano ito makakatulong sa akin sa
hinaharap.

Parang pagpili ng sasakyan para


sa iyong biyahe. Kailangan mong
tingnan kung alin sa mga sasakyan
ang may tamang kapasidad at
kakayahan na magdala sa iyo sa
iyong paroroonan. Ganito rin
ginawa ko sa pagpili ng kurso,
isaalang-alang ko iyon ayon sa
aking mga interes at kasanayan
upang maging tama ang landas ko.

Sa huli, ang pagpili ng kurso ay tulad ng


pagpili ng pundasyon ng isang gusali.
Kailangan itong maging matibay at
tumugma sa aking mga pangarap at
layunin. Kung hindi mo mabuo ng
maayos ang pundasyon, maaaring
magdulot ito ng mga hadlang sa aking
pag-unlad. Kaya't naging maging
maingat sa pagpili, upang ang aking
desisyon ay magbukas ng mga bagong
oportunidad at tagumpay sa hinaharap.
Lahat tayo ay may pinagdadaanan sa buhay,
isa rin sa mga epekto ng pinagdadaanan ng tao
ay ang pabago bago ng tatahaking kurso sa
kolehiyo na parang ito ay isang problema kung
anong daan ang pipiliin sa dalawang kalsada.
Maraming hadlang sa pagpili ng tamang kurso,
kasama na rito ang ating sarili, at ang ating
pamilya.

Halimbawa nito ay ang pangarap ng isang


tao na maging isang doktor. Ngunit sa
kabilang banda, ang isa sa mga halimbawa
ng pagsubok sa pagkamit nito ay maaaring
sariling nararamdaman sapagkat mahaba
ang kailangang tahakin upang maging
doktor, at kinakailangang mag-aral sa mas
mahabang mga taon. Sa bigat na kapalit
nito, hindi lahat ay may kakayahan o may
kagustuhan ng mag-aral sa matagal na
panahon, sapagkat malaking pagpigil din
ang kawalan ng interes sa pag-aaral o di kaya’y masyadong mahal ang pagtahak sa
kurso nito.

Kung hindi naman ang personal na


nararamdaman, ito rin ay marahil dahil sa
pagpigil rin ng kapamilya. Sa ngayong panahon,
mas iniisip ng isang pamilya na pumili ng kursong
tatahakin para sa kanilang anak o kapamilya sa
kung saan mas praktikal, mas madali at mas
mura, at higit sa lahat, ay kung saan mas mataas
ang sweldo. Isa na sa halimbawa nito ay ang
kursong teknolohiya, hindi lang dahil mataas sweldo nito kundi mas in-demand din ito
dahil sa modernisasyon. Isa pa, marami rin ang nagsasabi na madali at may benepisyo
ang pag-aaral ng teknolohiya.

You might also like