Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

GRADES 1 TO 12 Paaralan SAN MARIANO NHS Baitang 8

DAILY LESSON LOG AND PLAN


(Pang araw-araw na Tala Guro REMELYN BOCALA Asignatura FILIPINO
sa Pagtuturo)
Petsa/Oras MAY 8, 2024 7:30- 8:30 ( NARRA ) Markahan IKAAPAT

I. LAYUNIN
Naipamamalas ng mag – aaral ang pag – unawa sa isang dakilang akdang pampanitikan na
A. Pamantayang Pangnilalaman mapagkukunan ng mahalagang kaisipang magagamit sa paglutas ng ilang suliranin sa lipunang Pilipino sa
kasalukuyan.

Ang mag -aaral ay nakabubuo ng makatotohanang radio broadcast na naghahambing sa lipunang Pilipino
B. Pamantayan sa Pagganap
sa panahon ni Balagtas at sa kasalukuyan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto - Naipahahayag ang sariling pananaw at damdamin sa ilang pangyayari sa binasa. F8PS-IVa-b-35
Isulat ang code ng bawat kasanayan - Nailalahad ang mahahalagang pangyayari sa napakinggang aralin. F8PN-IVc-d-34

II. NILALAMAN FLORANTE AT LAURA: Aralin 4 “Si Adolfo” Saknong 207-231

III. KAGAMITANG PANTURO


A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro Florante at Laura. Ang Batikan Bolyum XVIII Blg.4
2. Mga pahina sa Kagamitang
Pang-Mag-aaral
Florante at Laura ni Criselda B.Bautista at Rommel C. Domingo Ed.D 2005
3. Mga pahina sa Teksbuk
Pahina
4. Karagdagang Kagamitan mula
Https://www.coursehero.com/file/128610190/Banghay-Aralin-Florante-at-Lauradox/
sa portal ng Learning Resource
TV, Laptop (powerpoint presentation), pentel pen, colored paper, manila paper at iba pang instructional
B. Iba pang Kagamitang Panturo
materials
IV. PAMAMARAAN
A. Balik- Aral sa nakaraang aralin at/o Gawain 1: BAWAL JUDGEMENTAL
pagsisimula ng bagong aralin. Panuto: Pupunta sa harap ang dalawang mag – aaral na lalaki. Ibigay ang mga katangiang
nakikita sa inyong dalawang mag – aaral.
1. Anong mga katangian ang makikita niyo sa kanilang dalawa?

*ang guro ay magbibigay katanungan sa mga mag – aaral.

Gawain 2: “ Bubble Map”


Panuto: Gamit ang estratehiyang “ Bubble Map”, itala ang mga katangian ni Adolfo sa “manila
paper” na nakadikit sa pisara.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin Mga Katangian


ni Adolfo

*Ang guro ay magpapatala ng mga katangian ng mga katangiang meron pangunahing tauhan sa kwento*

Gawain 3: 4 Pics-1 Word


Panuto: Papangkatin sa apat (4) ang mga mag - aaral. Huhulaan ng bawat pangkat ang ibig
sabihin ng larawan gamit ang mga nagkagulong letra. ( 5 puntos bawat tamang sagot).

1. Sagot: Antenor- ang guro ni Florante sa Atenas.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin
2. Sagot: Florante- ang bida/ pangunahing tauhan ng Florante at Laura.
3. Sagot: dula- isang uri ng panitikan. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang
tanghalan o entablado.

4.Sagot: peke- isang manloloko

5. Sagot: Matematika- isa sa mga pinag-aralan ni Florante sa Atenas.

6. Sagot: Adolfo-ang kontrabida o katunggaling tauhan ng kwento.

*Ang guro ay maghahanda ng mga larawan upang mahulaan ng mga mag – aaral.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan Gawain 4: HUMANDA KA!
#1 Panuto: Sa loob ng 5 minuto, sabay – sabay na babasahin ang buod ng Aralin 4: “Si Adolfo” ng
tahimik. Pagkatapos maghanda para sa ilang mga katanungan tungkol sa tinalakay.

