Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

MGA TAUHAN:

- Wife

- Husband

- Anak

- Boss

- LGBT couple (1 na lang need since yung isa yung hubby na)

- Mga chismosa (2)

- PULIS (2)

- Marites na relatives (2)

SCENE 1: HOUSE SETTING

Sa isang simpleng tahanan, makikita si husband, wife, at ang kanilang anak na masayang naglalaro sa sala.

WIFE: Ang saya talaga kapag kumpleto ang pamilya no. ( Habang nakatingin sa anak na masayang
naglalaro )

HUSBAND: Oo nga, masaya talaga. ( Tumitingin sa kanyang phone at nagtype ng mabilis )

Biglang nagvibrate ang phone ni wife at may dumating na text message. Hindi sinasadyang makita ni wife
ang message.

WIFE: " See you later, baby?" Ha, sino 'to?

HUSBAND: (Nagulatat nagkunwaring kalmado parin). A-umm wala yan, katrabaho ka lang yan. Nangaasar
lang 'yan.

WIFE: ( Tumango nalang pero sa loob loob iniisip parin ang nabasa )

SCENE 2:

SETTING: Sa kalsada. (SINUNDAN NI WIFE SI HUSBAND NA PATAGONG NAGMAMADALING UMALIS NG BAHAY)

WIFE: ( Nag iisip ) Bakit kaya hindi niya ako sinabihan na aalis siya? san kaya siya pupunta? ( Sinundan si
Husband)

* Dalidaling umalis si husband. Sumunod naman si wife hanggang sa makarating sa isang bahay na di
familiar sakanya. Nakita ni wife na may babaeng sumalubong sa kanyang asawa.

WIFE: ( Nasasaktan, Galit, at Naiiyak ) Hindi nga talaga nag kamali ang kutob ko, meron talagang mali.
Niloloko niya ako.
SCENE 3. ANG PAGKOMPRONTA

SETTING: Sa bahay kung san nag kikita ng palihim si husband at mistress. Lumapit si Wife kay husband na
umiiyak

(HINDI MUNA PAPAKITA MUKHA NI KABIT FOR THE PLOT NI CJ)

WIFE: (Sumisigaw) Ano 'to? Sino ka ha? ( tinuturo ang kabit)

CHISMOSA 1: Huy teh tignan mo yon oh, mukhang may mag aaway.

CHISMOSA 2: Teh, kabit ata?? grabe naman yan. Nakakahiya ( Nagbubulungan)

HUSBAND: ( Nagulat ) Ano ba?? Ba't ka nandito?

WIFE: ang kapal ng mukha mo (sabay turo sa kabit) sa may asawa ka pa talaga pumatol!!

HUSBAND: (inaawat si wife) Sorry, hindi ko sinasadya.

WIFE: ( Lumayo ) Wag ka lumapit sakin, dimo na nirespeto ang pamilya natin. Napakawalang hiya mo!
Wag na wag mo na kaming lalapitan ng anak ko!!

SCENE 4:

Setting: Sa bahay.Mag isa si wife at naglalasing. ( Kitang kita na talagang nasasaktan siya )

WIFE: Pano mo nagawa sa'kin to? ( Umiiyak at naiinis)

SCENE 5

SETTING: SA TRABAHO. KINAKAUSAP NG BOSS SI WIFE.

BOSS: Ilang araw ka nang hindi pumapasok, at kung nandito ka man, hindi mo ginagawa ng maayos ang
trabaho mo. Wala na akong magagawa kundi tanggalin ka. I'm sorry, but you're fired.

WIFE: (Malungkot) Naiintindihan ko, sir. Pasensya na po.

* DAHIL SA SABAY SABAY NA PROBLEMANG KINAHARAP NI WIFE, NAPAPABAYAAN NA NIYA ANG KANILANG
ANAK

SCENE 6

SETTING: BAHAY NG LGBT COUPLE

LGBT 1: Babe, nakakainggit yung mga pamilya na may anak no. Gusto ko rin na magkaanak tayo

LGBT 2: Alam mo babe iniisip ko rin yan, pwede naman tayong mag adopt.

