Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Topic: Give up for Tomorrow

Title: Dilim sa Umaga

Laban o susuko?

Lahat tayo’y may iba-ibang pananaw sa sa buhay. Maraming mga problemang kusang
dadating na hindi natin inaasahang mangyari. Parang magnanakaw lang na hindi nagpapaalam sa
gayo’y hindi tayo nakahanda. Mahirap mabuhay pero mas mahirap kapag hindi mo ipinaglaban ang
buhay na binigay sa iyo ng Maykapal.

Patayan dito, barilan doon, mga pangyayaring karapatdapat bigyan ng pansin. Parang ikaw
ay nakulong ni walang karapatang magsalita. Luha at dugo ang dumadaloy sa iyong katawan na
walanag kalaban-laban. Gusto mong makalabas ngunit wla ng paraan, wala ng paraan at pag-asang
masulosyonan pa sigalot na nararanasan.

Lahat tayo’y naghahangad ng hustisya para sa mga kababayan nating biktima. Sa


katunaya’y gagawin na ang lahat upang ang gusto’y makuha. Kahit pumasok pa sa karayom gagawin
na. Buhay ang nawala, buhay din ang papalit.

Nakakalungkot isipin, wala ng pag-ibig na makikita sa bawat isa. . Maging ang karamihan sa
mga Pilipino ay kayang beripikahin ang hindi pantay na hustisyang umiiral sa ating bansa. Binabasi
sa katayuan ang pagtrato. Dahil lamang sa pera ay nagkakaalitan minsan ay napagbintangan
lamang. Inaabuso na lamang ang mga taong walang kaalam-alam.

Ngunit sa pagpapairal ng mga batas, wala ng sinasanto. Buhay ay nawabusi , buhay ay


nawawala. Ang tuwid sanang landas ay napalitan ng paliko-likong pamamalakad. Walang taong
perpekto ngunit dapat pantay –pantay ang pagtrato ng bawat isa kapus man o may pera. Ang batas
na ipinaiiral para sa mga mamamayan ay nawawalan ng importansya. Kahit walang kasalanan ay
pinaparusahan at nabilanggo ng tuluyan.

Gising kaibigan, sa katotohanang nailahad. Huwag mag bingi-bingihan at mag-aalinlangan.


Hawak kamay at sama-sama nating ipaglaban at lumaban sa kadliliman paparating. Patuloy parin nating
ipagpatuloy ang ating buhay kahit mahirap at gusto mo ng sumuko sa sigwang dumating sa isa’t-isa.
Ihanda ang iyong boses at isigaw ang hustisyang nararapat na hindi noon na aksyonan.

Sana ay may liwanag pang matatanaw at mabaon nalang sa hukay ang mga ala-alang
nakakadurog ng puso sa bawat sandaling sumapi sa isipan. Nagsusumamo at nanalangin na sana’y
masulosyonan ang bangungot na nagdaan.

Home University High School Books

You might also like