Gabay na mga tanong:


1. Sino si Adolfo? Anong katangian meron siya?
2. May katwiran ba ang pag sama ng loob ni Adolfo kay Florante? Bakit?
3. Sino ang tumulong kay Florante na muntikan na syang mataga ni Adolfo?
4. Kung makakausap mo si Adolfo, ano ang sasabihin na makakapagbabago sa puso nya na puro
galit, inggit at selos?
5. Sa iyong palagay, kung hindi nag – aral si Florante sa Atenas, mangyayari ba sa kanya ang mga
mapapait na sinapit nya sa kamay ni Adolfo? Buhay pa kaya sana si Duke Briseo na ama ni
Florante?
*Ang guro ay magbibigay mga kopya ng buod sa bawat estudyante upang maintindihan ang aralin.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at


paglalahad ng bagong kasanayan
#2
F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo Gawain 6: TECH ME
sa Formative Assessment) Panuto: Gumawa ng Dalawang (2) Pangkat. Bawat pangkat ay may kanya – kanyang
gagampanan.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Paglalahad ng mensahe …….5
Kalinawan ng pag – uulat …...5
Pagkamalikhain ………………5
Pagtutulongan ………………..5
Kabuuan …….. 20
Pangkat 1: Isadula ang mga pangyayari ayon sa tinalakay.
Pangkat 2: Gumawa ng Tula tungkol sa “kaaway” na may tatlong (3) saknong o higit pa.
*Ibibigay ng guro ang mga Gawain ng bawat pangkat.

Gawain 7: Pagpapahalaga
Panuto: Ilahad ang iyong sariling opinion.

G. Paglalapat ng aralin sa pang araw- 1. Sino na ang nakaranas ng matinding pag selos, paano ninyo ito nalampasan?
araw na buhay 2. Ano ang kinahitnan o dulot sa buhay o sarili nyo kung mayroon kayong galit sa kapwa nyo?
3. Ano- ano ang mga katangian ni Konde Adolfo ayon sa tinalakay?
4. Anong aral ang natutunan nyo sa ating tinalakay?

Gawain 8: Hulaan Mo!


Panuto: Pakinggan at unawaing mabuti ang katanungan at sagutin ito sa pamamagitan ng pagtaas
ng mga kamay at mataas na tinig.

1. Nakilala ni Florante si Adolfo sa ____________.


2. Sa loob ng anim na taong pag – aaral ni Florante ay nahigitan niya si ____________.
H. Paglalahat ng Aralin 3. Ang guro nina Florante at Adolfo ay si ___________.
4. Kaibigan ni Florante ay si_________
5. Nagpanggap na mabait at mahinhin si ________ upang makuha ang simpatya ng mga kaklase
at
mga guro nya.

* Pagbibigay ng sariling pagkakaunawa.


Gawain 9: PILIIN MO AKO!
Panuto: Basahin at unawaing mabuti. Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Siya ang ina ni edipo, na ginagampanan naman ni Menandro.


a. Yocasta b. Adolfo c. Florante d. Edipo

2. Si _______ ginagampanan ni Florante.


a.Polinese b. Etiocles c. Edipo d. Yocasta
I. Pagtataya ng Aralin
3. Isang palatuntunan sa eskwelahan ang ginawa ng mga pangunahing tauhan.
a. Sayawan b. tugtugan c. espadahan d. Dulaan
4. Si ____ ang ginagampanan ni Adolfo.
a. Edipo b. Yocasta c. Polinese d. Menandro

5. Ilang taon nag – aral si Florante sa atenas ng mahigitan ni Adolfo kaya’t lumabas ang tunay na kulay
nito?
a. 10 taon b. 6 na taon c. 5 taon d. 4 na taon
Gawain 10: “Kasunduan”
Panuto: Ibigay ang mga kahulugan ng mga talasalitaan tungkol sa ating tinalakay na pinamagatang “Si
Adolfo”. Bigyan ng mga pangungusap ang bawat talasalitaan.

*kabaguntauhan
*pinopoon
J. Karagdagang gawain para sa *magaso
takdang-aralin at remediation *mabini
*natarok
*kinamulatan
*malasapan
*natanto
*nagsipaggilalas
*binalatkayo
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha
ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan
ng iba pang gawain para sa
remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation?
E. Alin sa mga istratehyang
pagtuturo nakatulong ng lubos? Paano
ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong ng
aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?

Inihanda ni:
REMELYN A. BOCALA
Gurong Nagsasanay

Iniwasto nina:
VERNANDINA M. BAGSIT
Gurong Tagapagsanay

CHERISH JOY G. DE GUZMAN


Master Teacher I

JON JON M. DE GUZMAN


Pang-ulong Guro I

Napag-alaman ni:
RICKY A. APOSTOL
Punungguro IV

You might also like