LGBT 1: Sigurado kaba?


LGBT 2: Oo naman. Mas masaya kaya na mag karoon na tayo ng pamilya.

LGBT 1: Sige, pwede tayo bumisita sa mga bahay ampunan.

*Bahay pa rin but with fam

Marites 1: hello couz, (sabay beso) kumusta ang buhay may asawa?

LGBT 1: eto, masaya lalo na at mahal na mahal namin ang isa't-isa. Balak na nga namin magkaroon ng
anak (sabay tingin kay hubby and smile)

Marites 2: (sarcastic laugh) anak? Eh hindi naman kayo mabubuntis, anong pinagsasabi mo (tawanan with
marites 1)

Marites 1: oo nga, tsaka kaya niyo bang buhayin yung bata? Baka maghanap ng nanay yan (tawa + apiran
with marites 2)

LGBT 2 mukhang inis na tapos inaawat siya pasimple ni LGBT 1

LGBT 2: Mag aampon kami. Kaya naman namin siyang buhayin at mamahalin namin siya na parang tunay
na anak namin.

SCENE 7

SETTING: SUGALAN ( UMIIYAK ANG BATA )

WIFE: Ano ba ang iniiyak iyak mo jan? Kaya natatalo e, malas!

BIGLANG MAY DUMATING NA MGA PULIS

P1: (pito) arestado kayong lahat!

*Magkakagulo pero mahuhuli sila

*While nasa presinto..

P1: ikulong niyo na yang mga yan

Mother: boss baka naman pwede natin pag usapan to, hindi ako pwedeng makulong. Walang mag aalaga sa
anak ko

P1: sana inisip mo na yan dati pa. Dadalhin sa bahay ampunan ang anak mo, panigurado maalagaan siya ng
maayos don.

SCENE 8

SETTING: BAHAY AMPUNAN

LGBT 2: hello, good morning. Andito kami para magtanong kung paano ang proseso sa pag ampon? Gusto
kasi naming magkaroon ng anak ng asawa ko
Dswd: good morning sir. Kailangan niyo po magpasa ng ng dokumento. Mag file kayo ng application for
adoption, and other proofs that you're mentally and financially capable to adopt and raise the child.
Kailangan niyo rin mag attend ng seminar para matutunan lahat ng pwede niyong malaman abt adoption.
Eto ang mga form na kailangan ninyo ifill-up at ipasa sa amin.

LGBT 1: gaano katagal po ang process?

Dswd: it will take 9 months or longer. Kailangan din namin bumisita sa bahay ninyo to observe and make
sure na maayos ang kalalagyan ng bata

*Magpapasa reqs

*Homecvisit and assessment

DSWD: call good morning. Good news po, na approve na ang application ninyo. Pwede po kayo pumunta
dito anytime para makilala ang mga bata

LGBT: talaga po? (Tuwang-tuwa) Pupunta na kami dyan. Maraming salamat!

*Meet&greet sa mga bata then pipili ng aampunin

*Magpapaalam na and uwi na sila sa bahay

*Papakita na yung happy moments nila as family. Start nung baby hanggang sa lumalaki na siya

After 7 yrs..

SETTING: HARAP NG BAHAY

*May girl na dadating, naka red dress with maleta HAHAHAHAHAA jk

Girl: (tingin sa papel then sa house) dito yun.. nandito ang anak ko (pindot doorbell or katok na lang kung
wala doorbell)

LGBT 1: hi. Sino po sila?

Girl:(napapaisip na dito kasi mukhang familiar yung kausap niya) ditp ba nakatira si name ni daughter?

LGBT 1: Dito nga. Sino sila?

*Biglang dating sa asawa & anak

D: daddyy, punta na tayo sa playground. (Stops and makikita si girl)

LGBT 2: alis na tayo, sino kausap mo?

(Stops and makikita si girl tapos magugulat sila)

Girl: kayo ang umampon sa anak ko?

(Papakita flashbacks nung confrontation na may kabit si mister)

You might also like